Share

Chapter 13

Nakatanaw lamang ako sa dagat at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Malapit lang kase sa dagat ang bahay na tinutuluyan namin ngayon ni Allen. Mas malapit ito kumpara sa bahay nina celestine sa Cagayan. Kase talagang napakalapit lang sa dagat. 

            

Napapikit ako ng mata ng mas lalong humangin nang malakas at sa pagmulat ng aking mga mata ay ang tila pagbabalik ko sa reyalidad. Napaisip ako kung ano ang nangyari kahapon sa araw na dapat gaganapin Ang aking kasal namin ni Eric.

            

Nakapatay kase ang phone ko mula pa kahapon para hindi ako matawagan nina mommy. Siguradong galit na galit na si mommy dahil sa nangyari. Pero hindi ako nagsisisi sa aking ginawang pagtakas dahil ayokong matali habang buhay sa taong hindi ko mahal. Hindi ba nila alam na wala silang karapatan para diktahan ako sa kung sino ang taong dapat kung mahalin at kung sino ang hindi. Sakal na sakal na ako sa kanila at hirap na hirap na ako kaya tama lang itong aking ginawa. I'm sorry mom and dad pero pinili ko lang kung saan ako sasaya. Ngayon lang ako nagmahal nang ganito kaya naman pipiliin ko sa kung saan ako masaya. 

            

"Diana," biglang rinig kong wika ni Allen kaya napalingon ako sa kanya na kadarating lang sa aking kinaroroonan. 

            

"Tila malungkot ka," wika nito at niyakap ako mula sa akiing likuran. Samantalang, ipinatong naman niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

            

"Napapaisip kase ako kung anong nangyari kahapon."

            

"Nagsisisi ka ba na ginawa natin to?" tanong niya na agad kong ikinailing.

   

"Of course not. Kailanma'y hindi ko pagsisisihan na tumakas ako sa kasal ko. Makapiling lang ang taong mahal ko. Gaya ng pinangako ko sayo noon na kahit kailan ay hindi ako bibitaw sa kung ano man ang meron tayo. At lahat ay gagawin ko makasama ka lang kahit na ang katumbas no'n ay ang pagkakasala sa aking mga magulang," wika ko at hinarap siya ng may ngiti sa aking mga labi.

"You're the most wonderful thing that has ever occurred to me. You unexpectedly entered my life at a time when I was steadily losing myself. Not until I met you did I realize how empty I was. Allen, you brighten my day. You are my universe, my strength, and my light. It seems as if we were meant to cross paths."

         

"Ako rin Diana. Handa akong gawin ang lahat para sayo dahil mahal na mahal kita," wika niya at niyakap ako nang mahigpit. 

            

"And if loving you was a crime. Then, I'm willing to commit it," I said and I intertwined our hands. Mayamaya'y humiwalay ako sa kanya.

            

"Maybe let's savor every moments we have," wika ko at hinila siya sa dagat. Winisikan ko ito ng tubig at ganun din siya.

            

"Ah gusto mong maglaro ha," wika niya at may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Kaya naman lumayo ako sa kanya at mas pinagbutihan ang pagwisik ng tubig sa kanya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at agad na hinigit papalapit sa kanya. Halos maputol ang aking hininga dahil sa napakalapit ang aming mukha sa isa't-isa at ilang pulgada lang ang layo ng aming labi. We stared at each other and I can feel my cheeks are getting hot. And I think, my face was already red as tomatoes.

            

Mas lalong inilalapit ni allen ang kanyang mukha sa akin at alam ko kung anong mangyayari na siyang mas lalong nagpapatibok ng mabilis ng aking puso. Ilang pulgada na lang ay maglalapat na ang aming mga labi. Pero bigla kong inilapat sa kanyang labi ang aking daliri na siyang nagpahinto sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at nangungusap ang kanyang mga mata. Napangiti naman ako at tumakbo patungo sa dalampasigan na tila mas nagpagulo sa naguguluhang si allen. Pero agad din naman siyang sumunod sa pag-ahon.

           

"Lagot ka sa 'kin ngayon. Lapit na eh," wika niya at nang makaahon na siya nang tuluyan ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Pero agad din naman niya akong hinabol. At dahil mabilis siyang tumakbo ay naabutan niya ako.

           

"Huli ka," wika niya at niyakap ako nang mahigpit. Humarap ako sa kanya habang yakap-yakap niya ako at mabilis siyang ginawaran ng halik sa labi na hindi niya inaasahan. His eyes got wide open and his jaw dropped.

           

"I love you," wika ko at dahil sa pagkagulat ay lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Kaya mabilis akong kumawala at tumakbo.

           

"Diana," wika niya nang tila nahimasmasan na ito at tumakbo. Hanggang sa masabayan niya ako ng tumigil na ako sa pagtakbo at naglalakad nalang.

           

"Bakit naman gano'n?" tanong niya sa akin. Kaya napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya.

           

"About what?" maang-maangan kong tanong sa kanya.

           

"Don't play dumb Diana. Alam mo kung ano yung tinutukoy ko."

           

"Oh about the kiss?" I slightly laugh and smile. I leaned closer to him and I was just about to tease him when he suddenly crashed his lips to mine. And I feel like I was drowning to his deep kisses so, i respond because I can't resist it. It was a passionate one.

Nakangiti kaming pareho nang maghiwalay ang aming mga labi at pinagdikit ang aming mga noo habang habol ang hininga.

           

"I love you." He whispered and kissed my forehead.

            

"I love you too," I respond and leaned my head on his firm chest. Nanatili pa kami sa dagat ng ilang minuto bago namin napagpasyahang bumalik na sa bahay dahil nilalamig na rin kami. Dahil sa malamig na ihip ng hangin.

            

At ngayon ay nasa harapan ako ng salamin at nakatingin sa aking repleksyon. Hindi pa rin mawala-wala sa aking mga labi ang nakapaskil na ngiti dahil sa nangyari kaninang umaga. It's one of the best moment of my life. 

            

Mayamaya'y bumukas ang pinto ng kwarto na kinaroroonan ko at iniluwa si Allen. Lumapit ito sa akin at agad na ginawaran ng halik sa aking noo. I find it romantic whenever a man kisses his lover's forehead.

            

"Dinner is ready," wika niya. Kaya tumayo na ako at sabay kaming nagtungo sa kusina pero laking gulat ko nang makitang walang pagkain sa lamesa.

            

"You said dinner is ready. Then, where's the foods?" 

            

"It's a surprise so, I need to put blind fold on you." Napatango naman ako at piniringan ako.

            

Ilang sandali lang ay nagsimula na kaming maglakad at wala akong ideya kung saan kami patungo. Pero pakiramdam ko naglalakad kami palabas ng bahay. Makalipas ang ilang lakaran ay huminto na kami sa paglalakad.

"Nandito na tayo," wika niya at tinanggal na ang piring pero sa kanya ako nakaharap. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at unti-unting iniharap sa lamesa na nasa aking likuran. Halos malaglag ang aking puso nang makita ang sorpresang tinutukoy niya.

            

"Sana magustuhan mo," wika niya at napakamot pa sa kanyang batok.

            

Smile is plastered on my lips as I look around. There's this round table between two chairs full of different foods. Meron din dalawang kandila at may mga bulaklak pa. At mayroon din mga pailaw sa damuhan na kinaroroonan namin. Ngayon ko lang napagtanto na nasa mini garden pala kami ng bahay. 

            

"I love it." Agad naman siyang napangiti sa aking tinuran at ako naman ay napayakap sa kanya. 

            

"Thank you so much."

            

"Basta para sayo," wika niya at ipinaghila na ako ng upuan. Umupo na rin siya sa katapat kong upuan at syempre, nagdasal muna kami bago kumain.

            

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan hanggang sa matapos ang aming dinner time. It was romantic for me kahit na simple lang and again it's one of the best moment in my life. We started our day with a beautiful money and end our night with a memorable moments that I will surely treasure.

                                                      

                                  ~~~

            

Sa sumunod na araw ay biglang dumating si celestine sa tinutuluyan namin.

   

"Celestine," wika ko at agad siyang hinagkan.

            

"Celestine mabuti naman at napadalaw ka," wika naman ni Allen at lumapit sa amin.

            

"Yes and I'm sorry kung ngayon lang ako dumating. Marami kasing nangyari this past few days and Diana, I have something to tell you," she said and my heart suddenly beats fats.

            

"What is it?"

            

"It's about tita," she said referring to my mom.

            

"What about mom?" 

            

"She's ill. She collapsed when she learned that you escaped and she's not in a good condition. Hindi na rin siya kumakain. Naka-confine siya ngayon sa hospital kase nag-collapsed na naman siya. I don't want to say this but I think you need to see her." Napatingin naman ako kay Allen at nginitian niya lang ako. Kahit na hindi maganda ang pagtrato sa akin ng mga magulang ko ay hindi ko parin nanaisin na may masamang mangyari sa kanila. I still love them because they are my parents. 

            

"I'll gonna visit her. Sasama na kami ni Allen, pabalik sa Manila" wika ko at tumango naman si Celestine. Kaya nagtungo kami ni Allen sa kwarto at iniayos na ang aming mga gamit.

            

"Akala ko kaya kong talikuran sila pero hindi pala," I said and sat down on the bed.

            

"Hindi mo kaya kase mahal na mahal mo sila at wala namang masama doon." Umupo siya sa aking tabi at niyakap. Inihilig ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat. 

      

"Paano kung pakulo lamang ni mommy ito para muli nila akong makuha?" wika ko at alam kong maaari ngang nagpapanggap lang si mommy.

            

"Pero si Celestine na mismo ang nagsabi na hindi maganda ang kondisyon ng mommy mo," wika niya. Kaya napatango nalang ako at ipinagpatuloy ang pag-eempake. Nang tapos na kaming mag-empake ay lumabas na kami ng kwarto.

            

"Let's go," wika ni Celestine. Lumabas na kami ng bahay at agad na sumakay sa sasakyan.

                                                                          

Ilang araw pa lang nang pananatili namin ni Allen ng magkasama malayo sa mga taong hadlang sa amin ay heto na naman kami. Hindi ko alam kung kailan kami magsasama ni allen ng tahimik at hayaan kaming magsama. 

          

Naramdaman kong hinawakan ni Allen ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. 

            

"Huwag ka na naman mag-isip pa ng kung ano-anong mga bagay," wika niya. Nginitian ko ito at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. Sana lang maging maayos na ang lahat sa pagbabalik namin. Sana tanggapin na nina mommy na si Allen ang mahal at gusto kong makasama. Hindi si Eric.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status