Share

Chapter 23

"I'm so sorry Allen," bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa isa niyang kamay at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Natutulog siya ngayon kaya malamang hindi niya ako naririnig at nakikita akong luhaan dahil marahil ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya. Babalik na ako sa mga magulang ko kapalit nang pagsagot nila sa lahat nang magiging gastos para sa operasyon niya. Alam kong hindi magugustuhan ni Allen ang desisyon kong Ito kapag nalaman niya pero wala na akong pagpipilian pa. Masakit para sa akin na gawin ito. Na iwan siya sa ganitong sitwasyon at pagkakataon pero kailangan kong gawin ito dahil para sa kanya rin naman ito.

"Diana." Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha nang magising si Allen at nginitian siya.

"Gising ka na pala. Anyway, Good morning," wika ko at hinaplos ang kanyang pisngi. At sa hindi inaasahan ay nagsituluan na naman ang aking mga luha dahil hindi ko ito mapigilan.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya at mabilis na hinawakan ang aking magkabilang pisngi. At ko naman ay pilit umiiwas na magkatagpo ang aming mga mata. Tila wala akong lakas ng loob na tumingin sa kanyang mga mata dahil sa gagawin ko. Na alam kong makakasakit sa kanyang kalooban. 

"Diana, what's wrong?" Umiling ako sa kanyang tanong bilang sagot na walang problema pero alam kong hindi siya kumbinsido.

"It's just that I'm worried about your upcoming operation. What if things will not work? I'm afraid I'm gonna lose you," wika ko at napatingin sa kanya. Pinunasan naman niya ang aking mga luhang lumandas sa aking pisngi at mahigpit na hinawakan ang mga kamay.

"Magiging maayos din ang lahat. Magiging successful ang operation ko at babalik na ulit tayo sa dati na magkasama sa apartment. At gawin ang mga bagay na madalas nating ginagawa," wika niya at napatango na lamang ako. At napayakap sa kanya. I want to feel his arms around me and feel his body against me for one last time. Dahil maaaring ito na ang magiging huling yakap na mararanasan ko sa kanya at gusto ko na itong sulitin.

"Allen," wika ko habang magkayakap kami.

"Hmm?"

"W–What if dumating 'yong time na iiwan kita dahil kinakailangan at wala na nang kasiguraduhan pa na makakabalik ako. Mapapatawad mo ba ako o hindi?" tanong ko at tumingila upang makita ang kanyang reaksyon. Napakunot ang kanyang mukha dahil alam kong hindi niya inaasahan na magtatanong ako tungkol sa ganoong bagay.

"Allen I want to know your answer," wika ko at siya naman ay napaisip nang malalim.

"I don't know since I can't imagine or vision a scene that you're going to leave me behind because I know that you're not going to do it. We've promised to each other to stay together no matter what the struggles or problems that comes in between us. However, I'm curious that you're asking me this question. I feel like there's something wrong that's going on but you're not telling me about it. I would like to know if there's more behind the question you've asked me," wika niya at tila may bumara sa aking lalamunan kung kaya't hindi agad ako nakapagsalita dahil sa kanyang mga sinabi. Should I tell him about my plan or just gonna leave him behind not knowing anything.

"I'm just curious with your answer and reaction about it. Don't take it too seriously. I mean we've already been through a lot. From ups and downs and we're still here going strong. So, I don't think that I can just leave you behind as if like a nothing. I love you so much that I am willing to do everything for you no matter it takes," I said and hugged him even more. However, I just sugar coated some of the things that I have just said. And I do really feel sorry for that. I'm so sorry Allen if I'm going to betray you. I know we've promised that we won't leave and give up on each other but things have changed. I need to do a decision where you're not part of it. I have just realized that sometimes you have to make a decision without even thinking the other possible outcome of it more than the outcome you gave in your mind because you're in a desperate situation. And it's not easy to make a tough decision in a tough time because it takes a courage to do it. 

"But you're making me feel nervous with it. I feel like something is not right," wika niya at ang konsensyang bumabagabag sa akin mula pa kahapon ay muling nadagdagan. I feel like I'm about to lose myself.

"I'm sorry. Anyway, you have to take your breakfast now and prepare for your operation later," wika ko at mabilis na inihanda ang mga pagkain na kakainin niya. Nakatingin lamang ako sa kanya habang kumakain at inaalalayan siya. 

At nang lumipas ang ilang oras ay dumating si Celestine. "So, are you ready with your operation, Allen," tanong niya kay Allen na siyang sinagot naman ng isa.

"Oo at ilang minuto na lamang ay pupunta na ako sa operating room." Nakangiting saad ni Allen samantalang ako ay kabaliktaran ang reaksyon. Don't get me wrong. I was happy that he's going to have his operation but I'm also feeling the other way around because after he enters the OR. I'll be leaving him behind and just gonna disappear as if I was like a bubble that disappear without a notice.

"Good luck sayo," wika ni Celestine at mayamaya lamang ay pumasok na sa silid na kinaroroonan namin ang ilang mga nurse. At doctor para kunin si Allen at dalhin sa operating room.

"Be strong and promise me that you're coming back," wika ko habang inihahatid namin siya sa OR.

"I promise so, wait me," wika niya at tumango naman ako bago siya tuluyang ipinasok sa OR. Samantalang kami ni Celestine ay naiwan na sa labas.

"So, you're really going to leave him?" tanong sa akin ni Celestine at ilang saglit namayani ang katahimikan sa aming dalawa bago ako nagsalita.

"Y–Yes. Kahit masakit at mahirap para sa akin na iwan siya ay gagawin ko kung kalakip naman nito ay ang maligtas siya. He needs an urgent operation and it costs alot of money which I don't have as of the moment. But mom is offering a deal and I did took it because I'm desperate for money to assist for his operation. I just hope that he's going to understand me and forgive me for what I did."

"Cuz."

"Huwag kang mag-alala sa akin dahil magiging maayos ako. Pero sa ngayon, gusto ko sanang humingi ulit sayo ng pabor. Please, look after him for me because I won't have a chance to do it anymore. Please," wika ko at tumango naman si Celestine kaya napayakap ako sa kanya. At agad din na kumalas.

"I have to go now. Please take good care of him for me," muli kong wika at bumuntong hininga muna bago naglakad paalis. At bawat hakbang ko ay mabibigat dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko lubos maisip na darating ako sa puntong iiwan ko siya. I wonder how hurt could it be for him if he find out that I was gone by his side. Sometimes you really need to sacrifice something in the name of love and for the person you love. Because love is not just about what you feel for that person rather it's also about what you can do good and sacrifice for him/her.

I'm sorry Allen kung ginawa ko 'to. I'm sorry kung aalis ako nang walang paalam. I'm really sorry dahil wawasakin ko ang pangakong ipinangako ko sayo at malabo nang mangyari pa. Kaya sana ay mapatawad mo ako. Hindi man sa ngayon pero sana balang araw.

                                    ~~~

Kinabukasan ay naging abala agad ako para sa nalalapit kong kasal kay Eric. At heto ako ngayon nasa aking kwarto at tinitignan ang mga designs ng mga wedding gowns na pagpipilian ko. Actually, mayroon na akong wedding gown. 'Yon sanang susuotin ko noon pero gustong palitan iyon ni mommy dahil baka hindi na naman daw matuloy ang kasal at gusto nilang ako ang pumili ng gown. Kaya heto ako ngayon nakahiga sa aking kama sa kwarto at tinitingnan ang mga wedding gown designs sa isang brochure ng designer na hinire ni mommy.

Mayamaya'y may biglang kumatok sa pinto ng aking kwarto kaya naman tumayo ako at naglakad patungo doon. At binuksan ang pinto. Bumungad naman sa aking harapan si Celestine kaya naman napayakap ako sa kanya.

"Celestine," wika ko at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya.

"Cuz," wika nito at pumasok sa aking kwarto. 

"Kumusta ka na?" tanong ko sa kanya nang maupo kami sa aking kama.

"Okay lang naman ako. Ikaw ba?" tanong naman niya.

"Okay lang din," sagot ko at dahil gusto kong malaman ang kalagayan ni Allen ay tinanong ko si Celestine.

"K–Kumusta naman ang operasyon ni Allen? Is he okay?"

"Actually, kaya nga ako nagpunta rito para ipaalam sayo ang kalagayan niya. Naging maayos naman ang operasyon niya pero hindi pa siya gising. Ngunit huwag kang mag-alala dahil sabi ng doctor maayos na si Allen. Bayad na din lahat ng bills niya dahil sa mommy mo," wika ni Celestine kaya naman kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. I'm glad he's operation went well and mom did what she had promised. 

Napangiti naman ako at tumingala. "Lord thank you dahil hindi mo siya pinabayaan." Pasasalamat ko sa Panginoon at muling niyakap si Celestine para muling magpasalamat sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status