Share

Chapter 25

"Wake me up later," wika sa akin ng katabi ko dito sa airplane na nagngangalang Eric.

"Okay," sagot ko naman at siya naman ay ipinikit na ang mga mata. At ilang minuto lamang ay rinig na rinig ko na ang munting mga hilik niya.

Dahil sa tulog na si Eric ay inilabas ko sa aking bag ang aking journal book at ballpen. Napatingin naman ako saglit sa labas ng bintana at napabuntong hininga bago magsulat sa aking journal book. It's been my routine to write a letter for Allen on this book because I still haven't forgot him and will never be. Hinding-hindi ko siya kakalimutan dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit na tatlong taon na nakakalipas mula nang iwan ko siya at ikasal kay Eric. At mag-migrate dito sa US pagkatapos nang kasal namin noon kahit na hindi ko gusto pero ngayon ay pauwi na ulit kami ng Pilipinas dahil sa nalalapit na kasal ni Celestine. I want to be present on my cousin's wedding and I'm kinda ner coming back to the Philippines because I might cross paths with him. And I don't know if I still have the face to face him after what I did. Ang sabi ni Celestine ay pupunta rin si Allen sa kasal niya kaya malaki ang chance na magkasalubong kami. I wonder kung kumusta na siya. I haven't heard anything about him since I left. Celestine haven't told me anything about him but it's okay. Maybe Allen don't want me to know anymore on what's happening in his life and that's okay. I can't blame if him if that's what he wants.

Napapunas na lamang ako sa luhang tumakas sa aking mga mata at napangiti bago simulang magsulat nang bagong entry sa aking journal.

"Dear Allen,

           Akalain mo, tatlong taon na ang lumipas mula nang maghiwalay tayo. Hindi dahil desisyon natin iyon kundi dahil sa ginawa ko. Hanggang ngayon hina-hunt pa rin ako ng konsensya ko sa ginawa kong pag-iwan sayo sa panahon na kailangang-kailangan mo ako sa tabi mo. Pero mas hindi kakayanin ng konsensya ko kapag hindi ko ginawa ang nagawa ko noon. Mas pinili ko lamang kung sa anong tingin kong mas mabuting gawin sa sitwasyon natin noon. 

Allen, sana ay nasa mabuting kalagayan ka ngayon. I want to see you again but at the same time I feel the other way around because of shame for what I did. Pakiramdam ko hindi kita kayang tignan sa 'yong mga mata kapag darating 'yong panahon na magkikita at magku-krus muli ang ating landas. Pero ang sigurado ako ay magiging masaya ako kapag nakita kitang muli lalo na kung successful ka na sa buhay mo at syempre mas magiging masaya ako kapag masaya ka na sa buhay mo. 

Sana rin ay nakahanap ka na ng babaeng magmamahal at mag-aalaga sayo gaya nang pagmamahal ko sayo. Hindi ko itatanggi na masasaktan ako kapag nalaman kong mayroon ka ng ibang babaeng mahal pero magiging masaya din ako dahil hindi ka na mag-iisa pa muli. At saka mayroon nang handang manatili sa tabi ko habang buhay. Pero sana'y hindi ka niya iwan. Sana nga dahil napakaswerte ng babaeng mamahalin mo at sa maikling panahon na magkasama tayo. Naging maswerte at masaya ako dahil naranasan ko ang pagmamahal na purong-puro mula sayo. At sa tingin ko'y hanggang dito na lang ang liham kong ito para sayo.

                                                    Sincerely yours,

                                                              Diana"

Pagkatapos ko iyong isulat ay agad kong isinara ang journal book at isinilid ito sa aking bag kasama ang ballpen. At napabuntong hininga bago ko napagpasyahang matulog muna saglit kahit na ilang oras na lang ay lalapag na ang eroplano.

At ayon nga, makalipas ang ilang oras ay nakalapag na ang eroplano sa NAIA at ngayon ay nasa sasakyan na kami patungo sa bahay. Pagkalabas na pagkalabas kase namin ng airport ay nakaabang na agad ang susundo sa amin ni Eric kaya mabilis kaming nakaalis doon.

Habang nasa daan kami ay nakatingin lamang ako sa labas ng sasakyan. Ang dami nang nagbago dito sa Pilipinas at sa tatlong pananatili namin sa US ay talaga namang na-miss ko dito. Pero masaya ako na nakauwi na rin akong muli dito makalipas ang tatlong taon. Sa loob kase nang tatlong taong lumipas ay ni kahit minsan ay hindi kami uwi dito dahil sa ibang bansa kami nagbabakasyon lalo na kung pasko o mga holidays. Halos lahat kase nang desisyon ay nanggagaling kay Eric at nakakasakal iyon para sa akin. Wala siyang pinagka-iba sa mga magulang ko. Pero kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin ako na hindi ako pinagtangkaan ni Eric sa tatlong taon naming pagsasama at ni kahit isang beses ay walang nangyari. He's not forcing me to do with him about that thing which is I'm thankful. Because if he does, I won't think twice to file him a case. 

"Diana, Eric mabuti naman at nandito na kayo," wika ni mommy nang makarating na kami sa bahay at pagkababa namin ng sasakyan. Dito muna kami sa bahay namin ng mga magulang ko since, may kailangan pang ayusin na mga papeles para sa bahay na binibili ni Eric na tutuluyan namin.

"Hi mom, dad," bati naman ni Eric sa mga magulang ko at nagmano sa kanila. 

"Mom, dad," bati ko at nagmano din sa kanila.

"We missed the both of you," wika ni mommy nang may malawak na ngiti.

"Hindi niyo ba kami na-miss?" tanong naman ni daddy at sumagot naman si Eric dahil tila naramdaman niyang ayokong sumagot.

"Syempre na-miss din namin kayo." Napatango-tango naman si daddy sa sagot ni Eric at nagkakamustahan sila habang papasok sa loob ng bahay.

"Since, mukhang pagod kayo sa biyahe ay magpahinga muna kayo at sa labas na lang tayo mag di-dinner. 4 pm pa lang naman kaya magpahinga muna kayo. 'Yong room mo na lang Diana ang gagamitin niyo ni Eric. Huwag kayong mag-alala dahil pinaayos at linis ko iyon kahapon at kanina," wika ni mommy na siya namang tinanguan namin at naglakad na kami ni Eric patungo sa aking kwarto dala-dala ang aming bagahe.

Pagdating namin sa kwarto ko ay agad na nagtungo sa kama si Eric at nahiga doon. Samantalang ako ay nagpasyang ayusin muna ang aking mga gamit at ganoon din ang gamit ni Eric dahil siguradong mananatili muna kami sa bahay nang marahil isang linggo. I need to fix it for him because he won't do it for himself. I'm always the one who fix his things because he said that it's one of my duty as her wife.

"Eric—" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang mapagtantong natutulog na naman ito. 

Kaya naman nang tapos na akong mag-ayos ng mga gamit namin ay nagpalit ako ng damit at lumabas nang kwarto. At gusto kong pumunta muna sa malapit na coffee shop para magliwaliw at mamasyal saglit. Hindi naman ako inaantok at hindi ko na kailangang magpahinga pa dahil hindi naman ako masyadong pagod sa biyahe.

"Where are you going?" bungad na tanong sa akin ni mommy nang makasalubong ko ito habang palabas ng bahay.

"Pupunta lang po ako sa coffee shop. Sandali lamang ako doon kaya huwag po kayong mag-isip na naman ng kung ano-ano," wika ko at naglakad na paalis sa kanyang harapan. Hindi ko na rin pa hinintay na magsalita siyang muli. Ayoko nang kontrolin pa nila akong muli dahil kontrolado na ako ni Eric. Ayoko nang dumagdag pa sila.

Nang tuluyan na akong makalabas ng bahay ay agad akong sumakay ng taxi at nagtungo sa coffee shop na dati kong pinagtatrabahuan. At pagdating ko sa coffee shop ay hindi ko na nadatnan pa ang dati kong mga katrabaho. Marahil naghanap na sila ng ibang trabaho. 

Napabuntong hininga na lamang ako at naglakad patungo sa counter nang bigla akong mabunggo sa isang tao dahil bigla akong lumingon sa ibang direksyon.

"Oh my gosh," wika ko dahil natapunan ako ng kape pero mabuti na lang ay iced coffee 'yong natapon sa akin na siyang agad kong pinunas-punasan gamit ang aking panyo.

"I'm sorry miss," wika ng isang lalaki at napahinto naman ako sa ginagawa ko dahil napaka-familiar sa akin ang boses na iyon.

"Miss sorry talaga hindi ko sinasadya," wika niyang muli at ang puso ko'y bumilis ang pagtibok. Unti-unti akong lumingon sa lalaki para kumpirmahin ang aking teyorya at halos mahulog ang puso ko ng makita ko siya.

"A—Allen," wika ko habang nanlalaki ang aking mga mata at ganoon din siya. I've never thought that I'm gonna see him again in this unexpected way. Well, just like the first time I met him. It's unexpected.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status