Alas-diyes na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan nang antok kaya andito ako ngayon sa balkonahe ng aking kwarto at nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituin na kanya-kanya sa pagningning. Napayakap naman ako sa aking sarili nang biglang humampas ang malamig na hangin at kasabay naman nito ang pagpikit ng aking mga mata. At nagbalik tanaw sa naging usapan namin ni Celestine noong bumisita sa akin noong mga nakaraang linggo.
"I'm glad his operation went well and that he's going to be fine," wika ko at napangiti pero may mga luhang tumakas sa aking mga mata dahil kahit masaya ako para kay Allen ay hindi ko maitatagong nasasaktan ako sapagkat hindi ko na siya makakasama.
"But," wika ni Celestine. Napatingin naman ako sa kanya at nakayuko ito.
"Ano 'yong sasabihin mo Celestine?" tanong ko at napabuntong hininga naman ito bago nagsalita. At tumingin sa akin ng diretso sa mga mata.
"Lubos siyang nasasaktan sa ginawa mo Diana. Alam mo ba no'ng paggising niya. Ikaw ang unang hinanap pero hindi ka niya nakita at dahil ayoko naman na itago pa sa kanya ang katotohanan ay sinabi ko na wala ka na. Na iniwan mo siya para sa kapakanan niya. No'ng nalaman niya ang tungkol sa ginawa mo ay nagbago na siya. Naging tahimik siya at tila wala sa sarili pero alam kong sa kaloob-looban niya ay wasak na wasak siya dahil sa ginawa mo. Hinihintay ka niya sa pagbabalik sa piling niya Diana," wika ni Celestine at mas lalo lamang nadurog ang aking puso sa aking nalaman.
"Alam mo rin ba na sa tuwing gigising siya ay ikaw ang hinahanap pero mauuwi lamang siya sa pag-iyak nang tahimik dahil hindi ka nagpapakita. Nakakalungkot isipin na mauuwi ang lahat sa ganito sa kabila ng mga ginawa niyo para lamang makasama niyo ang isa't-isa. Pero hanga pa rin ako sa pagmamahalan niyo dahil lahat gagawin niyo para sa taong mahal niyo at kayo iyon." Hindi ako umimik sa mga sinabi ni Celestine bagkus hagulgol ko lamang ang naririnig niya mula sa akin. Masyadong mabigat ang aking dibdib. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa 'to.
"Diana why not tumakas ulit kayo ni Allen? I can help you again," suhestisyon ni Celestine na siyang mabilis kong ikinailing.
"I can't—"
"Pero bakit?" tanong niya at mataimtim na nakatingin sa akin. At ako nama'y tumayo at tumalikod sa aking pinsan.
"Ayoko nang magtago at tumakbo pa para takasan ito. Kahit man gaano kalayo ang marating namin ni Allen ay mahahabol at matutunton pa rin kami ng mga magulang ko. At saka isa pa ay may kasunduan kami ni mommy. Tumupad siya sa kasunduan namin at tutupad din ako. Dahil kung hindi ay alam kong may masamang gagawin si mommy kay Allen at ayoko namang mangyari iyon," wika ko at pinunasan ko muna ang aking mga luha bago muling humarap kay Celestine.
"Pero masaya ka ba sa naging desisyon mo?"
"It's half yes and no. Yes, kase napaopera ko siya and no, kase iyon ang naging dahilan para magkahiwalay kami. Pero ganoon talaga, minsan kailangan mong gumawa ng desisyon kahit na labag sa kalooban mo dahil ang kapalit nito ang kailangan mo sa panahong desperado ka para sa isang bagay," wika ko at nagpakawala ng isang ngiti.
At napahinto naman ako sa pag-alala sa eksenang iyon nang muling humampas ang malamig na hangin kaya naman bumalik na ako sa loob at humiga sa aking kama. Napatitig muna ako sandali sa kisane bago ako unti-unting mahulog sa malalim na pagtulog.
Kinabukasan naman ay maaga akong ginising para maghanda at ayusan dahil ngayong araw na ang nakatakdang araw upang ganapin ang kasal namin ni Eric. At heto ako ngayon nakaupo sa harap ng aking table mirror glamour. Kakatapos lamang akong ayusab at mag-isa na lamang sa aking kwarto. At hinihintay ang tamang oras para magpunta sa simbahan.
Dahil wala naman akong ginagawa sa oras na ito at nabo-bored na rin ako ay tatayo sana ako mula sa pagkakaupo nang mahagip nang aking paningin ang isang ballpen at notebook. Kaya naman kinuha ko ito at naisipan na magsulat ng liham para kay Allen.
"Dear Allen,
First and foremost, I want to say sorry for leaving you. Labag iyon sa aking kalooban pero wala akong ibang pagpipilian. Kailangan ko nang pera para sa biglaan mong operasyon kaya tinanggap ko ang offer sa akin ni mommy na bumalik sa kanila at magpakasal kay Eric para sagutin niya ang lahat ng hospital bills mo. Sorry kung hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa aking desisyon. I'm really sorry but believe me that I just did it because I need to. And that I love you so much and I'm willing to do everything for you. Mahal na mahal kita Allen kaya nagawa ko ito. Sana ay mapatawad mo ako dahil nasasaktan ka ngayon nang dahil sa akin at sa pagbitaw ko sa aking pangako noon na hinding-hindi kita iiwan. Sorry Allen kung hindi ko natupad ang aking pangako pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at ika'y mananatili sa aking puso magpakailan man. You'll always be the man love the most.
Sincerely yours,
Diana. "
Pagkatapos ko iyong isulat ay tinupi ko iyon at sakto namang may kumatok sa pinto. At pumasok sa aking silid si manang sasa na isa sa aming mga kasambahay.
"Hija, pinapatawag ka na sa simbahan," wika niya at napatango naman ako. Tumayo na ako naglakad palabas nang bahay patungo sa sasakyan habang inaalalayan ako ng ilan naming kasambahay. At bago ako umalis ay iniabot ko muna kay manang sasa ang sulat at may inihabilin.
"Manang pakibigay ito kay Celestine at sabihin na ibigay ito kay Allen," wika ko na siyang tinanguan naman ni manang at ayon na nga. Nagtungo na ako sa simbahan.
Pagdating ko sa simbahan ay naglakad na ako sa aisle kasama ang aking mga magulang na may malawak na ngiti sa mga labi samantalang ako ay pilit lamang. Nang maihatid na nila ako kay Eric sa altar ay agad na sinimulan ang seremonya.
At ngayon ay nasa rite of marriage na kami. Kakatapos lamang tanungin si Eric at ngayon ay ako naman na.
"Do you take Eric Suarez as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" tanong sa akin ng pari at hindi agad ako sumagot kaya namayani ang katahimikan ng ilang minuto.
"Diana," rinig kong wika ni mommy at napatingin naman ako sa kanya. Magkalubong ang mga kilay.
Huminga naman ako nang malalim bago sumagot. "I do, Father," wika ko at tila nabunutan naman ng tinik si Eric. At ayon nga nga, nagpatuloy ang wedding ceremony hanggang sa matapos ito.
"Congratulations sa bagong kasal," wika ng mga bisita habang naglalakad kami ni Eric patungo sa sasakyan.
I can't believe that I'm already married and what's worst is that I married the man I do not love. How unfortunate I am. And for me, this is an another begining which is I do not want. I don't want to start another chapter with the person who only brings unfortunate events in my life. However, I do not have a choice but to accept my fate with him.
"You look gorgeous," puri ko sa aking pinsan nang pumasok ako sa kanyang kwarto. She's all dressed up for her wedding which will happen in just an hour. Ngayon na kase ang araw ng kanyang kasal at kahapon pa kami dumating dito sa Cagayan dahil dito siya ikakasal. Akala ko'y sa Manila pero hindi naman pala."Thank you cuz," wika naman niya habang may malawak na ngiting nakapaskil sa kanyang labi."Anyways, congratulations to you and to your husband to be. I'm so happy for you because you've finally found your the one," wika ko at tumabi sa kanya na nakaupo sa dulo ng kanyang kama."Me too and I hope that you'll gonna get back to the man whom you trully love. He's going to be present in my wedding. Are you even ready to see him again?" Isang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Celestine bago ako umiling at magsalita."Is there even a chance for us to get back together agai
"Wake me up later," wika sa akin ng katabi ko dito sa airplane na nagngangalang Eric."Okay," sagot ko naman at siya naman ay ipinikit na ang mga mata. At ilang minuto lamang ay rinig na rinig ko na ang munting mga hilik niya.Dahil sa tulog na si Eric ay inilabas ko sa aking bag ang aking journal book at ballpen. Napatingin naman ako saglit sa labas ng bintana at napabuntong hininga bago magsulat sa aking journal book. It's been my routine to write a letter for Allen on this book because I still haven't forgot him and will never be. Hinding-hindi ko siya kakalimutan dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit na tatlong taon na nakakalipas mula nang iwan ko siya at ikasal kay Eric. At mag-migrate dito sa US pagkatapos nang kasal namin noon kahit na hindi ko gusto pero ngayon ay pauwi na ulit kami ng Pilipinas dahil sa nalalapit na kasal ni Celestine. I want to be present on my cousin's weddi
Alas-diyes na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan nang antok kaya andito ako ngayon sa balkonahe ng aking kwarto at nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituin na kanya-kanya sa pagningning. Napayakap naman ako sa aking sarili nang biglang humampas ang malamig na hangin at kasabay naman nito ang pagpikit ng aking mga mata. At nagbalik tanaw sa naging usapan namin ni Celestine noong bumisita sa akin noong mga nakaraang linggo. "I'm glad his operation went well and that he's going to be fine," wika ko at napangiti pero may mga luhang tumakas sa aking mga mata dahil kahit masaya ako para kay Allen ay hindi ko maitatagong nasasaktan ako sapagkat hindi ko na siya makakasama. "But," wika ni Celestine. Napatingin naman ako sa kanya at nakayuko ito. "Ano 'yong sasabihin mo Celestine?" tanong ko at napabuntong hininga naman ito bago nagsalita. At tumingin sa akin ng diretso sa mga mata.
"I'm so sorry Allen," bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa isa niyang kamay at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Natutulog siya ngayon kaya malamang hindi niya ako naririnig at nakikita akong luhaan dahil marahil ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya. Babalik na ako sa mga magulang ko kapalit nang pagsagot nila sa lahat nang magiging gastos para sa operasyon niya. Alam kong hindi magugustuhan ni Allen ang desisyon kong Ito kapag nalaman niya pero wala na akong pagpipilian pa. Masakit para sa akin na gawin ito. Na iwan siya sa ganitong sitwasyon at pagkakataon pero kailangan kong gawin ito dahil para sa kanya rin naman ito."Diana." Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha nang magising si Allen at nginitian siya."Gising ka na pala. Anyway, Good morning," wika ko at hinaplos ang kanyang pisngi. At sa hindi inaasahan ay nagsituluan na naman ang aking mga luha dahil hindi ko ito mapigilan.
"Good morning Allen," bati ko sa kanya nang magising ako. Apat na araw na mula nang nangyari ang aksidente at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay."Sana magising ka na. Nami-miss na kita nang sobra. Nandyan ka nga pero hindi naman kita nakakausap kase nga wala ka pang malay. Miss na miss ko nang marinig ang boses mo at lalong-lalo na ang mga paglalambing mo," wika ko habang nakatingin sa kanya at maingat na ipinatong sa kanyang pisngi ang aking kamay. He looks so peaceful."Good morning," rinig kong wika ng isang matanda pagbukas ng pinto ng kwarto kaya naman napatingin ako sa kung sino iyon at napagtantong si manang Kara pala. Siya ay ang dating kasambahay nina Celestine at ngayon ay muling kinuha ni Celestine para magbantay kay Allen kapag papasok ako sa trabaho."Magandang umaga rin po sa inyo manang Kara," bati ko sa matanda at nginitian naman niya ako.Napatingin naman ako sa aking
"Hang in there Allen," wika ko habang itinatakbo ko siya sa Emergency room kasama ng mga nurse."Allen I'm begging you to hang in there," muli kong wika kasabay ng patuloy na pag-agos ng aking mga luha at hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay."Ma'am hanggang dito na lamang po kayo," wika ng isang nurse nang nasa labas na kami ng ER kaya naman tumango ako at hindi na sila sinundan pa sa pagpasok sa loob. Na siyang sinundan naman ng doctor."Cuz," biglang wika nang isang babae mula sa aking likuran at napalingon naman ako sa nagsalita. At bumungad sa aking paningin si Celestine na halata ang pag-aalala sa kanyang mukha."Cuz," wika ko at agad siyang niyakap nang makalapit na ito sa akin. At mas lalong bumuhos ang aking luha habang yakap-yakap siya. I'm glad that she's here."Shhh everything will be fine. Magiging okay din si Allen kaya huwag kang mag-alala. Hindi siya p