Share

Chapter 20

"Diana mas mabuting huwag ka na munang pumasok sa trabaho. Baka balikan ka lang ni Eric. Sigurado akong hindi ka niya titigilan at ayoko nang maulit pa ang nangyari noong isang araw," wika ni Allen habang nakatingin sa akin at hawak-hawak ang aking mga kamay. Nandito kami ngayon sa sala dito sa aming apartment.

"Kapag talaga nakita ko ang lalaking iyon ay mayayari siya sa akin dahil hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sayo," muling wika ni Allen at kumuyom ang isa niyang kamay. Ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman niya mula pa noong isang araw nang malaman niya ang aking sinapit sa kamay ni Eric. Gusto nga niyang sugurin noon si Eric pero mabuti na lang napigilan ko siya dahil ayokong masangkot siya sa anong gulo. Ayoko rin na mapahamak siya nang dahil sa akin.

"Allen alam kong nag-aalala ka para sa akin pero ayoko naman na magtago na lamang at paulit-ulit na tumakbo palayo sa kanila. Dahil kahit saan man tayo mapunta ay nasusundan pa rin nila tayo at saka gusto ko na rin na ipakita kay Eric na hinding-hindi na niya ako magagawan ng masama gaya nang ginawa niya noong nakaraan. Kaya naman hayaan mo na akong bumalik sa trabaho ko. Kailangan pa naman natin ng pera dahil malapit na ang bayaran ng upa sa apartment natin," wika ko pero napailing-iling lamang si Allen. I know he doesn't like my idea.

"Pero Diana delikado ka kay Eric. Pwede niya ulit gawin ang ginawa niya sa iyo. Ayokong saktan ka niya ulit."

"Ngunit hindi ko na siya hahayaan na saktan ulit ako at pilit na ilayo sayo. Kaya ko na siyang labanan kung kinakailangan," wika ko pero napatayo na lamang si Allen dahil sa aking tinuran. Isang hudyat iyon na hindi siya sang-ayon sa akin. Sa tingin ko'y magtatalo kami tungkol sa bagay na 'to.

"Diana tingnan mo naman ang sarili mo. Wala kang laban sa kanya kung pipilitin ka ulit na dakipin."

"Allen kaya ko kung gusto ko," wika ko at tumayo.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo Diana?"tanong nito at magkasalubong na ang kanyang mga kilay.

"Hindi mo lang ako naiintindihan Allen."

"Ikaw ang hindi nakakaintindi Diana. Hindi mo naiintindihan na inilalayo lamang kita kay Eric dahil baka hindi na naman kita maprotektahan mula sa kanya. Bakit ba ang hirap mong unawain ang pinupunto ko?" wika nito at napasabunot na lamang siya sa kanyang buhok dahil sa inis. This is my first time seeing him like this and also our first time to argue onto something.

"Allen kung hindi ako papasok sa trabaho paano na ang mga bayarin natin? Hindi naman pwedeng iasa na lang natin ang lahat ng kailangan natin sa kinikita mo," wika ko at napatampal na lamang sa aking noo. 

"Pero mas mahalaga ang kaligtasan mo kaysa sa mga kailangang bayaran. Bakit hindi mo 'ko maintindihan? At saka hindi natin masabi kung ano na naman ang masamang binabalak ng lalaking iyon," wika niya at tumingin sa akin saglit bago tumalikod.

"Why can't you just trust me at this moment? If I said that I'm gonna be alright, I'm so sure that I'll be fine. Please lang hayaan mo na akong pumasok sa trabaho," wika ko pero hindi ito umimik.

"Fine, hindi na ako papasok sa trabaho," wika ko at naglakad patungo sa aming kwarto. Pagdating ko doon ay napaupo na lamang ako sa kama at kinuha ang aking cellphone para i-text ang aming manager sa cafeteria na hindi ako papasok sa trabaho. Napapadalas na ang aking pag-absent sa trabaho at nahihiya na ako pero sa ngayon wala akong magawa dahil ayaw ni Allen na umalis ako sa apartment. Naiintindihan ko naman na ayaw niya akong mapahamak muli sa kamay ni Eric pero kailangan ko ang trabaho. Kailangan namin ng pera dahil malapit nang maubos ang mga stock namin na mga goods at marami pa kaming kailangang paglaanan ng pera. I can't just sit here and do nothing. I can't believe it.

At dahil sa maliit naming pagtatalo ni Allen ay hindi kami nag-iimikan hanggang maghapon. Pumasok din siya sa trabaho kaya mag-isa lamang ako sa apartment kaya nag-movie marathon na lamang ako. At ngayon ay panibagong araw na naman at hindi pa rin ako papasok sa trabaho. Hindi ko alam kung makakapasok pa ako sa trabaho dahil balak yata ni Allen na huwag na akong palabasin pa ng apartment. Na sa totoo lang ay medyo nakakasakal na rin. Hindi ko kayang umupo lamang dito at maghintay sa wala.

"D–Diana," wika ni Allen habang abala ako sa pagluluto ng ulam namin na adobong manok na binili niya kahapon. Mabuti na lang kahit papaano ay kumpleto ang gamit dito.

"Diana," muli nitong tawag sa akin pero hindi ko siya pinansin bagkus nagpatuloy lamang ako sa ginagawa ko.

"Diana I'm sorry," wika nito at napatigil ako aking ginagawa ng yakapin niya ako mula sa aking likuran at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat. Kaya naman ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga sa aking leeg.

"Ano ba Allen nagluluto ako," wika ko at sinubukang kalasin siya sa akin pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"I'm really sorry kung ayaw kitang pumasok sa trabaho. Hindi ko na kase alam ang gagawin ko kung muli ka na namang mapahamak. Hindi ko rin maatim na saktan ka ni Eric at wala man lang ako sa tabi mo para ipagtanggol ka," wika niya at nagsimula nang mag-unahan sa pagtulo ang aking mga luha.

"I'm really sorry," muli nitong wika kaya humarap na ako sa kanya at hindi mapigilan ang sarili na hindi siya yakapin.

"I'm sorry too for being a hard headed. It's just that I want to earn money to help you on our financial needs," wika ko habang magkayakap kaming dalawa.

"Bati na ba tayo?" tanong niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya. 

"I guess but what about—"

"Hahayaan na kitang pumasok sa trabaho mo sa cafeteria pero ihahatid sundo kita doon at kailangan mo rin akong i-text o kaya'y tawagan kapag nagpakita sa 'yo si Eric. Dahil baka may gawin na naman siya sa 'yo," wika ni Allen na mabilis kong tinanguan.

"Thank you," wika ko at muli siyang niyakap pero agad din kaming kumalas dahil luto na 'yong ulam namin. Kaya agad kaming kumain at naghanda sa pagpasok sa trabaho.

                                  ~~~

"Diana," wika ni Adel nang makita ako at kumaway pa ito na siyang nginitian ko naman.

"Sino siya?" tanong naman ni manager Cassandra nang lumapit ito sa amin ni Allen. Hinatid pa kase ako ni Allen hanggang dito sa loob ng cafeteria. 

"Ah he's Allen Corpuz, my boyfriend Miss Cassandra. Allen siya naman si Miss Cassandra, our manager here," wika ko at nagkamayan naman ang dalawa.

"Wow Diana hindi mo man lang sinabi sa amin na ang gwapo ng boyfriend mo. Mas gwapo siya sa lalaking bumisita sa 'yo noong isang araw na pinagkamalan pa namin na boyfriend mo. Pero iba naman pala," wika naman ni Jude pero agad din na humingi ng paumanhin. Nakipagkilala pa ang ilan kong kasamahan sa trabaho kay Allen bago sila bumalik sa kanya-kanyang trabaho.

"Sige na Allen. Umalis ka na dahil male-late ka niyan sa trabaho mo," wika ko na siyang sinang-ayunan naman niya kaya nagpaalam na siya at umalis na. Samantalang ako ay patungo na sana sa staff room para magpalit ng damit nang biglang may magsalita sa aking likuran. Kaya agad kong nilingon at agad na napaatras nang makita si Eric. 

"What are you doing here again? Are you going to drag me again huh?" tanong ko sa kanya.

"Yes. I'm going to get you again because you escaped from me the other day and today, I'm going to make sure that you won't," he said and held me on my arms.

"What the—" hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin nang may biglang humablot kay Eric at sumuntok na siyang ikinalaki ng aking mga mata. At doon ko lang napagtanto na si Allen pala ang sumuntok kay Eric.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa kay Diana pagkatapos nang ginawa mo sa kanya," wika ni Allen at muli na namang pinaulanan ng suntok si Eric. At dahil agaw eksena na sila sa loob ng cafeteria ay napagpasyahan kong ilayo si Allen kay Eric bago pa niya tuluyang madisgrasya si Eric.

"Allen tama na," wika ko at gamit ang lahat ng lakas ko ay hinila ko siya palabas ng cafeteria. Pero medyo nahirapan pa rin ako dahil sinusubukan niya pa rin na sugurin si Eric.

"Allen look at me," wika ko pagkalabas namin ng cafeteria at hinawakan ang kanyang mukha. At iniharap sa akin. His eyes were raging in fire. He looks like a hungry predator that's ready to eat its prey.

"Allen umalis na tayo rito," wika ko kaya nagtungo kami sa gilid ng kalsada at naghintay ng sasakyan. At habang naghihintay kami ay may bigla na lamang umamba ng suntok kay Allen at tumama iyon sa kanyang mukha dahilan para matumba siya. Paglingon ko sa lalaking sumuntok kay Allen ay hindi na ako nagtaka pa nang makita si Eric. At ayun na nga nagsusuntukan na silang dalawa sa kalsada at nababahala na ako dahil baka mapano sila.

"Beeepppp" tunog ng mga sasakyan na dumadaan at ang ilan ay sinisigawan sila Allen at Eric na abala sa pagbabardagulan. 'Yong mga tao naman sa paligid ay nakatingin lamang sa kanila.

"Walang hiya ka," wika ni Allen at sinuntok si Eric pero agad din na nakabawi si Eric kaya siya naman ang nagpakawala ng suntok na siyang sinalo ni Allen.

"Pwede bang tumigil na kayo," mangiyak-ngiyak ko nang wika habang pilit silang pinaghihiwalay pero itinulak lamang ako ni Eric dahilan para mapaupo ako sa gilid ng kalsada.

Napatingin ako sa kanilang dalawa at mayamaya'y isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari. Isang malakas na pagbangga at preno ng sasakyan ang umalingawngaw sa paligid na siyang tila nagpahinto sa akin sa ilang sandali bago ko ma-realized kung anong nangyari. Kaya mabilis akong lumapit sa lalaking nakahandusay sa kalsada at naliligo sa sariling dugo dahil sa pagkakabangga at sagasa. At tila huminto ang aking paghinga at sistema nang ma-realize na ang lalaking tinitignan ko ay walang iba kundi ang lalaking mahal ko, si Allen.

"A—Allen. Allen!" sigaw ko nang mapaupo ako sa tabi niya at nanginginig ang katawan.

"Please help us," wika ko habang luhaan na nakaakap sa kanya na siya namang ginawa nang mga taong nakapalibot sa amin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status