Chapter 26Aliyah's POV (Adi)Ngiting-ngiti si Governor Sandoval habang pinagmamasdan kami ni Gelyn na nanonood ng live parade dito sa plaza ng bayan ng San Mariano. Simula nang lumapit siya sa amin kanina ni Iverson at pinaalis niya ito ay hindi na rin umalis si Governor Sandoval sa pwesto namin. Ang dalawang bodyguards niya na parehong may mga malalaking pangangatawan ay nasa likuran lang niya habang nagmamasid ang mga ito sa kapaligiran.Kanina pa tumitili ng mahina si Gelyn sa tabi ko sa tuwing napapasulyap sa amin si Governor Sandoval. Para raw siyang hihimatayin dahil sa kagwapuhan at kabaitan ng batang Gobernador namin. Kapag nakita lang talaga ni Goyong ang inaasal nitong nobya niya ay paniguradong magagalit at magseselos iyon kay Gelyn!"Sa tingin ko talaga ay may type sa'yo si Governor Dean, best! Kahit kinikilig ako na tumitingin siya dito sa gawi natin ay alam kong ikaw ang tinitignan talaga niya!" bulong sa akin ni Gelyn para hindi marinig ni Governor Sandoval ang sinasa
Francis' POV (Nikolai)Pagkatapos naming magtalo ni Aliyah kagabi sa bayan ay hindi na niya ako halos kausapin ngayon. Ni hindi niya ako magawang tingnan sa bahay habang kinakausap siya ng kaniyang kapatid. Si Kuya Jed at ang mga kaibigan lang namin ang pinapansin niya at naiinis na ako.Kasalanan ko naman kung bakit nag-away kami pero hindi ko lang talaga napigilan ang galit at selos ko noong makita ko siyang naging malapit kaagad kay Governor Dean Sandoval.Hindi ako tanga at manhid para hindi mapansin ang ibang klaseng tingin ng Gobernador na iyon sa asawa ko. Maging pati na rin ang ibang mga kalalakihan sa bayan ng San Mariano ay hindi na halos maialis ang tingin nila kay Aliyah.Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, na kapag pinalaya ko siya sa mundo ko ay baka hindi na siya bumalik sa akin. At kapag patuloy ko pa siyang ipakita sa ibang tao ay baka makita at mahanap na siya ng totoo niyang pamilya at mga nobyo at ayokong mangyari iyon.Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang i
Aliyah's POV (Adi)Simula nang magtalo kami ni Francis sa fiesta sa bayan ng San Mariano ay hindi na niya ako pinapayagang lumabas dito sa loob ng bahay. Pareho kaming galit at may alitan sa isa't-isa at hindi ko na magagawang magsorry dahil wala naman akong ginawang masama para magalit siya sa akin.Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa pagkatao ko. Wala akong maalala kahit isang ala-ala noong kabataan ko. Basta't nagising nalang akong nasa ospital ako pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa amin tatlong taon na ang nakakalipas.Hindi man ako kumikibo o madalas na magtanong kina Francis o Kuya Jeddaih ay hindi naman ako tanga o manhid katulad ng iniisip nila. Alam kong may itinatago sila sa akin at aalamin ko iyon.Dahil nasa loob lang naman ako ng bahay ay naisipan ko na lang na maglampaso ng sahig namin. Nasa trabaho pa ngayon sa talyer si Francis at sinabi niyang gagabihin raw siya ng uwi dahil mag-oovertime sila ni Goyong na pandagdag kita rin ngayong araw. Mas mabuti nang g
Third Person's POV"Kuya, that's her. Am I right?" tanong ni Dawson sa kanyang nakatatandang kapatid na si Dean.Tumango si Dean habang iniinom ang hawak na wine."Then we should tell this to Ahnwar. Matagal na nilang hinahanap si Jianna at-""I know what I'm doing, Dawson. Hindi mo ako kailangang pangunahan sa mga dapat kong gawin. I have plans and of course, I will help them to reunite with the girl they'd love." seryoso namang saad ni Dean.Dawson sighed. "We see how much they suffered simula nang mawala si Jianna Adiel. Si Ahnwar ay napapabayaan na ang sarili niya sa patuloy pa ring paghahanap kay Jianna. Don't be a jerk too, kuya. I can see that you like her but she has a family who's still waiting for her return." mariin niyang sabi dahilan para matahimik doon si Dean.Dawson know him so well. Kaagad nitong napansin ang pagiging interesado niya kay Aliyah simula nang una niya itong makita. Alam niya ring ito ang babaeng hinahanap ng kaibigan niyang si Ahmed at hinahanap rin ng m
Aliyah's POV (Adi)Nandito ako sa bahay nila Gelyn dahil birthday celebration ng kapatid niyang kambal na sina Edmond at Emir. Hindi nawawala sa tabi ko si Francis na kung todo naman ang pagbabakod sa akin dahil may iilang mga kaklase at kaibigang lalake ang kambal na birthday celebrant na inimbita rito.Napapatingin lang ang mga kaibigan ng kambal sa akin ay kaagad na itong sinasamaan ng tingin ni Francis. Dahil ayoko nang magtalo pa kami ay hindi ko na siya pinupuna sa ginagawa niya. Gusto kong maging payapa lang ang gabi naming ito na walang away o pagtatalo na mangyayari sa amin."Kain lang kayo. Maraming pang handa sa loob ng kusina. Kung gusto niyo ay mag-uwi kayo mamaya." nakangiting sabi ni Gelyn habang inilalatag niya sa lamesa namin ang isang bilao ng pancit bihon at biko. Naglapag rin ito ng buko juice na nakalagay sa isang pitsel."Salamat, Gel! Ngayon ay makakakain na rin kami ng disenteng pagkain hindi iyong puro de lata at noodles na lang sa kampo namin sa Maynila ang k
Ahnwar's POV Sa loob ng tatlong taon ay hindi na naging maayos ang buhay namin simula nang mawala si Jianna. Walang araw na hindi naming sinisising magkakapatid ang mga sarili namin kung bakit siya tuluyang nawala sa amin. Dapat kami ang nagpoprotekta at nagbabantay sa kanya pero sa isang iglap lang ay nawala siya sa amin at nawalan din ng ina si Blair.Blair is always praying for her mother's safety. Lumaki rin itong mabait at masunuring bata. At the age of 7 years old ay matured na siyang mag-isip. Alam niya ang sitwasyon namin ngayon na kaming triplets ay karelasyon ng kanyang ina.She grew up na hindi masyadong maalala si Jianna. She's only 4 years old nang mawala ito but she also know na mabuting ina si Jianna at ginawa nito ang lahat para lang mapalaki siya ng maayos at maibigay ang mga pangangailangan niya.One call from Dean Sandoval; The Governor in the province of San Mariano, older brother of my friend, Dawson and Ahmed's new friend ay lahat ng paghihirap, pangungulila at
Adi's POVTila para akong nasa ibang mundo dahil kaharap ko ang mga taong sinasabing totoong pamilya ko. Hindi ko man maintindihan ang lahat ng mga nangyayaring ito sa akin ay pilit kong binubuksan ang isipan ko sa posibilidad na sila ang totoo kong pamilya.Yakap ako ng nagpapakilala sa aking ina ko, lola ko, dalawang kapatid kong lalake at ang sinasabi nilang anak ko. Hindi ko maitatanggi na kamukha ng triplets si Blair na anak raw namin ni Ahmed. Kanina pa ito umiiyak sa harapan ko habang nakayakap ito sa akin.Dahil sa hindi ko maipaliwanag na lungkot at bigat na nararamdaman ay umiiyak na rin ako katulad ng bata."I missed you, Mama…" paulit-ulit na sambit ni Blair."Namiss rin kita, Blair…" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha niya."Adi, hindi kami makapaniwalang nandito ka na ngayon. Ilang taon ka naming hinanap pero wala talaga kaming naging ideya kung nasaan ka." malungkot na sabi ni Kuya Hideyo at nasa tabi nito si Haru na tahimik lang ring umiiyak."M-mabuti at nahanap
Adi's POV"Ate Adi, hindi talaga namin inaasahan na gagawin sa'yo 'yon ni Kuya Nikolai. Kahit kami nina Mama at Papa ay hindi maintindihan kung paano niya 'yon nagawa sa'yo. Alam naming matagal ka na niyang gusto pero hindi namin naisip na aabot sa puntong kikidnappin ka niya." umiiyak na sambit ni Eiselle na nasa harapan ko habang nakaalalay sa kanya si Haru na pinapatahan naman siya."Bad influence lang siguro kay kuya ang mga naging bagong kaibigan niya. Hindi niya 'yon magagawa sa'yo, Ate Adi kung hindi niya nakilala ang kapatid mo at ang grupo nila." sabi naman ni Cristina na nasa tabi ni Noah.Inosente ang mga babaeng kapatid ni Nikolai at wala rin silang alam sa balak sa akin noon ng kapatid nila. Maging pati ako ay nasasaktan rin ngayong nakikita ko na mas nasasaktan sila sa ginawa sa akin ni Nikolai.Hindi ko maintindihan si Nikolai, hindi man lang ba niya naisip ang pamilya niya bago niya ako balaking dukutin at itago sa San Mariano? Sa nakikita ko ay mapagmahal na kapatid s