Adi's POV
"Ang kapal naman ng apog ng lalakeng 'to, Ate Adi! Pagkatapos niya kayong iwanan ni Blair at takbuhan ang responsibilidad sa inyo ay bigla na lang siya magcha-chat nang ganito?" gigil na sabi ni Haru habang paulit-ulit na binabasa ang chat ni Leigh kagabi sa messenger ko."I-block mo 'yang lalakeng 'yan, sa oras na bumalik pa siya sa Pilipinas at guluhin kayo ni Blair ay ako ang makakalaban niya." seryoso at madiin namang sabi ni Kuya Hideyo habang inilalagay ang mga damit niya sa loob ng itim niyang backpack.Alam kong nagagalit si Kuya Hideyo sa biglaang pagpaparamdam sa akin ni Leigh ngunit kinokontrol lang nito ang emosyon niya. Malaki ang galit niya kay Leigh simula nang iwanan ako nito."Opo, kuya." sagot ko at napabuntong-hininga na lang.Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng chat ni Leigh. Paano kung magbalik siya na posible ngang mangyari? Paano kung guluhin niya ako at maging pati si Blair? At paano kung bigla niya itong bawiin sa akin?Hindi ako makakapayag. Matagal na siyang nawalan ng karapatan kay Blair nang pinabayaan niya ako at iniwan sa Pilipinas kahit na nabuntis niya ako noong mga panahong iyon. Hinding-hindi na ako kailanman babalik pa sa kanya. Wala nang ama si Blair at kaya ko itong buhayin kahit ako lang mag-isa. Kinaya ko ang limang taon. Pagkatapos kong manganak ay kung saan-saan na ako nakapagtrabaho sa tulong nina Kuya Hideyo at Nikolai. Kung wala sila sa tabi ko ay baka hindi ko kakayanin ang lahat ng pagsubok na nangyayari sa buhay ko.Nagpaalam na kami kila Mama, Lola at anak kong si Blair na aalis na bago kami lumabas na tatlong magkakapatid sa bahay. Papasok na kami ni Kuya Hideyo sa mga trabaho namin at si Haru naman ay papasok na sa school nila."Allowance mo na 'to ng isang linggo, Haru. Huwag ka na ring humingi ng pera kina Mama at Lola." Naglabas ng pera si Kuya Hideyo sa wallet niya at inabutan ng 2,500 pesos si Haru na tuwang-tuwa naman dahil may advanced allowance na."Wow! Ang bait talaga nitong gwapo naming kapatid, oh? Salamat, kuya and labyu!" pambobola ni Haru kay Kuya Hideyo na napangiti at saka umiling.Nauna nang umalis sa amin si Haru dahil susunduin pa niya si Noah sa bahay nito at sabay na silang papasok sa school nila.Bigla ay inabutan ako ng 4,000 pesos ni Kuya Hideyo na tinanggihan ko kaagad."Kuya naman, hindi mo na ako kailangang bigyan ng pera. May natitira pa naman akong pera sa wallet ko-" Kusang inilagay ni Kuya Hideyo ang hawak niyang pera sa kamay ko at isinara ang palad ko."Kailangan mo 'yan, Adi. Ipambili mo na lang ng mga kakailanganin ni Blair. Nabigyan ko na rin sina Mama at Lola ng pera kaya para sa'yo na talaga 'yan." Ngumiti siya at wala na akong ibang nagawa kundi ang tanggapin na lang ang perang ibinigay niya."Wala ka bang girlfriend man lang, kuya? 27 years old ka na at dapat sa girlfriend mo na lang inilalaan 'tong pera mo at hindi sa'kin." sabi ko."Adi, wala pa sa isip ko ang pagkakaroon ng girlfriend dahil gusto ko kayong tulungan na pamilya ko sa lahat ng mga kakailanganin n'yo. Ako na ang tumatayong ama ni Blair at kargo ko kayong dalawa." mariing sabi ni Kuya Hideyo.Pinigilan kong huwag maiyak sa sinabi niya. Mga bata pa lang kami ay si Kuya Hideyo na ang gumagawa ng lahat ng responsibilidad ng isang ama. Wala itong reklamo o pagtutol dahil kusa niya iyong ginagawa at hindi na iniintindi ang sarili niya."Maraming salamat, kuya!" niyakap ko si Kuya Hideyo at niyakap niya ako pabalik."Para sa'yo, Adi..." buong puso niyang sabi.Pagkatapos ay sabay na kaming nagpunta sa paradahan ng mga jeep sa labas ng street namin. Nauna na akong makasakay ng jeep dahil wala pang dumarating na jeep na sasakyan ni Kuya Hideyo papunta naman sa pinagtatrabauhan niyang karinderya. Kinawayan ko na lang siya nang umandar na ang jeep na sinasakyan ko at kinawayan niya rin ako pabalik."Ang gwapo naman nang jowa mo, sis. Ang swerte mo!" sabi ng babaeng estudyante na katabi ko sa jeep.Ano? Jowa ko raw si Kuya Hideyo?Kung sa bagay ay hindi nga kami magkamukha dahil mas kamukha nito si Papa samantalang kamukha ko si Mama at kung minsan ay napagkakamalan kaming mag-jowa ng mga taong hindi nakakakilala sa amin."Hindi ko siya boyfriend. Kapatid ko siya." sagot ko at pilit iniiwasang hindi magtaray.Hindi talaga ako kumportable kapag pinag-uusapan ang tungkol sa isang miyembro ng pamilya ko. Masyado nang pribado para pag-usapan iyon."Ay, weh? Kapatid mo 'yon? Hindi halata kasi-""Bayad po!" sabi ko at iniabot ang pamasahe ko sa katabi ng estudyanteng babaeng kumakausap sa akin.Nawala na rin ang atensyon ng estudyanteng babae sa akin dahil biglang may tumawag sa kanya sa hawak nitong cellphone.Hanggang dito ba naman sa jeep ay may mga Marites pa rin? Kung sa Amerika ay may Karen, may Marites naman dito sa Pilipinas.30 minutes rin ang lumipas at nakarating na ako sa pinagtatrabauhan kong Supermarket. Sa loob ng ilang araw kong pagtatrabaho dito ay mababait at magigiliw naman ang mga katrabaho ko. Katulad ko, ang iba sa kanila ay hindi rin mga nakapagtapos ng kolehiyo dahil maaga silang nagsipagtrabaho para sa pamilya nila. Ang iba sa kanila ay mga single mom at single dad rin kaya nakakarelate at nakakasundo ko sila.Mga bandang 12pm nang magbreak muna kami para kumain sa Cafeteria sa loob ng Supermarket. Mura lang naman ang mga pagkain dito kaya dito na ako kumakain. Kasama kong kumain ang mga katrabaho kong sina Iska at Jiro."Mag-iingat ka dyan sa grupo nila Jose. Napapansin ko lang na kanina ka pa nila tinitignan at pinag-uusapan, day! Maloko pa naman 'yang mga 'yan," bulong sa akin ni Iska at itinuro sa kabilang table si Jose at ang apat nitong mga kasamang lalake na katrabaho namin."Oo nga. Inggitero rin 'yang si Jose! Napuri lang ako ni Manager noong isang araw dahil sa galing ng work ethics ko ay parinig na siya ng parinig na kesyo s****p at nagpapalakas lang daw ako sa Manager natin. Tsk!" Inis namang saad ni Jiro at sinamaan ng tingin si Jose na hindi naman napansin ang ginawa niya dahil nakatingin pa rin ito sa akin.Umiling ako. "Hayaan mo na at mas gwapo ka pa rin kaysa sa kanya." sabi ko at nginitian si Jiro na bigla na lang namula."Hala ka? Nag-blush ka ba dahil pinuri ka lang ni Adi?" panunukso ni Iska kay Jiro na inirapan ng huli."Puriin ka ba naman ng babaeng maganda ay sinong hindi magba-blush? Mindset ba? Mindset!" sarkastikong sabi ni Jiro dahilan para batukan ito ni Iska."Aray! Bakit ba? Amazona ka talaga kahit na kailan, Francisca!" reklamo ni Jiro habang hinihimas ang batok niyang nabatukan ni Iska."Manahimik ka dyan, Jiro!" banta ni Iska at inirapan si Jiro. Natawa na lang ako sa pagbabangayan ng dalawang ito. Parang mga aso't-pusa talaga.Pagkatapos naming kumain ay ipinagpatuloy na namin ang pagtatrabaho sa cashier counter. Nagulat ako nang si Jose na ang naka-assign bilang bagger sa counter ko."Hi, Adi!" bati niya habang nakangiti."Hi din," alangan kong bati at ngumiti na lang ng pilit."Single Mom ka raw sabi ng mga katrabaho natin? Single Dad naman ako dahil iniwan na ako ng asawa ko at naghanap na ng ibang lalake." sabi niya at natawa."Ah, gano'n ba?" sagot ko ng walang interes at nanalangin na sana ay may customer nang dumating para mailayo na ni Jose ang atensyon sa akin."Sa gandang mong 'yan, imposible na walang nanliligaw sa'yo pero kung tatanggap ka ng manliligaw ay dapat gwapo rin na katulad ko." mayabang namang sabi ni Jose at ngumisi pa.Ipinikit ko ng saglit ang mga mata ko dahil sa lakas ng hangin sa katawan niya. Gwapo naman talaga si Jose gaya ng sinabi niya at may pagkakahawig ito sa artistang si Joseph Marco pero nakaka-less attractive talaga sa isang lalake ang pagiging mayabang nito pagdating sa sariling itsura. Kung humble lang siya, malamang ay natuwa pa ako at pwede kaming maging friends."No, thanks pero wala pa akong balak magpaligaw." sabi ko at humalukipkip.Sasagot pa sana si Jose nang may dumating na babaeng customer at may itinutulak itong push cart na naglalaman ng groceries. Tahimik na kaming nagtrabaho ni Jose na ramdam kong kanina pa nakamasid sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at nang pumatak ang alas sais ng gabi ay natapos na rin ang duty ko sa trabaho. Hindi na ako nag-overtimedahil mas gusto kong maagang makauwi at makasama ang anak kong si Blair. Nauna nang umalis sina Iska at Jiro dahil may mga pupuntahan pa sila samantalang kaagad na akong dumiretso sa mall na nasa tapat lang ng Supermarket para bilhan ng pasalubong si Blair at ang pamilya ko.Nakaramdam ako kanina na mukhang susundan pa yata ako ni Jose pero laking pasasalamat ko na hindi natuloy iyon nang bigla siyang hinila ng mga lalakeng katrabaho namin at narinig kong nagyayaya ang mga ito na mag-inuman sila. Bumili ako ng dalawang Bavarian boxes ng donuts sa Dunkin Donuts at chocolate drinks dahil paborito ito ni Blair. Mcburger at Mcfloat naman ang binili ko para kina Kuya Hideyo, Haru, Mama at Lola. Ipon ko ang pinambili ko. Pagkatapos kong bumili ng pasalubong ay nakangiti akong naglalakad palabas sa loob ng mall.Napatigil ako bigla sa paglalakad nang mapansin ang isang gwapo at matangkad na lalake na nakaupo sa isa sa mga bench sa loob ng mall at nakasapo ito sa labi niyang nagdurugo. Napansin kong may pasa rin ang ibabang labi niya at dahil isa akong concern citizen at palaging may dalang first aid kit sa bag ay kaagad akong lumapit sa lalake at tinabihan siya sa inuupuan niyang bench.Nakuha ko ang atensyon niya at nagulat siya nang makita ako. Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago magsalita."Do you need anything, miss?" tanong niya.Inilapag ko sa gilid ng inuupuan naming bench ang mga binili kong pasalubong at saka kinuha ang betadine, band-aid at bulak sa loob ng dala kong bag. Nang makuha ko na ito ay nginitian ko ang lalake at itinuro ang sugat nito sa labi na nagdurugo pa rin."Nasapak ka yata ng kaaway mo kaya may sugat ka sa labi mo. Kung okay lang sa'yo, gagamutin ko 'yang sugat mo para naman pumogi ka na ulit." sabi ko at nginitian siya.Umawang ang bibig niya sa sinabi ko at tinignan ako nang may pagkamangha. Ilang segundo lang ay tumango siya at nginitian ako. "Okay." sagot niya.Gwapo siya at mukhang mabait. Hindi ko siya kayang iignora nang makita ko dahil kawawa naman at may bangas ang gwapo niyang mukha. Ganito talaga ako sa mga taong kakilala o kahit hindi ko kakilala. Ayaw na ayaw kong nasasaktan sila ng pisikal o emosyonal at kung may magagawa naman ako para sa kanila ay tutulungan ko sila sa abot ng makakaya ko.Sinimulan kong gamutin ang sugat ng lalake sa labi nito. Alam kong nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon pero iniiwasan ko siyang tignan dahil naiilang pa rin ako sa kanya at hindi kami magkakilala. May mga iilang tao ang napapatingin sa amin pero hindi ko na lang iyon inintindi.Nang matapos kong gamutin ang sugat niya sa labi at malagyan ito ng band-aid ay tinapik ko siya sa balikat at saka tumayo mula sa bench na kinauupuan namin at binitbit na ulit ang mga pasalubong ko."Ayan at pogi ka na ulit! Paano ba yan at aalis na ako, ha?" pagpapaalam ko.Tumayo rin ang lalake mula sa pagkakaupo sa bench at nginitian ako. "Thank you for tending to my wounds; may I ask your name?" tanong niya."Jianna Adiel ang real name ko pero tawagin mo na lang ako sa pangalang Adi." sagot ko.Tumango siya habang nakangiti pa rin. "Nice to meet you, Adi. My name is Kyrie Andrew Gonzales." pagpapakilala naman ng lalake."Kyrie Andrew? Ipinangalan ka ba sa NBA basketball player na si Kyrie Irving? Favorite basketball player pa naman 'yon ng bunso kong kapatid na lalake!" sabi ko ng nakangiti na mahina niyang ikinatawa at saka tumango."You're right. Ipinangalan nga ako sa favorite NBA basketball player ng Dad kong sumuntok sa akin." biglang humina ang boses ni Kyrie at ngumiti ng mapait.Sa tingin ko ay may alitan sila ng Dad niya kaya siya nito nasuntok. Ayoko namang maging Marites katulad nung babaeng estudyanteng nasa jeep kaya tumango na lang ako at hindi na nagtanong."Ah sige, kailangan ko na talagang umuwi sa amin. Nice to meet you again, Kyrie." huling paalam ko kay Kyrie at kaagad naglakad papaalis.Hindi ko na nilingon si Kyrie na ramdam kong nakasunod ang mga tingin sa akin.-Ajai_KimAdi's POV"Harley Ruvin." madiin kong pagtawag kay Haru nang sinundo ko ito sa basketball court kung saan ay kalaro niya ang best friend niyang si Noah at ang iba pa nilang mga kaibigan.Nabaling ang tingin sa akin ng mga kaibigan ni Haru habang siya ay mukhang naiinis sa biglang pang-iistorbo ko sa laro nila."Ano ba 'yon, ate? Nakita mo namang naglalaro pa kami, e!" naiinis niyang sabi nang lumapit ito.Mahina kong piningot ang tainga niya at ang damuho ay umaaray pa na parang masakit ang pagkakapingot ko."Hoy! Anong oras na? 8:00 p.m na ng gabi pero hanggang ngayon ay naglalaro ka pa rin sa court. Wala ka bang balak kumain, ha?" masungit kong sabi at si Haru ay nagkamot ng batok."Kakain naman ako mamaya pero naglalaro pa kasi kami. Halika nga dito, Noah at i-explain mo kay Ate Adi na may sasalihan tayong liga sa kabilang baranggay," sabi ni Haru at pinalapit nito si Noah na nagpeace sign lang at ngumiti ng napipilitan."Tama si Haru, Ate Adi. May sasalihan nga kaming basketball g
Adi's POVSaktong 6pm nang matapos ako sa duty ko sa trabaho. Si Nikolai ay 30 minutes early bird at maaga niya akong sinusundo sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko. Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga kasamahan kong babae sa trabaho kabilang na si Iska na nagkandahaba-haba na ang leeg dahil kanina pa lumilingon sa kinaroroonan ni Nikolai.Nakapwesto malapit sa ATM machine si Nikolai at nakasandal pa rito na parang model ng BDO ATM machine. Napapatingin halos ang mga taong napapadaan sa harapan niya. Head turner talaga ang mokong na 'to kaya masyadong bida-bida sa sarili kung minsan."Sure ka bang hindi mo jowa 'yan, Adi? Ang gwapo naman nyan! Mukhang koreano pero daks!" malanding bulong ni Iska kaya pinandilatan ko siya ng mata."Lalake rin ang hanap niyan kaya wala kang pag-asa dyan." sabi ko habang natatawa. Panigurado na kapag narinig ni Nikolai ang sinabi ko kay Iska ay baka mabatukan lang ako nito.Biglang lumungkot ang mukha ni Iska at ngumiwi ito. "Gano'n ba? Sayang naman a
Adi's POVSa mga sumunod na araw ay naging payapa naman ang buhay ko. Hindi ako ginugulo ni Leigh kahit alam kong nandito pa rin siya sa Pilipinas, pero hindi pa rin panatag ang loob ko, naaalala ko ang huling sinabi niya sa akin na kukunin niya kami ni Blair. Hindi ako makakapayag roon at kahit kailan ay hindi na ako babalik sa kanya.Nang malaman ni Kuya Hideyo na nagpunta sina Leigh at Laarni sa bahay ay hatid-sundo na niya ako sa trabaho ko. Minsan kapag may oras si Nikolai ay siya rin ang naghahatid-sundo sa akin. Alam kong pinoprotektahan lang nila ako at baka bigla na lang sumulpot kung saan si Leigh at dukutin ako.Ang lalakeng iyon talaga! Wala ba siyang katiting na konsensyang nararamdaman matapos niya akong iwanan at itanggi si Blair bilang anak niya? Sinabi nga niyang ipalaglag ko ang bata pero hindi ko iyon ginawa. Kung umakto siya ngayon ay parang wala siyang naging kasalanan sa amin. Limang taon ang lumipas pero hindi pa rin siya nagbabago. Wala na talagang pag-asa ang
Ahnwar's POVIt's been 3 days pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tumitigil sa kakamasid kay Supermarket girl na nakakuha ng atensyon namin ni Ahzik. We noticed her the day we saw her outside the supermarket while her boyfriend or whoever the fucktard he is kissed her temple.Ahzik and I were captivated by her beauty and light aura. Sa loob ng tatlong araw naming kakamasid at kakasulyap sa kanya mula sa malayo ay nakikita namin na she exudes positivity and joy. Palagi siyang nakangiti. This enhances her beauty and cuteness."Seriously? Na-love at first sight kayo sa babaeng 'yan? You've met a lot of lovely women in this country tapos sa kanya lang kayo nagkakaganyan?" Ahmed said bitterly.He doesn't like the idea na nagiging creepy stalker na kami ni Supermarket girl na maganda, sexy, mahaba at straight ang itim na buhok, may mapupulang labi at nakakaakit na mga mata. Damn the hell! Yes. We've met a lot of pretty and gorgeous girls at our university and workplace, but this girl
Adi's POVMabuti na sabado ngayon at rest day ko sa trabaho. Hindi ko muna makikita ang baliw na triplets na iyon na sinabi sa aking manliligaw raw sila (except kay masungit na Ahmed) at wala pang pakialam ang mga ito nung nalaman nilang may anak na ako.Seryoso ba sila? Ano iyon, na-love at first sight sila sa 'kin sa una pa lang? Totoo ba talaga ang ganoon? Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ba nila ako o ano pero medyo naniniwala naman ako sa kanila na interesado sila sa akin. Sa ganda ko ba namang ito? Pero seryoso nga, hindi naman siguro sila mang-iistalk ng tatlong araw kung hindi sila nabihag sa alindog ko.Swerte ba ako dahil may tatlong nag-gagwapuhang triplets ang umaaligid sa akin- ay hindi pala dahil iyong isa sa triplets na may blue-grey na mga mata ay ang sungit at sinabing hindi niya ako type. Kung hindi niya ako type e, mas lalong hindi ko rin siya type, no! At sa tuwing naaalala ko ang ginawang paghalik sa magkabilang palad ko nina Ahnwar at Ahzik ay hindi ko mapig
Adi's POVDahil birthday ngayon ng nakababatang kapatid nina Ahnwar at Ahzik na si Danielle ay niyaya nila kami ni Nikolai na maki-birthday sa bahay nila. Mukhang kaclose ni Nikolai ang dalawang boss niya dahil nag-uusap at nagtatawanan pa ang mga ito habang nasa loob kami ng kotse ni Ahnwar patungo sa bahay nila.Hindi alam ni Nikolai na nakilala ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa pinagtatrabauhan kong Supermarket kung saan niya ako ni-refer. At hindi ko rin alam na uncle pala ng triplets ang may-ari ng Supermarket kaya kilala nila si Nikolai at boss ang tawag ni Nikolai sa kanila.What a small world! Kilala ni Nikolai ang magkapatid sa triplets na sinabing liligawan daw ako and take note; hinalikan nila ang magkabilang palad ko dahilan para hindi ko na sila mai-alis sa isipan ko."I'm glad we saw you in that mall. Mabuti na lang at naisipan namin ni Ahzik na pumunta sa mall to bought gifts for Danielle's 14th birthday." nakangiting sabi ni Ahnwar kay Nikolai at sandaling sumulyap sa
Adi's POVHindi ako halos makatingin ng diretso kina Nikolai, Kyrie, at Ahmed habang nasa iisang table kami kasama ang mga magulang ng triplets na sina Ma'am Rica at Sir Trevor maging pati na ang kadarating lang na mga ama ng iba pang kapatid ng triplets na sila Sir Zian, Wenhan, at Ran.Sinabi ni Ahnwar at Ahzik sa mga magulang niya na nililigawan nila ako. Hindi ko inaasahan na ayos lang iyon sa pamilya nila dahil nag-aalangan ako sa estado ng buhay ko kumpara sa estado ng buhay nila. Nakikita kong tanggap nila ako para sa mga anak nila. Tanggap rin nila kahit may anak na ako. Wala raw kaso sa kanila kung single mother ako. Talagang mabait ang pamilya ng triplets at hindi kami itinuturing na ibang tao nina Blair at Nikolai kahit na lumaki kami sa hirap at hindi mayaman na katulad nila.Kasama pa rin ni Blair sina Yesheem at Sahara. Kakatapos lang nilang maligo sa pool at ngayon ay nasa loob sila ng mansyon para ipakita at ipalaro kay Blair ang mga laruan nilang pinaglumaan noong mga
Adi's POVIsang linggo ang nakalipas simula nang magpunta kami nina Blair at Nikolai sa mansyon ng Dela Vega Triplets para maki-celebrate sa birthday party ng kababata nilang kapatid na si Danielle at isang linggo na rin akong nililigawan nina Ahnwar at Ahzik. Hindi ko lmtalaga inaasahan na wala pang halos isang araw ay nakasundo na kaagad nila sila Mama Encar, Lola Andeng, Haru, at Kuya Hideyo.Yes mga beh! Pati ang panganay kong kapatid ay kasundo na sina Ahnwar at Ahzik at kahapon lang ay niyaya sila ni Kuya Hideyo na mag-inuman sa bakuran ng bahay namin. Paano kaya nangyari na nakuha nina Anhwar at Ahzik ang tiwala ng buong pamilya ko? Alam nila ang history ko kay Leigh pero bakit ngayon ay kulang na lang ay ipamigay nila ako sa dalawa sa triplets?Sa loob ng isang linggo ay walang inatupag sina Ahnwar at Ahzik kundi ang ligawan ako. Halos mapuno na ang loob ng kwarto namin ni Blair ng groceries, chocolates, at laruan ni Blair na ibinibigay sa amin.Kung magbibigay sila dapat ay g