Share

Chapter 01

Hindi maalis sa isipan ni Alana ang naging usapan nila ng kanyng stepmother. Kahit kailan ay hindi pa sumagi sa kanyang isipan ang magkaroon ng anak, lalo na sa panahon ngayon. Kahit masasabi niyang padami na nang padami ang investors ng kanyang negosyo, still, hindi pa rin ‘yon sapat para magkaroon ng anak.

Maghanda pa nga lang ng proposal, hirap na siya e. Ang magkaroon pa kaya ng anak na sobrang mahal ang bayad sa ospital?

“Ang lalim naman yata ng iniisip mo.”

Wala sa sarili siyang napatingin sa kanyang matalik na kaibigan na si Alora. Isa ito sa mga taong malapit sa kanya. They met way back in college and they’re called the twin A’s. Kasi magkatugma ang kanilang pangalan: Alora and Alana.

Humugot siya ng malalim na hininga. “Wala. Naisip ko lang ang sinabi ni Tita sa ‘kin. About sa pagkakaroon ng anak. What do you think, Lora?”

“I think that’s nonsense,” diretsong sambit nito. “I mean, duh? Why are you gonna do that? Ikaw pa nga itong nagbabalak mag-initiate ng proposal, tapos bibigyan mo pa ang anak? Talking about what a man brings to the table. Ano? Ikaw na lang lagi? Anong ambag ng shota mo? Kapogian? Hindi naman pogi ‘yon, e!”

Wala sa sarili niyang binato ng throw pillow ang kaibigan. “Ano ka ba? Isang sentence lang gusto kong marinig, hindi essay.”

“What?” Sumimangot ito. “I’m just stating the fact, Aly. Grabe naman kasi kung makasulsol ang stepmother mo. Pabigat na nga sila sa ‘yo, hihiling pa sila ng anak niyo ni Paolo. Nako, h’wag. No. Big no!”

She bit her lower lip and sighed. “Pero don't you think my stepmother has a point?”

Sa kanyang tanong ay saglit na natahimik ang kanyang kaibigan. Binalot sila ng nakakabinging katahimikan sa loob ng kanyang opisina. It’s already sive in the evening and Alora finally found time to come here.

Pareho kasi silang naging busy sa sariling negosyo matapos nilang magtapos sa kolehiyo. The only difference is that… this is not her passion. She wanted to be an interior designer but then her father died. Kaya heto siya, pinagpapatuloy ang sinimulan ng kanyang ama.

“But, well, she has a point too.” Nagkibit balikat si Alora. “They are not your biological family. Who knows, ‘di ba? Baka tinitira ka lang nila patalikod. You need someone who is going to defend you lalo na kapag inaapi ka na. Hindi ko naman sinasabing magkaanak na kayo ni Paolo pero you need someone too. To continue your legacy.”

Napaisip siya roon. Iyan din ang paulit-ulit na sumasagi sa isipan niya. Walang magmamana sa negosyo niya. But… isn’t it too early?

“And I’m sure, hindi mo gustong magpunta sa high school graduation ng anak mo na ugod-ugod ka na, ‘di ba?” sambit ni Alora at tumunga sa hawak nitong champagne glass.

“But I’m still twenty four,” she retorted.

“Yup. Twenty four. Not too old, not too young. Pwede ka nang magkaroon ng anak. But the question is… are you ready? Mentally, physically, and emotionally ready. Hindi lang financially.”

Ngumuso si Alana at hinilot ang kanyang sintido. “Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Hindi pa namin ‘to napag-uusapan ni Paolo, e.”

Nilapag ni Alora ang baso nito sa center table at tumingin sa kanya. “What if i-discuss mo ang bagay na ‘yan sa kanya? You know, to see if it’s worth it carrying his baby, right? Tapos saka ka mag-propose.”

She looked at her friend. “Should I do that?”

“You should,” sambit nito. “Kasi remember, you can choose a lover, but your child cannot choose a father. Busisihin mo muna at nang sa gayon maliwanagan ka sa kung ano ang sunod mong gagawin.”

Tinarak ni Alana ‘yon sa kanyang utak. “Thank you so much, Lora. Please, stop hating my boyfriend.”

“No problem,” saad ni Alora at ngumiti. “And no, it’s my job to hate your man.  That’s what bestfriend’s are for.”

Kumindat ito sa kanya at mahina siyang natawa. Inubos muna nila ang laman ng champagne at nang matapos ay nauuna nang tumayo si Alora. “I have to go na, sissy. Sunduin ko pa sina mommy sa hotel. Sabay na tayong bumaba?”

She nodded her head without hesitation. “Sige. Tara.”

Alana grabbed her purse and they both went out of her office. May mga hindi pa rin umaalis, marahil ay abala ang mga ito. Bumati lamang ang mga ito sa kanya na sinuklian niya lang ng ngiti.

“Uuwi ka na agad?” tanong ni Alora habang ina-adjust ang oras sa pambisig nitong relo.

“Hindi,” sambit niya. “I’m heading to Paolo’s place. Ngayon ko siya kakausapin. I’m planning to surprise him by making him some dinner.”

Takhang nagbaling ng tingin ang kaibigan sa kanya. “Hindi ka pa nahihilo sa champagne na ininom natin kanina?”

“I’m still sober,” she replied. “Mas mabuting mapag-usapan namin ‘to ni Paolo ngayon para makapagdesisyon na ako.”

“As you should.”

Nang dumating sila sa parking lot ay kanya-kanya silang pasok sa kanilang sariling sasakyan. Nag-ayos muna siya sa kanyang mukha at nang okay na ay agad siyang nag-drive patungo sa condo ni Paolo.

At this moment, na sa gym pa si Paolo para dahil usually, nine ng gabi ito umuuwi. It’s still six… almost seven. Paniguradong wala pa ito sa kanyang condo. Kaya nang makarating siya sa building kung saa nakatirik ang condo ng kasintahan ay agad siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng building.

Alana was smiling widely. Diretso lamang siyang nagtungo sa lapag ng condo ni Paolo at nang nasa harap na siya ng pinto ay pinindot niya ang passcode ng pinto. Hinugot niya muna ang kanyang phone para i-text ang kasintahan na dumiretso ng uwi bago siya tuluyang pumasok sa loob ng silid.

Ngunit ang ngiti na ‘yon ay unti-unting nawala nang makita niya ang isang pares ng pulang heels sa shoe rack. And she’s certain that it wasn’t hers.

Kanino ang heels na ‘yon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status