Share

Chapter 02

She bit her lower lip as she pressed the code on his door. Nang bumukas ito ay agad niyang hinugot ang phone mula sa kanyang purse para i-text si Paulo na dumiretso ng uwi. She’s excited. Kahit wala sa isip niya ang magkaroon ng anak, she’s excited to hear his opinion about having a baby.

Matapos ay muli niyang sinilid ang phone sa loob ng bag at tinulak na pabukas ng pinto. Ngunit ang ngiti niya ay unti-unting napawi nang mapansin niyang bukas ang ilaw sa living room. Her brows furrowed. Maingat niyang hinubad ang kanyang suot na sapatos at papasok na sana siya ng living room nang dumapo ang kanyang paningin sa lagayan ng sapatos.

Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib nang makita ang isang pares ng pulang high heel na nasa shoe rack. Wala sa sarili niya itong pinulot at tinignan. This isn’t hers. May mga heels siya ngunit ang pinakaayaw niyang kulay ay red!

Kaninong heels ito?

“Uhm…”

Wala sa sarili siyang napatingin sa pinto ng silid ng kanyang kasintahan dahil mula roon ang tinig. Muli niyang nilapag ang heels at humakbang papasok ng living room. Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit bawat hakbang niya ay halos pigilan na niya ang sarili sa paghinga.

Nang makarating siya sa harap ng pinto ng silid ay nakita niya ang kaunting siwang. At sa tulong nito, nagawa niyang sumilip sa kung ano ang na sa loob ng silid. But that was the stupidest thing she ever did.

Sumikip ang kanyang dibdib at nanubig ang kanyang mga mata sa nasaksihan. Pakiramdam niya ay nanlambot ang kanyang mga tuhod na kinakailangan niya pang humawak sa pader para makakuha ng suporta sa kanyang pagtayo.

“You’re still good as ever,” sambit ng babae na boses pa lang ay kilalang-kilala niya na.

Paolo chuckled. “Of course.”

Tinakip ni Alana ang kamay sa bibig para pigilan ang sarili sa pagpapakawala ng hikbi. Naninikip ang kanyang dibdib at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. She wanted to cry her heart out but she held it in. May kung ano sa puso niya na gustong marinig ang magiging usapan nila.

“Alana is stupid,” sambit ni Joey. “Akalain mo ‘yon? She gave me her credit card? She trusted me that much?”

Yes, it was Joey. Ibig sabihin, ang heels na nasa shoe rack ay kay Joey.

Muling natawa si Paolo sa sinabi ng kanyang kinakapatid. “She’s always stupid. How was convincing her?”

“Hindi ko alam,” masungit na saad ni Joey. “Ayoko sa ideya na ‘yon. Pwede naman natin siyang huthutan ng pera kahit wala kayong anak, e.”

“Mas maraming pera ang mahuhuthot natin sa kanya kung magkakaanak kami.”

What Paolo said felt like a stab on her chest. So all this time… she was being fooled? Everything for the sake of money? Matagal na pala siyang gigago ng kinakapatid at kasintahan niya?

“But you should promise me. Na kahit magkaanak na kayo ni Alana, ako pa rin ang mamahalin mo.”

Alana anticipated for his response; secretly hoping that he’ll say no. She loved Paolo so much na kahit hindi pa siya handang magkaroon ng anak, handa siyang dalhin ang anak ni Paolo.

But what Paolo replied broke her heart into a million pieces.

“Yes. I never loved your stepsister. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko. We’re just using her for the money.”

Sunod-sunod na nagpatakan ang luha sa kanyang mga mata. Gusto niyang lumabas sa pinagtataguan niya at magwala ngunit alam niyang wala rin namang mangyayari. So what if she found out Paolo is cheating on her with her stepsister?

Kaya sa halip na gawin ang binabalak niya ay pinili niya na lang na umalis. Pinulot niya ang sapatos at hindi na nag-abalang suotin ito. Ngunit bago siya lumabas, pabalda niyang sinarado ang pinto. They have to know someone saw them.

Agad siyang pumasok sa loob ng elevator at pinindot ang ground floor. Panay ang kanyang hikbi sa loob ng elevator at mabuti na lang at wala siyang kasabay sa elevator na ‘to. Kasi kahit may kasama siya, she won’t hold back her tears. Sobrang bigat ng kanyang loob ngayon.

Upon arriving at the ground floor, mabibilis ang kanyang mga hakbang patungo sa kanyang kotse. Pumasok siya sa loob at nang maisara ang pinto ay doon na siya umiyak nang todo.

“Bakit…” she whispered with her head leaning against the steering wheel. “Ano bang nagawa kong pagkakamali?”

Wala siyang maalalang kasalanan na ginawa para ganituhin  siya ng pagkakataon.

She needs to calm down but how? How is she going to calm down when she’s hurting so much. Malapit ang loob niya kay Joey kaya okay lang sa kanya ang magbigay ng pera rito.

But even after all the kindness she showed… Joey still chose to betray her. Just for the sake of money. Nagawa siyang pagtaksilan ng dalawang taong malapit sa kanya para sa pera.

Nag-angat siya ng tingin sa rearview mirror at ang una niyang napansin ay ang maskara niyang nasira dahil sa kanyang pag-iyak. Agad niya itong pinunasan at humugot ng malalim na hininga. Her phone vibrated from her purse. Kinuha niya ito at nakita ang message ng kanyang stepmother, ni Paolo, at ng bank; probably Joey’s expenses today.

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Ayaw niya munang umuwi dahil hindi niya pa kayang makita si Joey sa bahay ngayon. Ayaw niya ring magpunta sa kaibigang si Alora dahil paniguradong pagsasabihan lang siya nito.

Where is she going tonight? Bukod kay Alora, wala na siyan malapit pang kaibigan… bukod kay Joey.

She started the engine of her car and immediately drove out of the parking lot. Hinayaan niya ng kanyang sasakyang dalhin siya sa kung saan siya maglalabas ng hinanakit ngayong gabi.

Alana found herself in front of a bar. Isa ito sa mga paboritong bar ni Joey, and her car brought her to this place. She’s never been into this kind of place. But does she care? No.

She’ll get wasted tonight.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status