MAKIKIPAG RAMBOL NA NAMAN ANG PUSA MEOW
Ang mga babae sa paligid ay naglakas-loob na atakihin si Hillary nang sama-sama dahil isa lang siyang babae. Pero walang sinuman ang nangahas na lumapit kay Jackson, dahil siya ang tinaguriang gangster sa campus.Maging ang mga lalaking estudyante sa paligid ay hindi rin naglakas-loob na lumapit. Masyadong brutal si Jackson. Akma sana nilang sugurin si Hillary pero agad kinuha ni JoaquinAng mga guro na nasa paligid ay nais nang pumigil, pero biglang sumigaw si Mr. Joaquin. "Huwag kayong makialam!" Gusto niyang makita kung paano tatanggapin ng babaeng iyon ang parusa mula sa kanyang apo! Samantala, si Butler Arthuer ay mabilis na pumunta sa grupo ng mga kababaihang umatake kay Hillary upang protektahan siya “Hillary, mag-ingat po kayo." "Huwag kang mag-alala, Butler! Hindi ako mabubuhay nang mapayapa hangga't hindi ko nababali ang mga bibig ng mga babaeng ito!" Hinawi ni Hillary ang butler, sinabunutan ang isang babae, hinawakan ang leeg nito gamit ang kanyang kamay, at itinulak siy
Itinuro ni Jackson ang mukha ni Hillary at nagreklamo, "Lolo, matagal ko nang sinabi sa'yo, huwag kang palilinlang sa itsura niya. Sobrang tapang niya." Tinadyakan ni Hillary si Jackson at sinubukan niyang ipagtanggol ang sarili para mapanatili ang kanyang mabuting imahe sa harap ni Mr. Joaquin. "Dad, hindi naman ako palasigaw o mainitin ang ulo. Hindi ba tingin mo, mabait at mahinhin ako sa bahay? Pero sa pagkakataong ito, ibang tao ang nag-umpisa kaya ako nagalit. Sino ba namang hindi umiinit ang ulo kapag nagagalit, di ba?"Tumango si Mr. Joaquin, nag-iisip, ngunit bigla rin siyang natigilan. "Pero teka, kahit mainitin tayo minsan, hindi naman kami ganun kabagsik gaya mo." Pinadugo ang anit ng iba at ikiniskis ang bibig ng isang babae sa sahig. Biglang naalala ni Hillary na dapat niyang ipakita ang kanyang mabait na panig. "Pero Dad, sabihin mo nga, hindi ba't nararapat lang silang bugbugin?" Naalala ni Mr. Joaquin ang masasakit na sinabi ng mga taong iyon laban sa kanyang manug
Si Mayor Harry at ang istasyon ng pulisya ay natapos na ang proseso ng piyansa, at siya mismo ang naglabas sa kanyang anak. Ang pamilya Gavinski, na binubuo ng anim na tao, ay umalis ng sabay sa presinto,Samantala, mahigit dalawampung kaklase na nakakulong sa isa pang bakal na selda ay nanatiling tahimik. Isa itong malaking hindi pagkakaunawaan. Ang mga balitang natanggap ngayong araw ay sapat na upang yanigin ang university nila. Una, hindi pala isang sugar daddy ang sumusuporta kay Hillary, kundi ang matandang lalaki ay kanyang biyenan! Pangalawa, ang pinakamagandang babae sa unibersidad ay kasal na pala, at ang kanyang asawa ay walang iba kundi ang internationally famous na negosyante, si Hugo Gavinski! Pangatlo, ang campus gangster/heartthrob ay hindi lang isang anak ng opisyal, kundi isa ring tagapagmana ng malaking yaman! Pang-apat, hindi pala magkasintahan sina Hillary at ang campus heartthrob. Magkamag-anak sila—tiya at pamangkin! Sa isang iglap, pakiramdam nila na parang
"Asawa ko, nag-aalala rin ang hipag mo para sa akin." Binitiwan ni Hugo ang kanyang asawa at tumayo upang buksan ang pinto. Nang makita siya ni Jenny, muli nitong ipinaabot ang kanyang pag-aalala kay Hillary. "Ate, pumasok ka. Ayos lang ako," sabi ni Hillary habang nakaupo sa kama at suot na muli ang kanyang nightgown. Pumasok si Jenny sa kwarto ng kanyang hipag, naupo sa kama, hinawakan ang braso ni Hillary, at sinuri ito. "May sugat ka ba sa mga binti?" Inunat naman ni Hillary ang kanyang mga binti upang ipakita. "Wala, huwag kang mag-alala." "Wala bang masakit sa tiyan mo o likod?" tanong ni Jenny. Tumingin si Hillary sa kanyang asawa, at agad na naintindihan ni Hugo ang kanyang tingin. Nagsalita siya upang maitago ang totoo. "Ate, sinuri ko na si Hillary kanina habang naliligo siya. Wala siyang sugat." "Buti naman kung ganoon. Ano bang nangyari? Bakit ka nakipag-away? Hindi ako sumilip sa forum ng school mo, kaya hindi ko alam ang buong pangyayari." Hinawakan ni Hillary ang
Tuwing nagkakaganito si Jeah, wala siyang magawa. Noong bata pa siya, nang mahuli siyang patagong kumakain ng kendi, kumapit siya sa kanya na parang isang baby kangaroo at nagpa-cute. Pinagbigyan niya ito. Makalipas ang ilang taon, patago siyang naglaro ng video games at nahuli. Yumakap siya sa baywang ng kapatid at nagpa-cute, gaya ng ginagawa niya ngayon. Pinagbigyan niya ulit ito. Ngayon, ang dating maliit na kapatid ay ganap nang dalaga, pero pareho pa rin ang ginagawa niya—yumayakap at naglalambing. At oo, pinagbigyan niya ulit ito! "Sige na, bitawan mo na ako at tumayo nang maayos. Titingnan ko kung may sugat ka." "Kuya, nasaan sina Hillary at Jackson?" "Kaninang hapon, dinala na sila ng pamilya nila. Ligtas sila at walang natamong pinsala." Sa narinig, saka lang binitawan ni Jeah ang baywang ng kapatid. Ngumiti siya nang may pang-aamo at sinabi, "Thank you, Kuya!" Kinatok ito ni Cedrick sa noo, "Kapag nalaman kong nasangkot ka ulit sa gulo, kahit pa kapatid kita, ikukulon
"Asawa ko, pikit ka." Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Hugo nang lumitaw ang kanyang asawa mula sa likuran. "Hillary, dumalaw ka ba para makita ako?" "Hoy, sabi ko pikit ka!” malambing na sabi ni Hillary. Ibinaba ni Hugo ang telepono at lumitaw sa kanyang mukha ang isang mapagmahal na ngiti. Matapos marinig ang sinabi ng kanyang asawa, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Dahan-dahang inilapit ni Hillary ang bungkos ng rosas na hawak niya sa dibdib ng asawa. Lumapit siya, tumingkayad, at marahang hinalikan ang pisngi ni Hugo. Bahagyang lumunok si Hugo, saka dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Ang unang bumungad sa kanya ay isang bungkos ng matingkad na rosas, mas makulay pa kaysa sa alak, at ang bango nito ay tila sumiksik sa kanyang puso. Sa likod ng mga rosas ay nakatayo ang kanyang maliit na asawa, na ang ngiti ay mas maganda pa kaysa sa mga bulaklak sa kanyang mga bisig. Muli niyang pinahanga ang kanyang asawa. Sanay si Hugo sa mga pagsubok sa buhay, kaya niyang har
Namula agad ang mukha ni Hillary. Nahiya siya nang maalala ang sinabi nila. "Huwag niyo na pong tingnan, hihi.”Agad namang huminto sa pang-aasar ang mga tao sa paligid at magalang na ibinaba ang ginagawa nila habang pinapanood ang kanilang boss at ang asawa nito na lumabas. Tiningnan ni Hugo ang kanyang masiglang asawa at napuno ng saya ang kanyang puso. Dumating ang elevator at pumasok silang dalawa."Ano ang kahulugan ng labindalawang bouquet ng rosas?" Agad na tanong ni Hugo."Wala ka bang cellphone? Search mo nalang." sagot niya nang nahihiya."Gusto kong marinig na ikaw mismo ang magsabi." Pinagdikit ni Hillary ang kanyang mga labi. Nang maisip niya ang ibig sabihin noon, hindi niya kayang sabihin. Naghihintay pa rin ang lalaki sa kanyang sagot. Lalong nagulo ang isip ni Hillary at inikot-ikot niya ang kanyang mga daliri. "Asawa ko, basta alam mo na ‘yon sa puso mo." "Kung hindi mo sasabihin, paano ko malalaman?" Gusto niyang marinig mismo mula sa kanya ang sagot. Pinasasab
"Nag-makeup ka ba?" tanong niya. Sa sandaling nakita niya ang kanyang asawa, alam na niya agad kung ano ang ginawa nito sa loob ng banyo kanina. Kitang-kita niya na inayos ng kanyang asawa ang buhok nito at nag-iba rin ang kulay ng kanyang labi. Umupo si Hillary sa tabi niya. "Honey, okay ba ang makeup ko?" Sanay si Hugo sa pagiging direkta at hindi mahusay sa pagbibigay ng papuri sa kanyang mga tauhan. Para sa kanya, ang pinakamalaking pagpapatunay ay isang simpleng pangungusap na may dalawang salita, "It’s okay." Gayunpaman, hindi tauhan ni Hugo ang kanyang asawa, kaya nagkaroon ng ibang kahulugan ang kanyang sinabi sa pandinig ni Hillary. "Hindi maganda? Sige, aalisin ko at maglalagay ulit," ani Hillary. "Maganda, sobrang ganda!" Hinawakan ni Hugo ang kamay ng kanyang asawa para pigilan itong tumakbo palayo. "Hindi mo na kailangang magpaganda dahil maganda ka na." Ngumiti siya. "Sabi nga nila kapag mga matatandang asawa, mahilig magpapuri sa asawa." Si Hugo ay tinawag na nam
Nalito lang si Hillary kanina, at halos matapos na ang ginagawa nila. Sa mga oras na ito, wala nang bahid ng pagnanasa sa kanyang mga mata.Sa halip, si Hugo naman! Kailangan na naman niyang maligo ng malamig.“Honey, maliligo muna ako.”Pinipigilan ni Hugo ang nararamdamang pagnanasa at mahinahong nagsabi, "Mahal, malamig ang panahon. Hindi maganda sa katawan ang palaging pagligo ng malamig.""Di naman ganon, asawa. Naisip ko lang si Amelia."Biglang kumabig ang utak ni Hillary, at naalala niya ang isang alala noong araw na nahuli sila ni Hugo na naglalaro ng billiards. Matapos kasi nilang umalis doon, napansin niyang natigilan si Hugo sa paglalakad at bigla itong may sinundan."Hillary, ano bang sinabi mo kanina?"Umiiwas ang tingin ni Hillary, sabay tulak sa asawa, "Umm, teka lang. G-gusto ko munang maupo."Tiningnan ni Hugo ang posisyon nilang dalawa. Nakapatong siya sa asawa kaya nabibigatan ito. Kaya't gumilid siya at tumagilid sa kama. Nahihiya ring tinakpan ni Hillary ang sari
Pinakalma ni Mr. Joaquin ang anak niya at hiniling na palayain na niya ang nararamdaman niya. Ngunit ang pagkadismaya ni Hugo ay paulit-ulit na nauuwi sa mas matinding kawalan ng pag-asa.Naniniwala si Harry sa sinabi ng kanyang ama at kumbinsido na siyang patay na ang kanyang kapatid na babae. Matagal silang tatlo na nag-usap sa opisina ng kanyang ama.Samantala, nahanap ni Hillary ang lahat ng limang regalo, at masaya siyang gumulong-gulong sa kama, kumuha ng mga litrato, at nag-post sa kanyang social accounts.[Ang sarap sa pakiramdam na may asawa, kahit nasa business trip siya, laging may pasalubong.] Caption niya pa bago i-post.Makalipas ang isang oras, bumalik na si Hugo sa kwarto. Dahil sa mabibigat na paksa ang pinag-usapan, mabigat din ang pakiramdam ni Hugo.Nang makita si Hillary, ayaw niyang sirain ang kasiyahan ng asawa. “Asawa ko, maliligo muna ako.”“Sige lang.” Nakaluhod pa rin si Hillary sa kama, kinukunan ng litrato ang mga regalo niya.Pagkalipas ng ilang sandali,
Pagkaalis ng karamihan ng mga tao sa paligid, nag-inat si Hillary at naghanda nang umalis. Ayaw pang umalis ni Hugo at tinitigan lamang ang kanyang asawa."Honey, bakit mo ako tinitingnan? Hindi ka pa ba nagsasawa sa bahay, kaya lumabas ka pa para lang tumingin ulit? Yang mga mata mo..."Habang nagsasalita si Hillary, biglang lumapit si Hugo at hinalikan siya sa labi sa loob ng sinehan.Marahil dahil sa kinain niyang matamis na popcorn kaya matamis ang kanyang labi.Hindi mahilig si Hugo sa kendi, pero gusto niya ang matamis na labi ng asawa. Habang nagkakadikit ang kanilang mga labi, ipinikit ni Hillary ang kanyang mga mata."Ehem, tapos na po ang palabas." Pumasok ang isang staff para maglinis.Nang makita silang naghahalikan, hindi napigilang paalalahanan sila.Biglang dumilat ang mga mata ni Hillary. Nahuli silang naghahalikan sa publiko.Nahihiya siya at tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga kamay, hindi makaharap sa ibang tao.Namula rin ang tenga ni Hugo sa hiya.Gayunpaman,
Tinitigan ni Hugo ang kalsada sa unahan at nagsabing, "Grabeng himala ito. Ang maliit kong pusa sa bahay, ngayon nagmamaneho na ng sasakyan. Ikaw na talaga ang susundo sa akin ‘pag lasing ako.”Napuno ng pananabik si Hillary habang iniisip iyon."Mahal, kapag alam mong iinom ka, itext mo lang sa akin ang address mo at susunduin kita.""Sige."Maayos ang pagmamaneho ni Hillary sa buong biyahe. Kapag seryoso mong pinag-aralan ang isang bagay, kahit wala kang likas na galing, hindi mabibigo ang sipag mo.Pagdating nila sa western restaurant na sinabi ni Hillary, sinubukan pa niyang humanap ng puwestong paradahan sa gilid. Pero tanghali at Sabado iyon, kaya punuan ang lahat ng parking space.Ang pinakaayaw niyang gawin ay ang mag-back parking. Sa kasamaang-palad, ang limang natitirang puwesto ay puro paatras. Napakunot ang noo niya.Napansin ni Hugo ang itsura ng kanyang asawa at alam niyang nahihirapan ito."Hillary, iparada mo lang muna ang kotse. Ako na ang bahala sa pag-atras."Biglang
Kaya kinuha ni Jackson ang kanyang cellphone at ipinadala ang lokasyon ng paradahan ni Hillary kay Hugo Gavinski.Tumunog ang cellphone ni Hugo, at agad na lumingon si Hillary, "Honey, sino 'yang nagpadala sa’yo ng mensahe?"Hindi rin alam ni Hugo, pareho silang nakatingin sa kani-kanilang cellphone.Nang makita ni Hillary na si Jackson ang avatar, tinignan niya ang chat box. “D32? Honey, anong ibig sabihin nito?”Tumingin siya sa kanyang asawang nakatabi sa kanya. Malamlam ang kanyang mga mata—halatang walang kamuwang-muwang ang babae.Biglang may naalala si Hillary. Nagliwanag ang kanyang mukha. "Ah! Alam ko na." Tapos, nagliyab ang maliit na apoy sa kanyang mga mata. "Pinadala ba niya sa’yo ang sukat ng bra ng babae?"Tiningnan ni Hugo ang dibdib ng kanyang asawa.Tiningnan din ni Hillary ang sarili niyang dibdib, tapos tumingin siya sa asawa niya. "Hintayin mo lang si Jackson. Pagbalik natin, papatayin ko 'yan!"Ang kapal ng mukha magpadala ng sukat ng bra ng ibang babae sa asawa n
Nagulat ang lalaking nagpapansin at napatigil sa kinatatayuan niya habang tinititigan ang babaeng nagsabing kasal na siya.Alam ni Hillary ang motibo ng lalaki, pero hindi na siya nag-aksaya pa ng pansin at lumipat sa isang tahimik na lugar upang hintayin ang kanyang asawa. Nakakainip ang paghihintay, pero kung para sa minamahal, palaging may halong pananabik ang puso.Nag-antay siya nang matagal. Halos lahat ng tao sa paligid ay may nakasundo na, maliban sa kanyang asawa na hindi pa lumalabas.Sa parking lot, pakiramdam ni Jackson ay may nakalimutan siya.Bigla niyang naalala. "Hala, baka si Hillary nasa regular na gate ng sunduan! Eh di ba VIP lane ang dinaanan ni Hugo? Kung sa ordinaryong exit siya naghihintay, hindi niya talaga ito mahihintay."Nahulaan na rin ni Hugo kung ano ang naalala ni Jackson.Pagkalabas niya, napansin niyang wala roon ang asawang sabik siyang sorpresahin.Kaya bumalik siya at tumungo sa ordinaryong labasan ng paliparan.At ayun na nga.Ang asawang nakatayo
Noong nakaraan, si Hugo ay palaging umiinom para malimutan ang kanyang kalungkutan. Pero sa pagkakataong ito, tsaa naman ang iniinom niya para maibsan ang pagkainip."Johanson, kung niyakap ko lang siya nang mas mahigpit noon, sana hindi nawala si Amelia, hindi rin sana mamatay si Mom, at hindi nasira ang pamilya natin."Labinlimang taon nang pinagsisisihan ni Hugo ang mga nangyari. Nawalan siya ng kapatid para sa kanyang pamangkin, at galit ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.Nakita niyang tila nawalan ng buhay ang kanyang ama, kaya't wala siyang mukhang maiharap dito. Kaya maaga siyang lumipat sa ibang bahay.May sarili nang pamilya ang kanyang panganay na kapatid, kaya ayaw niyang maging pabigat. Simula nang siya’y trese anyos, mag-isa na siyang nanirahan sa malamig na mansion.Alam ni Johanson na hindi kayang pagaanin ng ilang salita lang ang dinadala ng kanyang kaibigan. Walang makakaintindi ng sakit ni Hugo kundi siya lang. May iniisip silang lahat, pero walang may l
Laging mabilis lumipas ang oras kapag abala ang mga tao. Si Hillary ay nag-aaral magmaneho sa bahay at mas pinagbubutihan pa niya ito nitong mga araw na ito.Tuwing inaantok na si Jackson at halos magbanggaan na ang kanyang mga talukap, si Hillary ang siyang tumatadyak sa kanya para matulog. “Hindi ka pa ba matutulog?” tanong ni Jackson.Umiling si Hillary. “Mamaya pa.”Naniniwala naman si Jackson sa sinasabi niya. Kaya isang gabi, nagising siya para umihi at nakita niyang bukas ang ilaw ng sasakyan sa bakuran. Natakot siya at akala niya multo ang nakita niya.Nagmadali siyang bumaba at nadatnan si Hillary na nagpa-practice pa rin magmaneho mag-isa.“Ate, alas tres na ng madaling araw. Gusto mo bang pasorpresahin si Hugo na parang panda ang mata mo pag-uwi niya?”Hindi makapasok si Hillary sa paradahan kaya naiinis na siya. Sakto namang dumating si Jackson, kaya siya ang pinagbalingan ng init ng ulo.Dalawang gabi nang hindi natutulog si Hillary. Natutulog siya sa klase tuwing araw at
"Hindi ako manonood, Dad. Mag-aaral akong magmaneho."Binago ni Mr. Joaquin ang channel. Itinuro niya ang TV at sinabi, "Sige na, manood ka ng Korean drama na gusto mo. Hindi ka naming iistorbohin.”"Dad, hindi ako interesado.""Action movie na lang! Gusto mo diba ng mga bakbakan?"Inis naman na pinatay ni Hillary ang TV. "Dad, wala akong ganang manood ng mga palabas ngayon at pwede po ba ibalik mo muna ang sasakyan ko. Kailangan kong mag-practice magmaneho. Kung hindi, mawawala ang surprise ko pagbalik ng asawa ko."Nagpakita ng pag-aalala si Mr. Joaquin. "Nag-aalala ako na baka makapatay ka habang nagmamaneho.""Aba, hindi naman ako gano’n kasama."Sa huli, ayaw pa rin pumayag ni Mr. Joaquin."Ganito nalang Dad, bibigyan kita ng sampung pritong buntot ng hipon."Napasinghal si Mr. Joaquin, "Akala mo mabibili mo ako sa pagkain?""Sige na po, Dad. Pramis libre ko ‘yan lahat!”"Hay naku, Hillary!”Inangat ni Hillary ang limang daliri, "Ililibre din kita ng barbecue, isang spicy hotpot