Share

Kabanata 5

Penulis: Quinn
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-12 14:32:35

Nangngangalaiti ang mga ngipin ni Isabella, mas lalong humigpit ang pagkakuyom niya sa kanyang mga kamay na nasa damit nito, mas lalo itong nanginig.

Nagsalita si Elijah na may pagkabigo, "Nakapag promise na ako sa kanya! Paano ko iyong ipapaliwanag sa kanya?"

Ang boses ni Nicklaus ay nasa ibabaw ng ulo ni Isabella.

"Sabihin mo sa kanya na hindi ko ibinigay sa iyo."

Ang lalaki na mas labas ay nag-isip tungkot doon, paano kung hindi makaligtas si Sheen pagkatapos uminom ng gamot na iyon, mananatili pa kaya si Isabella sa tabi ko?

Maaaring hindi ko siya mailigas, pero hindi siya pwedeng makasabwat. Ang yabag ay paalis na at umalis na sa loob ng kwarto.

Humakbang ng mahinahon si Clark.

"Mr. Elijah, ihahatid na kita sa labas."

Hindi inaasahan ni Isabella na aalis ng ganun ganun lang si Elijah. Nang ma distract siya at humakbang paatras, ang kanyang mga hita at tumama sa dulo ng bathtub at nahulog siya doon na may tubig. Nag-uumapaw ang tubig nabasa ang pants na suot ni Nicklaus, agad siyang lumabas mula sa bathtub.

"I'm sorry."

Ang mga mata ni Isabella ay naging mapula. Hinubad ni Nicklaus ang kanyang basang pants at humakbang tungo sa bathtub. Ang tubig ang mainit, parang nanatili doon ang init na nagmu-mula sa katawan ni Isabella.

Agad siyang umikot papalabas, "Master, pwede mo ba akong bigyan ngayon ng gamot? Kahit na isang kahon lang okay na ako doon."

Hindi pwedeng umasa si Isabella sa kahit sino at kailangan niya na umasa lang sa kanyang sarili.

"Binigyan ko na nang chance si Elijah, at nakita mo iyon."

Nabalot nang sakit ang puso ni Isabella.

"Please bigyan mo din ako nang pagkakataon. Kung maililigtas mo ang aking kapatid, malaking pasasalamat ko sa iyo sa buong buhay ko."

Napatingin si Nicklaus sa kanyang gilid.

"Kung ang mahirap paraan ay hindi gagana, bakit hindi mo subukan ang madaling paraan sa akin?"

Napatingin siya sa nakakaawang pigura nito, umosli ang nguso ni Isabella hinawakan ang baba nito gamit ang isang kamay at hinila ito.

Hinaplos ni Nicklaus ang labi ni Isabella gamit ang daliri nito.

"Sa tingin ko gusto mo ng mas mahirap na paraan?"

Nakita ni Isabella na nag-aapoy ang mga mata nito, at itinulak nito ang kamay ni Nicklaus paalis. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sumandal sa bathtub.

"Masayang laruin ang salitang 'rejection' ng isa o dalawang beses, pero sobrang boring kung gagawin iyon nang paulit ulit."

Parang nararamdaman ni Nicklaus na ang babaeng nasa harapan niya ang boring, tila masarap lang itong tuksuhin, kahit na makita siya ay nakakainis.

Lumuhod si Isabella sa sahig at ginawa ang huling kompromiso.

"Pwede mong gamitin ang iyong mga kamay.

Parang nalilibang si Nicklaus sa kanyang nakikita, bakit hindi na lang nito gamitin ang kanyang bibig?

"Ang mga larawan na iyon, kung gusto mong ipadala iyon sa kanila, nandito lang ako para sa iyo."

Hindi hinawakan ni Isabella ang maliit pag-asa.

"Wag kang mag-alala, kung bibigyan mo man ako ng gamot o hindi, hindi ko ipapadala ang mga larawang iyon."

Kahit na masira ang deal namin, hindi niya pwedeng hukayin ang kanyang sariling libingan.

Kahit sino sa Alcantara Family o Mercandejas Family, nakakasakit man isa sa kanila ay maaaring ligawan ng kamatayan.

Nakita ni Nicklaus na nanatiling nakaluhod si Isabella at sinabing, "Hindi ka pa ba aalis?"

Inalis ni Nicklaus ang kanyang interest tungo kay Isabella, at inalis din niya ang desire na nasa kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ang malamig, ang kanyang pagkatao ay napakahirap lapitan.

Ang kanyang pag-iwas hindi nakadepende sa taong mahilig manukso. Inaral niya ang sarili na makontrol ang sitwasyon. Tumayo si Isabella at nag walk out at nagpunta sa ibaba. Nakita ito ni Clark na para itong basang sisiw at naaaliw na pinaalalahan ang sarili.

"Nasa labas pa rin ang sasakyan ni Elijah at hindi pa ito tuluyang umalis."

Niyakap niya ang kanyang braso ng mahigpit, nilalamig siya.

"Pwede ba akong nagtago dito kahit sandali?"

Nagkaroon ng maliit na kahihiyan si Clark.

"Ang aking young master ay gustong palaging malinis..."

Bumaba siya papuntang ibaba, at ang buong bahay ay puno ng tumutulong tubig galing sa kanya. Nagsorry si Isabella.

"Pwede ba akong umupo sa nang sandali sa bakuran?"

Nakakita ng hakbangan si Isabella at doon umupo, binigyan siya ni Clark ng blanket. Halos manigas siya dahil sa lamig.

"Salamat."

Si Isabella ay may magandang mukha, at tumingala ito bigla, nakita nito na nakatingin sa kanya si Clark. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay sa blanket, nanginginig ang kanyang mga ngipin, si Isabella ay nagtanong bigla.

"Mayroon pa bang ibang pwedeng upuan?"

Sumagot si Clark ng walang pag alinlangan.

"Wala, ito ay ayon lang sa akin."

Bumalik ito sa loob ng bahay, nakaupo si Isabella doon nang matagal, at tumayo na siya at aalis na sana, nang makita niya si Clark na lumabas muli. Naglakad ito tungo sa kanya at ibigay sa kanya ang kung ano.

Nakita ni Isabella ang isang kahot ng gamot. Bigla siyang hindi nakagalaw noong una, at agad na kinuha ito nang kanyang mga kamay.

"Para sa akin?!

Ang kanyang mga mata ay puno ng hindi makapaniwala

"Sabi ng aking young master, ay ibigay ko sa iyo ang isang kahon upang subukan."

Ang mukha ni Isabella na kanila ang malungkot ngayon ay biglang nabuhayan, at hinawakan nito ang kahon ng napakahigpit.

"Salamat."

Nanginginig na umalis si Isabella. Nakatingin si Clark sa kanyang pag-alis, at iniling iling ang ulo nito at pumasok muli sa loob ng bahay.

Bumaba si Nicklaus mula sa itaas, "Umalis na ba siya?"

"Opo," si Clark ay biglang naguluhan.

"Young master, bakit bigla ka yatang pumayag na bigyan siya ng isang kahon ng gamot?"

Dahil ba sa awa? Parang hindi naman ganun iyon.

Ipinikit ni Nicklaus ang mga mata at nagsalita.

"Kung hindi ko siya bibigyan ng kaunting tamis, paano niya malalaman na gagana nga ang gamot na iyon?"

Kung hindi nito alam na ang gamot at mahusay, paano nito willing na i-give up ang lahat na mayroon ito?

Bumalik si Isabella sa kanilang bahay at nakita ang kanyang kapatid na nakasandal sa pinto ng makapasok na siya ng tuluyan sa loob.

"Sheen, narito na ako."

Tila hinihingal si Sheen ng ilang ulit bago ito nagsalita.

"Ate, sa susunod bumalik ka nang mas maaaga, please. Natatakot akong mag-isa."

Agad na inilabas ni Isabella sa kahon ang gamot at kumuha ng dalawang tabletas at inilagay iyom sa bibig ng kapatid.

"Ito ang bagong gamot na dala ko, sabi nila sobrang effective nito, dali... Inumin mo ito."

 Si Sheen ay laging masunurin, at agad nitong nilunok mg masunurin na may kasamang tubig.

"Hindi magandang idea na umupo ka lagi, mahiga ka sa iyong kama pansamantala."

Si Isabella ay humiga sa kanyang kama ng malalim na ang gabi, ang dalawang magkapatid na babae ay nakahiga sa iisang kama. Dahil sa pagod pagiging busy sa mga balita nitong nakaraan araw agad itong nakatulog.

Sa umaga, nang magising siya, tila naramdaman niya na may hindi tama. Napatingin siya sa kanyang gilid at nakikita si Sheen na nanatiling nakapikit ang mga mata.

Inunat ni Isabella ang kanyany kamay at inilagay sa bibig ni Sheen kung humihinga ba ito, pero tila hindi humihinga ang kapatid.

Tila gusto nang umiyak ni Isabella at niyuyugyog ang balikat ni Sheen.

"Sheen––"

Agad na binuksan ni Sheen ang mga mata nito.

"Ate, anong nangyayari?"

Parang nahulog ang puso ni Isabella at ang kanyang ilong ay nanatiling masakit. Nagtanong si Isabella na may kasamang hingos.

"Nakatulog ka ba kagabi? Kumusta ang tulog mo?"

"Ate, iyong bagong gamot ay maganda."

Hindi inaasahan ni Sheen na makakatulog siya nang mahimbing.

"Maiiligtas na ba ako at hindi na mamamatay?"

Hindi agad nakagalaw si Isabella, tapos ay hinawakan nito ang mukha ng kapatid.

"Sheen, maaari ka ng mabuhay ng isang daang taon."

Tinignan ni Isabella ang gamot. At tama lang ang isang kahon sa loob ng sampung araw.

Sa susunod na araw, nang uuwi na sana siya galing sa trabaho, nakita ni Isabella ang sasakyan ni Elijah na nasa pinto ng kumpanya. Ang kanyang mukha ang medyo madilim, at gusto niya sana na mag pretend na hindi niya ito nakita.

"Isabella."

Agad na binuksan ni Elijah ang pinto ng sasakyan at hinarangan nito nag kanyang daanan.

"Pwede bang sabay tayong maghapunan?"

"Busy ako, pasensya na, Elijah." Hinging pasensya ni Isabella sa lalaki.

Tila nakita ni Elijah na may sali sa kilos ni Isabella, at pwersahan nitong kinuha ang pulsohan nito.

"Alam kong sobrang nag-alala ka sa kapakanan ng kapatid mo, pero dapat mo din alagaan ang iyong sarili, ang iyong kalusugan," pag-alalang sambit nito sa dalaga.

Sinulyapan ni Isabella ang anyo ni Elijah at naisipi niya sa sarili na okay lang. May mga bagay na dapat linawin. Hindi huminto sa pagsasalita si Elijah.

"Dahil sa sakit ni Sheen, ang aking mga paa ay muntik nang mabali. Dahil sa Apilyedong Mercandejas ay talagang napakalupit. Tignan mo ang aking bibig, may sugat."

Sinabi iyon ni Elijah habang papalapit nang papalapit siya sa mukha ni Isabella at gusto yatang halikan ang dalaga.

Inilayo ni Isabella ang kanyang mukha na tila wala itong pakialam.

"Talaga? Talaga bang hinanap mo siya?"

"Ano ang ibig mong sabihin..." Tila lumubog ang mukha ni Elijah.

"Pinagdududahan mo ba ako?"

"Elijah," ang ngiti ni Isabella at may kaunting sarkastiko, "Hindi sulit ang saktan mo si Nicklaus para sa akin."

Pinaikot ni Elijah ang manibela, at ang sasakyan ay nagtungo sa kabaligtaran na direksyon ng orihinal na ruta. Inapakan nito ang accelerator hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang courtyard house. Hinila ni Elijah si Isabella papalabas ng sasakyan, at nahihirapan ito na habulin ang mabilis nitong mga hakbang.

"Pakawalan mo ako, saan mo ba ako dadalhin?" pagpupumiglas sa sambit ni Isabella.

Ang mukha ni Elijah ay nakakatakot na madilim. Ang dalawa ang naglakad hanggang sa bakuran at pumasok sa bahay. Itinulak ng lalaki gamit ang isang kamay ang pinto upang mabuksan, at itinulak nito si Isabella pero bago ito makapag reak. Napaatras ang dalaga ng ilang hakbang bago ito bumangga sa isang lalaking nakaupo. Pagkatapos makita na mahuhulog ang babae ay agad na hinawakan ni Nicklaus ang isang kamay ni Isabella.

Medyo malamig ang mga daliri ng lalak, at pinisil nito nag palad ni Isabella.

"Tumayo ka, wag mong itapon ng basta-basta ang iyong sarili dahil lang sa isang lalaki."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Unbothered CEO Falls In Love   Kabanata 243

    "Hindi talaga kasya iyan sa ating dalawa." May nasabi ba siyang mali?Nag-aantay si Nicklaus sa pinto, at si Tita Melly ay bumalik na may dalawang malaking plato.Kinuha iyon ni Nicklaus at nagsalita, "Salamat.""Walang anuman iyon, magkapitbahay tayo, kumain na kayo."Umupo si Isabella sa may dining table na may pagkain sa harapan nila. Hindi na kailangang ipakita ni Nicklaus ang kanyang mahihirap na kasanayan sa pagluluto.Ngunit ngayon ang lahat ay tila sumasalungat sa kanya. Sa kalagitnaan ng hapunan, nawalan ng kuryente. Ibinaba ni Nicklaus ang kanyang kutsara at tumingin sa labas ng bintana. May kuryente ang mga bahay ng ibang tao."Sino na naman ang nasaktan mo ngayon?"Kalmado lang si Isabella, puno ng pagkain ang bibig nito."Nakalimutan kong bayaran ang kuryente.""Bayaran mo na.""Sarado na ang business hall, at hindi naman kami magbabayad online."Umupo si Nicklaus sa madilim na sala, at hindi man lang makita ng malinaw ang mukha ng taong nasa tapat niya."Ano ang dapat ko

  • The Unbothered CEO Falls In Love   Kabanata 242

    "Okay lang ako, wag kang mag-alala."Tumunog ang phone ni Isabella, at naglakad ito upang sagutin."Hello."Ang boses iyon ng delivery man na galing sa labas."Hello, ang iyong takeaway ay dumating na, puntahan mo ako sa labas at kunin ito.""Okay, pakilagay na lang sa pintuan namin, salamat."Ang delivery man at magde-deliver pa sa susunod na order at nagmamadali ito."Bumaba ka na at kunin ito, pakibilisan."Nakapajama pa rin si Isabella, at kailangan niyang maghanap ng coat upang isuot."Hindi ba dapat ay ang takeaway delivery at ihahatid dito sa itaas?"Ang attitude ng lalaki at sorbang sama, at hindu niya alam kung nag sa-sufferd ba ito."Ang bahay mo ay wala sa second floor, kaya bilisan mo.""Okay."Narinit iyon ni Nicklaus ay tumalikod. "Antayin mo na lang ako dito sa bahay, ako na ang kukuha."Naglakad ito papunta sa ibaba ng mabilis at nakarating na sa first floor. Nakita nito ang delivery man na nakasuot ng raincoat at nakaupo sa sasakyan. Hindi man lang ito humakbang papun

  • The Unbothered CEO Falls In Love   Kabanata 241

    Pagkatapos sabihin iyon ng nurse, ang hangin sa kuridor at tila huminto, at hindi man lang ito naglakas loob na tumingin sa mga mata ni Nicklaus."Ano pa ang tinanong niya?""Hind... wala na."Bumalik si Nicklaus sa ward at nakita si Isabella na nakaupo sa kama, nakabaluktot ang mga binti nito na malapit sa dibdib nito, nakahawak ito ng libro sa kamay nito at binabasa ito.Ang cover ay itim lahat na may cover na pula gaya ng patak ng dugo. Ito ay isang crime novel. Naglakad si Nicklaus at kinuha iyon, itinapon iyon sa bedside table. Tinignan niya ang libro at ang title ng libro ay: How To kill The Person Next To You."Halos mamaluktot ang kilay ni Nicklaus, at si Isabella ay nagprotesta na hindi masaya."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?""Hindi maganda na magbasa ka ng ganyang klaseng libro." "Alam mo sobrang ingay mo."Humiga si Isabella, bored, at ang kanyang boses ay mahina, pero walang anumang ingay mula sa loob ng ward."Ano itong sinasabi mo sa nurse ngayon lang?""Naaalala

  • The Unbothered CEO Falls In Love   Kabanata 240

    Tumayo si Nicklaus at may tinawagan sa harapan mismo ni Isabella. Ang isang million ay dumating agad, at tinignan nito at nakatanggap siya ng isang mensahe."Mayroon bang makakain d'yan?" Isa-isang inayos ni Isabella ang lahat. Matapos makuha ang pera, sisimulan niyang alagaang mabuti ang kanyang katawan.Sumagot si Nicklaus ng Oo, at mayroong saya sa boses nito."Ano ang gusto mong kainin?""Simpleng pagkain lang."Masyadong pihikan siya sa pagkain, kaya ang kanyang katawan ay mahina, at nakakaramdam din siya ng hilo sa lahat ng oras. Umalis si Isabella sa kama upang manghilamos, at nasa kanyang tabi si Nicklaus habang siya ay kumakain ng almusal.Nakaramdam siya ng pagkahilo at pagsusuka pagkatapos niyang kumain. Kumuha si Nicklaus ng tissue para punasan ang kanyang bibig at mukhang nag-aalala."Gusto mo pa bang kumain?""Hindi na, bilhan mo na lang ako ng oranges, gatas, mani, o kahit ano na pwede sa aking katawan."Nag marinig iyon ni Nicklaus ay sobrang saya nito, sa pag-aakalan

  • The Unbothered CEO Falls In Love   Kabanata 239

     Nakatulog si Isabella, at nagising ito dahil sa isang ingay. Nakinig siyang mabuti gamit ang kanyang tainga at narinig ang isang ingay mula sa banyo.Isinuka ni Nicklaus ang lahat ng nasa tiyan niya. Sumuray-suray ito sa pinto. Binuksan ni Isabella ang kanyang mga mata at tumingin sa kanya na nakatayo doon. Hindi ito lumapit sa kanya, bagkus humiga ito sa may sofa.Tumalikod siya at nagpatuloy sa pagtulog. Pero sa pagkakataong ito gising na gising siya at hindi makatulog.Kibukasan.May isang boses na galing sa labas. Hindi masyasong nakatulog si Isabella at masakit ang kanyang ulo. Nang buksan niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang isang tao na pumasok galing sa labas. Ito ay magandang babae. Agad niyang nakilala ang mukha nito."Congratulations, buntis ka nga talaga." Tinignan siya ng babae galing taas patungong ibaba.Umupo si Isabella sa kama, pero hindi nito nakikita si Nicklaus, "Nasaan siya?""Bakit? Gusto mo ba na nasa tabi mo siya palagi? Napatingin ang mga mata ni Reb

  • The Unbothered CEO Falls In Love   Kabanata 238

    Pagkatapos tumama ni Isabella, para bang hindi pa iyon tama, kaya humakbang siya ng dalawang beses paatras, at nang nagmamadalin siyang sumulong, nabangga siya sa braso ni Nicklaus."Gusto mo bang mamatay? Gusto mo bang mamatay?"Ang braso ni Nicklaus ay nakapulupot sa kanyang balikat at leeg, at ang galit nito ay nakasulat sa kanyang buong mukha.Yumuko ng kaunti si Isabella, at ang mukha nito ay naging mapulta kaysa noong una. Pagkakita na hindi ito makatayo ng maayos, kinakabanhan si Nicklaus."Anong nangyayari? Masakit ba ang tiyan mo?""Hindi."Tumaas ni Isabella ang kanyang braso upang maharangan niya ang dalawa."Ang tiyan ko lang ay medyo masakit."Gusto na niyang bumalik agad, pero pagkatapos ng ilang hakbang paalis, sumandal siya sa isang upaan, pagkatapos ay rumagasa ang sakit.Nang makita siya ni Nicklaus agad niya itong binuhat. Hindi niya pinansin ang pagpupumiglas ni Xu Yanqing at naglakad palabas na may lalim na isang paa at mababaw ang isang paa.Pagkatapos niyang mai

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status