Share

The Unplanned Life
The Unplanned Life
Author: Heiress

Chapter 1

“I think he’s coming,” I said, sounding hysterical.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang sakit ng aking tiyan at balakang, hindi ako mapakali. Natakot ako bigla.

“No way.” sambit ni Tita Fely.

She couldn’t believe it; the baby wasn’t due for another two months.

“Let’s go na po, ahhhhh!” I shouted as I barely could stand the pain.

Namalayan ko na lang na dumating na ang ambulansya na tinawagan ni Tita. Dali dali akong pinahiga sa stretcher at pinasok sa car ambulance hanggang sa marating namin ang pinakamalapit na hospital.

We arrived at the hospital in time. We were lucky; only one room was available. Room 7. No one has used the room in over a year. It was sterile, clean and it was for me.

Pinahiga nila ako sa kama. Bakas sa mukha ko ang pamimilipit sa sakit. Para akong papanawan ng ulirat. Natatakot ako para sa baby ko. Hindi pa ngayon ang araw na dapat siya lumabas. Pero nandito na, hinihiling ko na lang na safe si baby.

Every five seconds, I screamed, hoping the baby would come out easily. That, however, was not the case. I tried the breathing exercises suggested by the doctor, but the contractions continued to wear me down.

Then, it came. A gush of water came out of my body, causing me to shriek.

“It’s time,” saad ng doctor. “Camara, I’m going to need you to push.”

Tumango ako kay doc at sinunod siya… I pushed and pushed long and hard. It took me an hour to make any progress. I believe the head has finally appeared. The pain felt like a watermelon being pushed through a lemon-sized hole. It's a good thing I wasn't having twins. Baka ikamatay ko na.

Anton`s POV

Mabibilis na hakbang ang ginawa ko papuntang operating room. Nag-aalala ako sa kalagayan ng anak ko lalo na’t hindi pa dapat ngayon ang labas ng bata.

Naabutan ko si Fely na nakatayo sa labas habang nakatingin sa kanyang mga kuko.

“Fely!” agad na sigaw ko.

Lumingon siya at akmang yayakapin ako ngunit tinabig ko ito. Bakas sa mukha nito na siya ay nabigla.

“Kumusta ang anak ko. Bakit ganito Fely, ilang buwan pa dapat siya manganganak!” nanggagalaiti na sigaw ko sa aking asawa.

“Anton bakit ka ba sa akin nagagalit?” pikon na sabi ni Fely sa akin.

“Nag-aalala lang ako. Sigurado ka bang ina-alagaan mo si Camara? Baka…” napahilot na lang ako sentido at pinutol ang balak sabihin.

Siguradong pag-aawayan talaga namin ito kapag hindi pa ako nakapagpigil.

“Baka ano Anton?! Inaalagaan ko ang batang iyan. Ako pa nga itong napipirwisyo eh!” sigaw ni Fely sa akin at dinuro ako. Alam ko na hindi ko dapat siya pinapagalitan dahil walang may gusto nito.

Naghintay kami hanggang sa maisilang ni Camara ang bata. Maya-maya ay nagmamadali ang nurse sa paglabas galing sa operating room.

“Nurse, kumusta po ang lagay ng anak at apo ko?” nag-aalalang tanong ko rito.

“Sir, naisilang naman ng maayos ang bata. Pero kailangan pong salinan ng dugo si Ma’am” sagot ng nurse sa akin.

“Ako. Magdo-donate ako” aligagang sagot ko. Ayaw kung mapahamak ang kaisa-isa kong anak.

Naging madali ang aming pagkilos. Gumawa agad ng test para malaman kung compatible ba ang dugo naming mag-ama. Ngunit hindi ko inaasahan ang lumabas na resulta.

“Hindi! Ayusin niyo ito. Ayusin niyo ang trabaho niyo! Anak ko iyon kaya bakit hindi magka-match ang dugo namin?!” sigaw ni ko habang galit na nakatingin sa nurse na nagbigay sa akin ng resulta ng test.

“Sir, pinag-igihan po namin ang pag test sa inyo at imposible po na magkamali kami sa resulta” malumanay na paliwanag ng nurse sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman. Imposible talaga. I can`t accept this! Gusto kong magwala! Pakiramdam ko pinaikot ako ng lahat.

Dahil sa kalituhan kung ano ang dapat kung gawin, umalis ako ng hospital nang walang paalam.

Fely`s POV

I’m just standing quietly in the middle of the hospital corridor, staring at the back of my husband. Nagmamadali siyang umalis at hindi alam kung saan papunta.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi na kanina ko pa pinipigilan. Ramdam ko ang gaan ng aking pakiramdam na para bang nawala ang balakid na pilit akong pinipigilang huminga.

“Kawawa naman ang disgrasyada na iyon. Let’s see kung saan ka pupulutin, Camara” sambit ko sa aking sarili at hindi napigilang matawa.

I was ecstatic as I approached Camara’s room. Camara had no idea what was about to happen that would change her life.

When I enter the room, ginising ko kaagad si Camara. I can’t wait to share the news and get Camara out of our lives.

“Hoy babae! Gumising ka at mayroon akong sasabihin sa iyo” nakahalukipkip na saad ko rito.

Unti-unting iminulat ni Camara ang kanyang mga mata. Good, akala ko hindi na humihinga eh. Nang makapag-adjust, agad na dumapo ang tingin niya sa akin.

“Tita, nasaan po ang baby ko” nanghihinang tanong nito sa akin.

“I don’t know and I don’t care. Ginising kita dahil may gusto akong ipaalam sayo, hindi para mangamusta sa bata” pikon na sagot ko rito.

Anong akala niya, porke`t dinala ko siya rito gusto ko na siya? You wish, dear.

Hindi nakaimik ang disgrasyada at iniwas na lamang ang tingin sa akin.

“Makinig kang mabuti sa sasabihin ko at isaksak mo sa kokote mo, Camara” pag-uumpisa ko

“Ano po iyon, Tita” tanong ni Camara na hindi man lang lumingon sa akin. Nabahag yata ang buntot ng sutil na ito.

“Oras na makalabas ka rito sa hospital, humanap ka na nang bago mong matitirhan” matigas na utos ko sa kanya.

Agad na nagsalubong ang kilay ni Camara sa akin. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya ngayon sa mismong bibig ko. Wala pa man akong sinasabing iba pero alam ko na nagulo na ang utak niya at marami na agad iniisip.

Obviously, sino ba namang hindi diba? Kung papalayasin ka at hindi alam ang pupuntahan, maski ako ay mababaliw rin.

But she deserve it. Masyado siyang nakakaabala sa amin ni Anton. Lalo na`t hindi pala siya tunay na anak, ang swerte ko nga naman.

“Bakit po, Tita. Hindi niyo pwede gawin sa akin ito. May anak po ako, paano na ang baby ko. Tsaka, siguradong hindi papayag si papa sa gusto niyo” mahabang paliwanag niya sa akin at naluluha pa. Napaka-drama.

“Your self-assurance appears to be excessive, darling. Wala akong paki kung saan kayo pupulutin ng anak mo. Wala ka na ring karapatan pang magpakita sa amin. Hindi mo kailangang mag-alala, siguradong wala nang paki ang Daddy mo sayo” tamad na sabi ko sa kanya.

Nakakaubos ng laway ang batang ito.

“Tita, hindi ko po kayo maintindihan”

“Hindi ka anak ng papa mo” nakangising sabi ko habang nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata.

I noticed how she stiffened. I'm sure the words I just said are enough for her to leave us. To hide from us, particularly from Anton.

Gosh! Shame on her if she continues to bug us despite the fact that we are not her biological family! I'm sure she won't forget this day.

Camara, you're such an unlucky girl. You just lived a life in which everything you believed to be true are not.

“Tita, what you’re saying is very impossible! Anak ako ni papa. Siya ang kasama ko simula pa lamang. Siya ang papa ko. Siya lang!” umiiyak na saad sa aking harapan.

Hindi muna ako nagsalita. Mariin ko siyang tinitigan dahil aliw na aliw ako sa kanya.

Akala niya siguro hindi na ako sasagot hanggang sa unti-unti akong tumawa.

“Sorry to burst your bubble, Camara. Pero totoo ang sinasabi ko. Sasalinan ka dapat ng dugo kanina pero hindi nag match ang dugo niyong dalawa” masayang balita ko rito.

“Tita...” nanghihinang tawag niya sa akin. Bakas sa mukha nito na hindi niya alam ang gagawin at sasabihin.

Well, she better be silent. Ano pa ba ang sasabihin niya? All the things that I just said are very loud and clear.

“Huwag ka nang mag-aksaya ng laway. Kung meron ka mang natitirang hiya sa katawan mo, gamitin mo naman. Hindi mo kami pamilya. Hindi mo ama ang asawa ko! Anong gusto mo, paglabas dito kami pa ang bubuhay sa inyo ng anak mo?!” matapang na laban ko sa kanya.

“Subukan mong magpakita sa amin at papahirapan kita pati ang anak mo. Mata niyo lang ang walang latay” Huling sinabi ko rito at masayang umalis sa hospital para umuwi na sa aking asawa. At last!

Camara`s POV

Sa mga oras na ito, hindi ko alam ang gagawin. Wala talagang awa si Tita. She will do everything and take advantage of things just to get rid of me.

Natatakot ako dahil kapapanganak ko lamang. Hindi ko kayang mapahamak ang baby ko lalo na’t wala pa kaming matitirhan.

Gustuhin ko mang ipikit ang mga mata ko dahil hinanghina pa ako, hindi ko magawa. Nag-iisip ako ng paraan kung paano mabubuhay mag-isa. Kung paano bubuhayin ang anak ko.

Hindi ito ang pinangarap kung buhay. May kaya ang aming pamilya ngunit alam ko sa sarili na kasalanan ko rin kung bakit nasa ganito akong alanganing sitwasyon.

Kung sana ay pag-aaral lamang ang inatupag ko at hindi na pinagtuunan ng pansin ang ibang bagay.

Ilang sandali pa akong nakatulala ng mabalik ako sa aking wisyo dahil sa pagpasok ng nurse.

“Ma`am, ipapaalam ko lang po na kailangan pa i-check si baby. Nasa incubator po muna siya” sambit ng nurse sa akin.

"Sige po, salamat”inaantok na sagot ko rito.

Makalipas ang ilang minuto mula nang lumabas ang nurse, biglang pumasok ang dalawang guard at ang manager ng accounting office, ayon sa nakasulat sa ID nito.

“Ma`am, pasensya sa istorbo pero kailangan niyo nang umalis. Hindi po kayo nakapagbayad at meron pa pong ibang pasyente na gagamit ng kwartong ito” diritsong saad ng manager sa akin.

Kinabahan ako bigla.

“Ma`am maawa po kayo, kapapanganak ko lang po” gulat na sagot ko sa kanya.

Hindi ako nito pinansin, sa halip ay pinakuha niya sa nurse ang baby ko para maibigay na sa akin.

Sa pagkakataong ito, para akong mababaliw kaiisip kung saan kami pupunta at matutulog pansamantala.

Agad kong inakay ang natutulog na anak ko pagkadating ng nurse. Bakas sa mukha nito na nahahabag siya sa akin pero wala siyang magawa.

“Ma`am…”

Hindi na ako pinatapos pa sa aking sasabihin at pinakaladkad kami ni baby sa dalawang guard. Ang isa ay hawak ako sa braso habang ang isa ay bitbit ang aming kakaunting gamit. Pinagtitinginan kami ng ibang mga pasyente dahil sa pag-iyak at pagmamakaawa ko sa kanila.

Pero ni isa, walang tumulong sa amin.

Hindi nagtagal ay nagawa nga kaming mailabas ng mga ito. Naramdaman ko kaagad ang lamig dahil sa matinding buhos ng ulan kaya lalo kong niyakap ang aking anak.

“Ma`am, please po. Huwag niyo muna kami paalisin ng baby ko” umiiyak na pakiusap ko sa mga ito.

Nang hindi sila nakinig, hinabol ko ang manager at hinawakan sa kamay ngunit tinabig niya ako. Muntik na akong matumba at mabitawan si baby, buti na lang nakabawi agad ako. Nakita iyon ng dalawang guard at mababasa sa mata nila na nasasaktan sila para sa amin.

Wala na akong nagawa ng pumasok ang mga ito sa hospital at naiwan kami sa labas. Kahit malakas ang ulan ay naglakad ako bitbit ang sanggol sa hindi ko alam kung saan.

Nang makakita ako ng masisilongan sa isang saradong tindahan ay agad kaming sumilong doon. Umiiyak kong tiningnan ang aking anak na nagsisimula na ring umiyak ng malakas.

“Baby, tiis ka muna please. Hahanap si mommy ng matutuluyan bukas, pangako” umiiyak na pakiusap ko sa anak ko.

“Tayo na lang dalawa, baby. Huwag mong iiwanan si mommy” sambit ni ko at hinalikan ang noo ng bata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status