Share

Ika-labing tatlong Kabanata-

Nagising ako na wala na si Lance sa bahay. Ang sabi ng mga maids ay maaga raw itong pumasok. As in maaga talaga? Samantalang seven in the morning ako nagising, so alas sais ba ay dapat nasa opisina na siya? Hindi ko alam kung siya ba ang magbubukas ng building nila o ano e.

Wala man lang iniwan na kung ano para sa akin, kahit habilin man lang gano'n?

'Pero ba't naman nga niya ako pahahabilinan, e war nga pala kami.'

Pinilit kong makatulog kaagad kagabi kahit na hindi ako kumportable na mag-isa sa silid, wala man lang akong kasama kahit teddy bears. Hindi ako sanay! Kaya naman heto, medyo bangag ako ngayon. Pero gumayak pa rin ako papasok ng trabaho ko, ngunit bago tuluyang dumiretso sa bakeshop ay minabuti kong dumaan muna sa isang sikat na fast food chain. Bigla akong nagcrave sa pancake at fries.

Natakam ako ng ilapag ko na ang aking binili sa katabing upuan, gusto ko nang kainin 'yon ngayon mismo. Kung hindi lang dahil sa busina na galing sa likurang sasakyan ay hindi ako matatauhan.

Pinihit ko ang manibela pakanan, narito na ako sa street kung saan nakatayo ang bakeshop. Dahan-dahan kong tinahak ang patungo sa garahe upang iwanan ang aking sasakyan.

Hinarap ko muna ang aking sarili sa rearview mirror bago tuluyang lumabas sa SUV kong dala. Good thing na mula pagdating namin sa bahay ay naroon na ang mga gamit ko especially my car. Nalaman ko rin na akin pa rin ang Condominuim ko na dating tinitirahan, well I don't know bakit hindi nila pinutol ang accountability ko doon. Hawak sa kanan kong kamay ang pancake at fries. Sa kabilang kamay naman ay ang tote bag na regalo sa akin ng aking mother-in-law.

Suot ang magarang black bandage crop top at palazo ay pa-ekis-ekis ako na naglakad sa runway-i mean sa entrada papasok sa bakeshop. Nakapony ng may kataasan ang mahaba kong buhok. At sa balikat ko'y nakasukbit ang white coat na galing pang France.

Hindi pa gano'n kaumbok ang tiyan ko kaya naman bet ko pa ang ganitong aura-han.

Kailangan ay hindi ako tataob sa Jeyn na 'yon.

"Wow!" Pumapalakpak pa si Karin habang naglalakad ako papalapit sa counter area.

Kaya naman mas ni-career ko pa ang aking 'cat walk'. May mga regular customer na kami na naroon kaya naman hindi na ako nahiya pa. They know naman minsan na may pagkabaliw ang may-ari ng bakeshop na 'to.

"Good Morning!" Pagbati ko sa kanilang lahat.

"Grabe Miss Onie, ang ganda mo. Bongga ang bagong kasal." Pagpuri ni Karin sa akin.

"Thanks." I even winked at her.

Pero mabilis akong hinawakan ni Karin sa aking braso at binulungan. "Pero Miss Onie, sabihin mo, sulit ba?"

Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niyang 'yon. "Ha? Sulit ang alin?"

"Kunwari ka pa, 'yong honeymoon." Medyo malakas ang boses na ginamit niya sa pagbigkas ng 'honeymoon'.

Tinampal ko ang braso niya't pinanlakihan siya ng mata. "Tumigil ka nga. Sige na, diretso na ako sa opisina. Nagugutom ako."

Itinaas ko pa ang ti-nake-out ko sa fast food chain.

Iniwanan ko na nga sila at dumiretso na sa aking paboritong spot sa lugar na ito. Gano'n talaga kami sa bakeshop, animo'y magkakaibigan lang, pantay-pantay ang turing sa isa't-isa-minsan.

Naupo ako't mabilis na binuksan ang box na dala. Natakam ako sa amoy ng pancake, inilagay ko ang syrup at ipinahid 'yon sa bawat detalye ng pagkain. Inilapit ko pa ang aking mukha sa may tapat niyon.

'Ang bango.'

Humiwa ako ng kaunting parte sabay subo, napapikit pa ako sa sobrang linamnam na idinulot no'n sa 'kin bibig. 'Tapos ay napansin ko ang fries na nasa harapan ko lang din. Pumulot ako ng isa at tumikim, kulang na lamang ay maihi ako sa sobrang sarap.

Nang mabalingan ko ang sauce for the fries ay dali-dali ko 'yong binuksan at ibinuhos sa ibabaw ng pancake. Napuno ng malagkit at maasim-asim na pampalasa ang pagkain ko.

Then, I taught of a bright idea.

Kinuhaan ko ng picture ang pagkain at agad na nagtungo sa aking social media account.

'Craving for this one. Yummy.'

Posted.

Inilapag ko nag cellphone ko't ipinagpatuloy na ang pagkain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status