แชร์

Ika-labing dalawang kabanata-

ผู้เขียน: Lady Reaper
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2022-04-11 15:02:41

Mula nang samahan ni Lance si Jeyn palabas ng silid ay hindi ko na siya nahagilap pa. Natapos na ang maghapon ay hindi pa rin siya umuuwi, ang sabi ni Manong driver na si Mang Jun ay ihinatid daw ni Lance ang kaibigan niya.

At kailangan pa ba talaga niyang gawin ang bagay na 'yon? Hindi na niya inisip ang sarili niya? Gusto pa niyang utu-utuin siya ng babae na 'yon? Halata naman sa Jeyn na 'yon kung gaano niya isinisiksik ang sarili kay Lance, siguro'y tuwang-tuwa siya kapag hinahabol siya ng lalaki.

Nasa harapan na ako ng hapagkainan, hindi maganda ang pakiramdam ko nang dahil sa inis kanina pa. Masama mang sumimangot sa harapan ng hapag-kainan ngunit hindi ko mapigilan. Ilang beses kong na-itama nang malakas ang gamit na kubyertos sa mababasaging pinggan na gamit ko.

Ilang beses ding nagbanggaan ang mga ngipin ko sa pagnguya ng malinamnam na piraso ng karne na galing sa menudo na niluto ng mga kitchen cook para sa amin.

"Ma'am, may gusto pa po ba kayo?" Binalingan ko ng tingin ang maid na nakatayo lang sa may bandang kanan ko.

Tatlo sila, at pareparehas ang suot na damit. Kulay asul na de-butones na mini dress na may disenyong tila apron sa ibaba ng laylayan. May manggas at kwelyonh ang dulo ay nabuburdan ang puting telang umaalon-alon.

"Wala na," matipid kong sagot sa kaniya. Muli'y sumubo ako, at ngayo'y gulay na carrots naman ang napili ko. Ngunit bigla kong napagtuonan ng pansin ang ginagawa nilang pagtayo roon habang kumakain ako.

Hindi naman nila ako kailangang bantayan sa estado na 'to. Pu-puwede ko silang tawagin kung kailangan ko ng tulong. Kaya naman binalingan ko sila at sinabihan na maaari na mula nila akong iwanan pansamantala. Subalit tumutol sila sa nais ko, parte raw 'yon ng kanilang trabaho.

Tanging buntong-hininga na lang ang nagawa ko para sa kanila. Hindi ko nga naman puwedeng pakialaman ang tungkol sa bagay na 'yon kung 'yon ang tuntunin nila rito-pero siguro na man ay maaari akong magbigay ng suhestiyon hindi ba? Amo na rin nila ako, dahil ako ang asawa ng pinaka-boss nila.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain, alas siyete na rin ng gabi puwede na akong matulog para naman makapag-beauty rest. Balak ko nang bumalik sa naiwan kong trabaho bukas.

Nakikipagtagisan na ako sa pagnguya ng huling piraso ng karne na isinubo ko nang marinig ko ang pagdating ni Lance. Dumiretso siya sa kinaroroonan ko, ngunit magkasalubong ang kilay at kunot na kunot ang noo.

"Gabi na. Ba't ngayon ka lang?" I stated asking him. Pero imbes na sumagot ay may ibinagsak siya sa tabi ko na papel. Nagulat ako dahil napakalakas ng pagkakahampas niya ng kaniyang kamay sa lamesa.

Nasa gawing kanan ko siya, ramdam ko ang isang braso niya sa likuran ko, tiyak na nakahawak siya sa sandigan ng kinauupuan ko ngayon.

Biglang nagpalpitate ang puso ko sa pagkagulat. Tiningala ko siya dahilan upang magsalubong ang mga mata namin. Animo'y manunuklaw siya sa tindi ng itinatapon niyang titig sa akin.

Pero mas ikinabahala ko ang mga maids na kanina pa nakabantay sa akin. Kaya naman sinulyapan ko sila't sinabihan na iwan kami ni Lance muna. Mabilis din silang tumalima at deretsong nagtungo sa labas.

"A-ano bang problema mo?" medyo nauutal kong tanong sa asawa ko.

"Don't you dare lay your hands on Jeyn? Maybe, I married you but still you know the fact the reason behind it. It was all about responsibility, so you better know your place, woman."

Damang-dama ko ang init ng kaniyang hininga sa aking mukha.

"Make a space with Jeyn, para hindi tayo magkaproblema in the future. Hintayin niyo na lang kayang legally tayong maghiwalay. May reputation din ako na iniingatan Lance, you should bare that in your mind," tugon ko sa pinagsasabi niya. Hindi maganda ang mga sinasabi niya. I know my place, he should also be.

Hindi siya kaagad nakasagot sa mga nasabi ko. So, ang Jeyn na 'yon ang topic namin ngayon? Mabuti na lamang at tapos na akong kumain, dahil kung hindi'y tiyak na nawalan na ako ng gana.

Binitiwan ko ang pakikipagtagisan ng tingin kay Lance, akward na rin, hindi ko maiwasang hindi ma-amaze sa mukha niya. Sadya talagang guwapo at maappeal ang lalaki.

Pasimple kong tinapunan ng tingin ang papel na inilapag niya.

'Test result?'

Para saan? May sakit ba si Lance? OMG!

"Know your limitations my dear wife." Umayos na siya ng pagkakatayo.

Tinawag na naman niya akong wife, pero bakit parang hindi naman ata maganda ang nilalaman ng mga sinabi niya?

"Limitations?" ulit ko sa saad niya. "Ako pa ngayon?" nilapag ko ang table napkin sa lamesa na nasa lap ko at saka tumayo. Mas matangkad si Lance sa akin kaya naman bahagya akong nakatingala sa kaniya.

"Siguro nga nagpakasal tayo hindi dahil mahal natin ang isa't-isa, pero dahil mayro'n nang nakaatas na tungkulin sa balikat natin," simula ko. "Alam mo, puwede mo namang gawin ang lahat ng gusto mo. Makipaglandian ka sa Jeyn mo hanggat gusto mo, I don't care. Pero 'yong sasabihan mo ako ng mga ganitong bagay? Limitations, and whatsoever? Hello, Mr. Benedicto . . . you married me, ikaw ang naka-isip nito, so you better know your limitations dahil baka kapag naasar ako'y kasuhan kita ng adultery. You cheating husband." Hindi naman sa nananakot ako, pero parang gano'n na nga.

May dignidad din ako na kailangang ingatan. Hindi niya puwedeng basta-basta na lang ako tatakutin sa mga salita niya. Hindi ako tuta na kagaya niya, sunud-sunuran sa sinasabi ng 'matalik niya kunong kaibigan'.

Sa loob ng isang minuto ay muli kaming nagtagisan ng tingin ng asawa ko, hanggang sa ako na rin ang kusang bumitiw lalo pa ng kumilos bahagya ang kaniyang adams apple at umigting ang paa. Simple akong napalunok ng laway sa ginawa niyang 'yon.

This man is really hot, gosh! Babae lang din ako, mahina, marupok.

Nanatali siyang tahimik at hindi sumagot sa mga pinagsasabi ko. Pero mukhang pinipigilan lang niya na ibuka ang kaniyang bibig, namalas ko pa ang pag-igting ng kaniyang panga at malalalim na paghinga.

"Kung wala ka ng sasabihin na maganda, aalis na 'ko. Mas may importante akong dapat asikasuhin kaysa makinig sa walang kabuluhang sinasabi mo."

Inirapan ko pa muna siya bago tinalikuran. I moved my feet and faced the other side view when his strong and muscular arms pulled me back to where I was a while ago. Hindi na ako nakapagreact, gulat na lang ang naramdaman ko ngayon.

I dunno kung bakit gusto niya na laging nagtatama ang mga mata namin. Masiyadong powerful si Lance para sa isang katulad ko.

"Ano na n-naman?" nakataas ang isang kilay na tanong ko rito.

"Don't you dare fight back at me, wife? You won't like the consequence for it."

Nilabanan ko pa lalo ang kaniyang presensiya. Hindi ako maaring magapi ni Lance, kailangan ay mas malakas ako sa kaniya. Siya ang u-under-in ko hindi dapat ako ang under sa kaniya.

Ginamit ko ang aking kabilang kamay upang mai-alis sa braso ko ang kamay niyang humila sa akin.

"Then so be it, my dear hubby. Hindi ako natatakot." my sweet killer smile approached him. Naka-angat ang kabilang sulok ng aking labi habang nakatitig sa kaniya.

'Siguro nga guwapo ka, pero nasa forty-five perentage lang ang karupukan ko. Mas mataas pa rin ng limang porsiyento ang katinuan ko sa buhay.' pagpapa-alala ko sa aking sarili.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 34

    “Ay grabe naman, ginawa nila ‘yo? Diyos ko! Karmahin na lang sana sila.” Panay ang pagtango ko kay Karin sa mga sinasabi nito. Nai-kwento ko na sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin sa Ospital kahapon. Ngayon nga pala’y narito na ulit kami sa bakeshop, back to work matapos ang weekend at ang hindi gano’n kasaya na Outing namin. Hindi na nga ako nakatulog nang maayos dahil sa issue na binabato sa akin ng babaita na ‘yon, na ako ang may pakana sa nangyari sa Jeyn na ‘yon. Naku! Kakagigil, kung p’wede lang mamilipit ng leeg ginawa ko na. “Dapat pala ma’am sinabihan mo ako, para sana nakapagresbak ako para sa ‘yo.” May pagtagsik pang sabi ni Karin. “Wala kang magagawa, girl. Kung ako nga wala eh, kahit asawa ko walang naitulong sa akin. Ikaw pa kaya? Hmp.” Lumagok ako ng tubig na dinala rin niiya sa akin kanina lang, baka sakaling mahimasmasan ako kahit kaunti. “Sabagay ma’am, aba, malaking personalidad din kasi ang babae na ‘yon. Maalam ‘yon sa mga pasikot-sikot kung pa

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 33

    “Wait! Ano’ng sinasabi mo, Miss? Hindi ‘yan ang sabi mo kanina. ‘Di ba, takot na takot ka pa nga na malaman ito ng Jeyn na ‘yan kaya ang sabi ko ay ako ang bahala sa ‘yo kung sakaling alisin ka man niya sa trabaho.” Histerikal na sabi ko sa naging sagot din ng PA ni Jeyn na si Belle. Pinatawag nga siya’t tinanong ng tungkol sa sinabi ko, pero hindi ko inaasahan na ako ang babaliktarin nito’t sasabihin na inutusan ko siyang sabihin sa amin na gusto ko raw siyang paaminin na tinangka nga akong pagbintangan ng kaniyang amo. Samantalang sa bibig niya mismo nanggaling na napakasama ng ugali ni Jeyn Corpuz sa kaniya, tapos ngayon ay ganito. Napapailing na lang ako habang hinila ang babae’t pilit na pinapaamin ng totoo. “Stop her Lance! Sinasaktan niya ang PA ko,” sabi ng mahaderang Jeyn kaya naman sinulyapan ko siya na may panlilisik ang mga mata. Ang babaeng ‘to, tiyak na may ginawa siya kung bakit biglang nagbago ang testimonya ng kaniyang PA ngayon. “Onie, please stop it!”

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 32

    “P-pero ma’am, please po, ‘wag niyo na sanang sabihin pa sa amo ko. Mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman niyang pinagsabi ko ang tungkol sa bagay na ‘yon. And worst po ay baka kasuhan pa niya ako,” nakayuko na sabi ng Personal Assistant ng Jeyn na iyon. Kinompronta ko na nga siya dahil sa hindi ko na kaya pang sikmurain ang naririnig ko. Gano’n ba talaga kasama ang ugali ng babaeng ‘yon? Ano ba ang nagustuhan sa kaniya ni Lance at kung makahabol ang lalaki ay tila ba isang Dyosa ang modelong ‘yon.“Hindi mo kailangang matakot lalo kung nasa tama ka naman. Ako ang bahala sa ‘yo, kapag sinisante ka niya’y ako ang magbibigay sa ‘yo ng trabaho.” “Pero ma’am–”“Miss, please rin, reputasyon ko rin kasi ang nakataya rito. Kailangan ding lumabas ng katotoohanan. Hindi p’wedeng ako na lang ang magmukhang mali sa nangyari,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.“Naiintindihan ko naman po kayo, ma’am. Pasensiya na po kung medyo selfies ako na pigilan kayo sa gusto niyong gawin. Mas kilala ko po kasi

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 31

    “Bakit mo siya binigyan no’n? She’s allergic to peanuts.” Napapikit na lang ako sa mataas na boses ni Lance sa akin. Dinala nila si Jeyn sa malapit na Ospital dahil hindi na ito makahinga matapos kainin ang cupcake na pasikreto kong ipina-serve para sa kaniya. Pero wala naman akong masamang agenda sa ginawa ko, ni hindi ko naman alam na may food allergy pala siya. Napasama pa tuloy ako sa good deed ko naman sana talaga.“Sorry Lance, hindi ko naman kasi alam na may allergy siya sa peanut eh,” malumanay na sagot ko sa kaniya.“Sabihin na natin na gano’n nga, bakit kailangan mo pang magbigay ng food sa kaniya. Or do you really not know it? Baka naman binalak mo talaga ‘yon?”Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, paanong lumabas iyon sa bibig niya? Tingin niya ba’y kaya ko ‘yon na gawin, ang manakit ng ibang tao? Hindi ako sumagot sa walang kwentang haka-haka niyang ‘yon. Tinitigan ko lang siya hanggang sa siya mismo ang makapansin sa sarili niyang maling tanong.“I didn’t want to offen

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 30

    “Talaga ba Ma’am? Tapos ano’ng sabi niya?” tanong ni Karin sa akin. Kinabukasan kasi agad ay ikinuwento ko sa kaniya ang nangyaring pagsasagutan namin ni Jeyn kagabi after the event. “Syempre, supalpal siya sa akin. Ako pa ba magpapatalo sa kaniya?” sabi ko sabay ang pagsipsip sa buko juice na binili nila sa akin. Naglalaro ng volleyball ang team ko. Kitang-kita ko kung gaano sila kasaya sa outing na ito kaya naman maaga pa lang ay nagpareserve na ako ng masasarap na lunch para sa lahat. Tatlong uri ng seafoods at saka litsong kawali with chopseuy ang ulam. Grabe, kahit ako nga ay natakam na. “Uy naman! Sana pala ay hindi ko agad kayo iniwan kagabi Ma’am para na-videohan ko pa kung paanong natameme ang babae na ‘yon. Grabe ang kapal talaga pala ng mukha ano?” Mabuti na lang at nasa side ko parati si Karin. “‘Wag na at baka mag-viral pa siya’t lalong magpaawa lang sa asawa ko. Tama na ‘yon sa kaniya para sa susunod ay alam niya kung sino ang babanggain niya.” Napaigik pa ako ng ka

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 29

    Ang gabing ito ang masasabi kong isa sa pinakamasayang gabi ng aking buhay. Bukod kasi sa nakita ko ng harapan ang ShootHeads ay nakasama ko rin ng walang halong kaplastikan si Lance. And it was wonderful. “You’re happy?” tanong ni Lance sa akin. “Oo naman, super. Kung p’wede lang sana na araw-araw ganito eh,” sagot ko naman sa kaniya. “P’wede naman.” Tinapunan ko siya ng tingin sa sinabi niya. “What do you mean by that?” Medyo nakakunot ang noo ko sa sagot na iyon. “Well, as part of being a good husband ay dapat na masaya ka sa piling ko. Ang gusto ko lang naman sabihin ngayon eh, kung ano man ang gusto o kailangan mo ay sabihin mo lang sa akin. I ca give you whatever you want and need, kaya naman ‘wag kang mag-aalinlangan, naintindihan mo ba?” Tumango-tango ako. “Hmm… Sige susubukan ko ‘yan. Kaso’y hindi ko maipapangako kasi… alam mo naman na natuto akong mabuhay na ako lang, independent at hindi umaasa sa iba. Pero kung ‘yon ang gusto mo ay sige, I will always bare it in

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status