Share

Ika-tatlo na Kabanata-The Substitute boyfriend

Maayos na natapos ang maghapon.

Nakakapagod ngunit worth it naman. Pagpatak ng alas otso ng gabi ay nakapagsara na kami ng bakeshop. At dahil sa goodnews na nakuha ko kanina regarding sa soon contract namin ni Mrs. Villarial ay binigyan ko ng maagang pa-blow out ang aking staff. I treated them for a drink and karaoke, pero hindi na ako sumama dahil may importante pa akong pupuntahan.

Well, my friend Chelsea just book me for a blind date.

And it sucks!

Wala akong magagawa kundi puntahan ang lugar na sinabi niya sa akin. Chelsea is my long time friend, at iba kung magtampo ang isang 'yon.

I sighed after parking my SUV on the Restaurant. I read on the glittering large signage up as I reach the entrance.

Green Glass Restaurant.

Nagpalinga-linga ako ng makapasok sa loob ng Five star restaurant . Napaka classy dito, mabango, maaliwalas at malamig. Niyakap ko pa nang bahagya ang sarili, may aircon din naman sa shop niya pero hindi ganito kalakas.

"Reservation for two," sabi ko sa waiter na sumalubong sa akin.

"Name please ma'am?" He asked.

"Hermaonie Cortez," sabi ko.

"Please follow me ma'am."

Sumunod ako sa kaniya hanggang sa mapunta kami isang bakanteng pandalawahang lamesa.

"Dito po ma'am."

Very formal ang suot ng bawat empleyado ng naturang restaurant, maayos at kagalang-galang tignan. Samantalang ako, hindi na nagawang magpalit pa ng damit.

Nakaupo na ako pero mas inuna kong ilinga ang paningin sa paligid.

'Wala namang nakatingin.'

Bahagya kong inilapit ang ilong sa aking armpit at inamoy 'yon.

'Good. Mabango pa ako.' sabi ko sa sarili ko.

"Ma'am do you need anything?"

Napapitlag ako ng muling bumalik ang waiter sa mesang kinaroroonan ko.

"Ah. W-water na lang." Nangingisi kong tugon dito. Tumango naman siya't muli nang umalis.

Nabatukan ko ang sarili dahil sa nangyaring 'yon.

'Nakakahiya self baka madatnan ka pa ng ka-blind date mo na tatanga-tanga ka.'

"Onie?"

I raised my head as I heard someone called me. Subalit sa isang bahagi ng utak ko'y ang dahiln ng pagtingala ko'y dahil sa pamilyar ang boses na dinala sa aking tainga. Ang ngiti na binuo ko upang ibungad sa kaniya'y biglang napalitan ng gulat at pait.

'Ano'ng ginagawa niya rito?'

"Waiting for someone?" he asked. Tapos ay kumunot ang noo niya. "Wait, you're here? It was reserved for me and my date-"

'His date?'Really?

"Wait? You're my date?" Tumawa siya ng payak sabay hila sa upuang nasa harapan niya. "I can't believe this!"

Posturang-postura si Aldrin, maayos ang buhok, at makinis na ang mukha hindi kagaya dati. This day is a Coincidence day. Dalawang taong nakita mula kaninang umaga ang nagpakita muli sa akin bago matapos ang araw.

"Ako rin, I can't believe this, too." I picked the goblet of water and drink some of it. Sa loob ko'y tila sasabog ang puso ko sa kaba at gulat sa presensiya niya.

'How can Chelsea betrayed me? Ba't niya ako pinag-blindate sa ex ko?'

"No. I think you planned this. Humingi ka ba ng tulong kay Chelsea para magkita tayo?"

Wow! This man is unbelievable, paano niyang naaatim na magsabi nang gano'n? Is he nuts? Between us, siya ang nagkamali sa relasyon namin tapos ako ang pagbibintangan niya sa set up na 'to? I don't have any purpose for this. He is my first love pero, noon na lang 'yon.

'I moved on... Hoping.'

I laughed sarcastically. "Are you out of your mind?"

Tinapunan ko pa siya ng isang matalim na irap.

'Well, he look handsome in that suit.'

"Hindi naman ako nagpalit ng number, sana'y tinawagan mo na lang ako. But anyway, narito na rin naman tayo. Let's just enjoy." Kinumpas niya ang kamay, calling the waiter's attention.

Hindi pa rin ako umimik, kahit kailan talaga masiyado siyang bilib sa sarili niya. Pero hindi rin talaga maipagakakaila na mas lalong lumakas ang appeal niya sa lumipas na mga tao. He's still hot and handsome.

'Bakit ko ba minahal ang lalaki na 'to noon? Hindi kaya nagayuma lang ako?'

He began talking and asking numerous of questions. Like my bussiness, what happened to me the moment we fall apart, some stupids questions. Habang ako'y isa lang ang naitanong sa kaniya.

"How about your relationship to the girl you choose over me? You're crying that badly and saying you love her. Kumusta? Naubos mo na siguro ang pera niya."

Ops! Sorry I didn't mean to be so rude to him.

He chuckled. "Of course not. You know, i just find her too boring for me."

He seems calm pero sa pagkuyom ng isang kamao niya na nasa ibabaw ng lamesa'y alam kong nainis siya sa itinanong ko.

"Okay, you say so." Kinuha ko ang kopita ng red wine at h******n ang labi niyon. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa kaniya.

"Anyway, ako na bahala sa bill na 'to." I gave him an angelic smile, ngunit pilit, hindi talaga bukal sa puso ko.

"You're kidding, ako na, baka i-kwento mo pa kay Chelsea na ikaw ang pinagbayad ko." Binigyan niya rin ako ng isang malawak na ngiti.

He looked hurt from my words, pero wala akong pakialam. Hindi rin naman niya inisip ang feelings ko noong nagcheat siya.

Napangisi na lang din ako sa sinabi niya. Masiyado siyang kuripot para magbayad sa mahal na bill ng restaurant na 'to. Sa ilang taon na nagsama kami noon, he never treated me just like this one. Parati lang kaming sa fastfoods or tusok-tusok, na paborito ko rin naman. Pero kasi iba pa rin ang ambiance na kakain sa ganitong place, kahit once in a blue moon. May work na ako noon, siya rin naman, kaso wala talaga. Okay naman na sana sa akin 'yon, ang kaso lang nalaman ko na pagdating doon sa ipinagpalit niya sa akin, halos ibigay niya ang lahat sa babaeng 'yon.

Nakakagigil!

"So, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"

'Why am I asking him that, anyway?'

"Don't get me wrong, huh. Wala na kasi akong maisip na ibang puwedeng itanong sa 'yo." Nanatili akong kalmado, hindi ko hinayaang matalo ako ng kung anong emosyon na puwede kong maramdaman ngayon.

"Ahm. 'Yon ba? Mabuti naitanong mo. I'm into racing," sagot niya sa itinanong ko.

Racing? So natupad na niya ang pangarap niya? Hindi naman kasi na ako naglaan ng oras upang i-stalk siya o alamin ang nangyari sa buhay niya.

"Really? Good." Tumatango-tango pa ako sa kaniya habang sumisimsim ng alak sa aking matangkad na baso.

'I can't imagine kung ano ang hitsura niya na nakasuot ng racing gears.'

"Ginamit ko lahat ng naipon ko para makasali sa tournament. I afford to have my own race car. Pero hindi ko inubos, nagtira pa rin ako for the future. Mahirap na ang walang madudukot kapag nangailangan."

Hindi naman ako nanghihingi ng explanation galing sa kaniya. At isa pa, why bring my iconic line? Eh hindi naman siya nakikinig sa akin noon kapag sinasabi ko ang linyang 'yon.

Group

"Good for you." Wala na akong ibang masabi talaga, parang gusto ko na lang umuwe at magpahinga.

Hindi maganda ang epekto sa akin ng presensiya niya.

Kinuha ko ang cellphone at kunwari'y may nagtext sa akin.

"Shocks! I think I need to leave. I'm sorry Aldrin, it's urgent." Pinunasan ko ng pulang table napkin ang aking bibig bago isa-isang dinampot ang gamit ko na nasa tabi ko lang.

"Why so early? Hindi pa nga tayo nangangalahati sa 'get together' natin," he said.

'I should think of an excuse right now.'

"I should leave, Aldrin. Sorry." Tumayo na ko upang tuluyang makaalis. Hindi ko na-afford na magsayang pa ng oras dito.

Siya ang nakaupo sa direksyon kung nasaan ang exit kaya naman kailangan ko talagang dumaan sa may gawi niya. Kaya naman nagawa niya pa ring mahablot ang braso ko habang nakaupo siya.

Eksakto ang pagkakatayo ko sa gawi niya, ngunit nanatiling diretso lang ang aking tingin, hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin.

"I just want to ask something before you leave."

Doon ko lang napagdesisyonan na sipatin siya. 'Okay kaya mo 'yan Onie' I told myself.

"Spill it, para makaalis na ako."

"Tell me Onie, do you even regret letting me go—no pushing me to that girl? Bakit hindi mo ako pinaglaban?"

And why on earth is he asking me that now? Natural kasi 'yon ang gusto niya, if he love me dapat hindi siya tumingin sa iba, right?

"W-why bring the past, Aldrin?"

"Ayaw mong sagutin, alam ko na, heto na lang." Tumingala siya sa akin na naging dahilan upang magkasalubong ang aming mga mata. "Do you still love me?"

Natigalgal ako sa itinanong niya, kasabay niyon ang paglunok ko ng laway. Inalis ko rin kamay niyang nakahawak pa rin sa may palapulsuhan ko.

Bumuga ako ng hininga bago siya pilit at nakangiting tinignan. Humugot ako ng mas maraming lakas ng loob upang maharap na siya nang hindi ko kailangang mangatal.

"Ang totoo kasi niyan, nag-away kami ng boyfriend ko kaya ako pumayag sa set up ni Chelsea for a blind date. And now, he called me, saying sorry. Kaya kailangan ko nang makaalis bago pa siya tuluyang pumasok rito at makita akong kasama ka." Ilang laway ang nilunok ko para sa kasinungalingang 'yon.

'Damn Onie! You're such a liar.'

"You're lying." His voice is full of confidence saying that to me.

"Then 'wag kang maniwala-" pinutol ko saglit ang sinabi ko.

"Hindi talaga, dahil alam ko na lumalaki ang butas ng ilong mo kapag nagsisinungaling ka." Hidni ko alam kung natatawa ba siya o nang-aasar lang talaga sa pagkaksabi no'n.

Hindi ko na lamang masiyadong pinagtuonan ng pansin ang inakto niya, mas gusto kong isipin kung papaano makakaalis sa lugar na ito. And I think a solution came up when I sighted a familiar figure coming.

"Honey?" Maging ako ay nagulat sa tinuran ko iyon, sheesh, I am out of my mind!

Pero kahit na ganoon ay umakto pa rin akong kumakaway sa lalaking may magandang tindig at magandang pananamit di kalayuan sa aking kinatatayuan. Marami-rami sana ang ililitanya ko kay Aldrin, mabuti na lang at dumating ang aghel na pinadala ng diyos upang ako'y iligtas.

Hindi ako titigilan ni Aldrin kung hindi ako gagawa ng isang excuse na makakapagpabago sa mga iniisip niya sa akin.

'Bahala na, kakausapin ko na lang siya pagkatapos nito. Siguro naman ay hindi niya ako ilalaglag kahit na medyo antipatiko siya.'

Naglakad ako't lumingkis sa lalaki na opposite ang direksyong tinatahak sa akin. He wore black suit, as in all in black, kagaya pa rin ng kanina, para siyang may importanteng okasyon na pupuntahan. But he look sad, his eyes is saying it.

"Honey, I'm sorry. Thank you for fetching me here." I act like a clingy girlfriend to this guy. He just seem shocked, pero hindi naman umangal, well dahil sa hindi ko siya hinayaan na makapagreact.

Nilakasan ko ng bahagya ang boses ko upang kahit ilang dipa na ang layo ni Aldrin sa 'min ay narinig pa rin niya.

"Tara na, alis na tayo honey." Puwersahan kong inaya ang lalaki palabas ng Five star Restaurant na iyon.

Humahangos at wala sa sarili ang nagawa ko na 'yon. But then, I need to save myself from him.

"What was that?" The man with a deep voice asked me as we came out of the venue hall. Salubong ang mga kilay niyang bumaling sa akin. He was like a manly monster who just got transformed due to an enemy nearby.

"Okay, don't get mad. Let me explain."

"You really should!"

Napangiwi ako, napakasungit naman talaga ng lalaki na 'to.

"Well, im sorry..." simula ko.

"Sorry?" Dumadagundong talaga ang boses niya.

'Teka, ba't ba kasi siya sigaw nang sigaw?'

"Saglit lang naman, nagagalit ka agad kasi." Pilit ko siyang pinakalma, para kasi siyang parating mananakmal e.

"I'm not in a great mood miss. So, para saan ang acting na 'yon?"

"Ahm. A-ano kasi." I began playing my fingers with each other.

"Ano?"

My god! Bumubulyaw na naman siya.

"I said na boyfriend kita, sorry na." Nakangiwi kong sabi sa lalaki na kanina lang ay nakaaway ko. "Ex ko kasi 'yon, accusing me na mahal ko pa raw siya." I chuckled explaining to him.

"WHAT?" Napatakip ako ng tainga sa pagsigaw na 'yon ni L.A- i mean ni Mr. Lance, 'yong CEO.

Siya kasi ang hinila ko para maging substitute boyfriend.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status