Share

Ika-apat na Kabanata: The Wedding

Two months ago.

Onie's POV

Hindi ko pa ata kayang bumaba, nangangatal pa rin ang mga tuhod ko't pinagpapawisan ang aking mga kamay.

Kinakabahan ako.

Despite of perfect weather, beautiful dress, and the huge church I think I am still having a second thought.

'Tama ba ang kasal na ito?'

'Hindi ba 'ko nagkamali?'

"Ma'am, kailangan niyo na raw pong lumabas." Panandaliang naputol ang kaba ko nang magsalita ang driver ng bridal car kung saan naroon ako ngayon.

Hindi ako nakasagot sa sinabing 'yon ni Manong, instead I leaned my back to the soft backseat.

"Five minutes. Five minutes pa." I keep on telling myself.

Dalawang buwan na rin ang nakalipas ng makilala ko ang aking groom at isang buwan kaming naghanda para sa araw na ito. Mabilis ang naging pag-prepare sa mga kakailanganin for this wedding. Hindi ko nga akalain na sa maikling panahon na 'yon mabubuo ang isang magarbo at mahal na kasalang 'to. Ano nga bang aasahan ko, isang mayamang pamilya ang mayroon ang aking mapapangasawa.

This is the dream wedding every girl wants. But for me, this wedding is really unbelievable, unwanted and unplanned.

'Puwede pa ba akong umatras?'

Inayos ko ang aking pagkakaupo at ilang beses na bumuntong hininga. Ngunit napapitlag na lamang ako ng may malakas na puwersang kumatok sa windshield ng sasakyan.

From the inside, I saw the man with whom I would exchange vows later.

Si Lance—na nakilala ko lang sa kalsada ng mabundol nila ng nasasakyan kong kotse. Suot niya ang kaniyang puting coat, na napapalooban rin ng puti pang damit. May pares 'yong maroon na necktie. Kulay puti rin ang pang-ibaba niya, ang hindi ko lang makita ay ang sapatos niyang suot. Paniguradong kumikintab 'yon sa pagkaka-shine, pu-puwede nang mapagsalaminan. Halatang mamahalin lahat ang kaniyang suot, katulad nitong wedding gown kong suot. This is not my preferred gown pero dahil nga sa rush ang wedding ay wala na akong nagawa, pero super ganda nang pagkakagawa rito. May mga kumikinang kinang pang pearls and sequins. Tube style sana 'to pero hindi ko nagustuhan kaya pinagawan ko nang paraan para maayos ang parte sa may leeg pababa sa dibdib. At sobrang ikinatuwa ko ang kinalabasan no'n. Nilagyan kasi ng designer ng extension ang tela para matakpan ang parteng leeg ko pababa. Hindi ko alam kung ni-crosstitch ba nila 'yon o ano, basta disenyong bulaklak siya. Ayoko rin na masiyadong mahaba ang likurang bahagi no'n at isa pa pinaiksihan ko na rin ang unahang parte.

I have this feeling na gusto kong makita nila ang suot kong stilleto.

Muli'y ibinaling ko ang paningin sa lalaking nasa labas ng kotse. At malakas na tinig ni Lance ang bumungad sa 'kin pagkababa ko ng windshield ng bridal car.

"Get out! Ano'ng oras na, kanina pa kami nag-a-antay sa loob."

Sinimangutan ko siya. Ilang buwan pa siguro mababasag na ang eardrums ko sa kasisigaw niya.

"Don't waste anyone's time, get out and let's finish this." Buong buo ang boses niya, nag-igtingan din ang kaniyang panga, marahil ay dahil sa hard emotion na ipinapakita niya.

"'Wag mong hintayin na hilahin pa kita palabas diyan, napakaraming bisita, may mga investors din ako na inimbitahan. So, please 'wag mo 'kong ipapahiya rito."

Inirapan ko siya, for almost a month na nagkasama kami sa pag-prepare ng kasalang 'to parati siyang nakabulyaw at nakakunot ang noo sa akin. Ni minsan hindi niya tinanong kung okay lang ba ako o 'di kaya'y kung kumain na ba ako o ano, something like that.

"Sir, ako na po ang bahala kay Miss Onie, balik na po kayo sa loob." Mula sa likuran nila'y dumating ang assistant ko, si Nanci.

Well, si Lance ang nagtalaga kay Nanci para sa akin. She's her personal secretary sa office pero bigla na lang isang araw ay ipinakilala niya 'to sa akin para maging assistant ko raw? Kaya ko naman ang sarili ko sana pero kasi wala akong magawa sa rules niya.

He controls this game.

Sumunod naman ang mainitin na ulo kong soon-to-be-husband at pumasok na nga sa loob. Naiwan si Nanci ro'n na kinakausap ako. Ni-explain niya ang lahat-lahat sa akin. Kasama ang fact na magiging malaking kahihiyan sa pamilya Benedicto kung hindi matutuloy ang kasalan. In this case, I really don't have a choice. Kumbaga, dead end na, hindi na ako makakabalik pa para umatras.

I smiled at Nanci while she tap my shoulder.

"Okay, get ready Mrs. Hermaonie

Cortez-Benedicto?" Nanci declared.

Mas lalo ata akong kinabahan sa sinabi niya. Magiging maayos kaya ang lahat kung magiging isang Benedicto rin ako?

Napakarami ko pa sanang gustong isipin ngunit hindi ko na nagawa pa. Namalayan ko na lang ang unti-unting pag-angat ng aking mga paa.

Patungo na ako sa altar.

Doon sinalubong ako ni papa, he looks good with the Americana suit. Namutil bigla ang luha sa aking mga mata to think na narito si papa at ihahatid ako sa loob. This scene is one of my dreams. Sobrang malapit ako sa papa ko kahit noong bata pa ako, he always protects me, sa mga bully kong kaklase o kahit sa maiinit na salita ni mama sa akin minsan. Sanggang dikit kami ni papa.

Hawak nga ang bouquet ng bulaklak at si papa sa aking tabi, dahan-dahan akong nagmartsa sa may kahabaang aisle ng simbahan, ang aim ko ay makapunta sa kinatatayuan ng groom ko.

Pa-simple kong sinusulyapan ang mga taong naroon. Karamihan sa kanila'y hindi ko naman kilala. Tanging pamilyar lang sa akin ay ang mga workers ko sa bakeshop at ang pamilya ko, si Lance at ang pamilya niya, 'yon lang.

There I saw my mother crying heavily, he is with my brother who just then gave me a smile. She seems sad, pero hindi ko gano'n madama at mapaniwalaaan. And to the other side, I smiled to my mother-in-law slash bussiness partner. I can see that she was really that happy for us. Okay na siguro na hindi swerte sa asawa basta sa mother and father-in-law ay oo.

Kinalma ko ang aking sarili't itinuloy lang ang paglalakad kasama si tatay, hanggang sa masulyapan ko na ang hindi maipaliwanag na hitsuta ni Lance. Hindi naman siya mukhang excited at hindi rin masaya pero masasabi kong hindi rin naman siya mukhang malungkot—regretful siguro puwede pa.

He was handsome in his suit, para siyang mabait at natutulog na dragon sa mga oras na ito. Nawa'y gano'n na lang sana parati. I force a smile para naman hindi halatang gusto ko ng tumakbo't indiyanin siya.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagma-martsa nang tila iniuutos ng aking mga mata na luminga pa sa paligid. At sa puntong 'yon ay napatigil ako sa paglalakad. Mula sa isang pintuan na hindi kalayuan ay natanaw ko si Aldrin. Nakatayo siya ro'n, hindi ko rin maipinta ang kaniyang mukha.

'Ano'ng ginagawa niya rito?' tanong ko sa aking sarili.

Then, an unexpected feeling crawls to my veins up to my heart.

Ngayon napagtanto ko na mali talaga ang ginawa kong ito. Bakit kasi hindi ko na lang inamin sa sarili ko na hindi pa talaga ako nakaka-move on sa ex ko.

No, I still love him.

Sinubukan kong umatras, inihakbang ko ang isa kong paa at isa pa-atras.

"Anak bakit?"

Kumakabog ang dibdib ko, ang isip kong tinatakbuhan ng kung ano-anong isipin. Ang aking mga kamay ay mahigpit na napakapit sa boqouet na aking hawak.

'Should I run now?'

Ngunit mukhang nabasa ng lahat ang susunod kong gagawin. Nagulat na lang ako na nasa harapan ko na si Lance, fetching me.

"Don't you dare step back," bulong niya sa akin.

Pagkatapos ay nakarinig nalang ako ng hiyawan sa loob. They keep on saying na hindi raw makapag-antay si Lance kaya pinuntahan na ako sa mabilis na dinala sa altar.

The ceremony went well then, walang sumigaw ng 'itigil ang kasal' thingy. Successful din ang pag-exchange namin ng vows ni Lance, and also that iconic kiss na pinapahintulot ni Father na gawin ng husband and wife. Bale, simpleng kiss lang naman ang nangyari, katulad nang napag-usapan namin dati pa.

Pinakita ko na masaya ako sa buong tao na naroon, lalo na kay Mrs. Villarial na akala ko'y magiging bussiness partner ko lang. Hindi ko naman akalain na hahantong na magiging mother-in-law ko rin pala siya.

"Hm. Enjoy sa honeymoon mga anak ha." I smiled to Mrs. Villarial, I mean to my mom. Ginantihan ko ang yakap at halik niya sa pisngi ko.

Sa wakas ay natapos rin ang lahat, from church to the reception. Nairaos namin kahit sobrang sakit na ng paa at likuran ko. Ilang beses rin akong nag-pee ng mga oras na 'yon na talagang kinainis ko.

"Mag-ingat kayo anak." Si mama 'yon. Pilit na ngiti naman ang naibigay ko sa kaniya. Nakakapanibago kasi ng mga kilos niya, she never been happy for all of my life-ngayon lang. Naisip ko, baka dahil alam niyang malaking pamilya ang napasukan ko.

"See you papa sa pagbalik namin." Niyakap ko ang butihin kong papa na parang naiiyak pa rin hanggang ngayon.

"Son, Lance hinay-hinay lang ha. Remember na may baby na sa tiyan ni Onie." I laughed to what Mr. Benedicto, my father-in-law said.

I paused and put my hands in my tummy.

Tama, nakalimutan ko na ang talagang dahilan kung bakit nabuo ang kasalang ito.

Buntis nga pala ako. 'Yong gabi after na sabihin ko sa harapan ni Aldrin na boyfriend ko si Lance ang naging dahilan ng lahat.

Nag-usap kami, I mean hindi lang pala 'yon. He said he is broken hearted that night, too. Kaya kahit na panay ang sigaw niya sa akin, we still decided to have some drinks na humantong sa isang gabi ng pagkakasala.

Promise, it was just an accident when he put his length to mine. Oh, sh*t ano ba 'tong sinasabi ko?

One month later, I just found out na, buntis na ako. Wala naman akong balak na ipaalam 'yon, ang kaso'y si Mrs. Vi-no, si mom na mismo ang nakatuklas. I thought she'll get mad, pero hindi, dahil natuwa pa nga siya. She even thanked me for being pregnant.

"C'mon, aabutin na tayo ng traffic." Napatda ako nang magsalita si Lance. Natanga lang pala ako sa harapan ng kotseng maghahatid sa amin sa resort na pagmamay-ari nila. Everyone decided na sa ibang bansa dapat kami mag-honeymoon pero tumutol ako. Sabi ko'y hindi ko ata kakayanin ang malayong flight lalo't nagsisimula na ring magbago ang pakiramdam ko.

Turning three months na ang tummy ko, nakakaranas na rin ako nang biglang pagbabago sa katawan ko tulad ng pagiging antukin at palasuka. Ayoko ring magkakain ng kung ano-ano, mas gusto kong humilata at ipikit lang ang aking mga mata.

Inirapan ko siya't sumunod na rin sa pagpasok sa kotse. Inalalayan niya ako saglit pagkatapos ay pumasok na rin.

Nang nasa loob na'y minabuti kong alisin na ang suot na sapin sa paa. Itinabi ko 'yon sa gilid at saka isinandal ang likuran sa malambot na nauupuan ko.

"Tired?" Nilingon ko si Lance. Nakapagtataka't tinatanong niya ako ngayon.

Tumango lang ako bilang tugon sa kaniya.

"You can rest. Sleep. Gigisingin na lang kita kapag naroon na tayo."

Tinapunan ko muna siya nang tingin bago ipinikit na ang aking mga mata. Inayos ko ang pagkakasandal ng ulo ko at inilagay ang mga kamay sa ibabaw ng aking tiyan.

'Gigisingin naman raw niya ako kaya sige-'

Hindi ko nai-tuloy ang pakikipag-usap sa aking isipan nang biglang kumilos si Lance. Nagulat na rin lang ako nang ipilig niya ang aking ulo sa kaniya-sa balikat niya.

Magmumulat pa sana ako't babawin ang sarili ko na ngayo'y kampante nang nakapuwesto ang pagiging pagtulog sa kaniya nang magsalita siyang muli.

"Just go and rest, I don't want my baby in your tummy to be stressed."

A-angal pa sana ako sa sinabi niya pero bigla kong naalala na wala naman dapat akong i-reklamo.

Dahil rule number two is no affection allowed, everything is just for the baby. Kaya naman hindi na ako tumutol, getting rest will make the baby in condition, and that's what his goal.

Tuluyan ko na lang na blinanko ang isipan ko upang makagawa ng magandang panaginip.

'Rest Onie, dahil simula bukas gagampanan mo na ang pagiging Mrs. Benedicto, official.'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status