Share

The Unplanned Marriage of the Century
The Unplanned Marriage of the Century
Author: Lady Reaper

Unang Kabanata - Ang Pagkikita.

Mataas na ang sikat ng araw nang umalis si Onie sa kaniyang condominium. Ngayon ang schedule nang pakikipagkita niya kay Mrs. Villarial upang mapag-usapan ang balak nitong pag-open ng branch ng kaniyang O’bakeshop.

If ever na maging okay ang kanilang pag-uusap ay magiging lima na ang branches ng kaniyang bussiness.

Hermaonie Cortez, Onie for short, is the breadwinner in the family. Nakagraduate lang siya ng dalawang taong kurso na Hotel and Restaurant Services. Ngunit hindi naging hadlang ang lahat nang iyon upang dumapo lang siya sa pinakamababang sanga.

Nangarap si Onie, nagpursigi, hindi sumuko sa kabila nang ilang ulit na pagbagsak.

Anim na taon nga matapos ang paulit-ulit na pagsubok ay naabot rin niya ang mas maayos na takbo ng buhay.

Matapos niyang lumahok at manalo sa isang baking contest ay nagtuloy-tuloy na ang kaniyang pag-angat. Naanyayahan siya na magjudge sa iba’t-ibang paligsahan about baking and pastry. Na-offeran ng posisyon bilang head ng pasty sa isang hotel. At ang pinakamagandang nangyari sa lahat ay ang pagkakapunta niya sa Tokyo para sa isang patimpalak kung saan ay nakuha niya ang tropeyo’t naiuwi ang grandprize.

At ang napanalunan niya ang kaniyang ginamit bilang panimula sa kaniyang binuong bakeshop. Ang pagkakakilala sa kaniya ang naging daan upang mabilis na umangat ang negosyong kabubukas lang niya. Pumatok sa masa ang masarap at malinamnam niyang cakes. Hindi gano’n katamis ang icing, sakto lang na babagay sa kabuuan ng kaniyang masterpiece.

Matapos ang dalawang taon nang pagkakatayo ng O’bakeshop ay nagkaroon agad siya nang tatlong branches hanggang sa nadagdagan ng isa at isa pa, na ngayon ay magiging ikalima.

At sisiguraduhin niya ‘yon.

Iniliko ni Onie ang kotse sa kaliwa patungo na sa lokasyon ng kaniyang bakeshop. Doon mismo kasi sila magkikita ni Mrs. Villarial.

Pinindot niya ang earpiece na nakaipit sa kaniyang tainga nang may pumasok na tawag sa kaniyang cellphone.

“Yes, Karin?”

“Oo papunta na ako, make sure na maayos lahat diyan sa shop. Wala akong makikitang kahit katiting na alikabok. ‘Yong displays ng cake. . . May ginawa akong Ube moist kagabi ilabas mo na rin. . . Oo, sige na. Mamaya na lang, nagd-drive pa ako. Okay bye.” Pinatay niya na ang tawag at muling itinuon na lang ang paningin sa daan.

Bahagya pang tinatap ni Onie ang manibela ng kaniyang itim na SUV, sumasabay kasi siya sa saliw ng musika ng kaniyang paboritong kpop soloist.

Kung maaari lang sumayaw ay ginawa na niya, hook na hook kasi siya rito.

Inapakan ni Onie ang break nang makitang nagkulay pula ang stop light. Nag countdown iyon na nagsimula sa sixty. Medyo maaliwalas ang paligid ng kalsada, kakaunti ang mga sasakyan at gayon din ang mga taong naglalakad sa daan.

Ibinaba muna niya ang windshield upang makalanghap ng sariwang hangin kahit kaunti.

“What a beautiful day,” aniya na nakangiti.

Isa si Onie sa mga babaeng may tila anghel na mukha ngunit mala-lobo naman ang loob. Mabait siya sa mabait ngunit may pagka istrikta pagdating sa mga bagay-bagay, lalo na pagdating sa kaniyang mga tauhan. Lahat sa kaniya ay pantay-pantay, walang dapat na mataas at mababa. She value every life, dignity and pride.

Twenty-five na ang nasa countdown nang may sumulpot bigla na sasakyan sa tabi niya. Isang asul na Toyota, sinulyapan niya ‘yon gawa na rin na bukas ang kaniyang bintana.

Ngunit sa kaniyang labis na pagkagulat ay napasubsob siya sa pagkakaupo. Hindi niya alam kung napansin rin siya ng lalaking mabilis niyang nakilala kung sino.

Dahan-dahan ay umangat ang windshied ng kaniyang sasakyan. Good thing ay tinted iyon kaya paniguradong hindi siya basta-basta masisilip mula sa labas.

Ten seconds left.

Natanaw niya ang paggawi ng pigura ng driver ng kabilang sasakyan sa kaniya. Ilang mumunting dasal ang namutawi sa kaniyang bibig. Dasal na sana’y hindi siya nakilala ng lalaking iyon.

Ng ex-boyfriend niyang si Aldrin.

Mabilis ang kaba na namuo sa kaniyang dibdib, nagkaroon naman sila ng closure ng binata ngunit wala naman sa bokabularyo niya ang makita ito rito, o kahit saan man. Aldrin is her first love, tumagal ang relasyon nila for almost three years. Nasa karera pa lang siya no’n ng pag-usbong, nawalan lang siya nang sapat na oras dito na siyang naging dahilan ng pangangaliwa ng lalaki.

She then later find out na may kinakatagpo itong ibang babae. Actually, hindi na niya ginawang awayin ang binata. Alam naman niyang siya ang dahilan ng lahat e. Kaya naman hinayaan niya itong gawin at mahalin ang sino mang nais nito.

Isang linggong iyakan na lang ang ginawa niya, pagkatapos no’n bumangon siyang muli at nagpatuloy sa buhay. Naisip niyang gano’n naman talaga, may aalis at aalis sa buhay ng isang tao. Maybe dumaan lang si Aldrin upang maging inspirasyon niya para mas lumaban pa sa buhay noong nalulugmok siya. And the expiration of his presence has come. She just then accepted it.

Pinapaalala na lang niya parati sa kaniyang sarili na may darating at darating pa rin na mas deserving na mahalin niya at mahalin siya.

Ngunit hindi rin maipagkakaila na may kirot pa rin siyang nararamdaman sa tuwing makikita ang lalaki.

At isang malaking sayang ang nabuo nilang mga pangarap noon.

Sayang. . .

“Ay sayang!” Napabulalas si Onie ng isang may kalakasang pagbundol sa likuran ng sasakyan niya ang naganap. Wala na ang kotse ni Aldrin sa tabi niya't kanina pa pala nag-go ang signal light.

Bahagyang gumewang ang SUV niya’t ga muntik na siyang masubsob sa unahan.

Salubong ang mga kilay na sinulyapan niya sa rearview mirror kung ano o sino ang may gawa nang pagkakagisng niya mula sa pananaginip nang gising.

“At sinong hindi nag-iingat ang bubundol sa baby ko?!”

Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at hinarap ang may katandaang lalaki na tumambad mula sa itim na Mercedes benz.

Una’y sinulyapan niya ang kaunting yupi sa kaniya SUV.

“Oh! My baby,” mangiyak-ngiyak niyang turan.

Huminga muna si Onie ng maluwag bago hinarap ang nagmamaneho. “Manong, ba’t naman po hindi kayo nag-iingat. Tignan niyo tuloy ang nangyari.” Malumanay lang ang pagkakasabi niyang iyon.

Ang totoo’y gusto niyang magwala ngunit paano? Eh, mas matanda ang nasa harapan niya? She also value respect.

“Ma’am sorry po. . . Akala ko po kasi’y dideretso na kayo nang mag go na ang signal light eh.”

Napakurap-kurap ang dalaga bago sinulyapan ang Traffic lights. Napapikit na lang si Onie nang malamang siya naman pala ang may kasalanan.

“Sorry po talaga ma’am.” Ulit ng matandang lalaki.

Napasimangot na lang siya. “Sige po ako na ang bahala,” sagot niya rito na tila medyo nahihimasmasan na rin

Gusto niyang humingi rin ng pasensiya sa matanda ngunit pinangunahan siya nang pride sa ngayon.

“Ano po ba ang magagawa ko na lang ma’am?” ma-respetong tanong ng matanda sa kaniya

“Hindi na po—“

Ngunit hindi natapos ni Onie ang sinasabi ng biglang may sumabat sa pag-uusap nila ng driver ng kabilang sasakyan.

“Why it was taking too long Mang Henry? Malalate na tayo.”

Napatitig si Onie sa boses lalaking naka black amerikana’t itim rin na pang ibaba. May pares pang necktie at kumikinang na sapatos na balat, puwede na siyang manalamin sa sobrang shine niyon. Maayos ang pagkakahawi ng may kahabaang buhok pakanan.

Wow, rolex! Napansin niya ang suot nitong relos.

“Sorry sir pero okay na po,” sagot ng matanda sa makisig na lalaking kalalabas lang sa sasakyan.

“Sorry po talaga sa nangyari ma’am, pero maaari po bang mag-iwan na lang ako ng cellphone number ko? Tawagan niyo po ako kapag kailangan na magbayad sa pagpapaayos ng sasakyan niyo. Nagmamadali lang po kami ngayon-“

“Mang Henry! C’mon.” Umuusok na ang ilong ng gwapitong lalaki na posturang nakatayo sa may tabi ng Mercedez Benz.

“O-opo sir-“

Nainis na rin si Onie sa sitwasyon ngayon. She’s dealing with her car tapos ay susulpot ang lalaki at babarahin-barahin lang ang taga-drive niya. Wala siyang maayos na manners.

“Saglit nga, nag-uusap pa kami ni Manong. . . Masiyado ka ha!” Hindi na siya nakapagpigil pa’t ang kalalabas na lalaki na ang binalingan.

“Mang Henry, get going.” Tila hindi siya napansin ng ginoong nakaformal na kasuotan. O baka hindi talaga siya pinansin nito.

“Hoy ikaw mister, nag-uusap pa nga kami ni Manong.” Nakapatong ang magkabilang kamay nito sa kaniyang baywang, tila baga ito isang matandang ginang na pianpagalitan ang kaniyang anak.

Sa pagkakataong iyon ay mukhang nakuha na ni Onie ang atensiyon ng lalaki. Lumapit ito sa kaniya, napakurap-kurap pa si Onie nang mas matunghayan ang kakisigan ng ginoong naka all in black.

Sunod ay inalis naman nito ang itim na sunglasses na mas lalong nakapagpalabas ng appeal niya.

Kung e-estimatimahin ay nasa 6’4 ang tangkad nito. Clean cut ang gupit ng buhok, mapupungay ang mga mata with matching may kakapalang kilay. Matangos rin ang ilong at mapula ang mga labi.

'Good thing at wala siyang balbas.' Naisip ni Onie.

Napailing-iling siya nang may parte sa kaniyang utak na sinasaway siya kung bakit naisip niya ang gano’n.

“I’m in urgent Miss,” umpisa nito.

May kalamigan ang boses ng lalaki't sapul sa mukha ni Onie ang mabango nitong hininga , puwede siyang magnarrator sa isang horror site.

“So here, give me a call if you need money for the damage. I don’t have any cash right now.” Ini-a-abot ng lalaki ang piraso ng papel na kinuha nito sa kaniyang wallet.

Pinaningkitan siya ng mga mata ni Onie.

‘Mukhang pera ba ako para magpabayad?’ tanong ni Onie sa kaniyang sarili.

“Look Miss, I’m really in a hurry. Maybe we can get this done some other time,” anito sa kaniya. Kinuha ng lalaki ang kaniyang kamay at doon inilapag ang calling card na hindi niya ina-abot kanina pa.

“Nextime focus on the way, hindi ‘yong nakatulala ka pa kung saan-saan.”

“Let’s go Mang Henry.” Hindi na siya pinansin pa ng lalaki, dire-diretso na ito pabalik sa kaniyang sasakyan. Sinenyasan na rin nito ang kaniyang driver upang bumalik na sa kinapupuwestuhan.

Habang siya’y naiwan roon, nakatanga sa nilalang na may pagka arogante.

“Grabe!” Saka lang nakuha ni Onie ang boses na tila naipit sa kaniyang lalamunan kanina pa. “Tao po ba ‘yon? Hindi man lang ako hinayaang magsabi ng nais ko?”

“Sorry po ulit ma’am.” Binalingan naman niya ang matandang kanina pa humihingi ng sorry sa kaniya.

“Sige na po manong, pumunta na kayo ro’n at baka pagalitan ka pa po ng boss mo. Ako na ang bahala rito, pasensiya na rin po sa abala.”

Sa wakas ay nagawa na rin nitong humingi ng pasensiya sa Manong.

Tumabi ang medyo iritadong si Onie upang mabigyan ng daraanan ang sasakyang nakapag start na ang engine.

‘Siyempre sa ganitong sitwasyon, ako na ang mag-aadjust. Hays.’

Hihintayin pa niya na makadaan ang nasasakyan nang mga ito bago siya papasok sa sariling kotse. Ayaw niyang makasabay sa pag-alis ang amoy mayaman na lalaki.

Tinted rin ang Mercedes nito ngunit dahil sa alam na niya ang detalye ng pagmumukha nito'y kahit hindi maaninag ay parang nakikita na rin ni Onie ang imahe ng lalaki nang dumaan ang kanilang nasasakyan sa harapan.

She even flipped her hair nang mismong matapat ang backseat area sa harapan niya.

Kitang-kita niya ang repleksyong maganda sa windshiled nito.

“I’m just too gorgeous para ma-stress,” she said to herself.

“C’mon Hermaonie, may meeting ka pa. You also should not be late, sayang ang isang branch.” pagpapanatag niya sa sarili bago sinulyapan muna ang nayuping parte ng sasakyan sa likuran.

“Don’t worry baby, ipapaayos kita. But for now let’s conquer the day first.”

Dumiretso na sjya sa loob at binuhay ang makina. Muli’y pinatugtog ang kanta ng foreign soloist singer na idolo.

Onie then stepped on the gas and drove her way to O’bakeshop.

“Nakakahiya kay Mrs. Villarial kung mahuhuli pa ako.”

Pero bago tuluyang magtungonsa shop ay sa gasoline station muan siya upang makapagpa full tank. Hindi pa naman ubos ang laman niyon pero kasi may importante siyang trip sa susunod na araw. Nag-aalala na baka mamaya’y makalimutan na naman niya ang magpalagay niyon.

`Eleven in the morning ang usapan namin ng ginang, alas dyes kuwarenta y sinco pa lang. Hindi pa ako late, mabuti kung gano’n.`

“Kira, ano kumusta ang benta?” Sa employees entrance sa likod siya dumaan papasok nang marating ang lugar.

“Ayos naman po ma’am, aabot pa hanggang pag close ang stock natin,” balita nito sa kararating lang na amo.

“Good. Sige na ayusin mo na lahat ng dapat, magnap muna ako. Please do tell me kapag nariyan na si Mrs. Villarial."

Mabilis na tinungo niya ang opisina’t idinantay ang likod sa swivel chair.

' What a very tiring day.' she taught.

Subalit bago pa man tuluyang ipikit ni Onie ang mga mata'y pinasasadan muna niya nang sulyap ang calling card na nasa harapan.

‘Lance Asmael Benedicto, President/ Corporate Executive Officer. Jewels and Diamonds Company’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status