"Hey, anong nangyari?" pabulong niyang tanong sa akin. Gawa ng samut-saring kaisipan at kaba ay isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil walang nangyaring masama sa akin, dahil na rin kay Steve. O matatakot na baka pati siya ay madamay dahil sa nangyari. Hindi ko rin maiwasang mapaiyak na lang. Ang gaga ko kasi! Ang gaga gaga ko talaga!
"Kasalanan ko. Tama naman siya, binayaran niya ako. Puta nga kasi ako diba?" giit ko habang impit na lumuluha. Kahit anong punas ko'y tuloy tuloy pa rin ang patak no'n. Bwisit! Hindi dapat ako umiiyak, lalo na sa harap ni Steve.
"No, hindi ka gano'n." he said then hug me tight. "Anong ginawa niya sa'yo? Sinaktan ka ba niya? Pinilit niya ang sarili niya sa'yo? Answer me please." sunod-sunod pang tanong niya.
"What the hell?!" "Tang'na! Strong ang aming Jumbo kuno!" Dinig kong sigaw ng dalawa sa mga kaibigan niya. Nakadama tuloy ako ng hiya sa sarili. Ano ba kasi 'yong putris na fubu na 'yon? At bakit iyon ang nasabi ko? "Ikaw na talaga ang pinakagaga sa lahat ng gaga!" singhal ko sa aking sarili. Lumapit naman sa akin si Steve at nginitian ako ng bahagya. Hinawakan niya rin ang siko ko upang hilahin paalis sa lugar ng mga kaibign niya. "Hoy teka naman! Apat na pulgada ang takong ko, baka gusto mong mag dahan-dahan?!" "Alam mo ba kung ano ang fubu?" baliwalang tanong niya habang, hawak na ang palapulsuhan ko at hinihila pa rin ako patungo kung saan.
Tatlong araw makalipas ang naganap sa silid namin sa Club-V ay hindi ko pa ulit nakita si Steve. Hindi naman sa nag de-deman akong makita siya araw-araw, kaya lang hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano-ano.Hanggang sa sumapit ang Linggo ngunit wala pa rin talaga siya. Siguro nga'y hanggang doon na lang talaga ang kung ano mang nangyari at mayroon sa aming dalawa.Baka nga nakalimutan niya na rin 'yon, dahil sino ba naman ako? Ganda lang talaga at katawan ang puhunan ko, pero kung wala iyon malamang hindi rin naman ako mapapansin ng hudas na iyon.Nang sumapit ang alas syete ay pinatawag kaming lahat ng manager at kaagad na nag meeting. Hindi ko rin alam kung bakit at para saan, ngunit bigla akong kinabahan. Si Aiza ay tahimik lang sa tabi ko, pati rin si Mommy Vicky ay narito, ngunit wala si Gladys. Ngayon ko lang din napansin na pang apat na araw na siyang lag
Nagising ako sa mahinang tapik sa balikat ko at sa kirot mula sa hita ko. Puting kisame, ingay na nagmumula sa air-condition, aroma ng isang putahe at tunog ng telebisyon. Iyon ang mga nakita at nadinig ko ng suriin ko ang paligid ko pagkamulat ng mga mata ko... Nasaan ako?Akmang tatayo na ako upang tumakbo palabas dahil sa takot na bigla kong nadama, nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang customer ko kanina."Finally nagising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo? Are you hungry?" nakangiting bungad niya sa akin. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? At bakit kasama ko siya? Hindi kaya..."Nag sex ba tayo?" baliwalang tanong ko.Putakte! Wala akong ibang maalala kun'di ang raid na naganap sa Club-V at ang dumaplis na bala sa hita ko. Matapos iyon ay wala na akong ibang maalala p
"Pwede ka bang sumama sa akin?" Kumalas ako kaagad sa pagkakayakap sa kaniya ng sabihin niya iyon.It seems natural. Pakiramdam ko'y matagal ko na siyang niyayakap. Na para bang normal lang na magyakapan kaming dalawa. Pakiramdam ko pa nga ay ligtas ako at walang sino man ang pwedeng manakit sa akin, ng yakapin niya ako pabalik."Saan?" kuryosong tanong ko. Kahit na ba panatag ang kalooban ko sa kaniya ay gusto ko pa ring makasiguro. Nadala na ako, at ayaw ko ng mangyari ulit ang nangyari sa akin sa kamay ng hayop na Mike na iyon!"Zambales." Napatitig ako sa kaniya, my grey eyes meet his grey eyes. Para tuloy akong tumingin sa sarili kong mga mata. "I help you remember the memories buried in your mind. Sigurado akong nariyan lang 'yon ngunit natabunan, o pilit mo lang kinalimutan." giit niya pa.Ganoon ba 'yon?
Nang makarating kami sa Zambales, kaagad akong bumaba ng sasakyan. Nasa harap kami ngayon ng karagatan dito sa lugar ng Olongapo na kung tawagin ay SBMA.Natatandaan kong dito nga ako umiiyak dati habang sumisigaw ng 'Daddy'. Nakatingin lang ako sa malawak na dagat noon, habang may hawak na cotton candy."Dito ka namin naiwanan dati." Lumingon ako kay Brent na ngayon ay nakatanaw rin sa kulay asul na dagat. "I remember how Mom cried everyday because her princess lost and nowhere to be found." Tumingin din siya sa akin na bahagyang malamlam ang mga mata, na tila ba paiyak na. "That's my fault... I'm sorry," he said trying to hide the tears on his eyes. "Naaalala mo na ba?" giit niya pa. Umiling lang ako bago yumuko. Hindi ko pa rin talaga lubusang maalala, ngunit may mga imaheng pumapasok sa isipan ko, na hindi ko naman ki
"Dito na lang ako," nakangiting usal ko kay Brent ng tumapat ang kotse niya sa mismong gate nila Aiza. Dito ako nagpahatid dahil gusto kong kumpirmahin kung ano ba ang nangyari sa Club-V, at kung may babalikan pa ba kaming trabaho matapos ang raid. "Salamat sa paghatid." giit ko pa."Hihintayin kita rito." Kumunot naman ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. Bakit niya pa ako hihintayin? Wala ba siyang balak na umuwi? At saka... Saan nga pala siya uuwi? "Dito muna ako makikitulog, umuwi ka na bawal kasi lalaki dito. Baka magalit lola ng kaibigan ko." Mas lalo naman naging determinado si Brent na hintayin ako, at pilit na pinasasama sa kaniya. Ngunit dahil sing-tigas ng buhay na bato ang bungo ko pinandilatan ko siya ng mata, at pilit din na pinauuwi. Aba, hindi porket naalala at tanggap ko na ang lahat ay basta basta na lang akong sasama sa kaniya! Hindi pa rin talaga ga
Pasado alas kuwatro ng umaga ay nag paalam na ako upang umuwi. Ngunit dahil walang tricycle na nakaparada ay naglakad lakad pa ako. The cold wind touches my skin as I walking down the street. The street looks empty too. There were some street lights that still on because it was still dark. Pakiramdam ko tuloy ay isa ako sa mga characters na naglalakad sa gitna ng tahimik at medyo may kadilimang daan, sa palabas na walking dead. Nakadama tuloy ako ng bahagyang takot."Bakit ba kasi walang tricycle?" maang kong tanong sa aking sarili. Pilit kong nilalabanan ang kaba na namumuo sa dibdib ko. Pati na rin ang pumapasok sa malikot kong imahinasyon. Paano kung may multong bigla na lang magpakita?! "Get in!""Ay hotdog!" wala sa loob kong sigaw ng mula sa likuran ko'y narinig ko 'yon.
"Can you cooked for me?"Matapos ang nakakahingal na umaga ay humihiling na ipagluto ko siya. Na para bang hindi niya ako inararo ng sobra, kaya kung makapag utos akala mo'y kung sino."Pagod ako Steve, ikaw na lang." walang ganang sagot ko.Pareho kaming nakahiga sa lapag. Hinila niya na lang kanina ang foam at inilapag dahil nasira na nga ang pinaka-frame ng kama. Putakte! Ayaw ko ng alalahanin ang nangyari."Ikaw pa talaga ang napagod? Samantalang ako ang kumilos ng kumilos." Pilit niya pa akong itinutulak paalis sa kama. "Sige na, mag luto ka na. I'm starving babe... Be kind enough and feed me." giit niya pa at may pa-babe pang kasama. As if naman tatalab sa akin 'yon! Slight!"Ikaw na lang, ikaw ang nagugutom e! Gusto ko na lang matulog pagod ako at puyat please lang." Tumayo naman siya