Share

Kabanata 5

Chapter 5

JOY'S POV

"May alam ka ba kung saan siya nakatira?"

Iyan ang bungad 'kong tanong kay Zhai ng pumanhik ito sa kwarto ko, dito sa mansion. Tinaasan naman ako nito ng kilay, "Bakit ka curious? Guguluhin mo pa rin?" 

My brows definitely curled at her question. "What? Guguluhin? Zhai, I deserve to know where he is since fiance niya ako!"

"The engagement is off, Joy." tunog paalala na wika nito sa akin, na ikinairap ko naman.

"They did that without my consent!"

Naupo naman si Zhai sa aking tabi, sunod ay pinangunutan ako ng noo. "Tita Marcella said that you don't like your fiance, kaya nga nila iniurong ang supposed to be engagement, kaya bakit ganito ka umasta ngayon?" may halong pagtatakang tanong nito, habang ang buong atensyon ay nasa akin. "Don't tell me na-inlove ka na agad sa fiance mo?"

"Ofcourse not!" Giit ko. With matching actions pa.

"Really? Eh bakit interesado ka atang makita?"

"Nagulat kasi ako sa naging desisyon nila Mommy, sobrang nakakabigla." Wika ko, "And eventhough I don't like him ako pa din and naunang mag-aya ng kasal. Nagulo lang sila dahil sa biglaan 'kong desisyon,  kaya nakakahiya naman na bigla na lang iniurong ang engagement!"

"Andami 'mong excuses, Joy." Pang-aasar ni Zhai sa akin, bago ako tinignan ng may pang-aakusa. "Know what, if you are just really guilty, then hayaan mo na lang.  That guy agreed to call of the engagement, ibig sabihin ayos lang sa kanila na mangyari iyon." Wika nito.

I almost rolled my eyes,  after hearing what Zhai have said, pero pinigilan ko. Sa halip ay bumuntong-hininga na lang ako.  "Ah basta! Gusto ko siyang makita at makausap, Zhairiyah." Buo ang boses 'kong winika. "If you want to help me then help, if you don't then don't."

"Kunyare ka pa e! Baka naman talagang na-fall ka na?!"

"NO!" Agap ko.  "I'm not. Pwede ba, Zhai!"

Itinaas naman nito ang dalawang kamay na tila ba pinipigilan ako, bago ako binigyan ng ngisi. "Chill Joy. Binibiro lang kita," anito, bago kinuha ang phone at may tinipa tipa roon. "Alam ni Clint kung nasaan ang condo ng fiance mo."

"Really?!"

Tumango ito, "Yep. Pinaakyat ko na dito para makausap mo."

"Hindi ba pwedeng itanong mo na lang sa kanya through text?"

Kumunot noo naman ito, "Ayoko ngang itanong sa kanya no, baka isipin ako ang interesado."

"What? Interesado?"

"Yep. Well, Clint is a jealous man, Joy. Sobrang seloso, kaya ako na lang ang umiiwas para walang problema." Anito.

I frowned at that. "You mean to say, ikaw ang naga-adjust?" Tanong ko,  gamit ang Hindi makapaniwalang tono.  "Kailan ka pa nagsimulang mag-adjust para sa kanya?"

Zhai smiled at me, "Simula noong kinasal kami." Anito. "Ulit..." Dugtong pa nito, na nasundan ng bungisngis na ikinairap ko na lang.  Psh. 

My cousin look  so damn in love, at hindi ako sanay. Parang kailan lang kitang-kita ko pa kung gaano niya kagustong isumpa si Clint sa sobrang galit at inis, tapos ngayon biglang naging ganito siya.

I shake my head out of disbelief.

I am more than sure enough that that will never happen to me.

Hindi na ulit ako mahuhulog at mahuhumaling sa laro ng pag-ibig. Kahit kailan, hindi na ako magmamahal ulit.

A knock on the door pulled me out of thoughts, at agad din naman iyong bumukas at pumasok si Clint, at agad dumiretso sa asawa.

Clint kissed the cheek of my cousin, who obviously blushed right after, before fully facing me. With his hands on his rocket, the man looked at me.

"What do you want to ask?" Tanong nito, gamit ang intimidating na boses.

But instead of being intimidated, I felt even more casual to him.

"Zhairiyah said that you know where that man—i mean, that Grey lives." panimula ko, "Mind telling me his address?"

"Grey? Your ex-fiance?"

I nodded earnestly, "Yes." sagot ko.

Matagal akong tinitigan ni Clint, bago nilingon ang asawa na ngayon ay umiiling-iling lamang habang ang mga mata ay nasa akin.

"Should I really tell her where?" Tanong ng lalaki kay Zhai, na siyang nagpataas ng kilay ko.

And because of the irritation I am feeling, I can't stop myself from reacting. "What the! I'm just asking for a little help here, Come on! I don't want to brag or anything but you two end up with each other because of my help! Now, this is your payback time guys. Tumulong naman kayo!" Tuluy-tuloy 'kong wika bago sunud-sunod na napahinga ng malalim.

Bumalik naman ang tingin ng mga ito sa akin, at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pasimpleng pag-angat ng sulok ng labi ni Clint at Zhai.

These two!

"Okay, he has a penthouse in The Gregory Hotel, I'm not just sure if he's there, someone told me that he left the city," anito na nasundan ng pagkibit ng balikat.

Apparently, after hearing the name of the hotel I felt delighted. Tila ba wala ng pakialam pa sa huling sinabi ng lalaki,  at agad na akong lumabas ng kwarto.

Naririnig ko pa ang tawag sa akin ni Zhai pero wala na akong oras pa para lumingon. I need to talk to Grey right now!

Baka mamaya talagang maniwala iyon na wala ng engagement. Hindi pwede!

Yes, I don't really like him, but I owe him my life!

Tuluy tuloy at mabilis ang hakbang ko pababa ng hagdan, not minding other maid's attentions, basta buo na ang loob ko na lumabas.

"Saan ka pupunta?" napahinto ako ng marinig ang seryosong boses ni Mommy, kaya naman mabilis ang naging paglingon ko sa direksyon na pinanggalingan niyon.

Nakita ko naman ito na nakaupo sa may sofa ng living room, nakahalukipkip at halata ang matinding pagtataka sa mata.

I inhaled first, before walking towards her direction.

"Uhm, just going out Mom..."

Tinaasan naman ako nito ng kilay, "Saan ka naman pupunta?"

Sa boses pa lang ni Mommy halata nang ayaw ako nitong payagan na umalis. Sa tono pa lang, wala ng pag-asa.

But I'll still try.

"Magpapahangin lang po..."

"You think I will let you go out after what you've done earlier this day?"

I exhaled heavily, "Pero mommy..." angal ko na agad lang nitong sinundan ng seryosong pag-iling.

"I can't let you go out, ang mahalaga ay magpahinga ka na lang sa kwarto mo, ija."

"Pero Mommy...kailangan 'kong lumabas!" Di napigilang sabat ko, na agad ko 'ring pinagsisihan ng makita ang pagsilay ng galit sa mukha ng aking Ina.

Mas nagsalubong ang kilay nito,  habang matalim ang uri ng pagkakatingin sa akin.  "Can you just listen to me Aliexiana?!" sigaw nito,  na siyang ikinasindak ko.  Bakas sa boses nito ang galit. "Ilang beses ka ng napahamak! I can't just let you put yourself at risk again! Simula ngayon, makikinig ka na sa amin ng Daddy mo!"

Because of what Mom said, I felt vulnerable.  I felt hopeless and powerless...

And those feelings made me gain the strength to hiss back at her.

I strongly fight her sharp eyes with mine, as I kept on inhaling heavy breaths to ready myself. "Mom, come on! I am old enough for myself! Please, don't lock me up and stop treating me like a kid!" Alma ko, na nagpabago ng reaksyon ng mukha ni Mommy.

Nakita ko kung paano napalitan ng pait at sakit na ekspresyon ang mukha nito matapos marinig ang naging sagot ko. Suddenly, guilt envelop my body.

Bigla 'kong pinagsisihan ang pagsagot ko ng pabalang.

Nag-iwas ng tingin si Mommy, habang hapo ang paghinga. I tried to walk towards her but she step back that made me halt my actions, and just stared at her pained expression.

I saw how Mom gulped twice, before her lips thinned followed by the sarcastic nods.

"Fine, go. Leave. Tama ka, you are an adult now.  You know what you are doing, and you know whats good for you. Okay. Sige, bahala ka na sa buhay mo Aliexiana..." bakas ang sakit sa boses na wika nito bago ako tuluyang tinalikuran.

Agad na may namuong luha sa sulok ng aking mata, na agad nagsipaghulugan ng talikuran ako ni Mommy.

"Mom!" I called, but she never turned her head back at me. Tuluy-tuloy ang pag akyat nito sa hagdan, habang ako ay naiwan dito, na nagsisisi sa lahat ng mga nabitawan 'kong salita.

I silently cried alone as I wiped my tears away. Gusto 'kong sundan si Mommy at mag-sorry, pero kilala ko siya, she will never let me talk to her. Ang mas mabuti sa ngayon ay hayaan muna siyang magpalipas ng galit.

I'm sure enough that this misunderstanding between us will be cleared later today.

I am guilty for answering her back, but I am sure enough with my decision. Totoo naman ang sinabi ko, matanda na ako para kontrolin nila.

Yes, I've made a lot of wrong decisions, pero alam ko na kaya ko ring gumawa ng mabubuting desisyon para sa sarili ko. And to talk to Grey right now is one of those things. Kailangan ko siyang makita at makausap.

I also need to thank him for saving my ass back there. And I also need to convince him to continue the engagement!

I let out a loud sigh, as I compose myself. Sorry Mommy, but I have to do this. Not only for myself, but also for us all.

Mabilis ang mga hakbang ko palabas ng bahay at tulad ng inaasahan ay maraming nakabantay na guards sa labas,na agad naaalarma ng makita ako.

May isa pa na agad lumapit sa akin.

By just watching him, alam ko na agad na magkalapit lamang ang edad namin nuong lalaki. Mestizo ito, at halata ang kakisigan ng katawan. Pagdating naman sa mukha ay hindi maipagkakaila na papasa ito bilang isang modelo or anything related to that.

"Miss Agvanzen, saan po kayo pupunta?" His voice was a bit husky, but just enough for his physical appearance.

Nang maalala ang naging tanong nito ay muli akong tumikhim, "I just wanna go out for awhile  and don't worry, wala akong gagawing masama or makasasama man sa akin." pangunguna ko dahil baka kontrahin pa ako nito.

"Did your parents let you leave today, Miss?" tanong pa nito na siyang nagpaiwas ng tingin ko. Shete naman!

Syempre hindi ako pinayagan!

I heard the man chuckled that made me look back at him,  at huling huli ko ang bakas ng ngiti sa mukha nito, na agad nawaglit ng magsalubong ang tingin namin.

Agad itong naging seryoso na tila ba karespe-respetong tao, na siyang nagpasalubong muli ng kilay ko.

"Your parents did not give you the permission to go out, so I'm sorry Mi—"

"You can drive for me then." Agap ko, upang matigil ito sa pagsasalita. I smirked at his sudden halt. "I'm sure my parents trusted you enough to the point na papayagan nila akong umalis basta kasama kita."

"Yes. Your parents trust me but—"

"Edi tara na. Pinagkakatiwalaan ka nila kaya mapapalagay na sila na safe ako sa pag-alis ko." Wika ko lang, bago ito nilagpasan at agad na pumasok sa isang kotse.

Sa back seat ako naupo, at nakita ko naman iyong guard na umiling-iling pa ngunit agad din namang humakbang palapit, at binuksan ang pintuan ng driver seat.

Because of that, I innerly smiled.

I comfortably leaned back on my seat. 

See you later, Grey...

MABILIS lang ang naging byahe namin at agad na rin naming narating ang Gregory Hotel na tinutuluyan daw ni Grey, according to Clint.

"You can just stay here and wait." utos ko sa guard slash driver ko kanina na agad ding umiling.

"I can't just let you enter alone, kailangan po kitang bantayan Miss." Anito, na sinundan ng ngiti. And upon seeing his smile, I can't resist to praise him, well, he has good looks huh.

Going back to what he said, wala na lang akong nagawa kung hindi ang mapakibit balikat at pabayaan ito sa gusto nitong mangyari. Wala naman akong masamang gagawin sa loob na kailangan kong itago.

I just want to have a talk with my fiance—or ex- fiance?  Well, I'll win him back anyway.

We walked towards the elevator and went in together. Ako na ang nagpasyang pumindot ng top floor kung saan naroon ang penthouse nito. Well, kaya nga penthouse kasi nasa top floor diba? Tssk. That's already obvious so I am sure enough.

We are both silent, until the elevator door opened, a signal that we already reached the top floor.  Hahakbang na sana ako palabas ng ikinagulat ko ang mga taong kasalukuyang nakatayo sa harap ng kabubukas lamang na elevator. 

My feet halted its move, as I realized what these two person was doing. Just now.

Its Grey...and a certain woman, who looks sexy with his tube dress and a pair of stilleto shoes.

And they're kissing violently when the elevator door opened, naghiwalay lang sila ng mukhang napansin na may taong nakakakita sa kanila.

When Grey put his attention at me, I saw how his eyes turned wide, while I can't help but to look at him flatly and annoyed. So damn annoyed.

Is this the reason why he just let the engagement off so easily? Alam 'kong playboy siya, pero...damn it! 

NAIINIS AKO, AT MUKHANG MAY LAKAS NG LOOB AKONG SAMPALIN SIYA NGAYON!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status