Share

Chapter 1

Binaba ko ang suot na black cocktail dress na tumataas bawat lakad ko.

"Ava, saan seat natin?" tanong ko habang lumilinga sa paligid.

"Dito, follow me." Sumunod kami rito kung saan ito papunta.

11 pm pa lang and the club is already crowded. Amoy vape ang paligid. Siksikan naman ang mga tao sa nadaan naming dance floor.

"Wow, VIP ah!" Umupo agad si Jane nang makita ang name ni Ava na nakadikit sa isang table.

Tumabi ako kay Jane habang nasa gilid ko naman si Ava. Wala talaga kaming balak mag-club ngayon. Pero noong nasa condo kami ni Ava at nagiinumang tatlo, Ava suggested to go clubbing. And because we were already tipsy, our impulsive drunk mind kicked in and decided to go.

Kinuha ni Ava ang bote ng vodka na nasa table namin at sinalinan ang tatlong shot glass.

"Cheers, bitches! It's on me!" sigaw nito na halata mong lasing na. Pag nalalasing siya, nagiging sugar mommy talaga namin 'to. Kaya nga gustong-gusto ko 'to pag lasing.

Kinuha namin ang baso at isahang nilagok. Napangiwi ako sa init na dumaloy sa aking lalamunan. Kinuha ko ang lemon at salt para maibisan ang naramdamang init.

"Wala bang gwapo dito?" tanong ko at nagpalinga-linga sa paligid. Ang daming nagsasayaw sa dance floor at meron pang mga nagme-make out sa gilid-gilid.

"Bakit? Bibira ka na naman ngayon?" natatawang tanong sakin ni Jane habang lumalamon na naman. Wala na atang time na hindi ko siya nakikitang walang kinakain.

"Wag kang excited, 'di pa natin alam. Choosy to no! Dapat gwapo," nakangising sabi ko rito.

"Ganda natin ah?" asar sa akin ni Ava at tinapik ng dalawang beses ang baba ko gamit ang likod ng kamay niya.

Hindi naman ako panget pero 'di rin ako 'yong klase ng babaeng mapapalingon ka pag dumaan ako. Simple lang pero may mga nagkakagusto pa rin naman sakin. Ito ata iyong tinatawag nilang charisma.

"Hoy, Ava! Wag ako okay? Alam kong mas lamang ka sakin ng ilang paligo pero nadala ka lang ng skin care routine mo no! Paano pa pag hindi ako tinamad? Who you ka sa 'kin," pagbalik asar ko rito at agad naman siyang sumimangot.

Natatawang napapa-iling na lang samin si Jane habang pinapakinggan kaming mag-asaran.

Nagkwentuhan sila habang ako nagpalinga-linga sa paligid. Namataan kong may tatlong lalaking nag-iinuman medyo malayo sa table namin. Napako ang tingin ko sa lalakeng medyo nakayuko at nakahawak ang isang kamay sa isang glass ng alak. 'Yong isang kamay niya naman ay nakapatong sa arm rest ng inuupan nito.

Tahimik lang siya at walang eskpresyon ang mukha habang nakatanaw sa dance floor. Nakikinig sa dalawang lalakeng nasa gilid niya. Minsan magbabago ang eskpresyon nito at kukunot ang noo habang may sinasabi. Minsan naman tatalim ang titig sa dalawang kasama na parang may maling sinabi ang mga ito.

He clenched his jaw and drink the remaining alcohol on his hand. Nakita kong ang pag taas baba ng adams apple niya noong nilagok ang drink. Parang natuyuan ako ng laway sa nakita at napalunok. Napainom tuloy rin ako sa glass ng juice na hawak ko habang nakamasid pa rin sa kanila.

Kitang-kita ko ang jaw line niya kaya mas lalong naging matikas ang mukha nito. Mahihiya ang mga babaeng naglalagay ng lipstick sa natural niyang mapulang labi.

Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang buong appearance niya. His wearing a white long sleeve shirt na nakatupi hanggang siko nito. Nakatanggal ang tatlong botones, slightly revealing his chest.

Hindi maitatanggi na pumupunta siyang gym because of his broad shoulder. Black pants naman ang pangibaba niya.

"Matutunaw na 'yong tao nan. Hinay-hinay aba baka maubos."

Agad akong napatingin kay Jane. Kanina pa pala nakatingin sa 'kin 'yong dalawa. Nakakaloko ang mga tingin nila habang nilingon din ang tinitignan ko.

"Hindi ka papatulan nan, ibang level yang pinapangarap mo," natatawa at napapailing na sabi ni Ava. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Mukhang mayayaman 'yong mga 'yon. Tignan mo daming umaaligid." Nguso sakin ni Jane kaya napatingin ulit ako sa gawi noong tatlong lalake.

May mga pamilyar nga sa 'kin na nakikita ko sa TV na lumalapit sa puwesto nila. May isa pang babae na mukhang model dahil sa galawan nito na tumabi doon sa lalakeng naka black plain shirt na kasama noong naka white long sleeve guy. Inakbayan ito no'ng lalake nang makaupo iyong babaeng model.

"Actually, I know them. 'Yong lalakeng naka black na may kaakbay, his name is Viel Cruz. Mag pinsan 'yong dalawa diyan 'yong naka blue si Jack Cruz. Matunog ang pangalan ng Cruz dahil sa mga sucessful nilang resorts dito sa bansa o mapa ibang bansa man," napangiwi ako sa sinabi ni Ava.

Oo nga pala, nakalimutan kong mayaman din ang pamilya nila Ava. May mga business silang pag-aari rito sa Pinas. Hindi mo nga lang talaga aakalain dahil hindi naman siya ma-attitude. May pagka baliw rin kasi 'tong isang 'to. Kaya siguro naging magkakaibigan kaming tatlo. Tropang may pagka abno.

"And what about the white long sleeve guy? Kilala mo?" I asked.

Nagkibit balikat siya. "Ngayon ko lang siya nakita. Maybe friends noong mag pinsan?" hindi niya siguradong sagot.

"So... kilala ka ba no'ng mga 'yon?"

Naningkit ang mata ni Ava sa 'kin. "What's on your mind, Miss Kate Castillo? Ano na namang pinaplano mo?"

Umirap ako rito. "Nothing! I'm just curious."

"Malamang! Target niya 'yong naka white," singit agad ni Jane.

Ngumiti sa 'kin si Ava. "Well, you're lucky. I'm friends with them."

"Hey! Viel, Jack!" malakas na sigaw nito at kumaway-kaway sa direksyon no'ng tatlo.

Nag-panic kaagad ako. "Hey, stop! May kasama silang babae sa table!"

"Don't worry, past time lang 'yan ni Viel."

Hindi ito nagpaawat at talagang nilakasan pa ang pagtawag doon sa dalawa. Napapatingin na lang kami sa paligid namin ni Jane at yumuyuko na dahil tawag pansin na itong si Ava sa mga katabing VIP table.

"Langhiya ka, Kate. Alam mong 'di mo 'yan mapipigilan si Ava lalo na pag lasing na," ani ni Jane habang nagtatago na nang mukha gamit ang kamay nito.

Mabuti na lang ay napansin na kami noong naka black. Lumiwanag ang mukha nito at inalis kaagad ang pagkaakbay roon sa babae na kinalaglag noong babae sa upuan.

Tumayo ito at naglakad papunta sa amin. Mukhang na bad trip 'yong babae sa ginawa no'ng Viel at nag-walk out paalis doon sa table.

"See, he's that type of a guy. Diyan ka na lang kaya, Kate. Mukhang mas compatible kayo nan ni Viel," wika ni Ava habang nakangiti sa papalapit na lalake.

"Nah, not my type. There's no thrill. Kung sino-sino lang ata pinapatulan nan," nakangiti ko ring sabi habang nakatingin sa papalapit na lalake.

"Hey, nice to see you here, Ava." Tumayo si Ava and gave him a hug.

"Nice to see you, too, Viel. Have a seat." Umupo ito sa harapan na seat namin na nakatalikod sa dance floor.

"Who's this beautiful lady over here." He eyed me.

"Oh yeah, they're my friends. Kate and Jane."

"Kate and Jane, si Viel, friend ko," pakilala sa amin ni Ava.

Nakipag kamay kami ni Jane sa kaniya over the table.

"So, I have a favor, Viel. Can you hook up Kate here with the guy in white sleeve na nasa table niyo?" walang pakundangan na sabi ni Ava at pinagsaklop pa ang mga kamay. Binigyan niya pa ng drinks 'yong lalake, pampasuhol.

Tumawa ito at tumingin sa akin at nilagok ang binigay na glass ni Ava. Tipid na ngiti lang ang ibinalik ko rito. Ava naman! Walang paligoy-ligoy talaga?! Para namang ang desperada ko nito! Napalagok tuloy rin ako ng vodka.

"Disappointing, I thought it would be me."

Tumawa si Ava. "Hindi man halata, pero mapili 'yan. So ano nga? Kaya ba?" balik nito sa usapan. Why is she getting so worked up? Gano'n ba siya ka excited sa sex life ko?

Muli itong tumawa. "Why don't you asked him? Wanna come to our table?" pag-aya nito na kinatango kaagad ni Ava.

"Let's go girls!" sigaw ni Ava habang sumusunod kay Viel na nasa unahan niya. She mouthed 'this is it' pa sa akin habang nag thumbs up. She's really drunk.

"Sandali! Nakain 'yong tao eh!" Dali-daling inubos ni Jane ang kinain nito at sumunod na rin kami.

"Hey, Axel and Jack. They're gonna join us."

Agad na lumingon sa amin 'yong dalawa na nasa table. Kumaway si Ava at agad umupo sa tapat nila.

"Three women this time, Viel?" kunot na noong sabi no'ng naka white. So his name is Axel.

"Uy! Dami nan ah! Upo kayo. The more the merrier, Axel. Para naman may social life ka dude!" The Jack guy motioned us to seat.

Wala tuloy kami nagawa sa kapal ng pisngi nito ni Ava at umupo na rin sa tabi niya.

Nagkamayan kaming lahat at nagpakilala. Konting chit-chat at inuman. Siyempre, tipikal na pagmamayabang ang ginawa noong Viel. Habang parang hyper man naman niya iyong pinsan niyang Jack. Nothing new. Ba't ba parepareho lahat ng lalake? Mabuti na lang talaga at tahimik lang iyong Axel. Kung hindi ay baka agad din akong nawalan ng interes dito.

"Axel, finally, someone's want you." Turo sa akin ni Viel. This guy can't shut his mouth. Mag kasing ugali sila ni Ava.

"No, don't. Huwag mong paniwalaan sinabi ni Ava sa 'yo kanina. Ganoon kasi talaga siya," pagtanggi ko sa sinabi ni Viel.

Hindi natuloy ni Ava ang iinumin dapat na alak. "What? What do you mean, you said you want to fu—"

Hindi nito natuloy ang sinasabi nang nginudngod siya ni Jane ng alak na hawak niya. Nagpalitan kami ni Jane ng makuhulugang tingin. My God! She saved me!

Tumawa si Jack. "Really? Mas babae pa 'to sa babae. Wala pa 'yan nagiging shota! Mas mapili pa 'to sa unggoy!"

"Shut your mouth, Jack," walang buhay na sabi ni Axel.

Nagkatinginan kaming tatlong babae. "Wow, at this time of age? A guy like you? I hardly believe that," I said, not believing what Jack said.

Hindi ako nito pinansin at kumuha lang nang panibagong drinks.

"Ba't hindi mo i-try? Walang nagtatagal dito. Babae ang nanliligaw diyan," Jack added.

"No, I'm not really into a relationship. Just wanna be friends," nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Axel.

Nabulunan naman sa kinakain niya si Jane. Kailan pa siya nakakuha ulit ng pagkain?

Hindi ko namalayan na wala na 'yong dalawa. Si Ava at Viel. Mukhang pumunta na sa dance floor.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Axel. Yup, he clearly is a feminine kind of guy.

"Goodluck being friends with him," natatawang sabi ni Jack at nag-salute sa amin bago tumalikod at umalis patungong dance floor.

Tinignan ko naman si Jane na walang pake sa paligid at kumakain pa rin. Pasta naman ang kinakain niya ngayon.

I cleared my throat. Tumingin siya sa 'kin. Her eyes saying what. Napatapik ako sa noo at pasimpleng tinignan ang paligid habang nakaharang ang kamay ko sa mukha ko. Gumaya rin siya at tinignan ang paligid.

Bumilog ang mga labi niya. "A-aray, biglang sumakit ang tyan ko. Saan ba ang restroom?" Tumayo na ito at may paghawak pa sa tyan na umalis. Mas lalo akong napa-facepalm sa acting niyang halatang halata.

"I don't know what you're planning woman, but it's not gonna work for me," malumanay na sabi ni Axel and sip through his glass.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So, it's true? You're a virgin?"

Hindi ito natinag sa sinabi ko. "What about it?"

"You're conservative huh."

"And you're not."

Nagpantig ang tenga ko. "Bakla ka?"

Ngumisi siya. He clearly saw that coming. "What do you call a girl like you then? A slut?"

I stood up. "That's it! You crossed the line! Ang arte mo hindi ka naman kaguwapuhan!"

Prente siyang umupo at tinignan ako nang malamig niyang tingin mula ulo hanggang paa. "A common, typical behavior of someone who can't accept a rejection, and turn it to aggression or insult to defame the person."

Nakuyom ko ang kamao ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa sinabi niya. "Y-you will probably die a virgin dahil sa pagka choosy mong bwiset ka!" I said, nauutal pa habang kinukuha ko ang purse ko sa upuan at mabilis na naglakad paalis sa lugar na 'yon. Malayo sa kaniya.

Mark this day, Axel Crawford. Kakain mo rin ang mga sinabi mo!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status