Share

Chapter 2

"Anyare sa 'yo noong nakaraan, Kate? Bakit ka nawala?"

Nasa coffee shop kami ngayon nila Jane at Ava. One week na ang nakalipas noong binitawan ni Axel ang mga salitang 'yon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko.

I hate to admit it, but he was right. Why am I so worked up then? Probably my ego was hurt. That was the first time someone rejected me. At hindi ko namalayan na masabi ang mga bagay na hindi naman dapat.

I sipped through my coffee at tumulala akong tumingin sa mga taong nasisilayan sa labas ng glass wall.

"I insulted him and said he was gay just because he doesn't have experience yet," balik ko kay Jane.

"Who? Axel? Are you serious?! A drop dead gorgeous like him and you would say he's gay?!" bulyaw sa akin ni Ava.

"Ekis ka, Kate. Alam mo bang ang awkward noong bumalik ako roon sa table! Wala kaming imikan na dalawa! Sa stress ko kumain lang ako nang kumain!"

Hindi ko alam kung may connect ba 'yong sinabi ni Jane sa sinabi ko or nagra-rant lang siya sa 'kin dahil iniwan ko siyang mag-isa.

"Bakit? Hindi ba mas marami ang nagtatagong bakla pag guwapo? 'Yong iba pa nga grabe maka gym?" nakatulala ko pa ring sabi.

"Well, yeah... I know a few," kumamot sa ulo si Ava, "but I don't know, hindi ko maamoy kay Axel. Alam niyo naman malakas ang radar ko pagdating sa ganyan."

Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari. Nakanganga sila nang sabihin ko lahat pagkatapos ay humagalpak ng tawa ang mga walangya.

Jane took a slice of cake from her plate. "'Yan kasi, double standard ka naman kasi. Pag babae virgin, matino? Pag lalake bakla? Nasabihan ka tuloy ng slut."

"I know okay! No need to shove it in my face!" nakabusangot kong sabi.

Binaba ni Ava ang hawak na kape. "Well, what are you going to do now? Give up ka na lang ba? That's not the Kate I know."

"Of course not! Nagsisimula pa lang ako. Bibigay rin siya sa 'kin! If I just know something about him..."

"May alam ako."

Umangat ang tingin ko kay Ava.

"Pinsan din pala ng mga Cruz si Axel."

"Okay... I'm listening." Umayos ako ng upo.

"It's just that, from the mother side siya kaya iba ang apelyido niya. And you know what?"

"What?" sabay na sabi namin ni Jane. Pati siya ay naintriga na at hininto ang pagkain.

"He's the greenest flag ever! He's already 24 but when I looked him up, I read an interview of him from a magazine and they questioned him about a girlfriend thingy. Tapos sabi niya he is very serious about relationship and will only enter a relationship to marry!"

Huh. So one year lang pala ang agwat namin. Mukha kasi siyang 27! Scratch that, mukha siyang 30!

Pinaypayan niya ang sarili. "My God! May gano'n pa palang lalake?!"

"Aba! Bihira na ang gano'n ah!" Pati si Jane ay hindi makapaniwala.

"Talaga lang huh. Malay mo nagpapa good vibes lang 'yon sa media!" Ismid ko.

"Hoy! Lowkey lang 'yon no! Wala nga ako masyadong nakita tungkol sa kaniya, halos parents niya ang nakita ko. Nakalagay nga roon na pinilit pa nila interviewhin e!" dagdag pa ni Ava.

"Bakit, kilala ba parents niya?" tanong ko.

"Yeah! Kung sa mga Cruz ay kilala for their resorts, sa mga Crawford ay hotels! Mga luxury hotels ang kanila. Ibang level ang mag pipinsan!"

"E di mas malabo kang patulan no'n, Kate," walang pakundangan na sabi ni Jane.

"Wala akong pake! Hindi naman ako naghahanap ng relasyon. Hindi ko rin siya papatulan no! Gusto ko lang kainin niya ang mga sinabi niya sa 'kin. He rejected someone like me?! I won't accept that!"

"Then goodluck on your journey! I'll libre you if na napagtanggumpayan mo ang balak mo!" hamon sa akin ni Ava.

"Idol na talaga kita Kate kung mapatumba mo 'yon!" natatawang dagdag ni Jane.

Pinaglaruan ko ang handle ng kape ko. Ang tanong, how do I do it?

Inubos ko na ang kape sa cup ko at tinignan ang watch na nasa braso. "Kita kits na lang mamaya girls. Baka ma late pa ako sa trabaho." I waved to them my goodbye at iniwan na sila.

***

"W-wait, we're still on the elevator," I said, medyo tinutulak ang balikat ng lalakeng humahalik sa leeg ko. He's kissing my neck like there's no tomorrow!

"Hmm... it's okay, there's no one coming here. Besides, it's already midnight."

I met him on a bar. I was with the girls but this guy caught my attention and here we are now. Every friday night is another steamy night!

When the elevator ding, wala siyang sinayang na oras at hinatak niya kaagad ako papunta sa room ng hotel.

Pero nang nasa hallway pa lang kami ay natigil ako sa paglalakad ng may pamilyar akong mukha na nakita.

Nakatalikod ito sa akin at papalabas pa lang sa pinto ng isang room habang may hatak hatak siyang service trolly.

Napasinghap ako. What is Axel Crawford doing here?! And he's a service staff?!

"Hey, what's wrong?" Lumingon sa akin si Tristan dahil nahuhuli ako ng lakad.

Hinigit niya nang mahina ang braso kong hawak niya.

"Let's go."

Tumango ako rito at mabilis na sumunod.

Mabuti na lang ay konting lakad lang namin ay may binuksan na siyang pinto bago pa tuluyang malabas ni Axel ang trolly.

Nakahinga ako ng maluwag nang sumara ang pinto.

Pinulupot ka agad ni Tristan ang braso sa aking bewang at tinulak ang katawan ko sa likod ng nakasarang pintuan. We started kissing. He's devouring my lips like a hungry wolf.

He started caressing my body. Pero nang ibababa niya na ang suot ko ay tinulak ko ito.

He gave me a confused look. "I'm sorry, Tristan. Pero hindi ko ata kaya. Ang boring mo e'."

Mukhang hindi niya inasahan ang sinabi ko.

"What?! We were fine back in the club! You initiated this! And my name's Christian!" sunod-sunod na sabi nito, naguguluhan.

Kahit ako ay nagulat sa ginawa ko.

"Hindi mo ba alam kung magkano ang ginastos ko sa room na 'to?!" This time, he's mad.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Tristan o Christian pareho lang 'yon! E' sa ayoko na nga! Mag simba ka na lang kaya mas bagay pa sa name mo! Sorry, bye!"

Pinulot ko ang nahulog na purse ko at dali-daling lumabas ng pinto. I left him dumbfounded.

Inayos ko ang buhok at damit ko. Luminga-linga ako sa paligid. Lumiwanag ang mukha ko nang makitang papaliko pa lang sa dulo ng hallway si Axel.

Agad-agad akong naglakad papunta sa puwesto niya. I composed myself and plastered a smile on my face. Okay, you can do this Kate.

"Axel? Is that you?" kunwaring gulat kong sabi.

Lumingon ito sa akin na naka kunot ang noo. Mas lalo siyang naging matikas sa suot nitong all black long sleeve at pants. Kahit naka pang waiter ang suot ay hindi mo maitatago ang kwagapuhan niya. Nakakainis man aminin, he really is a good looking man.

"Who are you?" malamig nitong sabi.

I blinked. Gago pala 'to e'! Ako? Hindi niya makilala? Ni hindi nga ako makalimutan noong mga past flings ko na hanggang ngayon ay kulit nang kulit sa 'kin!

"It's me, Kate Castillo. We met last saturday at the club, remember?" nakangiting sabi ko.

Nag-isip siya at inilala niya 'yong sinabi ko. "Yeah, I remembered. You were the girl who walked out right?"

'Yong ngiti ko kumikibot-kibot na sa mga salitang binibitawan niya. Huminga ako nang malalim.

"Uhm y-yeah that was me. Sorry nga pala sa nangyari. Medyo lasing na rin kasi ako that time kaya medyo, you know, hindi na ko nakakapag-isip bago magsalita," pagpapaunmanhin ko.

"Apology not accepted," sabi nito at muling tinulak ang hawak na trolly.

Napako ako sa kinatatayuan ko. This man is going places! I don't know where pero isa lang ang alam ko, kaunti na lang ay masasapok ko na 'to!

Lalake ba talaga siya? Kung umasta e' mas babae pa sa babae!

"Sandali!" Dali-dali akong sumunod dito. Papasara na sana ang elevator pero hinarang ko ang kamay ko.

Wala siyang naging reaksyon nang tumabi ako sa kaniya.

"I know I'm wrong. Kaya nga ako nandito sa harap mo. Humihingi ng tawad. Wag ka naman ganyan. Anything I can do para mapatawad mo ko?" I gave him a sweet smile.

Pinindot niya pababa ang elevator. "Really? You're here to apologize to me? With that kind of clothing?"

Pakasabi'y lumingon ito sa akin at tinignan ang buong pagkatao ko.

"Nadali mo!" Napakamot ako sa pisngi ko.

Inayos ko ang dress ko. "I mean, yeah, bawal ba? May dress code na pala rito." Nagpalinga-linga pa ako sa paligid.

"And you just magically know where my whereabouts?" He smirked, naiiling pa.

"Why not? Everything can be search now adays. Lalo na at kilala pamilya mo 'di ba?"

Umismid ito at muling tumingin sa harapan. "I knew it. Gusto mong mapalapit just because of my background," nahihimigan ko ang pagkadismaya sa boses nito.

Agad akong napailing. "No way! Never! Wala akong pake no! Kahit kaninong poncio pilatong anak ka pa! Basta pasok ka kay kitt— I mean, wow! Nagtatagalog ka pala? Mas bagay sa 'yo magtagalog."

God! Nakakahiya! Was I really gonna say kitty?! Minsan talaga kailangan ko munang mag-isip bago magsalita. Lagi akong pinapahamak ng bibig ko.

I saw how he tried to hide a smile.

Napaiwas tuloy ako ng tingin. Mas bagay sa kaniya ang ngumingiti kesa palaging seryoso.

Natahimik kami. Ilang palapag na lang ay bubukas na ang elevator. Think, Kate. What now? Asan na ang tapang mo?

Tumikhim siya kaya napatingin ako rito. "You can treat me to dinner if you want."

Nanlaki ang mata ko. "Talaga? Ako pa talaga mag t-treat sa 'yo? Lakas mo ah!"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Akala ko ba humihingi ka ng tawad?"

"Sabi ko nga! Meet me tomorrow afternoon here. Bye!"

Dali-dali na akong umalis nang bumukas ang elavator at hindi na muling lumingon pa.

What the hell just happened!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status