Share

Chapter 4

"Ma, nakauwi na po ako."

Nang buksan ko ang pinto sa apartment na tinitirahan namin ay bumungad sa akin si Mama na nagluluto.

Bahagya itong lumingon sa akin. "Anak, andiyan ka na pala. Malapit na 'to upo ka lang diyan."

Naamoy ko ang adobo na niluluto niya. Agad kumalam ang sikmura ko. Grabe ang overtime namin sa office ngayon kaya ginabi na ako ng dating.

Nang bumaba ang tingin ko sa suot nito ay agad kumunot ang noo ko.

"Ma, 'di ba sinabi ko sa inyo na ‘wag ka ng mag overtime sa factory work niyo. Nagtatrabaho na ako oh. Hindi niyo na kailangan makipag sabak pa sa mga kasamahan niyo. Ang payat payat mo na."

Kumuha ako malapit sa kaniya ng mga platito at inilagay sa maliit na mesa namin.

"Alam ko, anak. Pasensiya na at nasanay na ako sa pag-ot lagi. Biyernes naman ngayon kaya makakapag pahinga ako. Sayang naman kasi ‘yon.”

"Tumatanda ka na, ienjoy mo na ang buhay mo. Ako nang bahala sa atin mula ngayon."

"Opo, anak ko," pabiro nitong sabi. "Hindi na po mauulit."

"Dinadaan niyo na naman sa biro e'. Pang ilang sabi ko na 'to sa inyo, Ma."

Tawa lang ang itinugon nito sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at pinagmasdan ko ang likod niya.

Bumalik tuloy sa akin kung paano niya ko itinaguyod mag-isa. Pitong taon gulang ako no'n nang sumakabilang bahay ang magaling kong ama.

Halos walang araw na hindi sila nagbabangayan sa isa't isa ni Mama dahil sa mga bisyo niyang hindi matigilan. Nakuha pang mang babae habang nagpapakapagod sa pagkayod sa trabaho si Mama.

Hindi man lang nila naisip na may musmos silang anak na nakakarinig sa mga bagay na dapat ay hindi ko pa nalalaman.

Hanggang sa tuluyan ng iwan si Mama at sumama sa babae niya. Doon din nagsimula na madalas kong makita si Mama na tulala. Minsan pa nga ay naabutan ko itong umiiyak. Pero pag naramdaman niya ang presensiya ko ay agad nitong papawiin ang mga hula at ngingiti sa akin.

Hanggang ngayong matanda na ako, kahit papaano naman ay mukhang naka move on na ito. Pero paminsan ko pa rin siyang nakikitang nakatulala sa kawalan. And I hate that father of mine because of what he did. Nothing will change about what I feel towards him. Ever. I won't ever forgive him for leaving and abandoning us.

But sometimes, I do feel that maybe, I'm glad that what happened, happen. Dahil mula no'n ay naging tahimik ang buhay namin. Oo mahirap, dahil may mga oras na gipit na gipit talaga kami dahil sa pagpapaaral niya sa akin. Halos hindi ko na siya nakikita pa dahil kahit sabado at linggo ay nagpapart time ito sa ibang trabaho.

Halos wala na rin siyang tulog kaya pag dumarating siya ay tulog ka agad ito. Ako na ang gumagawa ng mga bagay rito sa bahay para lang makapag pahinga siya. Pero lahat ng 'yon ay nakayanan namin dahil magkasama kaming dalawa.

Malawak ang ngiti ni Mama ng ibaba niya sa mesa ang niluto niya. "Kainan na," pakanta nitong sabi. Nginitian ko ito at tinanguan.

And now, I will pay back all of the hardwork she did to raise me by herself. Tatanawin ko habang buhay ang mga ginawa niya para sa akin.

"I love you, Ma," wala sa sariling sabi ko rito.

Natigil ito at lumapit sa inuupuan ko at niyakap ako. "Hmm? Saan iyan galing? Bakit ang sweet ata ng anak ko ngayon? I love you, too." Pinisil niya ang balikat ko at pinatong ang kaniyang ulo sa akin.

Masaya kaming kumain at nagkwentuhan. Nang matapos ay pinapunta ko na ito sa kwarto at ako na ang naghugas. Nag half bath na rin ako at papatulog na sana ng biglang nag-ring ang phone ko.

Kinuha ko iyon sa taas ng lamesa habang pinapatuyo ko ang medyo nabasa kong buhok gamit ang towel.

Tinignan ko ang tumatawag at si Ava pala.

"Hello?"

Nangunot ang noo ko dahil ang ingay ng paligid sa kabilang linya. She's at a club I think. Bakit hindi niya ako sinama nito? Walang sumasagot sa kabilang linya kaya tinignan ko ulit kung sino ang tumatawag at baka nagkamali lang ako ng tingin, pero si Ava nga.

"Hello, Ava? Asan ka?"

"H-hey stop it already. You’ve already puke everywhere and you're still going?"

Mas lalong nagunot ang noo ko dahil lalakeng boses ang narinig ko.

"Hello?! Sino 'to at anong ginagawa mo sa kaibigan ko?!" sigaw ko sa kabilang linya.

"Hello? Kate? It's not what you think. It's me Viel Cruz remember? She's been shouting and puking everywhere. She's cursing someone's name I think she's going insane."

Nasapo ko ang noo ko. Again? Ano na namang ginawa ng magaling na boyfriend ni Ava?

"Okay, I'm coming over. Please stay with her." Agad kong binaba ang tawag namin nang sabihin niya kung asaan sila. It's the same club the last time.

Nagmadali akong nagbihis. I sent a text to Jane to inform her too. Mukhang pupunta rin siya.

Nang makarating sa club ay nilibot ko ang paningin ko. Nagulat ako sa nadtanan ko dahil nandito rin sina Axel at Jack.

Lumapit ako sa kanila. Nakatayo sila at nakapalibot kay Ava na nakatungo roon sa counter at mukhang tulog na. Napatakip ako sa ilong ko dahil amoy suka.

"What happened?" I asked.

Mukha silang nakakita ng anghel na dumating sa harapan nila. Natawa ako sa pagmumukha nila dahil mukhang hindi sila sanay na tumingin sa mga sawian sa inuman.

Lilinga-linga sila sa paligid parang hinahanap 'yong magulang nila na iniwan sila sa grocery store at malapit ng magbayad.

"Nagwawala siya. Hindi namin alam gagawin. Puro mura pa amp," agad na sabi sa akin ni Jack.

"She's okay now. She's sleeping." Tinanguan ko si Viel.

"I'm sorry, naabala pa ata kayo. Thank you for not leaving her alone."

I just eyed Axel na walang imik. Ngayon na lang kami ulit nagkita matapos ang date namin kung date nga bang matatawag iyon.

"Hindi kami ang nagbantay. Nakita siya una ni Axel."

Napalingon tuloy ako kay Axel dahil sa sinabi ni Jack. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.

Tipid na ngiti ang binigay ko rito. "Thanks." He just gave me a slight nod.

Tinapik ko na si Ava. "Ava! Hoy! Gising." Wala itong tugon. Basa pa dahil sa luha niya ang pisngi nito.

Niyugyog ko na siya. "Ava! Hatid na kita sa condo mo gumising ka na diyan."

"Hmm."

Inayos ko ang magulo nitong buhok at mahina ko siyang sinampal sa pisngi niya. "Gising!"

Buti naman at minulat na nito ang mata niya. Agad siyang ngumiti nang makita ako.

"Kateee why are you here, huh? Wanna drink together?" Pinulupot niya agad ang mga kamay sa leeg ko.

"Ano na naman nangyari sa 'yo huh? Ano na naman ginawa ng magaling mong boyfriend?"

Dahil sa sinabi ko ay nawala ang ngiti niya at biglang ngumawa. "He cheated again! This is the third time, Kate. He fucking cheated with a girl who looks like a fucking gorilla!" Grabe ang sigaw niya. Pumipiyok pa siya.

"Hindi ka pa ba nasanay? Hindi ba't nakailang sabi na kami sa 'yo? Kung nagawa niya ng pangalawang beses, gagawin at gagawin niya ulit 'yon."

Umiyak siya lalo. "I hate him! I hate him to death!"

Inalalayan ko na siyang tumayo pero ang bigat niya. "I'm going to help." Umangat muli ang tingin ko kay Axel. "Where's her condo? I'll drive her home and you, too."

Mukhang nagulat 'yong dalawa niyang pinsan. "Talaga, ikaw dude?" Jack said. Hindi siya pinansin ni Axel.

Umubo si Viel. "I'll come with you."

"Baka nakakaabala kami?"

"No, it's fine." Agad na putol sa akin ni Axel.

Napahawak sa dibdib niya si Jack. "Paano ako? Iiwan niyo na lang ako?"

"You have your own car."

"Grabe ka na Axel. 'Di na kita kilala. Ganyan ka pala? Susundan ko kayo! Hindi pwedeng ako lang ang maiiwan!"

"Let's go, Kate." Inalalayan niya na rin si Ava na ngayon ay nakapikit na naman.

Hindi na siya pinansin ng pinsan niya. Tinapik ng dalawang beses ni Viel ang balikat ni Jack at sumunod sa amin.

I will just text Jane na pumunta na lang sa condo ni Ava.

Nang makasakay kami sa sasakyan ay sinabi ko agad dito kung saan ang condo. Nasa likod kami ni Ava nakasakay habang 'yong dalawa ay nasa unahan.

Ang linis ng loob ng kotse niya. Ang bago pa na mukhang nahaluaan na ng amoy niya.

Pinaandar agad nito ang kotse. Tahimik lang kami sa byahe. Pero na alerto ako ng tapikin ako ni Ava.

"P-plastic."

Napa straight ako ng upo. "Hala! May plastic kayo diyan?" tanong ko agad sa kanila.

"Is she gonna puke again?!" Naalarma si Veil.

"Oo ata! Dali plastic!" Pag-panic ko.

"Oh shit! sandali sandali." Agad naghanap si Viel sa mga compartment na andon pero wala siyang mahanap.

"It's fine. I don't care if my car gets dirty." Tinignan ako ni Axel sa rear view mirror.

"Really, dude? Aren't you a clean frea—"

Hindi nito natapos ang sasabihin ng may kinuha si Axel sa side niya na compartment at binato sa mukha ni Viel.

"Oh thank God!" Tinanggal nito ang nakaharang sa mukha at binigay agad sa akin.

Inabot ko iyon. "Thank you."

Binigay ko agad ito kay Ava. Sakto namang pagbigay ko ay sumuka ito. Hinagod ko ang likod niya.

"Can you praise me? I break up with him." Ngumiti ito sa akin habang nakapikit ng kaunti.

"Yeah, yeah, good job. Ilang beses mo na 'yan ginawa. Anong ending o 'di ba sawi ka na naman? Tuloy mo lang 'yang katangahan mo."

Natawa si Viel sa sinabi ko. Nangilid muli ang luha ni Ava. "You're so mean," sisinghot-singhot sabi niya.

Mabuti na lang ay nakatulog na ito hanggang makarating kami sa condo niya. Inalalayan noong dalawang lalake si Ava, sina Jack at Viel. At talagang sumunod nga sa amin si Jack.

Habang kami ni Axel ay nahuhuli sa likuran nila. I don't know why they are doing this. Well, alam kong friend ni Jack at Viel si Ava. Pero itong si Axel? Ginagawa nito? Hirap din nitong intindihing isang 'to e'.

Pagdating sa floor namin at hinawakan ko ang pinto ay bukas iyon. Nang buksan ko ang condo niya ay bumungad sa amin si Jane na nasa sofa. Siya pala ang nagbukas. May pinaiwan din kasi sa amin si Ava na keys. Halos dito kaming tatlo no'n noong college namin natambay kaya meron din kaming susing dalawa.

"Luh? Bakit nandito 'yan sila?" bungad ni Jane sa akin habang nakain.

"Grabe? Hindi ba kami welcome?" Jack said.

Hindi ko pala nasabi sa text kanina. "Hinatid nila 'to. Tignan mo, wasted na wasted ang ate mo." Tinuro ko si Ava.

"Anyare diyan?" Agad siyang tumayo at inalalayan niya si Ava.

Tinabig niya ng balakang niya si Jack para mapaalis. Gulat naman si Jack sa ginawa ni Jane pero nagpaubaya pa rin.

"Broken," Viel said.

"Again? Jusko ka." Inalalayan nila papuntang kwarto si Ava.

"Have a seat." Pinaupo ko 'yong dalawa.

"Thank you pala sa paghatid, Axel."

Our eyes met. "No problem."

"Gusto mo ng maiinom? Tubig or anything? Para mahimasmasan ka. Mukhang nakainom ka rin kasi."

"I'll have water." Tinanguan ko ito.

Nagpabalik-balik lang nang tingin sa amin si Jack.

"Ako? Am I a ghost here? Wala ba akong tubig?"

Tumawa ako. Hindi ko siya napansin.

Kinuhanan ko sila pareho ng tubig. Nang makabalik iyong dalawa ay hinatid ko na palabas iyong tatlo. Napagdesisyonan kong dito na lang din ako matutulog sa condo ni Ava. Anong oras na rin kasi at pagod na ako. Naiwan si Jane sa condo para magbantay kay Ava.

Nasa likod kami ni Axel noong dalawa. Nang makapunta sa parking lot ay binagalan ko talaga ang lakad ko para mahuli kami ni Axel.

Nang makakita ng tiyempo ay hinila ko si Axel sa gilid ng mga sasakyanan.

Nangunot ang noo nito. "What?"

"Uhm ano, gusto ko lang ulit magpasalamat. Sabi nila ikaw kasi ang tumingin talaga kay Ava."

He just nod at me.

Lumapit ako sa kaniya. Tumingkayad ako at humawak sa mga braso niya and gave him a quick kiss on the cheek. "My way of thanking you."

Kainis. Ang bango niya pa rin kahit may naamoy akong kaunting alak sa kaniya.

Bahagyang nanlaki ang mata nito. Hinawakan pa niya ang parte ng pisnging hinalikan ko. Napatawa na lang ako ng mahina.

"Bye, ingat kayo." Lumayo na ako at kumaway sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status