Share

The Unwanted Husband
The Unwanted Husband
Author: Yukidaruma

Prologue

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan papasok sa loob ng bahay. Natatakot na makagawa ng kahit anong tunog.

Hawak-hawak ang black na pumps na suot ko kanina ay luminga-linga ako sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang madilim na sa loob ng sala.

Pagewang-gewang akong naglakad at humiga sa sofa. Tumaas ang silky red dress na suot ko nang makahiga ako. Wala akong time na ayusin pa iyon dahil sa nararamdamang tinding pagkahilo. Agad kong pinikit ng mariin ang mata ko sabay hawak sa sentido. I won't every drink again!

"Where have you been?" Isang baritonong boses ang nagpamulat sa 'kin. Agad akong napaupo at tumingin sa direksyon nang nagsalita.

Napangisi ako nang magtama ang mata namin ng lalakeng kinamumuhian ko. Nakatayo siya sa pinaka taas ng hagdan with only his boxer short on. Medyo gulo pa ang buhok nito na halatang naalingpungatan sa pagdating ko.

"Nakipag sex sa ibang lalake," nakataas ang kilay na sabi ko habang hinahamon ang titig niya.

I saw how his jaw clenched in anger pero hindi nag bago ang malamig na tigtig nito sa akin.

"You know that Apple is waiting for you right?" Nahihimigan ko ang pangungutya sa boses niya.

Agad akong umiwas ng tingin. "I don't care! She's your daughter not mine!" I shouted at him. Napahawak ako sa sentido ko ng mas lumala ang pagkahilo dahil sa pagsigaw.

"You can hate me, Kate. Pero wag mong idadamay si Apple dito. I heard you hit Apple?"

Napatingala ako ng marinig ang galit na boses niya sa tabi ko. Hindi ko namalayan ang pagbaba niya at nasa harapan ko na pala.

Nakabalandara ang hubad niyang katawan sa harap ko.

Sinamaan ko rin siya ng tingin. "Paanong hindi? Ang kulit kulit ng batang yon. Dikit nang dikit sa 'kin sabing layuan ako!" pagdepensa ko sa sarili ko. Bwiset na matandang katulong at nagsumbong pa talaga.

Tumawa ako ng sarkastiko. "Pasalamat ka pa nga at hindi ko pinalaglag 'yong batang 'yon."

Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. He grabbed my wrist. "How can you fucking say that? She's our daughter!"

Napapikit ako ng binalot ng sigaw niya ang buong bahay.

"Let me go, Axel! You're hurting me!" I shouted back at him ng mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa wrist ko.

Napamaang siya sa sinabi ko. "Nasasaktan ka?" He faked a laugh.

"Pero paano naman kami? Do you know how much you're hurting me and Apple? Do you know that?" Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko kasabay ng paghina ng boses niya.

I looked at him with so much anger. "Bakit?! Sa tingin mo ginusto ko to? Hindi! So you fucking deserve that!" nanggagalaiti kong sabi at dire-diretsong naglakad sa hagdan papuntang kwarto. Nakita ko pa kung paano bumagsak ang balikat niya at napayuko.

Kulang pa yan. Kulang pa yang sakit na nararamdaman mo. You fooled me. Hindi lang yan ang mararamdaman mo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status