The next days were exhausting. Habang mas nalalapit ang kasal ay mas humihirap din ang bawat araw para sa amin. Kahit pa sumasama lang naman ako kay Spade dahil mas hands on talaga siya kumpara sa akin, nakakapagod pa rin talaga. Gusto kong magreklamo pero sa tuwing nakikita ko si Spade, bigla kong naiisip na kung mayroon mang may karapatang mapagod sa aming dalawa, siya iyon. "Pagod ka na? Puwede na tayong umuwi kung gusto mo. Tapos naman na tayo sa dapat nating tapusin ngayong araw," Spade asked as we were walking back to his car. Katatapos lang namin sa pagpili ng mga bulaklak na gagamitin sa araw ng kasal. "Ano'ng pabango ang gamit mo?" I asked instead habang kinukulubot ang ilong. Kanina ko pa kasi naaamoy habang magkatabi kami roon sa flower shop kung saan kami galing. "Iyong dati pa rin naman." Kumunot ang kaniyang noo. "Why? Is there a problem?" Concerned niyang tanong habang inaamoy ang kaniyang sarili. "Hindi ko gusto ang amoy. Sigurado ka bang pareho lang iyan sa palag
Maraming oras ang ginugol ko sa pagkakatulala sa tanong na iyon. Hindi pa man kumpirmado pero hindi malayong mangyari iyon dahil pareho naming alam na hindi siya gumagamit ng proteksyon sa tuwing ginagawa namin iyon. Hindi ko rin alam kung paano ko tatanggapin iyon kung sakali. Should I be happy? O dapat akong malungkot gayong hindi pa nga kami kasal pero mayroon kaagad nabuo. Hindi ko rin pinagsisisihan at kung totoo ngang nagbunga ang ginawa namin ay tatanggapin ko naman nang buo dahil ginusto ko rin naman nang mangyari sa amin. It may not be planned, but I am sure that I would keep the baby. Mamahalin at aalagaan ko pa rin kahit na hindi planado at inaasahan. "Ma'am?" Pagkuha ng isang kasambahay sa atensyon ko. Kaagad naman akong lumingon sa kaniya. She looked worried about me, I just can say based on how she looks at me. "Ayos lang ho ba kayo?" She asked. I wiped my tears as I nodded. Ni hindi ko magawang kumain nang maayos kanina dahil sa biglaang balita na iyon. Halos mang
"Anisha Franchette! Where in the world are you again? Alam mo bang halos maatake na sina Mama at Papa kaiisip kung 'saang lupalop ka na naman ng mundo hahagalipain?! What the heck is wrong with you, lady?" halata sa boses ng nakatatandang kapatid ko ang pinaghalong pag-aalala at pagkairita. Pero sa halip na ma-alarma, napanguso na lang ako habang tamad na tinititigan ang kukong bagong manicure. Bumuntonghininga muna ako bago tinugon ang aking Kuya. "Don't worry, Kuya. Kunwaring may pakialam lang naman sila, e. That house is so toxic, kaya hindi ako babalik diyan," I said. Hindi ko nga alam kung paano pa sila nakakatagal sa loob ng aming bahay gayong halata namang puro ka-plastikan lang naman ang nangyayari roon. Alam ko rin naman kung bakit gusto nila akong bumalik doon. It's about that proposal again. Ilang beses ko na ngang sinabi sa kanila na hindi ko kailanman iyon gagawin, pero ipinipilit pa rin nila ang gusto nila! Paano naman ako kung gan'on? Madaling sabihin sa kanila da
I woke up late the next day. My body is still so tired and limp, but I know I needed to get up dahil walang mangyayari sa akin kung mananatili ako sa kama buong maghapon. Today, I have decided to look for a job because my parents threatened to freeze my accounts kapag hindi ako pumayag sa gusto nila. Ilang beses ko nang sinabi sa kanila na ayoko sa gusto nila, pero hanggang ngayon ay hindi pa naman frozen ang bank accounts ko? Or maybe they are just waiting for the perfect time to do that. Kaya naman hanggang mayroon pa akong pagkakataon at oras, gagawa na ako ng paraan para makahanap ng sarili kong pera. If I needed to start from scratch, then I will. Mabuti na rin iyong prepared kesa naman sa kung 'saka lang ako kikilos kapag wala na talaga akong pera. Ayoko na ring abalahin pa si Fiona kahit alam kong malaki ang maaari niyang maitulong sa akin kaya naman nang natapos ko lahat ng morning routines ko ay inihanda ko na ang resumé ko at ang mga kailangan para sa paghahanap ng traba
Buong magdamag kong inisip iyong sinabi ni Kuya. Gulong-gulo na rin ako kung anong mararamdaman ko. Sometimes, I’d feel sad. Minsan naman ay takot… ngunit ang madalas na maramdaman ay galit. Nagkulang lang ako sa aking kwarto dahil tila ba nawalan ako ng lakas at tapang na harapin ang mundo. Alam kong ilang beses ko mang tanggihan ang gusto ng pamilya ko, hindi ko matatakasan ang tadhanang isinulat nila para sa akin. Habang nakatingala at nakatitig lang sa kisame ay naisip ko kung gaano nakakaaaar ang mundo dahil hinahayaan niyang mangyari ang lahat ng ito sa akin. Sa dami ng tao sa mundo, bakit naging isa pa ako sa mga minalas? Ayokong magalit sa totoo lang. I wanted to be calm, pero hindi ko magawa dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko iyong sinabi ni Kuya. Kaya naman sa huli ay naisipan kong lumabas para uminom. I wanted to drink in the hopes that it could make me forget everything. I wore a black fitted dress which revealed the majority my back. Something that I have neve
I woke up with a heavy hangover the next day. I tried remembering what happened last night, but some details are not clear to me, and some… are still a question to me. Basta ang alam ko lang ay nalasing ako nang sobra.Napahilamos na lamang ako ng aking palad sa aking mukha. Sobrang bigat ng katawan ko. I can’t even feel my arms for some reason, but the thought that I needed to get up to fix myself up motivated me.Iyon nga lang ay halos mapabalikwas ako sa gulat nang nakitang nasa isang estrangherong silid ako. Sa nanlalaking mga mata ay sinuyod ko ng tingin ang buong paligid.Where am I? Was I kidnapped? Or… assaulted?Para masagot ang mga tanong kong iyon, lalo na ang huli ay pinakiramdaman ko ang aking sarili. I looked down and saw that I am wearing different clothes now! Pero hindi naman masakit ang katawan ko. There was no signs that I was… assaulted or something. Kung mayroon man, alam kong galing na iyon sa sobrang pagkalasing ko kagabi.Muli kong iginala ang mga mata ko sa bu
Narito kami ngayon sa gazebo para pag-usapan ang mga bagay na sinasabi niyang kailangan naming pag-usapan. Ilang minuto na rin kaming nakaupo rito habang nakaharap sa isa’t isa pero wala pa ring nangangahas na magsalita. Naiintindihan ko rin naman dahil kagagaling nga lang namin sa isang sumbatan, o kung gan’on ngang matatawag iyon gayong ako lang naman halos ang nagsalita. “I’m sorry for what I have said earlier. I should’ve known better. I apologize for hurting your feelings. Pasensiya na rin dahil sa pang-iinsulto ko sa’yo,” iyon ang una niyang sinabi simula pa kanina. I took a deep breath. Tumango ako pero hindi ako nagsalita. Tapos na akong magsalita kaya ngayon ay ako naman ang makikinig sa kaniya. He listened to my rants earlier, so I must now that he speaks. “When I was told I have to marry my father’s business partner’s daughter, I instantly thought that it was a bad idea dahil kagaya mo ay naniniwala rin ako na hindi lang basta-basta ang pagpapakasal,” dagdag niya sa una
He insisted that I should stay in his place. Gusto ko mang umuwi sa condo ko ay wala na akong nagawa dahil pinangunahan ako ng takot. "What's it like growing up with your parents?" He asked while he's preparing our dinner. Iyon lang ang ginawa namin habang narito kami. We asked each other questions para mas makilala namin ang isa't isa. Noong una ay ayaw kong magsabi ng kung ano-ano sa kaniya, pero kalaunan ay nakumbinsi rin naman ako na wala siyang masamang intensiyon sa mga tanong na ibinabato niya sa akin. Nagkibit balikat ako bago sumagot dahil inalala ko pa kung paano nga ba ang naging buhay ko kasama ng aking pamilya. "I can say that they're uptight, lalo na sa akin. I... I always felt like I'm an outsider. Iba ang trato nila sa akin kumpara sa mga kapatid kong lalaki. Madalas din noon ay sila ang nagdedesisyon para sa akin. I can't say no because they would always find a way to blackmail me," I narrated. Napangiti at iling na lang ako habang inaalala iyon lahat. It wa