Share

Kabanata 2

Author: imishee
last update Last Updated: 2023-06-19 03:34:58

I woke up late the next day. My body is still so tired and limp, but I know I needed to get up dahil walang mangyayari sa akin kung mananatili ako sa kama buong maghapon. 

Today, I have decided to look for a job because my parents threatened to freeze my accounts kapag hindi ako pumayag sa gusto nila. Ilang beses ko nang sinabi sa kanila na ayoko sa gusto nila, pero hanggang ngayon ay hindi pa naman frozen ang bank accounts ko? 

Or maybe they are just waiting for the perfect time to do that. Kaya naman hanggang mayroon pa akong pagkakataon at oras, gagawa na ako ng paraan para makahanap ng sarili kong pera. 

If I needed to start from scratch, then I will. Mabuti na rin iyong prepared kesa naman sa kung 'saka lang ako kikilos kapag wala na talaga akong pera. 

Ayoko na ring abalahin pa si Fiona kahit alam kong malaki ang maaari niyang maitulong sa akin kaya naman nang natapos ko lahat ng morning routines ko ay inihanda ko na ang resumé ko at ang mga kailangan para sa paghahanap ng trabaho. 

"Wish me luck, self..." I said as I prayed hard to land a decent job. 

Masyadong formal iyong una kong isinuot kaya nagbihis ako ng medyo casual. 'Saka ko lang din naisip na sana pala ay nagtanong-tanong o ikot-ikot muna ako to hunt for job hirings! Ngayon, maghahanap pa tuloy ako ng mga establisyimentong naghahanap ng trabahador! 

Pero bahala na nga. Basta maghahanap pa rin ako ng trabaho! 

Kaya naman taas noo akong lumabas sa unit ko. Hindi naman nila malalaman na mag-a-apply ako kaagad kung may nakita man akong hiring. 

"Mukhang may lakad ka, Miss, a?" I heard that familiar voice again. Kahit hindi na ako lumingon, alam ko kaagad na iyong lalaki kahapon sa ground floor store iyong nagsalita. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil alam kong mas importante iyong lalakarin ko ngayong araw kesa sa kaniya. 

"Sabi ko na nga ba magkikita ulit tayo, e. Small world 'no?" Pagpapatuloy niya kahit halata namang ayaw ko siyang kausapin. Persistent talaga 'tong tao na ha? 

"Saan nga pala ang lakad mo?" Tanong niya na para bang normal lang na tanong iyon. Iyong tila ba matagal na kaming magkakilala. 

Hindi ko siya pinansin kahit na nakasunod pa rin siya sa akin. Wala ba siyang pagkakaabalahan ngayong araw at narito siyang nakikiusisa sa buhay ng iba? 

Ano nga ulit pangalan nito? Space? Spice? 

"Sabagay, ganiyan talaga ang mga magagandang 'no? Hindi namamansin..." Aniya pa kaya hindi ko na napigilan. 

"Alam mo, ikaw? Kung wala ka pang matinong nagagawa sa buhay mo, baka ang pananahimik na 'yon." Inirapan ko siya . "Stop following me, too!" Iritado kong singhal sa kaniya. 

"Grabe. Hindi naman kita sinusundan. Nagkataon lang na pareho tayong pababa, Miss," he said. Hindi pa rin nananahimik. "Pero last na kasi. Saan ka ba pupunta?" 

Marahas akong bumuntonghininga. Mas mabuti na rin siguro kung sasagutin ko ang tanong niya para natahimik na siya. 

"Maghahanap ako ng trabaho. I need the money," diretso kong sinabi. Nilinaw ko na rin para hindi na siya puro tanong. 

Binilisan ko na rin ang lakad ko dahil ayaw ko nang marinig ang boses niya. It's starting to irritate me. Kapag hindi pa niya ako tinigilan, o-rereport ko na siya sa management ng condo na ito o kaya maghahanap na ako ng bagong matutuluyan. 

"Wait lang naman, Miss!" Pagpupurisgi niya pa rin. Binilisan ko pa ang paglalakad. "May alam akong trabaho," sigaw niya dahilan kung bakit ako tumigil sa paglalakad. 

Nang naabutan niya ako, hingal na hingal pa siya. Hinayaan ko munang makahinga siya bago ako muling nagtanong para sa sinabi niya. 

"Ano'ng sabi mo? Trabaho? Sigurado ka ba na trabaho talaga iyan? Baka naman gusto mo lang magpapansin," asik ko ngunit ngayon ay wala na akong nakitang kahit anong bahid ng panunuyang o tuwa sa kaniyang mukha. Nakumpirma ko roon na seryoso iyong sinasabi niya. 

"Totoo nga. I can actually... help you land a decent job kung gugustuhin mo lang naman ng tulong ko. Malaki ang kikitain doon kung talagang gusto at kailangan mo ng pera," aniya and it sounded like music to my eyes. Iyon nga lang, bigla akong kinabahan. 

"Sigurado kang marangal, ha?" Ulit ko, nananatiling seryoso para makita niyang hindi ako nakikipagbiruan sa kaniya. 

Tumango siya. "So, kailangan mo nga ng tulong ko?" 

Ilang sandali kong binitin ang tanong niya. As much as I want to say that I didn't need his help, hindi ko maitatangging malaking tulong iyon sa akin lalo pa at hindi ko alam kung saan ako magsisimula. 

I eyed him for a moment before finally nodding my head. Napangiti siya at naglahad ng kamay. 

"It's a deal, then?" He asked. Nakanguso kong tinanggap iyong kamay niyang nakalahad. 

"Deal." I shake his hand. 

"Kailangan ko ang resume mo kung gan'on," seryoso niyang panimula pagkatapos ng pakikipagkamay na iyon. The way he acts, mukha siyang may-ari ng isang malaki at kilalang kumpanya. 

"Ipakikita ko kung sakali sa kaibigan ko. He owns the company that you'll be working with," aniya bago siya nag-iwas ng tingin. Mas naging matalim ang ekspresyon ngayon. 

"Mayroon na ako rito, actually..." I said as I rummaged my bag to get the resume I prepared earlier for the job hunt. 

Nang nakita iyon ay kaagad kong inabot sa kaniya. Mabilis niya namang kinuha at binasa na rin. Ilang sandali rin siyang nagtagal doon bago siya muling nagsalita. 

"Maganda ang past experiences mo. Ilang trabaho pa lang ang nakatala rito, pero mukhang naging maayos naman ang performance mo sa kanila. Sigurado akong matatanggap ka sa... kumpanya ng kaibigan ko," aniya na halos hindi pa mabigkas ang huling mga salita. 

"Hindi ko pa sigurado kung anong specific na trabaho iyong ibibigay sa'yo, pero alam kong naghahanap siya. Ang maaaring maging sweldo sa isang buwan ay aabot sa 30,000 ang pinakamababa," he said. Halos magkaroon ng dollar sign sa mga mata ko dahil doon. Bilang isang taong matagal nang walang trabaho, malaking tulong na ang ganoong halaga. 

"Maraming salamat. I owe you with this one. Sabihin mo lang sa akin kung anong kapalit nito," I offered. Nakita ko kung gaanong kumislap ang kaniyang mga mata sa gulat dahil siguro sa nasabi ko. 

Gan'on naman kasi ako. Lumaki ako sa paniniwala na kung ano man ang ibinigay sa'yo, nangangailangan iyon ng kapalit. Kaya ngayong matanda na ako, hindi ko na magawang tinanggap ng kahit na ano nang walang iniisip na kapalit nito. 

"I just want to help," aniya na para bang iyon lang ang tanging sagot sa sinabi ko. 

"I know, and I want to repay you, too. Kung wala kang maisip ngayon, puwede naman next time. I just really hope that you'd let me repay you dahil mas magiging panatag ako kung gan'on." 

He was more shocked at that. Siguro ay ngayon lang siya nakarinig ng ganito? 

Una sa lahat, ayokong magkaroon ng utang na loob. I hate the idea of it. Kaya naman hangga't kaya kong palitan ang anumang ibinigay sa akin, papalitan ko para hindi na ako magkaroon ng utang na loob sa kahit na kanino. 

"I... Oh sige," sa wakas ay bawi niya rin. Mukhang nakaisip na ngayon. "Are you free tomorrow?" He asked. 

"Kung hindi pa ako kakailanganin sa trabahong sinasabi mo, oo naman," I replied. He nodded. 

"May pupuntahan kasi akong orphanage bukas. Baka lang gusto mong sumama? Iyon na lang ang hihilingin kong kapalit kung sakali." 

Ako naman ngayon ang nagulat dahil matagal ko nang pangarap na makabisita sa isang orphanage! 

"Are you kidding me?! Of course, I will come! Matagal ko na iyang pangarap, actually!" I exclaimed in glee. Sa tuwa ko ay hindi ko na napigilan ang paglapit sa kaniya para hatakin siya sa isang mahigpit na yakap. 

Hindi ako makapaniwalang ilang beses akong nanalo sa araw na ito! 

"Okay, then. Susundin na lang kita bukas?" 

Saka lamang ako humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya nang natantong ko ang aking ginawa dahil sa sinabi niya. I awkwardly cleared my throat. 

"O-Okay. See you tomorrow!" Mas naging excited pa ako. Pakiramdam ko tuloy ay hindi na ako makatutulog mamaya. 

Nagpaalam na siya dala ang resume ko dahil mayroon daw siyang mahalagang lalakarin. Dahil sigurado naman na ang trabaho ko sa kaniya, bumalik na lang ako sa unit ko at inihanda ang sarili para sa paparating na trabaho. 

Saka ko lamang din naisip na sobrang bilis kong magtiwala. Ni hindi ko pa nga siya tuluyang kilala pero ibinigay ko na sa kaniya iyong resume ko na mayroong mga importanteng impormasyon tungkol sa akin! 

Pero mukha naman kasi siyang trustworthy kaya ayos lang siguro iyon? Though, I admit that I need to work this attitude out. Hindi puwedeng palaging ganito. 

Sa araw na iyon ay inabala ko ang aking sarili sa pagbabasa ng mga magazine at articles. Naputol lamang iyon nang nakatanggap ako ng tawag mula sa aking kapatid. 

"Yes?" I lazily replied. Hinintay kong may magsalita dahil wala naman akong naririnig mula sa kabilang linya. 

I even checked kung naroon pa ba siya sa kabilang linya at nang nakumpirmang naroon pa ay ibinalik ko iyon sa aking tainga. 

"Hello?" I spoke once again, and this time... nagsalita na si Kuya Verdect. 

"Anisha, umuwi ka na dahil napag-usapan kanina na gagawin na ang kasal sa lalong madaling panahon. Your soon to be husband together with his family just visited our house earlier, and he asked to move the wedding into sooner date," aniya na naging dahilan para maestatwa ako sa aking kinauupuan. 

What the heck was that?! 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 13

    Maraming oras ang ginugol ko sa pagkakatulala sa tanong na iyon. Hindi pa man kumpirmado pero hindi malayong mangyari iyon dahil pareho naming alam na hindi siya gumagamit ng proteksyon sa tuwing ginagawa namin iyon. Hindi ko rin alam kung paano ko tatanggapin iyon kung sakali. Should I be happy? O dapat akong malungkot gayong hindi pa nga kami kasal pero mayroon kaagad nabuo. Hindi ko rin pinagsisisihan at kung totoo ngang nagbunga ang ginawa namin ay tatanggapin ko naman nang buo dahil ginusto ko rin naman nang mangyari sa amin. It may not be planned, but I am sure that I would keep the baby. Mamahalin at aalagaan ko pa rin kahit na hindi planado at inaasahan. "Ma'am?" Pagkuha ng isang kasambahay sa atensyon ko. Kaagad naman akong lumingon sa kaniya. She looked worried about me, I just can say based on how she looks at me. "Ayos lang ho ba kayo?" She asked. I wiped my tears as I nodded. Ni hindi ko magawang kumain nang maayos kanina dahil sa biglaang balita na iyon. Halos mang

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 12

    The next days were exhausting. Habang mas nalalapit ang kasal ay mas humihirap din ang bawat araw para sa amin. Kahit pa sumasama lang naman ako kay Spade dahil mas hands on talaga siya kumpara sa akin, nakakapagod pa rin talaga. Gusto kong magreklamo pero sa tuwing nakikita ko si Spade, bigla kong naiisip na kung mayroon mang may karapatang mapagod sa aming dalawa, siya iyon. "Pagod ka na? Puwede na tayong umuwi kung gusto mo. Tapos naman na tayo sa dapat nating tapusin ngayong araw," Spade asked as we were walking back to his car. Katatapos lang namin sa pagpili ng mga bulaklak na gagamitin sa araw ng kasal. "Ano'ng pabango ang gamit mo?" I asked instead habang kinukulubot ang ilong. Kanina ko pa kasi naaamoy habang magkatabi kami roon sa flower shop kung saan kami galing. "Iyong dati pa rin naman." Kumunot ang kaniyang noo. "Why? Is there a problem?" Concerned niyang tanong habang inaamoy ang kaniyang sarili. "Hindi ko gusto ang amoy. Sigurado ka bang pareho lang iyan sa palag

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 11 (Part 2)

    "Ouch!" Daing ko nang tumama ang kaniyang kamao sa braso ko. Hindi naman iyon gan'on kalakas pero dahil sa gulat ko ay normal lang siguro iyong naging reaksiyon ko. "Walang personalan, it's part of the training," nakangising aniya at muling naghanda para sa pagsugod. Mabilis akong gumalaw para maiwasan iyon pero nahuli niya pa rin ang braso ko. He turned and I groaned in pain as he twisted my hand. Ramdam ko iyong sakit kahit na alam kong hindi niya pa ibinibigay ang lahat ng lakas niya roon. Napamura ako nang mas idiin niya pa lalo ang pagpilipit sa braso ko. "Ayoko na, please! Talo na ako..." pakiusap ko dahil masyado nang masakit iyong braso ko. Pero imbes na bitawan ay mas idinidiin niya pa. Then I realized that he just won't listen kahit pa ilang beses akong magmakaawa. Kung hindi ako kikilos ay baka mawalan na ako ng braso kaya kahit hirap ay pinilit kong sikuhin siya gamit ang isa kong braso. Luckily, his grip loosened a bit the reason why I got the chance to free myself w

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 11

    I woke up with a severe hangover the next day, pero dahil ayokong magpatalo kay Spade ay pinilit kong hindi ipahalata na mayroon akong hangover dahil paniguradong hindi na niya ako papayagang uminom next time. I need to make him think that he's wrong on all the things he said last night para mapapayag ko pa siya next time. "Good morning," I greeted him when I got out of our room. Umupo kaagad ako sa highchair para hindi niya mapansin ang pasuray-suray kong lakad pati ang ngiwi ko sa tuwing pumipuntig ang mga ugat sa ulo ko. "How are you feeling?" He asked nang ilapag niya ang sa tingin ko'y tsaa sa harap ko. Dahil alam kong sinusubok niya lang ako, pinilit kong ngumiti para ipakita sa kaniya na walang talab sa akin ang hangover kahit pa uminom ako nang marami. "I'm fine," I lied pero ang totoo ay parang gusto ko na lang humiga sa kama buong araw. "See? I told you I have a high alcohol tolerance!" Mayabang at taas-noo kong sinabi. Hindi siya umimik. Mabuti na lang at tumalikod siya

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 10 (Part 2)

    Nakuha ko kung anong gusto ko kahit pa panay ang irap at pagsusungit niya sa akin. Iyon lang din naman pala ang kahinaan, ang dami pang sinabi. Hindi na lang pumayag kaagad para natapos din sana kaagad iyong usapan. "That's your last shot. Marami ka nang nainom, Anisha," seryoso niyang sinabi na halos ayaw pang ibigay sa akin iyong baso. Kung kailan naman ako nag-e-enjoy doon niya naman ako pagbabawalan. "No. I want more," pagmamaktol ko. I am aware that I am drunk pero kaya ko pa naman. Iyon nga ang purpose kung bakit ako uminom, e—parq malasing. "Anisha," he called my name again pero binalewala ko iyon. Matapos kong lagukin iyong isang shot ay humingi ulit ako sa bartender na kanina pa napagsasabihan ng kasama ko pero wala namang magawa dahil pinapahintulutan din ni Spade sa huli. "You are so strict, please don't be like that after our wedding!" Medyo nilakasan ko iyon dahil palakas na rin nang palakas iyong music sa club. Magsisimula na rin kasi yata ang kasiyahan sa dance floo

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 10

    Isang linggo na simula nang bumisita kami sa bahay pero pakiramdam ko ay naiwan ang isip ko roon. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga salitang sinabi ng mga magulang ko. Nililibang ko naman ang sarili ko pero panandalian lang ding nawawala iyon sa isip ko. One moment, I'm happy talos bigla ulit mababaliw sa kaiisip ng iba't ibang bagay. Tanggap ko na rin naman na ikakasal ako, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan lalo pa at enggrande iyong kasal. Maraming tao ang manonood dahil kilala ang pamilya ni Spade sa iba't ibang industrya. Alam ko ring hindi patatalo ang mga magulang ko sa pag-iimbita ng mga kakilala hindi dahil masaya sila para sa akin kung hindi para ipagyabang na ikakasal ang anak nila sa isa sa mga pinaka-mayayamang pamilya sa Pilipinas. "Are you ready to go?" Pagyayaya ni Spade sa akin habang nakaharap pa ako sa salamin. Ngayong araw ay magpapasukat kami ng gown. Malapit na ang kasal pero ngayon lang talaga kami kikilos para sa preparasyon. Impossible kung tutuusin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status