Share

The Unwanted Proposal
The Unwanted Proposal
Author: imishee

Kabanata 1

"Anisha Franchette! Where in the world are you again? Alam mo bang halos maatake na sina Mama at Papa kaiisip kung 'saang lupalop ka na naman ng mundo hahagalipain?! What the heck is wrong with you, lady?" halata sa boses ng nakatatandang kapatid ko ang pinaghalong pag-aalala at pagkairita.  

Pero sa halip na ma-alarma, napanguso na lang ako habang tamad na tinititigan ang kukong bagong manicure. 

Bumuntonghininga muna ako bago tinugon ang aking Kuya. 

"Don't worry, Kuya. Kunwaring may pakialam lang naman sila, e. That house is so toxic, kaya hindi ako babalik diyan," I said. Hindi ko nga alam kung paano pa sila nakakatagal sa loob ng aming bahay gayong halata namang puro ka-plastikan lang naman ang nangyayari roon. 

Alam ko rin naman kung bakit gusto nila akong bumalik doon. It's about that proposal again. Ilang beses ko na ngang sinabi sa kanila na hindi ko kailanman iyon gagawin, pero ipinipilit pa rin nila ang gusto nila! 

Paano naman ako kung gan'on? Madaling sabihin sa kanila dahil hindi naman sila iyong mag-su-suffer sa huli. Madaling sabihin na walang mawawala kasi hindi naman sila iyong ikakasal sa taong hindi nila kilala. 

"Bakit ba napakatigas ng ulo mo, Ashie? Couldn't you just listen to our parents?" I could even taste his frustration. 

Gan'on naman siya palagi. He's like a teacher's pet. Palagi na lang nagpapauto kina Mama kaya madaling kontrolin. 

I wonder what blackmail did they tell him this time para kumbinsihin ako nang ganito ngayon? Ano'ng pang-uuto na naman kaya ang sinabi nila sa kaniya? 

"Hindi makabubuti ang gusto nila sa akin, Kuya! Kung kaya ng konsensiya mong magpakasal sa isang taong ni hindi mo pa nga nakikilala, puwes ako, hindi!" I said. I almost exclaimed the words out of frustration. 

If all of this is frustrating them, gan'on din sa akin! Dahil kung mayroon mang aping-api rito, walang iba kung hindi ako iyon. 

"Why is marriage so sentimental to you, Anisha? Hindi ba dapat ay nasanay ka na—" 

"I'll call you some other time, Kuya. I don't want to talk about that over the phone. Bye…" Then I cut the line. 

Palaging gan'on ang tinatanong nila sa akin. Isang beses ko na iyong sinagot, pero parang hindi naman sapat sa kanila ang mga rason ko kaya hanggang ngayon ay hindi nila maintindihan kung bakit ayokong basta na lang ikasal. 

Maayos ang lahat noon. Okay kaming lahat hanggang sa ibinalita sa akin ng mga magulang ko na ikakasal ako sa isang estranghero. 

It made my heart hurt. Pakiramdam ko ay isa akong tuta na ipinamimigay na lang basta-basta. Ipagpapalit sa kahit na anong halaga. 

"Ano'ng ginagawa mo rito, Miss? Hindi naman ito ang comfort room ng mga babae, a?" A tall guy asked as he eyed me from head to toe. 

Hindi ko sinagot iyong tanong niya. Ginaya ko ang paninitig niya, only that I look more disgusted. 

"O baka naman may hinihintay ka rito tapos may gagawin kayo?" Puno ng malisya niyang dagdag noong hindi ko na talaga siya pinansin. 

Ayoko na sanang pag-aksayahan siya ng oras pero naalala ko na naman iyong mga sinabi ni Kuya kanina. It triggered my emotions so I turned around to face him. Nagtaas ako ng isang kilay sa kaniya. 

"Kung ganoon kang tao, puwede naman sigurong mabuhay nang hindi iniisip na gan'on lahat ng makikilala mo, hindi ba?" I crossed my arms on my chest. 

Masyadong maingay sa labas. Galing na rin naman ako kanina sa comfort room ng mga babae kaso lang ay masyado ring maingay. This is the only place here that's quiet. Kung hindi ako lumipat, hindi ko rin maririnig ang sinasabi ni Kuya. 

"Huwag ng kang mag-alala," bawi ko rin sa huli. "Lalabas na rin naman ako kaya puwede mo nang gawin kung ano man ang gusto mong gawin dito. Pasensiya na rin at pumasok ako rito," dagdag ko pa bago tuluyang lumabas doon. 

Narinig kong humingi rin siya ng tawad ngunit hindi na ako nag-abalang lumingon pa. 

I was greeted with a loud bang of music when I finally got out. Iginala ko ang mga mata ko para hanapin si Fiona. Iniwan ko siya kanina kasama ng isa pa naming kaibigan—or should I say kaibigan niya lang dahil hindi ko naman iyon kilala. Ni hindi ko nga alam kung saan niya iyon napulot. Bigla na lang kasing lumitaw. 

Masyadong maraming tao kaya mahirapan akong hanapin siya. Binalikan ko na rin sa table namin kanina kung saan ko sila iniwan pero wala roon. Hindi naman iyon mahilig makipagsapawan sa dancefloor kaya Duda akong naroon siya. Mas gugustuhin pa noong tumalon na lang sa bangin sa halip na ipahiya ang sarili sa dancefloor. 

Sa ganitong lugar, walang kwenta ang pagsigaw dahil kakainin lang din ng malakas na tunog ng musika ang boses ng sinumang gagawa n'on, so I surveyed the whole area once again, and luckily this time, I saw my best friend. 

Iyon nga lang, hindi na lang iyong kasama niya kanina ang kasama niya. They are now with two other guys na hindi ko na naman kilala. 

What's with Fiona and those people na hindi ko kilala na palagi niyang kasama? 

Lumapit ako sa table nila. Hindi pa nila ako nakikita pero hindi ko naman sila masisisi dahil marami talagang tao sa loob ng club. Kung lampa ka pa ay maiipit at baka matapak-tapakan ka lang lalo na kung dadaan ka sa dancefloor. 

"Hey," bati ko nang tuluyang nalalapit sa banda nila. 

I hate to be the center of attention pero gan'on siguro talaga kapag bagong dating. Ayoko mang nakapokus sa akin ang mga mata nila ay wala na akong nagawa kung hindi ang kausapin ang kaibigan ko dahil gusto ko na rin namang umuwi. 

Nawala na rin kasi iyong excitement ko kanina dahil sa mga sinabi ni Kuya. Tila ba vacuum iyon na humigop sa natitira kong lakas para sa araw na ito. Bigla kong naalala na halos ipamigay na lang ako ng pamilya ko sa iba. 

"Uuwi na kami. Pasensiya na dahil gusto nang umuwi ng kaibigan ko," paalam niya. Ni hindi na ako ipinakilala dahil alam kong alam niyang ayaw ko rin naman. 

Nagpasalamat na lang ako nang tahimik sa hangin nang wala namang nagpumilit na ilapit ang kanilang sarili para magpakilala kagaya ng madalas mangyari. I bowed a bit and gave them a thrift smile bago ako unang tumalikod. Hinayaan ko sandali si Fiona roon para mas maayos na makapagpaalam sa mga kaibigan niya. 

"Let's go?" She invited nang tapikin niya ako sa balikat. Tumango ako. 

"Bakit naman uwing-uwi ka na ngayon? Kanina lang ay excited ka pang pumunta rito, a?" She asked when we finally got out of the club. 

Ang ingay sa loob na pakiramdam ko ay nakahinga nang maluwag ang tainga ko noong nagkaroon ng pagkalma sa labas. 

"Tumawag si Kuya Verdect," panimula ko. "As usual... pinauuwi na naman ako, pero alam ko namang dahil lang iyon sa proposal." Tumingin ako sa kaniya. Her eyes mirrored sympathy. Mabuti pa siya, walang problema pagdating sa pag-ibig. 

"Ano nang plano mo ngayon? Will you just run and hide from them forever?" 

Iyon ang gusto ko, pero alam ko namang hindi ko iyon magagawa habang-buhay. 

I let out a deep sigh. "Sa ginagawa nila sa akin, lalo lang ako nasasakal. They're slowly turning me into a villain, Fiona. Do you know that I actually thought of giving myself away to any man here tonight?" Naiiyak kong pag-amin. 

Sisirain lang din naman ng mga magulang ko ang buhay ko, uunahan ko na sila. 

Nanlaki ang mga mata niya. Kaagad niyang hinaplos ang likod ko. 

"Uy, huwag naman sanang gan'on. M-Malay mo naman mabait iyong magiging asawa mo, hindi ba? Bigyan mo ng chance..." She tried to convince me pero mas naniniwala pa yata akong kaya kong ibigay ang sarili ko sa isang lalaki rito sa club kesa sa paniwalaang may puso iyong ipakakasal sa akin. 

I don't even know his name! Pati mukha... 

Malay ko ba kung matanda na pala iyon? Na pumayag lang ang mga magulang ko na ipakasal ako sa lalaking iyon dahil maraming pera?! 

Just the thought of it made me shiver. 

"I'm so sorry that you have to suffer from this, Ash... Kung may magagawa lang sana ako para matulungan ka," Fiona said as she continues to caress my back. 

Tumango ako.

Naiintindihan ko naman siya. Ang presensiya at suporta niya lamang ay sapat na sa akin. At least I know now that I have someone who understands me, especially my situation kahit na magkaiba kami ng experience sa buhay pagdating sa bagay na ito. 

Sa huli ay pareho kaming nagdesisyong umuwi na. It's been a long and tiring day for us at dahil may kaniya-kaniyang kaming sasakyan pauwi, we parted ways.  

Nang nakarating sa building kung nasaan ang unit ko, sinaglit ko na ring bumili ng ice cream sa ground floor bilang pampakalma dahil alam kong kahit anong pagod ko ngayon ay hindi lang din ako makatutulog kaagad. 

"That would be three hundred and eighty nine pesos, Miss," anunsiyo ng cashier sa bill ko. Tumango ako at ibinigay ang isang malutong na five hundred sa counter. 

"Who eats ice cream at night?" I heard a man speak beside me. His tone was mocking. Walang ibang tao rito kundi ako kaya alam kong para sa akin iyon. 

I eyed him. Sino ba ito at bigla na lang sumusulpot? 

He was tall. With his dark brown eyes, he looked more arrogant and playful. For a guy, I could say that his lips are naturally red pero... 

Saglit nga lang? Bakit ko pa ba iyon pinapansin gayong nakakainis siya kung tumingin? Siguro ay iniisip niya ngayong gusto ko siya dahil tinititigan ko ang mukha niya? 

Ha! He wish! 

"Hindi lahat ng tao, katulad mong old-fashioned," iyon ang naging tugon ko sa pagaakalang itataboy siya ng kasungitan ko, but he looked more amused when I told him that! Parang lalo tuloy siyang nagkaroon ng rason ngayon para kausapin ako. 

Sana pala ay hindi na ako umimik! 

"Woah!" Natatawa niyang sinabi habang ngayon ay nakataas na ang magkabila niyang kamay sa ere na para bang sumusuko. "Chill lang naman, Miss. I was just kidding, you know?" 

My eyes instantly rolled. 

"I'm not. Sa sobrang pagod ko ngayong araw, kung hindi ka tatabi ay baka sa'yo ko pa mabaling ang lahat ng emosyong naipon ko," pagbabanta ko dahil iyon naman ang totoo. 

He tilted his head as he grimaced. Tila ba dinama sa pamamagitan ng salita ko ang sinasabi kong emosyon. 

"You must have undergone a tough day, eh? Pero sige... I'm Spade by the way," pagpapakilala niya. "Magkikita pa naman tayo rito dahil nasa building din na ito ang condo ko. Hindi na muna kita guguluhin dahil mukhang wala ka sa mood. Nice to meet you, neighbor..." He said before giving me a salute. 

He shares too much. Kung loko-loko lang along tao, madali ko lang siyang maloloko! 

Nang nakuha ko na iyong sukli na kanina pa pala ready ay lumabas na ako sa store. Umakyat na ako sa floor ko at sa unit ay doon na ako tuluyang bumagsak dahil sa pagod. 

My body is tired, but my mind says otherwise. Ipikit ko man ang mga mata ko ay gising naman ang aking diwa. 

Sa huli ay kinain ko na lang iyong ice cream na binili ko habang nanonood ng isang Spanish movie. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status