/ Romance / The Unwanted Proposal / Kabanata 4 (Part 3)

공유

Kabanata 4 (Part 3)

작가: imishee
last update 최신 업데이트: 2023-07-01 00:36:16

He insisted that I should stay in his place. Gusto ko mang umuwi sa condo ko ay wala na akong nagawa dahil pinangunahan ako ng takot. 

"What's it like growing up with your parents?" He asked while he's preparing our dinner. 

Iyon lang ang ginawa namin habang narito kami. We asked each other questions para mas makilala namin ang isa't isa.

Noong una ay ayaw kong magsabi ng kung ano-ano sa kaniya, pero kalaunan ay nakumbinsi rin naman ako na wala siyang masamang intensiyon sa mga tanong na ibinabato niya sa akin. 

Nagkibit balikat ako bago sumagot dahil inalala ko pa kung paano nga ba ang naging buhay ko kasama ng aking pamilya. 

"I can say that they're uptight, lalo na sa akin. I... I always felt like I'm an outsider. Iba ang trato nila sa akin kumpara sa mga kapatid kong lalaki. Madalas din noon ay sila ang nagdedesisyon para sa akin. I can't say no because they would always find a way to blackmail me," I narrated. Napangiti at iling na lang ako habang inaalala iyon lahat. 

It was a bitter past, but I felt relieved now that I'm out of that house. Living there felt suffocating. Mapait pa akong napangiti nang naalala na kung hindi ko lang pinilit at hindi pa ako makakatakas doon. 

Kung hindi ako nakatakas, what could've happened to me? 

Ngayong mayroon na rin akong nalaman, may ideya na ako kung bakit hindi na ako tinutugis kagaya noong mga unang araw at linggo kong umalis sa bahay na iyon. Baka iyon din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi na pa rin na-fe-freeze ang bank accounts ko. 

Hindi siya nagsalita. It was just plain silence between us, and I must admit that it made me calm. Hindi na rin ako nagsalita pa dahil ayoko rin namang magbahagi ng higit pa sa tinanong. 

"You'll be safer here," ulit niya na naman na tila ba iyon ang solusyon sa lahat ng problema ko. Nakailang beses niya na iyang sinabi ang mga katagang iyon sa araw na ito. 

"Alam ko," nakatingin sa kaniyang mga matang sinabi ko. "Pero alam ko rin na may kapalit ang kaligtasang gusto mo para sa akin. Ayokong madamay ka o ang pamilya mo," dagdag ko pa. 

"Me and my family is already involved here. Gusto o ayaw mo mang isipin, you are now my responsibility as you will be my wife." 

Tila ba napipi ako sa sinabi niyang iyon. Wala akong mahanap na tamang salita. Ayaw kong mayroong madamay, pero may point din naman siya. 

Ilang sandali rin akong natahimik lang. Nag-iisip pa ngayon ng masasabi. 

"Hindi pa ako handang ikasal..." I swallowed the bile on my throat as I uttered those words. "I don't know anything about being a wife. I can't even do the laundry. Hindi masarap magluto t-tapos hindi rin gan'on ka-galing maglinis ng bahay," pag-amin ko. 

Dahil sa totoo lang, bukod sa naniniwala akong sagrado ang pagpapakasal, naniniwala rin akong bago dapat mag-asawa ay marunong muna ako sa mga trabahong bahay hindi dahil babae ako kung hindi dahil iyon lang ang alam ko para makabawi man lang. 

Napayuko ako dahil sa hiyang naramdaman. Natuto naman ako noong namuhay akong mag-isa sa condo pero hindi pa sapat iyon. Gusto kong maging magaling para hindi naman ako maging kahiya-hiya. 

"It's okay if you're not good at those things yet. You have a lot of time to learn that when we're married," he chuckled. 

"Marunong naman ako... pero hindi pa ako sanay na may kasama. Hindi ko alam kung magiging mas magaling ba ako kapag kasal na tayo dahil hindi ko naman naranasan gawin iyon nang may kasama. I n-never had a boyfriend before," sabi ko dahil iyon naman ang naaalala ko.

Or maybe I have been in a relationship before, pero dahil hindi seryoso... hindi ko binibilang na boyfriend ang mga iyon. 

Nakita ko ang unti-unting pag-angat ng gilid ng kaniyang labi. He watched me for a while before he shook his head. 

"Maybe I can help you with that?" He offered. Nakita kong malapit na rin siyang matapos sa ginagawa niya kaya nilapitan ko siya para matulungan siya. 

"Pag-aaralan ko na lang mag-isa. Ayokong makaabala pa sa'yo," I said as polite as I could. 

He paused on what he's doing. Tuluyan niya akong hinarap. "Bakit ka naman makakaabala? It's for our future so I don't see any problem with that. In fact, I consider that as my duty. To help my wife learn the things she wants to learn."

"What about the other things that you need to do? Work and business?" 

"Hindi ko naman pababayaan ang mga 'yan, Anisha. They are both important, pero importante rin naman na maglaan ng oras para sa asawa, hindi ba?" Pinagtaasan niya ako ng dalawang kilay na tila ba iyon ang paraan niya para kumbinsihin ako tungkol sa sinabi niya. 

"Oo naman. Kapag kasi napabayaan ang asawa, baka mamaya... maghanap pa ng pagmamahal sa iba. Baka isipin niya na kaya siguro walang oras para sa kaniya ang asawa niya dahil meron siyang inaalagaan at minamahal na iba?" 

Ngumuso siya sa sinabi kong iyon. Sandali siyang mag-isip bago siya muling nakapagsalita. 

"Hmm... Kung gan'on, dapat ipaliwanag ng asawa kung bakit paminsan-minsan niyang hindi naaalagaan ang asawa niya. Kung sobrang importante naman ang rason, siguro ay maiintindihan naman iyon, pero kung palaging gan'on ang mangyayari... baka nga magsawa lang sila sa isa't isa, lalo na iyong palaging naghihintay." 

Habang tumatagal, nagiging mas malalim na ang usapan namin. Gayunpaman, nagawa naman naming ihain ang pagkain sa hapag. Gan'on din noong kumakain na kami. Sa tuwing nakahahanap kami ng tiyempo ay nagbabatuhan pa rin kami ng saloobin namin tungkol sa pag-aasawa. 

"Siyempre, may mga pangangailangan din naman kasi ang mga babae. Hindi lang pag-aalaga, pera at oras," sabi ko nang mas lumalim pa ang usapan. 

"Kagaya ng?" He raised a brow on me. Tila naninimbang. 

Sandali rin akong nag-isip. "Kagaya ng... assurance, lambing, tapos... siyempre yung ano..." Hindi ko matapos ang dapat kong sabihin dahil napangunahan ng pagkailang. 

"Ang alin, Anisha?" 

Parang nanunuya ang kaniyang boses. Mukhang alam niya naman kung anong ibig kong sabihin pero hindi lang talaga siya mapakali hangga't hindi iyon galing mismo sa aking bibig. 

"Of course they need to make l-love," sabi ko sa wakas. Halos manilaukan pa ako ng sarili kong laway. 

Ilang taon na rin ako at normal na dapat ang salitang iyon sa akin, pero iba pala talaga kapag may ibang lalaki lang kaharap. 

"U-huh, and then what? Can making love really solve a problem though?" Mas nahimigan ko ang pang-uuyam sa kaniyang boses. Parang gusto niyang matawa nang malakas kaso nagpipigil lang. Natutuwa pa yata na nauutal ako sa mga sinasabi ko dahil sa usapan. 

"Hindi ko alam. Hindi ko pa naman nasusubukan," I replied na sana ay hindi na lang dahil parang mas nabuhayan pa siya. 

"Talaga? Kung may chance ka pala, susubukan mo kung gan'on?" 

Nanlaki ang mga mata ko sa bigla niyang paratang. Pero nakabawi rin naman kaagad para dipensahan ang sarili. 

"Ewan ko. Ayoko pang malaman sa ngayon pero baka nga makatutulong iyon sa pagresolba ng tampuhan ng mag-asawa," sa huli ay nasabi ko na lang. 

Mabuti na lang din at hindi na rin naman niya dinagdagan pa kaya natapos na ang usapan tungkol doon. Para pa akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. 

Nang natapos na kami sa hapunan ay nagpresinta na akong ako na ang maghuhugas sa mga pinagkainan namin. Siya na rin naman kasi ang nagluto kaya kaunting bagay lang ang paghuhugas. 

Napansin ko rin na parang bukod sa mga guard sa labas ay wala siyang ni isang kasambahay. O baka dahil hindi pa ako nakapaglilibot kaya nasabi kong wala. So far, wala pa naman kasi talaga akong nakikita. 

Habang naghuhugas ay naalala kong hindi pa nga pala ako nakakaligo. Wala akong damit kaya kaagad ko siyang nilingon para sana tanungin ang tungkol doon nang nahuli ko siyang nakahalukipkip habang sinusuri ako. 

"Uhm... what were you doing?" Tanong ko sa halip na iyong damit ang matanong. 

"Hinuhulaan ko lang ang size mo. Wala pa rin kasi akong nabiling damit mo pero sa tingin ko ay may damit naman akong kakasya sa'yo," aniya na tila ba pareho ang takbo ng isip namin. I was just about to ask him that! 

"Hindi naman na kailangang bumili. Kung may maipahihiram ka sa akin ngayon, okay na 'yon. Bukas ay babalik naman na ako sa condo kaya ayos lang," sabi ko na naging dahilan ng pagkunot ng kaniyang noo. 

"I thought you're gonna stay here for a while?" 

Hindi pa naman ako um-o-oo talaga, pero dahil nasabi ko ngang takot ako, wala na rin akong nagawa. 

"Oo pero kailangan ko ng mga gamit. Hindi naman puwedeng puro hiram at ikaw lang ang mag-provide." 

"What's wrong with that?"

Umikot ako para tuluyan siyang naharap. "Hindi pa tayo kasal." 

"Gusto mo bang mas agahan pa ang schedule ng kasal?" Tanong niya. Mabilis ang naging pag-iling ko. 

Ni hindi pa nga ako tuluyang pumayag! Sinabi ko pa lang na pag-iisipan ko pa. nang maigi! 

At kung ang rason niya sa paglipat ng date ng kasal ay para makagastos siya para sa akin, lalo namang ayoko! Gusto kong maisip at makita niya na wala akong interes sa yaman nila, lalo na ang kaniya. 

"Speaking off. Kailangan na rin pala nating pag-usapan ang ilang mahahalahang detalye. My mother hired  wedding planners pero gusto kong mabahiran pa rin ng desisyon mo ang tungkol doon. Especially sa lugar kung saan mo gustong mag-honeymoon." 

Para akong natakasan ng sarili kong kaluluwa sa huling salitang sinabi niya. Hindi naman bago sa pandinig ko pero para akong tinadyakan sa tiyan sa lakas ng epekto nito sa aking sistema. 

"H-Honeymoon?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong. 

Tumango siya na para bang normal lang sa kaniya ang lahat samantalang halos mabuwal na ako sa aking kinaroroonan. 

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 13

    Maraming oras ang ginugol ko sa pagkakatulala sa tanong na iyon. Hindi pa man kumpirmado pero hindi malayong mangyari iyon dahil pareho naming alam na hindi siya gumagamit ng proteksyon sa tuwing ginagawa namin iyon. Hindi ko rin alam kung paano ko tatanggapin iyon kung sakali. Should I be happy? O dapat akong malungkot gayong hindi pa nga kami kasal pero mayroon kaagad nabuo. Hindi ko rin pinagsisisihan at kung totoo ngang nagbunga ang ginawa namin ay tatanggapin ko naman nang buo dahil ginusto ko rin naman nang mangyari sa amin. It may not be planned, but I am sure that I would keep the baby. Mamahalin at aalagaan ko pa rin kahit na hindi planado at inaasahan. "Ma'am?" Pagkuha ng isang kasambahay sa atensyon ko. Kaagad naman akong lumingon sa kaniya. She looked worried about me, I just can say based on how she looks at me. "Ayos lang ho ba kayo?" She asked. I wiped my tears as I nodded. Ni hindi ko magawang kumain nang maayos kanina dahil sa biglaang balita na iyon. Halos mang

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 12

    The next days were exhausting. Habang mas nalalapit ang kasal ay mas humihirap din ang bawat araw para sa amin. Kahit pa sumasama lang naman ako kay Spade dahil mas hands on talaga siya kumpara sa akin, nakakapagod pa rin talaga. Gusto kong magreklamo pero sa tuwing nakikita ko si Spade, bigla kong naiisip na kung mayroon mang may karapatang mapagod sa aming dalawa, siya iyon. "Pagod ka na? Puwede na tayong umuwi kung gusto mo. Tapos naman na tayo sa dapat nating tapusin ngayong araw," Spade asked as we were walking back to his car. Katatapos lang namin sa pagpili ng mga bulaklak na gagamitin sa araw ng kasal. "Ano'ng pabango ang gamit mo?" I asked instead habang kinukulubot ang ilong. Kanina ko pa kasi naaamoy habang magkatabi kami roon sa flower shop kung saan kami galing. "Iyong dati pa rin naman." Kumunot ang kaniyang noo. "Why? Is there a problem?" Concerned niyang tanong habang inaamoy ang kaniyang sarili. "Hindi ko gusto ang amoy. Sigurado ka bang pareho lang iyan sa palag

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 11 (Part 2)

    "Ouch!" Daing ko nang tumama ang kaniyang kamao sa braso ko. Hindi naman iyon gan'on kalakas pero dahil sa gulat ko ay normal lang siguro iyong naging reaksiyon ko. "Walang personalan, it's part of the training," nakangising aniya at muling naghanda para sa pagsugod. Mabilis akong gumalaw para maiwasan iyon pero nahuli niya pa rin ang braso ko. He turned and I groaned in pain as he twisted my hand. Ramdam ko iyong sakit kahit na alam kong hindi niya pa ibinibigay ang lahat ng lakas niya roon. Napamura ako nang mas idiin niya pa lalo ang pagpilipit sa braso ko. "Ayoko na, please! Talo na ako..." pakiusap ko dahil masyado nang masakit iyong braso ko. Pero imbes na bitawan ay mas idinidiin niya pa. Then I realized that he just won't listen kahit pa ilang beses akong magmakaawa. Kung hindi ako kikilos ay baka mawalan na ako ng braso kaya kahit hirap ay pinilit kong sikuhin siya gamit ang isa kong braso. Luckily, his grip loosened a bit the reason why I got the chance to free myself w

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 11

    I woke up with a severe hangover the next day, pero dahil ayokong magpatalo kay Spade ay pinilit kong hindi ipahalata na mayroon akong hangover dahil paniguradong hindi na niya ako papayagang uminom next time. I need to make him think that he's wrong on all the things he said last night para mapapayag ko pa siya next time. "Good morning," I greeted him when I got out of our room. Umupo kaagad ako sa highchair para hindi niya mapansin ang pasuray-suray kong lakad pati ang ngiwi ko sa tuwing pumipuntig ang mga ugat sa ulo ko. "How are you feeling?" He asked nang ilapag niya ang sa tingin ko'y tsaa sa harap ko. Dahil alam kong sinusubok niya lang ako, pinilit kong ngumiti para ipakita sa kaniya na walang talab sa akin ang hangover kahit pa uminom ako nang marami. "I'm fine," I lied pero ang totoo ay parang gusto ko na lang humiga sa kama buong araw. "See? I told you I have a high alcohol tolerance!" Mayabang at taas-noo kong sinabi. Hindi siya umimik. Mabuti na lang at tumalikod siya

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 10 (Part 2)

    Nakuha ko kung anong gusto ko kahit pa panay ang irap at pagsusungit niya sa akin. Iyon lang din naman pala ang kahinaan, ang dami pang sinabi. Hindi na lang pumayag kaagad para natapos din sana kaagad iyong usapan. "That's your last shot. Marami ka nang nainom, Anisha," seryoso niyang sinabi na halos ayaw pang ibigay sa akin iyong baso. Kung kailan naman ako nag-e-enjoy doon niya naman ako pagbabawalan. "No. I want more," pagmamaktol ko. I am aware that I am drunk pero kaya ko pa naman. Iyon nga ang purpose kung bakit ako uminom, e—parq malasing. "Anisha," he called my name again pero binalewala ko iyon. Matapos kong lagukin iyong isang shot ay humingi ulit ako sa bartender na kanina pa napagsasabihan ng kasama ko pero wala namang magawa dahil pinapahintulutan din ni Spade sa huli. "You are so strict, please don't be like that after our wedding!" Medyo nilakasan ko iyon dahil palakas na rin nang palakas iyong music sa club. Magsisimula na rin kasi yata ang kasiyahan sa dance floo

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 10

    Isang linggo na simula nang bumisita kami sa bahay pero pakiramdam ko ay naiwan ang isip ko roon. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga salitang sinabi ng mga magulang ko. Nililibang ko naman ang sarili ko pero panandalian lang ding nawawala iyon sa isip ko. One moment, I'm happy talos bigla ulit mababaliw sa kaiisip ng iba't ibang bagay. Tanggap ko na rin naman na ikakasal ako, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan lalo pa at enggrande iyong kasal. Maraming tao ang manonood dahil kilala ang pamilya ni Spade sa iba't ibang industrya. Alam ko ring hindi patatalo ang mga magulang ko sa pag-iimbita ng mga kakilala hindi dahil masaya sila para sa akin kung hindi para ipagyabang na ikakasal ang anak nila sa isa sa mga pinaka-mayayamang pamilya sa Pilipinas. "Are you ready to go?" Pagyayaya ni Spade sa akin habang nakaharap pa ako sa salamin. Ngayong araw ay magpapasukat kami ng gown. Malapit na ang kasal pero ngayon lang talaga kami kikilos para sa preparasyon. Impossible kung tutuusin

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status