Home / Romance / The Unwanted Proposal / Kabanata 4 (Part 2)

Share

Kabanata 4 (Part 2)

Author: imishee
last update Last Updated: 2023-06-27 02:19:42

Narito kami ngayon sa gazebo para pag-usapan ang mga bagay na sinasabi niyang kailangan naming pag-usapan.

Ilang minuto na rin kaming nakaupo rito habang nakaharap sa isa’t isa pero wala pa ring nangangahas na magsalita. Naiintindihan ko rin naman dahil kagagaling nga lang namin sa isang sumbatan, o kung gan’on ngang matatawag iyon gayong ako lang naman halos ang nagsalita.

“I’m sorry for what I have said earlier. I should’ve known better. I apologize for hurting your feelings. Pasensiya na rin dahil sa pang-iinsulto ko sa’yo,” iyon ang una niyang sinabi simula pa kanina.

I took a deep breath. Tumango ako pero hindi ako nagsalita. Tapos na akong magsalita kaya ngayon ay ako naman ang makikinig sa kaniya. He listened to my rants earlier, so I must now that he speaks.

“When I was told I have to marry my father’s business partner’s daughter, I instantly thought that it was a bad idea dahil kagaya mo ay naniniwala rin ako na hindi lang basta-basta ang pagpapakasal,” dagdag niya sa una niyang sinabi.

“Hindi rin naman tradisyon ng pamilya namin ang fixed marriage o ang marriage for convenience kaya nagulat din ako noong ibinalita sa akin ang tungkol sa pagpapakasal.” He let out a deep sigh before he continues.

“Hindi ako sang-ayon sa gusto ng mga magulang ko, lalo pa at iniisip ko rin naman na hindi natin kilala ang isa’t isa. Noong una ay hindi ko gusto ang ideyang ito, aaminin ko iyon,” he paused to look at me in the eye.

“I even planned to ditch my parents when they told me we were meeting your parents to formally talk about the proposal, pero sa huli ay dumalo pa rin ako kasi gusto ko ring malaman ang lahat… at gusto rin sana kitang mas makilala pa bago man lang sana iyong napagkasunduang kasal, pero hindi na kita naabutan doon dahil ang sabi ng mga magulang mo ay umalis ka dahil ayaw mo nga sa sapilitang pagpapakasal,” he narrated.

“Noong una ay hindi ko rin maintindihan kung bakit itinutulak ako ng mga magulang ko para rito pero noong sinabi nila sa akin ang dahilan, ako na mismo ang nagmungkahi na mas padaliin na ang pagpapakasal,” he said as he looked at me again.

Sa paraan kung paano niya ako tingnan, pakiramdam ko ay hindi magiging sapat para sa kaniya ang distansiya naming dalawa.

It was as if his eyes were telling me to come closer so that we could build more connection with each other.

“My parents knew how much your parents craved for money and power,” pagpapatuloy niya kalaunan. “Alam din nila na hindi ka itinatrato nang tama ng iyong mga magulang kaya naman nang nakakita sila ng pagkakataon para alisin ka sa sitwasyong iyon, nangako sila na gagawin nila ang lahat para lang mailayo ka sa iyong mga magulang.”

Nagsalubong ang aking mga kilay sa sinabi niyang iyon.

Ano’ng ibig niyang sabihin?

“Nangangamba ang mga magulang ko na baka dumating ang araw na ipagbili ka na lang ng mga magulang mo sa mga sindikato o sa mga taong makapagbibigay sa kanila ng kailangan nila kaya kahit mukhang nakatatawa man sa iba ay ginagawa nila ngayon ang kanilang makakaya para maalis ka sa pamamahay na iyon.”

Lalo lang nanlaki ang mga mata ko.

“W-What do you mean?” Nanginginig ang boses kong tanong.

Alam kong kaya akong ipamigay ng mga magulang ko, pero hindi kailanman umabot ang pag-iisip ko sa ganoong punto.

“Harap-harapang sinabi ng mga magulang mo sa amin noon na ang gusto lang nila ay ang makukuha nila dahil sa’yo. That… they don’t really care about what you’d feel. Nasabi rin na mabuti na lang daw at nauna kami dahil nagbabalak na rin silang ibenta ka sa kakilala pa…” dahan-dahan niyang sinabi ang bawat salita na kung hindi pa ako nagtanong ay hindi niya pa sasabihin dahil alam niyang walang magandang paraan para sabihin ang mga salitang sinabi niya.

Nalaglag ang panga ko roon. I wasn’t expecting that! Hindi ko alam iyon at hindi ko alam kung matutuwa ako na sinabi niya iyon sa akin o masasaktan.

Wala akong ibang maramdaman para sa mga magulang ko kung hindi ang pandidiri. Hindi ko luboa maisip na may mga gan’on pala talagang pamilya. Iyong kayang gawin ang lahat sa ngalan ng pera at kapangyarihan.

“B-Bakit niyo ito ginagawa kung g-gan’on?” paglalakas loob kong tanong.

Wala siyang makukuha sa akin dahil kung hindi nga siya nagsisinungaling, ang pamanahan ako ang huling gagawin ng mga magulang ko. Wala pa akong napatunayan sa buhay at walang ibubuga kaya para gumastos sila para sa akin ay hindi ko maintindihan.

And because there is money involved in this, iisipin ko pa rin na ibinenta ako ng mga magulang ko nang walang pag-aalinlangan.

“I have nothing to offer you. Wala akong pera, career, at kung ano pang maipagmamalaki mo,” puno ng pait kong sinabi dahil iyon ang alam kong totoo.

I am just a nobody. With nothing to offer, all I could think about is the money their about to waste for me.

“Hindi kakayanin ng konsensiya ng ama ko na makita ang isang inosenteng tao na nagdurusa dahil lang sa kasakiman,” sagot niya.

“Kung gan’on … bakit kailangan pa nating ikasal? What would this bring to you? Mapapahiya ka lang dahil pinakasalan mo ang isang babaeng wala namang ibubuga sa buhay at hindi mayaman katulad ng pamilyang kinagisnan mo,” I asked and said dahil gusto kong mapag-isipan niya ito nang mabuti.

Kung itutuloy nga namin ang kasal, ayokong mapahiya siya at ang kaniyang pamilya. Dahil sa sitwasyon ko, iisipin lang ng mga tao na pera lang ang habol ko sa kaniya.

“Hangga’t hindi ka natatali sa iba, iisipin ng mga magulang mo na hawak ka pa rin nila sa leeg. Kapag ikinasal tayo, it would be more legal for you to getaway from them dahil mahihiwalay ka na nang tuluyan sa kanila. Hangga’t gamit mo ang pangalan nila, iisipin pa rin nila na puwede nilang gawin sa’yo ang anumang gusto nila,” he replied.

Napatingin na lamang ako sa aking palad.

Napag-isipan nila ito nang mabuti. Planado, samantalang ako ay lumalayo sa kanila. Pero ano nga bang magagawa ko kung wala naman akong ideya sa mga nangyayari?

“P-Paano kayo kung gan’on?” I had to clear my throat first before I resume on what I was about to say. “Hihingian kayo palagi ng mga magulang ko. They could… use our marriage for you to give them what they want. P-Paano rin kung h-hindi sila tumupad sa usapan niyo talaga?” Nauutal kong tanong. Kung kanina ay kaya ko pa siyang tingnan nang diretso sa mga mata, ngayon ay nawalan na ako ng lakas ng loob na gawin iyon.

“Pakikisabayan namin sila hangga’t nakakalap na kami ng sapat na ebidensiya laban sa kanila,” aniya. Pinilit kong tumingin sa kaniya dahil pakiramdam ko ay kailangan kong gawin iyon lalo pa at nagulat na naman ako sa sinabi niya.

“Parte ang iyong mga magulang sa mga underground business. Mga maruruming negosyo, para mas maintindihan mo. Marami silang koneksyon sa iba’t ibang mga sindikato na tinutugis ng mga alagad ng batas kaya rin nangangamba ang aking mga magulang sa kaligtasan mo. May mga bali-balita rin noon na kasangkot ang iyong ama sa pagkamatay ng isang kongresista sa isang lugar dito sa Pilipinas, ngunit hindi maikulong dahil walang sapat na ebidensiya upang idiin siya sa krimeng iyon. Mayroong nahuli ngunit ang hinuha ni Papa ay binayaran iyon,” tuloy-tuloy niyang sinabi na kailangan ko pang manahimik nang ilang sandali para lamang makuha ang mga sinabi niya.

It was complicated, but it all boils down to my parents being responsible for crimes.

“Kaya rin gusto kitang makausap dahil hihingin ko ang permiso mo para rito. Mga magulang mo pa rin sila, pero sana maintindihan mo na hindi tama ang kanilang mga ginagawa at kung magpapatuloy pa ito… maaaring mas marami pang tao ang maapektuhan at maging biktima.”

Hindi ako nakaimik. Alam kong isa lang ang dapat kong sabihin. Hindi kailanman magiging tama ang mali, lalo na kung maraming tao ang nadadamay. Kahit gaano mo pa palawakin ang iyong isip sa bahay na iyon, hindi mo maiintindihan kung bakit may mga taong katulad ng mga magulang ko.

“I just want you to be safe, Anisha, and for me to do that… I need your cooperation. Mas makabubuti sa ngayon kung manatili ka lang muna sa iyong condo. As much as possible, stay out of your parents’ sight. Or…” nabitin sa ere ang kaniyang salita dahil hinintay niyang magtama pa ang aming mga mata.

“Puwede kang manatili muna rito,” he offered. “Nasabi na rin ni Papa na kung gusto mo naman nang mas maraming kausap, puwede ka sa kanilang bahay. Para na rin mayroong makausap si Mama,” dagdag niya pa.

“Ayos lang ako sa condo ko. Hindi naman nila alam kung saan iyon at mayroon namang security,” sabi ko kahit na ang totoo ay natatakot na rin ako.

“Kung gan’on, papayag ka ba na pabantayan kita?”

“Pabantayan?”

“Nagsuhestiyon na rin si Papa na pabantayan kita. I’d add bodyguards to tail you, pero kung hindi ka naman kumportable, kahit sa malayo lang sila. Just enough for them to attend to you, when you feel uncomfortable with the situation.”

Hindi nga ako kumportable roon pero natatakot na ako kaya sa huli ay pumayag na rin ako.

“Gusto ko rin sana na mas agahan iyong kasal para makalipat ka na kung sakali man sa mas ligtas na lugar,” aniya pa.

Gayunpaman, sa lahat ng sinabi niya… gusto ko pa ring pag-isipan nang mabuti ang tungkol sa kasal.

“I… I’ll think about it. Puwede naman iyon, hindi ba?”

Hindi siya kaagad sumagot dahil naninimbang pa ang kaniyang mga mata. Ngunit sa huli ay nakuha niya namang tumango.

“I’ll give you time to think about it. For now, let’s just talk about the other things you said last night. I just want to make sure if you really meant those words or not,” sabi niya pagkatapos ay ihinilig niya ang kaniyang likod sa backrest ng upuan.

“Alin d-doon?” pagmamaang-maangan ko kahit may ideya naman ako sa kung ano ang tinutukoy niya.

“Do you really consider giving yourself away just to getaway from our supposed wedding?” matalim ang mga matang iginawad niya sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula na ang buong mukha ko sa kahihiyan.

I don’t even know if I meant those words or not! Ngayon tuloy ay sumasakit ang ulo kong mag-isip ng isasagot ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay anumang sagot ang sabihin ko ay hindi siya matutuwa.

“Let’s just forget about it. Hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon. It was just me being drunk,” I said. Hoping that he’d buy my reason.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang nakita ko ang pagtango niya. Gayunpaman, mukha pa rin siyang istrikto.

“Good. Dahil hindi rin naman talaga ako papayag na gawin mo iyon,” aniya at sa huli ay parang tuta na lang akong napatango.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 13

    Maraming oras ang ginugol ko sa pagkakatulala sa tanong na iyon. Hindi pa man kumpirmado pero hindi malayong mangyari iyon dahil pareho naming alam na hindi siya gumagamit ng proteksyon sa tuwing ginagawa namin iyon. Hindi ko rin alam kung paano ko tatanggapin iyon kung sakali. Should I be happy? O dapat akong malungkot gayong hindi pa nga kami kasal pero mayroon kaagad nabuo. Hindi ko rin pinagsisisihan at kung totoo ngang nagbunga ang ginawa namin ay tatanggapin ko naman nang buo dahil ginusto ko rin naman nang mangyari sa amin. It may not be planned, but I am sure that I would keep the baby. Mamahalin at aalagaan ko pa rin kahit na hindi planado at inaasahan. "Ma'am?" Pagkuha ng isang kasambahay sa atensyon ko. Kaagad naman akong lumingon sa kaniya. She looked worried about me, I just can say based on how she looks at me. "Ayos lang ho ba kayo?" She asked. I wiped my tears as I nodded. Ni hindi ko magawang kumain nang maayos kanina dahil sa biglaang balita na iyon. Halos mang

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 12

    The next days were exhausting. Habang mas nalalapit ang kasal ay mas humihirap din ang bawat araw para sa amin. Kahit pa sumasama lang naman ako kay Spade dahil mas hands on talaga siya kumpara sa akin, nakakapagod pa rin talaga. Gusto kong magreklamo pero sa tuwing nakikita ko si Spade, bigla kong naiisip na kung mayroon mang may karapatang mapagod sa aming dalawa, siya iyon. "Pagod ka na? Puwede na tayong umuwi kung gusto mo. Tapos naman na tayo sa dapat nating tapusin ngayong araw," Spade asked as we were walking back to his car. Katatapos lang namin sa pagpili ng mga bulaklak na gagamitin sa araw ng kasal. "Ano'ng pabango ang gamit mo?" I asked instead habang kinukulubot ang ilong. Kanina ko pa kasi naaamoy habang magkatabi kami roon sa flower shop kung saan kami galing. "Iyong dati pa rin naman." Kumunot ang kaniyang noo. "Why? Is there a problem?" Concerned niyang tanong habang inaamoy ang kaniyang sarili. "Hindi ko gusto ang amoy. Sigurado ka bang pareho lang iyan sa palag

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 11 (Part 2)

    "Ouch!" Daing ko nang tumama ang kaniyang kamao sa braso ko. Hindi naman iyon gan'on kalakas pero dahil sa gulat ko ay normal lang siguro iyong naging reaksiyon ko. "Walang personalan, it's part of the training," nakangising aniya at muling naghanda para sa pagsugod. Mabilis akong gumalaw para maiwasan iyon pero nahuli niya pa rin ang braso ko. He turned and I groaned in pain as he twisted my hand. Ramdam ko iyong sakit kahit na alam kong hindi niya pa ibinibigay ang lahat ng lakas niya roon. Napamura ako nang mas idiin niya pa lalo ang pagpilipit sa braso ko. "Ayoko na, please! Talo na ako..." pakiusap ko dahil masyado nang masakit iyong braso ko. Pero imbes na bitawan ay mas idinidiin niya pa. Then I realized that he just won't listen kahit pa ilang beses akong magmakaawa. Kung hindi ako kikilos ay baka mawalan na ako ng braso kaya kahit hirap ay pinilit kong sikuhin siya gamit ang isa kong braso. Luckily, his grip loosened a bit the reason why I got the chance to free myself w

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 11

    I woke up with a severe hangover the next day, pero dahil ayokong magpatalo kay Spade ay pinilit kong hindi ipahalata na mayroon akong hangover dahil paniguradong hindi na niya ako papayagang uminom next time. I need to make him think that he's wrong on all the things he said last night para mapapayag ko pa siya next time. "Good morning," I greeted him when I got out of our room. Umupo kaagad ako sa highchair para hindi niya mapansin ang pasuray-suray kong lakad pati ang ngiwi ko sa tuwing pumipuntig ang mga ugat sa ulo ko. "How are you feeling?" He asked nang ilapag niya ang sa tingin ko'y tsaa sa harap ko. Dahil alam kong sinusubok niya lang ako, pinilit kong ngumiti para ipakita sa kaniya na walang talab sa akin ang hangover kahit pa uminom ako nang marami. "I'm fine," I lied pero ang totoo ay parang gusto ko na lang humiga sa kama buong araw. "See? I told you I have a high alcohol tolerance!" Mayabang at taas-noo kong sinabi. Hindi siya umimik. Mabuti na lang at tumalikod siya

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 10 (Part 2)

    Nakuha ko kung anong gusto ko kahit pa panay ang irap at pagsusungit niya sa akin. Iyon lang din naman pala ang kahinaan, ang dami pang sinabi. Hindi na lang pumayag kaagad para natapos din sana kaagad iyong usapan. "That's your last shot. Marami ka nang nainom, Anisha," seryoso niyang sinabi na halos ayaw pang ibigay sa akin iyong baso. Kung kailan naman ako nag-e-enjoy doon niya naman ako pagbabawalan. "No. I want more," pagmamaktol ko. I am aware that I am drunk pero kaya ko pa naman. Iyon nga ang purpose kung bakit ako uminom, e—parq malasing. "Anisha," he called my name again pero binalewala ko iyon. Matapos kong lagukin iyong isang shot ay humingi ulit ako sa bartender na kanina pa napagsasabihan ng kasama ko pero wala namang magawa dahil pinapahintulutan din ni Spade sa huli. "You are so strict, please don't be like that after our wedding!" Medyo nilakasan ko iyon dahil palakas na rin nang palakas iyong music sa club. Magsisimula na rin kasi yata ang kasiyahan sa dance floo

  • The Unwanted Proposal    Kabanata 10

    Isang linggo na simula nang bumisita kami sa bahay pero pakiramdam ko ay naiwan ang isip ko roon. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga salitang sinabi ng mga magulang ko. Nililibang ko naman ang sarili ko pero panandalian lang ding nawawala iyon sa isip ko. One moment, I'm happy talos bigla ulit mababaliw sa kaiisip ng iba't ibang bagay. Tanggap ko na rin naman na ikakasal ako, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan lalo pa at enggrande iyong kasal. Maraming tao ang manonood dahil kilala ang pamilya ni Spade sa iba't ibang industrya. Alam ko ring hindi patatalo ang mga magulang ko sa pag-iimbita ng mga kakilala hindi dahil masaya sila para sa akin kung hindi para ipagyabang na ikakasal ang anak nila sa isa sa mga pinaka-mayayamang pamilya sa Pilipinas. "Are you ready to go?" Pagyayaya ni Spade sa akin habang nakaharap pa ako sa salamin. Ngayong araw ay magpapasukat kami ng gown. Malapit na ang kasal pero ngayon lang talaga kami kikilos para sa preparasyon. Impossible kung tutuusin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status