Mag-log inCHAPTER 1
— Snow Eve Alera SNOW EVE POINT OF VIEW "LOLO, Lola, nandito na po ako—" Napatigil nalang ako ng may marinig akong nag-uusap sa loob ng maliit naming bahay. Tinanggal ko kaagad ang sapatos ko at umakyat sa bahay na gawa sa kawayang sahig at mga kahoy na ding-ding. “Malapit na po ang deadline ng isinanla niyong lupa. Balita rin po namin na may hindi pa kayo nababayarang utang. Gusto lang po namin ipaalala na kailangan niyo ng bayaran bago pa kayo mapaalis.” Saglit akong napatigil sa narinig. Humihinga naman ako ng malalim. “Kung kami kaya niyo pang makiusapan na maextend ang deadline. Pero ang pinag-utangan niyo po, mukhang malaki ang nakuha niyo sa kanila.” Napakagat labi naman ako at tuluyan ng pumasok sa loob. Nagsitinginan naman sila sa akin. Ngumiti nalang ako at dumeretso kay Lolo at Lola saka nagmano. Nginitian ko rin naman ang dalawang taong pumunta dito. Sila ang mga taong pinagsanlaan namin ng lupa. Dahil sa pag-aaral ko sa kolehiyo, kinakailangan naming isanla ang lupa at magkautang, ang iba rin kasi ay ang pagpapagamot sa sakit ni Lolo. Kararating ko nga lang galing sa part time job na pinasukan ko at saktong katatapos ko lang sumahod. Napangiti naman ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 40 taong gulang na. “Balita ko malapit ka ng grumaduate, iha.” Napatango naman ako at marahang napangiti. “Opo, makakapag trabaho na rin po ako.” Umupo ako sa gilid. “Siya nga po pala, nasa inyo po 'yong listahan ng pinaguutangan namin hindi po ba?” Pagtatanong ko sa mga ito. Madalas kasi ay pinapasabay nalang ang listahan sa kanila. Mula pa kasi sila sa kabilang baryo at madalas silang bumisita dito sa aming baryo. Tumango naman ang dalawa at ipinakita sa akin. Malaki pa nga ang kailangan naming bayaran. Mabuti nalang din at ang pinagsanlaan namin ng lupa ay mababait. “Saglit lang po.” Tumayo ako saka pumunta sa kuwarto ko upang kunin ang perang naipon ko. Nag iwan lang ako ng kaunting pera para sa isang linggo naming pamumuhay. Hindi na rin kasi makatrabho si Lola at Lolo dahil sa may katandaan na nga sila at may nararamdaman na rin. Si Lola naman ay nakiki ani ng mga gulay sa mababait na kapitbahay at binebenta niya ang mga ito. Iyon nga lang ay hindi naman ito palagi at seasonal lang ang mga gulay. Madalas pa ang tag tuyot kaya halos wala ring masiyadong bunga. Kahit gano'n pa man, natustusan ang pag-aaral ko. Sa tulong na rin ng part time job na matagal ko na ring trabaho. Bumalik ako sa sala at iniabot ang bayad. “Kalahati lang po ito, para po yan sa hulog ng dalawang buwan. Next week na po ang Graduation ko. Sure po na makakahanap na po ako ng trabaho at mababayaran ko na 'yan lahat.” Napangiti naman ang dalawa at sinimulang ilista ang hinulog ko. “'Wag kang mag-alala iha, mapapakiusapan mo kami tungkol sa sanla. Basta hindi niyo kami tatakbuhan.” Pabirong sabi ng isang ale. Nagtawanan na lamang kami. “Malinis po ang konsensiya namin. Kung nangyari man po iyon baka nadakip lang kami.” Hindi rin nagtagal ang dalawa at nagpaalam na sila upang umalis at may mga susunod na bahay pa naman daw silang pupuntahan. “Apo, sigurado ka sa binigay mo? Baka kakailanganin mo pa iyon, hindi ka pa tapos sa pag-aaral. 'Di ba ang sinabi mo mag-aapply ka pagkatapos.” Napabuntong hininga naman ako, kalaunan ay napangiti. Tourism ang kinuha ko, ang sinabi ko nga na gusto kong makapag trabaho sa eroplano o sa mga malalaking offer. Kaso nga lang ay kinakailangan pa rin 'yon ng gagastusin para sa requirements. Hindi naman puwedeng walang wala akong dadalhin. Isa pa ay imbis matulungan ko kaagad sila Lola ay hindi dahil mag tetraining pa ako. “'Wag mo nang alalahanin 'yon Lo, magtatrabaho muna ako kung ano ang nandiyan. Marami pa namang oras at bata pa kaya ako. Tatapusin muna natin ito bago ko harapin kung ano talaga ang pangarap ko.” Hindi ko kayang maghintay pa ng ilang buwan o taon bago ako magkaroon ng trabaho. Pagkatapos nga non ay nag-impake na ako kaagad at pumunta sa dorm. KINABUKASAN maaga akong pumunta sa school dahil picturial namin ngayon at ia-aannounce na kung sino ang pinakamataas na rango sa amin. Ako ang president kaya kailangan ko talagang asikasuhin ang dapat sa school. Pagkarating ko nga sa loob ng classroom ay kasalukuyan ng nag-aayos ang iba kong mga kaklase. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Dwayne. “Snow, si Dwayne ba hanap mo? Umalis sila kanina ni Louie.” Napatango naman ako sa sinabi ng isa sa kaklase kong babae. “Wala ka bang napapansin? Like 'di ka ba makikipag break kay Dwayne?” Napataas ang kilay ko at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. “H-Ha?” “Wala. Ask mo nalang si Thyra sa advice.” Napakibit balikat nalang ako ng umalis siya. Si Dwayne ang boyfriend ko at 3 years na kami. Magmula noong first year palang kami nanligaw na siya. Totoo nga na may napapansin ako, pero hindi ko ba alam kung bakit ko hinahayaan ang bagay na iyon. Siguro iniisip ko na haka haka ko lang. Nagsimula na nga ang pag announce kung sino ang nangunguna sa klase ngunit hindi pa rin dumadating si Dwayne. Natapos na ang lahat ay ni anino niya ay hindi ko nakita. “Ikaw sana ang Summa Cum Laude, Snow. Mas deserving mo 'yon.” Napangiti nalang ako at umiling. “Ayos lang 'yon. Nakuha ko naman ang Magna. At si Dwayne ang nanguna kaya it's a win-win.” Napakamot nalang sila ng ulo ng sabay. Inayos ko naman na ang mga gamit ko at pupuntahan si Thyra dahil sabi niya aayusan niya ako para sa pictorial. Naglalakad pa nga ako sa hallway ng makita ko si Dwayne na kasama si Louie na papasalubong sa akin. Napahigpit naman ang kapit ko sa bag ng makita kung paano kumapit si Louie sa braso ni Dwayne. Palihim akong napabuntong hininga ng lumihis ng daan si Louie. Nginitian ako ni Dwayne ng makatapat niya ako. Pilit naman akong napangiti. “Congarts, babe. You got Magna Cum Laude.” Napangiti naman ako ng halikan niya ako sa noo. Nag ooverthink lang kaya ako. “Salamat. You got the highest.” Napangiti siya. “We will going to date after graduation. But. . .” Napatigil siya magsalita. “Can you make a speech for me? I'm sorry babe, I'm too busy. But I promise, ipapakilala kita sa parents ko. And I'll treat you to a fancy restaurant.” Hindi ko naman mapigilang mapangiti saka ako tumango. “Sure, that's not a problem.” Sinubukan ko namang hawakan ang kamay niya ngunit palihim niya lang itong iniwas at parang aalis na. “I should go. Marami pa akong aasikasuhin. Ikaw na ang bahala sa speech. Thank you.” Pagkatapos non ay nagmamadali na siyang umalis. Bumuntong hininga naman ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa classroom ni Thyra ay hinigit niya na ako agad at pumunta sa sulok ng classroom. “Girl, I heard you are the Magna Cum Laude, congratulations, you deserve it. Who's the Summa?” Masayang sabi niya na halos mapunit na ang bibig sa pagngiti. “Thank you. Si Dwayne ang sum—” “What?!” Halos mag-alingawngaw sa buong classroom ang sigaw niyang iyon. Napatigil rin ang mga tao sa ginagawa at napatingin sa amin. “S-Sorry guys.” Paghingi niya ng paumanhin saka bumaling sa akin at painis na bumulong. “Si Dwayne? Why him? Why not you? Girl, ikaw ang gumagawa ng lahat para sa kaniya.” Napakibit balikat ako. “Whats wrong with that? That's how I express my love to him.” Napasapo siya sa noo at bumulong. “Gosh, bakit nag bobó ng friend ko pagdating sa love.” Salubong naman ang kilay niyang tumingin sa akin at sinimulan na akong ayusan. “He got that rank because of you, yet he doesn't even care what would you feel if he's with Louie. And it's just fine with you. Gosh I can't believe you. So what now?” Matagal bago ako nakasagot. “He wants me to do his speech.” Tinignan niya ako ng parang nawawalan ng pag-asa. “And you accepted it? Argh.” Matagal na katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. Hanggang sa matapos niya akong ayusan. Bumuntong hininga naman siya. “Snow, listen. I hope this would be my last advice for you about that Dwayne. Go back for now. Bumalik ka kaagad sa dorm mo at pupuntahan kita.” Napatango nalang ako sa sinabi niya. “You are too kind, you are being so considerate and blind about the truth. About sa speech? Go ahead, do it. But wait for me sa dorm.” Napatayo naman na kami, hinawakan niya ako sa braso ko. “Matalino ka, Snow. 'Wag mong sayangin 'yang talino mo para lang sa isang gung-gong na tayo.” Napapikit pikit naman ako sa sinabi niya saka ako hinatid palabas. Mabilis din naman akong nakarating sa classroom at magsisimula na ang picturial. Gaya ng sinabi ni Thyra, pagkatapos ng picturial namin ay dumeretso na ako sa dorm ko. Hindi nga rin nagtagal at dumating si Thyra na maraming dalang snacks. “Natagalan ba paghihintay mo? Si Daddy kasi pinilit pa ako mag grocery para raw sa 'yo. Pa graduate na kasi ang lahat ayaw mo talagang lumipat sa bahay.” Napatawa naman ako. “Okay na ako. Ang dami niyo na ngang naitulong sa kain. Makikibahay pa ako. Okay na rin 'to para masanay ako.” Napangiwi siya. Marami na nga silang naitulong sa akin. Si Thyra lang ang naging kaibigan ko magmula first year. Isa akong scholarship sa malaking school at ewan ko kung bakit mababa ang tingin nila sa scholarship. Si Thyra naman ay subrang yaman pero walang kaibigan dahil halos lahat ng naging kaibigan niya ay yaman niya ang habol. Magmula noon sa akin nalang siya lumapit dahil ako lang daw ang kakaiba sa lahat. Si Thyra rin lang ang kakaiba sa lahat dahil 'di mababa ang tingin niya sa akin. Magkaklase naman kami noon, pero napaghiwalay kami noong third year college. Halos lahat ng tulong ng pamilya ni Thyra tinatanggihan ko dahil subrang nakakahiya. Marami na rin silang naitulong sa akin sa ibang bagay. “Ito ha, 'di na ako magdadalawang isip. I'm sorry for hurting your feelings now. Pero gurl, si Dwayne, 'yang talino mo ang habol niya sa 'yo. Kung puwede lang na sampalin kita para matauhan ka gagawin ko.” Napayuko ako. “Alam kong napapansin mo rin, Snow. At alam ko na pinagtatakpan mo lang na hindi ka nakakahalata. Pero si Louie at Dwayne. Matagal nang sila.” Napatingin ako sa kaniya ng may puno ng pag-aalala at pagaalinlangang mga mata. Nanlumo naman ako, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. “May nalaman ako. They want to use the graduation to hurt your feelings. I heard that, that day makikipag break na sa 'yo si Dwayne. And so on malalaman mo nalang na sila na ni Louie.” Tumango ako habang pinipigilan ko ang emosiyon ko. “You know about it right? Ba't hindi mo sinabi sa akin? Bakit hinayaan mong tratuhin ka ni Dwayne ng gano'n? Akala ko naman okay na si Dwayne kasi napansin ko noon na he's giving an effort. Tapos malalaman ko dahil pala 'yon sa grades?” Napabuntong hininga ako. “I'm sorry. I don't want to trust my guts kasi eh. You know, Dwayne never push me so hard—” Pinatigil niya ako magsalita. “I know. Enough with stupidity. You'll do what will I say. I'm trying to save you girl. Baka nakakalimutan mong minsan na siyang humingi ng pera sa 'yo alam naman niya ang sitwasiyon mo. He's trying to drain you.” “I'm telling you about this, dahil ayaw kong masaktan ka ng subra sa Graduation day na sana masaya ka. I don't want that Dwayne to ruin your day. Surprise him, break him up.” Napatingin ako sa kaniya. “Hi-Hindi gano'n 'yon kadali.” Mabigat sa dibdib na sabi ko. “I know, that's why I'm helping you. Ilabas mo lahat ngayon. Pagdating ng araw na 'yon, ipakita mo sa kaniya kung sino ang talunan.” “Gawin mo na ang speech, include the person that he really love. Leave it blank, at pag hindi pangalan mo ang binanggit niya. Please, make a decision. 'Wag mong gagalingan sa speech niya. Put some errors dahil 'di niya naman deserve.” Napatingin ako sa kaniya at umiling. “Alam mo namang 'di ko kayang gumawa ng gano'n.” Napasapo siya sa noo. “Tsk, ang hirap talaga pag subrang bait mo. Kaunti nalang talaga girl ako na ang sasabunot sa kaniya. Baka ako na ang mag decide na mag break na kayo.” Napatingin siya sa akin. Kalaunan ay niyakap ako. “I'm sorry. I just don't want anyone na saktan ka. Hindi ko gustong nakikitang naaapi ka girl.” Napatango nalang ako sa kaniya. Tama nga siya. Kailan ko nga ba ulit naramdaman na minamahal ako ni Dwayne. Masiyado nga ba talaga akong nabulag? Napakapit nalang ako sa dibdib ko. Mabigat, at parang may tumutusok, pero kahit papaano alam ko na. Tatanggapin ko. “Take a rest. I know you need to be alone. Think about it girl. Tell me anything, and I'll help you.”SNOW EVE POINT OF VIEW—KINABUKASAN 8:30 ako nagising. May pasok pa ako ngayon. Nanghihina pa nga ang katawan ko pero wala naman akong magagawa.“Woy, Snow.” Tawag sa akin ni Klara kaya napatingin ako sa kaniya.“Bakit?” “Madalas na ang pagkakape mo ah. Akala ko ba hindi ka nagkakape.” Tama nga, pero para hindi ako antukin ay nagkakape na ako. Sa convenience store nga ay nagkakape rin ako dahil halos maidlip talaga ako roon habang nakatayo at naghihintay ng customer.“Inaantok kasi ang katawan ko kailangan ko ng pampagising.” Mag-iisang linggo palang kasi ako na may part time job kaya hindi pa ako nasasanay. Actually, madali lang naman sana ang may dalawang trabaho dahil nakakatulog pa ako ng ilang oras. Pero sa cafe kasi ay mabubogbog talaga ang katawan sa rami ng customer, kaya pagdating sa convenience store ay pagod na pagod ka na at pahinga nalang talaga ang hihilingin mo.“'Wag ka masiyado riyan te. Try mo kaya 'yong kape na healthy sa katawan.” Kinuha niya ang kaniyang cellph
SNOW EVE POINT OF VIEW—KINAUMAGAHAN nauna na akong umalis kay Klara at may hinahabol akong tao sa may park para abutan ng kaunting tulong. Nakita ko kasi siya kahapon at hindi ko na nabigyan dahil wala nang natira. Maaga pa naman masiyado hintayin ko nalang siya sa park.“Klara mauna na ako, daanan mo ako sa park ha,” sabi ko sa kaniya pagkalabas niya galing sa banyo at naligo.“Oh? Aga mo ah saan punta mo?” “May dadaanan lang, baka kasi wala na siya roon kapag tinanghalian ako.” Tumango nalang siya sa akin.Nagsimula na akong maglakad palabas ng apartment at tinahak ang daan sa isang park. Dumaan muna ako sa nakabukas na bakery at bumili ng ilang supot na tinapay at tubig. Sayang nga lang at wala akong makitang karenderya na bukas na. Nasa bandang likod pa kasi ang iba na nakabukas pero masiyadong malayo.Pagkarating sa park, hinanap ko kaagad ang taong nakita ko kahapon. Kakalingon ko ay nagtama nanaman ang mata namin ng taong may galit na imahe. Napangiwi ako. Bakit ko ba laging
SNOW EVE POINT OF VIEW—PAIKOT ikot ako ngayon habang nasa kama ko at pinipilit kong kunin ang tulog ko. Ilang beses na akong pumuwesto sa magkabilaang side ng kama ko pero hindi talaga ako makatulog. Hanggang ngayon kasi ay sila ang iniisip ko, kung kamusta na kaya si Lolo.Napaupo nalang ako at umupo sa may gilid sa pintuan at binuksan ang cellphone. Wala pa ring tawag si Tita at ala una na ng madaling araw. Napatingin ako kay Klara na mahimbing ang tulog at hindi nagising sa kakagalaw ko, tulog mantika kasi ang isang 'to.Bakit kaya hindi pa rin tumatawag si Tita? Siguro okay na si Lolo? Pero paano kung hindi? Paano kung emergency? “Ha.” Pagbuga ko ng hangin at napailing. Nakaidlip naman yata ako kanina nang isang oras. Hindi na talaga ako makatulog.Napatayo ako at kumuha ng chocolate drink saka pumunta sa kusina para magtimpla. Nagtipa ako sa cellphone ko at sinubukang maghanap ng puwedeng paraan para madagdagan ang pera ko.Maya maya pa napahikab nalang ako at ubos ko na pala
SNOW EVE POINT OF VIEW—ILANG LINGGO na ang nakalipas magmula nung araw na 'yon. Kahit papaano nakaka move on na rin ako sa bagay na iyon. Natanggap ko na na may mga ganoong tao. Purket nakakaangat sa buhay ay gano'n na sila. Unti-unti nga rin ay nakikilala ko na itong syudad. Tama nga na sagana at maraming puwedeng trabaho rito, ang dark side lang ay ang ibang tao.Nabanggit nga sa akin ni Klara na hindi naman lahat ng mayayaman dito ay gano'n. May ilan din namang mababait at down to earth lang.Sa ngayon hindi pa ako ulit naaassign sa VIP room. Si Klara na ulit ang nag aassist, minsan nga talaga ay may mga bastos magsalita at parang ituring kang kasambahay hindi bilang server sa isang cafe. Pero minsan ay mababait sila. Bilib nalang talaga ako kay Klara at nakakaya niyang tiisin ang gano'n.Humingi na rin ng pasensiya si Sir Yohan at sinabi sa akin na kasama sa pagtatrabaho iyon. Naiintindihan ko na 'yon at alam ko na ang gagawin ko sa susunod.Pero gaya nila. Tao rin naman ang ka
SNOW EVE POINT OF VIEWILANG ARAW na ang nakalipas magmula noong nakapasok ako sa cafe. Sa totoo lang maganda talaga sa lugar na 'to.Nasasanay na rin ang katawan ko sa pagod kahit papaano. Gaya nga ng inaasahan, same schedule kami ni Klara at halos hindi kami mapaghiwalay. Sinabi niya pa ng ana lilipat nalang siya sa apartment ko dahil mas malapit at less hassle na sa pag uwi. Pero ngayon, Martes, wala siya sa counter kasama ko. Kaya magkabilaan din talaga ang ang papunta ko sa counter at kusina.Ganito ang trabaho noon ni Klara noong wala ako, nakaya niya nga noon eh. Kakayanin ko rinAng utos kasi ni Sir Yohan kaninang umaga ay sa taas muna si Klara sa may inventory. At magrereceive ng mga order. Hindi kasi nakapasok ang in charge roon dahil nagkasakit. Kulang na kulang talaga ang trabahador dito.Nabanggit din nga ni Klara na kaya kaunti ang nagtatrabaho kahit madali naman sila mag pasok ng tao ay nakadepende sa school na pinnaggalingan. Sa totoo pala ay marami talagang nag aapply
SNOW EVE POINT OF VIEW—ALAS syete na ngayon ng gabi at marami pa rin ang customer. Maganda kasi talaga ang pagkaka puwesto nitong cafe at talagang ang daming dumadaan. May pumasok na rin palang iba kanina na nagtatrabaho rito at hanggang 10 lang sila. Kumapara sa amin ni Klara mas mataas ang sahod namin. Nabawasan na nga rin ang trabaho dahil sa mga dumating. Pero kahit ganon nararamdaman ko pa rin ang pagod ko. Gusto ko nalang mahiga at matulog. Tapos naalala ko hindi pa kami naggabihan.Napangiti nalang ako ng 3 minutes nalang at tapos na ang trabaho namin ni Klara. Halos maiyak nalang ako habang natatawa dahil halos hindi ko na maramdaman nag katawan ko.“Ms. Snow. Mauna ka na magpahinga roon.” Halos manlumo akong tumingin sa manager. Yumuko nalang ako at pumunta sa isang room saka naupo habang nililigpit ang mga gamit ko.“Grabe.” Napapabulong sa hangin kong sabi. Kailangan kong mag take ng gamot ngayon para bukas ay may lakas ako. Mabuti nalang at 10 pa ang pasok.Maya maya n







