LOGIN
PROLOGUE
KABADO akong naglalakad ngayon papunta sa loob ng mansion ng pamilyang Valderrama. Ang dalawa kong kamay ay nakayukom habang nasa dibdib ko at humihinga ng malalalim. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa malaking pintuan. “Kaya ko 'to. Magiging okay naman siguro lahat kapag sinabi ko.” Pagpapalakas loob na sabi ko sa sarili ko at tuluyan ng pumasok sa loob. Pagkapasok, natagpuan ko ang Ina ni Nicholas na si Mrs. Florina na nakaupo sa sala at nagbabasa ng libro. Sa kaniyang pag-upo palang ay mahahalata mo talagang mataas ang estado sa buhay at hindi madaling kalabanin. Kasama niya ang kaniyang mga kasamahan, kaibigan niya na kasama niyang nag-palaki sa mga kumpanya. “What are you looking for?” Bahagya akong nagulat at tinanggal ang tingin sa kaniya. “W-Wala po.” Mahinang sabi ko at nagsimulang maglakad papunta sa taas upang hanapin ni Nicholas. Rinig ko naman ang mahina nilang tawanan. “Florina, siya ba 'yong binabanggit mo na pinili ng anak mo? Kailan pa kayo tumanggap ng low profile? Malaki ba naitutulong niyan sa kumpanya?” “Hm, I heard mula yan sa simpleng pamilya lang. Bakit ka naman pumayag Florina.” Dinig ko na pag-uusap nila. Naramdaman ko naman ang pagka inis ni Mrs. Florina. “Talagang wala ka pa ring balak umalis. Yaya! Can you please clean this area? Ang dami pa ring basurang pakalat kalat sa paligid.” Napayuko ako sa isinigaw ni Mrs. Florina. Napansin ko pa ang pag-irap nito sa akin. Siguro nga ay hindi na ako matatanggap ng pamilya ni Nicholas. Mabigat man sa dibdib ay isinawalang bahala ko nalamang iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Habang papalapit ako sa kuwarto ni Nicholas ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako ng subra sa hindi maipaliwanag na dahilan. Muli akong bumuntong hininga at tumigil sa tapat ng pintuan na bahagyang nakabukas. Kakatok na sana ako rito ngunit nakarinig ako ng usapan mula sa loob ng kuwarto niya. Inilapit ko ang tenga ko at sinubukang makinig. Nanikip ang dibdib ko ng marinig ang tinig na iyon. “Your family clearly wants me more than that b!tch. Aren't you called me here because you need me? I heard na, you are planning to divorce her.” Napatigil ako, kilala ko ang buses na 'yon. Siya sana ang Fiancée ni Nicholas. “That's not—” Hindi na natuloy ang sasabihin ni Nicholas. Binuksan ko ang pintuan. Ngunit sa kabila non, nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa puso, galit na umaapaw sa buong katawan ko. “Nicholas.” Mahinang sabi ko habang tinitignan ang mga labi nilang nakalapat sa isa't isa. Gulat na napatingin sa akin si Nicholas at itinulak si Klea. Napakuyom ako ng kamao at napatulala. Walang masabi, walang maramdaman at halos hindi na makagalaw sa kinatatayuan. Sa buong buhay ko'y hindi ko naramdaman ang ganitong klaseng pait. Dahan dahan akong napalunok habang nararamdaman ang kung anong nakabaradong bagay sa lalamunan ko. “S-So,” hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil naramdaman kong uminit ang magkabilaang mata ko sa simpleng salita lang. Huminga ako ng malalim at pinilit kong pigilan ang mga luhang gusto ng kumawala. “Why you d-didn't tell me.” Napatigil ako. Tinitigan ko siya ng puno ng pagtataka. Itinaas ko ang palad ko na pinapatigil siya na balak magpaliwanag. Alam ko na, malinaw na sa akin ang lahat at hindi niya na kailangan pang magpaliwanag. “Okay na, malinaw na sa akin lahat. Pero sana naman, sinabi mo una palang.” Tuluyan ng bumagsak ang mga luha kong pilit kong pinigilan. Marami pa akong gustong sabihin, ngunit hindi ko na naituloy. Bago pa man ako makaalis ay nakita ko pa ang pagtawa ni Klea. Mabilis akong pumunta sa kuwarto ko habang paulit ulit na pinapahid ang luha ko. Pagkasara ko ng p***o ay napaupo nalang ako habang nakasandal. Pinipigilan ang sarili na masaktan ng subra at mapahagulgol. Napahawak ako sa tiyan ko. “Baby, ako na b-bahala sa 'yo. Pasensiya ka na. A-Ayaw nila sa akin. Aalis na tayo, hindi na niya kailangan pang malaman ang tungkol sa 'yo.” Nanginginig ang tuhod kong napatayo habang dahan dahan kong inaayos ang mga gamit ko para umalis. PAGDATING ng gabi naihanda ko ang mga gamit ko at handa ng umalis. Wala na ring saysay kung magpapaalam pa ako kay Nicholas kaya hindi ko na naisipan pang dumaan sa kuwarto niya. Dala ang mabibigat na buntong hininga akong bumaba sa hagdan. Wala akong balak magpaalam kahit kanino sa kanila. Lahat naman sila ay pare-pareho ang pagtrato sa akin. Si Lola Rowena lang ang nagmamalasakit sa akin dito. 'Yon nga lang hindi ako makakapag paalam ng maayos dahil wala naman siya dito. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa ibang bansa. Saka ko nalang siguro siya kakausapin pag umuwi siya o magkita kami. Pagkababa ko, nadatnan ko ang ama ni Nicholas. Si Mr. Nico. Kumpara sa Ina at mga kamag-anak ni Nicholas, masasabi kong maayos pa siya dahil hindi siya ganon palaimik. Ayaw niya rin sa akin, pero hindi siya subra kung umasta. Tinignan niya ako ng nakataas ang kilay saka napunta sa mga gamit ko. “Saan ka pupunta ng gabing gabi? Gawa ba 'yan ng may asawa na?” Napayuko ako. Wala na nga talaga akong aasahan sa pamilyang 'to. “A-Aalis na po ako. Pasensiya na po sa abala.” Tinignan niya lang ako ng parang wala lang at nagpakawala ng hininga. Binalik niya ang paningin sa ginagawa. Nang hindi na siya magsalita, nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng malaking bahay na nagdulot sa akin ng matinding sakit. Pagkalabas ko mula sa malaking gate, napatingin pa ako sa buong bahay. Isang napakalaking bahay na nagbigay rin ng napakalaking sugat sa puso ko. Nakakapagtaka kung bakit sa tagal ng panahon, mas pinili kong manatili ng matagal sa bahay na ito. Ngayon tila nabunutan ng malaking harang sa katawan ko. Kung sana noong una palang hindi ako nabulag sa pagtrato nila. Kung sana noong una palang hindi na ako nagpaniwala sa loob ko na mababago ko sila at matatanggap ako, siguro hindi mangyayari ang lahat ng ito. Napabuntong hininga ako saka tinakpan ng itim na tela ang ulo ko. Napapabuntong hiningang tinahak ang madilim na daan at tinanggap ang buhay na ako rin mismo ang gumawa. —SNOW EVE POINT OF VIEW—PAIKOT ikot ako ngayon habang nasa kama ko at pinipilit kong kunin ang tulog ko. Ilang beses na akong pumuwesto sa magkabilaang side ng kama ko pero hindi talaga ako makatulog. Hanggang ngayon kasi ay sila ang iniisip ko, kung kamusta na kaya si Lolo.Napaupo nalang ako at umupo sa may gilid sa pintuan at binuksan ang cellphone. Wala pa ring tawag si Tita at ala una na ng madaling araw. Napatingin ako kay Klara na mahimbing ang tulog at hindi nagising sa kakagalaw ko, tulog mantika kasi ang isang 'to.Bakit kaya hindi pa rin tumatawag si Tita? Siguro okay na si Lolo? Pero paano kung hindi? Paano kung emergency? “Ha.” Pagbuga ko ng hangin at napailing. Nakaidlip naman yata ako kanina nang isang oras. Hindi na talaga ako makatulog.Napatayo ako at kumuha ng chocolate drink saka pumunta sa kusina para magtimpla. Nagtipa ako sa cellphone ko at sinubukang maghanap ng puwedeng paraan para madagdagan ang pera ko.Maya maya pa napahikab nalang ako at ubos ko na pala
SNOW EVE POINT OF VIEW—ILANG LINGGO na ang nakalipas magmula nung araw na 'yon. Kahit papaano nakaka move on na rin ako sa bagay na iyon. Natanggap ko na na may mga ganoong tao. Purket nakakaangat sa buhay ay gano'n na sila. Unti-unti nga rin ay nakikilala ko na itong syudad. Tama nga na sagana at maraming puwedeng trabaho rito, ang dark side lang ay ang ibang tao.Nabanggit nga sa akin ni Klara na hindi naman lahat ng mayayaman dito ay gano'n. May ilan din namang mababait at down to earth lang.Sa ngayon hindi pa ako ulit naaassign sa VIP room. Si Klara na ulit ang nag aassist, minsan nga talaga ay may mga bastos magsalita at parang ituring kang kasambahay hindi bilang server sa isang cafe. Pero minsan ay mababait sila. Bilib nalang talaga ako kay Klara at nakakaya niyang tiisin ang gano'n.Humingi na rin ng pasensiya si Sir Yohan at sinabi sa akin na kasama sa pagtatrabaho iyon. Naiintindihan ko na 'yon at alam ko na ang gagawin ko sa susunod.Pero gaya nila. Tao rin naman ang ka
SNOW EVE POINT OF VIEWILANG ARAW na ang nakalipas magmula noong nakapasok ako sa cafe. Sa totoo lang maganda talaga sa lugar na 'to.Nasasanay na rin ang katawan ko sa pagod kahit papaano. Gaya nga ng inaasahan, same schedule kami ni Klara at halos hindi kami mapaghiwalay. Sinabi niya pa ng ana lilipat nalang siya sa apartment ko dahil mas malapit at less hassle na sa pag uwi. Pero ngayon, Martes, wala siya sa counter kasama ko. Kaya magkabilaan din talaga ang ang papunta ko sa counter at kusina.Ganito ang trabaho noon ni Klara noong wala ako, nakaya niya nga noon eh. Kakayanin ko rinAng utos kasi ni Sir Yohan kaninang umaga ay sa taas muna si Klara sa may inventory. At magrereceive ng mga order. Hindi kasi nakapasok ang in charge roon dahil nagkasakit. Kulang na kulang talaga ang trabahador dito.Nabanggit din nga ni Klara na kaya kaunti ang nagtatrabaho kahit madali naman sila mag pasok ng tao ay nakadepende sa school na pinnaggalingan. Sa totoo pala ay marami talagang nag aapply
SNOW EVE POINT OF VIEW—ALAS syete na ngayon ng gabi at marami pa rin ang customer. Maganda kasi talaga ang pagkaka puwesto nitong cafe at talagang ang daming dumadaan. May pumasok na rin palang iba kanina na nagtatrabaho rito at hanggang 10 lang sila. Kumapara sa amin ni Klara mas mataas ang sahod namin. Nabawasan na nga rin ang trabaho dahil sa mga dumating. Pero kahit ganon nararamdaman ko pa rin ang pagod ko. Gusto ko nalang mahiga at matulog. Tapos naalala ko hindi pa kami naggabihan.Napangiti nalang ako ng 3 minutes nalang at tapos na ang trabaho namin ni Klara. Halos maiyak nalang ako habang natatawa dahil halos hindi ko na maramdaman nag katawan ko.“Ms. Snow. Mauna ka na magpahinga roon.” Halos manlumo akong tumingin sa manager. Yumuko nalang ako at pumunta sa isang room saka naupo habang nililigpit ang mga gamit ko.“Grabe.” Napapabulong sa hangin kong sabi. Kailangan kong mag take ng gamot ngayon para bukas ay may lakas ako. Mabuti nalang at 10 pa ang pasok.Maya maya n
SNOW EVE POINT OF VIEWNAPAHIKAB ako habang papabangon palang sa higaan ko. Pangalawang araw ko palang ito na naghahanap ng trabaho at naglilibot sa city.Kabilang side palang ng city ang medyo nalilibot ko. Dito naman ako sa isang side ngayon.Pagkatayo ko nga ay napangiwi pa ako dahil nagkanda tunog tunog ang buto ko. Medyo masakit ang katawan ko dahil sa mahabang paglalakad pero go lang. Napasilip naman ako sa bintana habang kinukusot ang mata ko, alas sais palang ng umaga at marami agad sasakyan ang pabalik balik. Ang iba naman naglalakad habang naka uniform at ready na pumasok sa trabaho.“Kailan kaya ako.” Mahinang bulong ko sa sarili ko.Wala naman talaga akong balak gumising ng maaga ngayon dahil pagod na pagod ako kahapon. Pero maingay na ang paligid.Masakit man ang katawan ay pinilit kong maligo at ihanda ang sarili ko para maghanap ng trabaho. Excited pa nga akong nagbukas ng inbox ko baka sakaling may nag text na tanggap na ako sa trabaho pero nakapanlulumo lang dahil wa
SNOW EVE POINT OF VIEWSA WAKAS, makalipas ang isa pang oras ay nakarating na rin ako. Hawak ang maleta at bag sa magkabilaang kamay, napatingala akong namamangha sa mga nagtataasang building sa paligid. Kahit may kasiliman na ay nakikita ko pa rin ang mga building dahil sa ilaw. 6:40 palang naman ng gabi. Nandito na nga ako, at hindi ko pa naranasang makakita ng mga buildings.Nakatayo lang ako sa kawalan at parang ibong nakawala sa hawla na ngayon lang nakita ang mundo. Napapangiti naman akong nilanghap ang mga usok at Gasolina sa paligid. Ang pinag-kaiba lang talaga ay fresh ang naamoy ko sa probinsiya.“Sh!t.” Bigla akong napasinghap at napaatras nang may mainit na bagay ang tumapon sa balat ko.Napatingin ako sa lalaking mukhang may lahi. Nabangga niya ako habang may hawak na kape kaya naitapon sa akin at sa kamay niya. Kulay gray ang kaniyang buhok at ang tangkad niya. Sa galaw niya palang ay alam mo nang hindi siya simpleng tao. Hindi ko nga lang gaanong maaninag ang mukha dah







