Partager

CHAPTER 2

last update Date de publication: 2026-08-20 07:20:33

CHAPTER 2

SNOW EVE POINT OF VIEW

ILANG ARAW ang nakalipas na halos mabigat ang pakiramdam ko dahil sa mga nalalaman ko. Sa mga nagdaang araw nga na iyon mas marami akong nalaman sa panluluko sa akin ni Dwayne.

Marami na rin pala ang mga nakakita, ang nakakaalam. At dahil sa tulong ni Thyra nalaman ko ang mga iyon. Nanghihinayang ako, nalulungkot sa dahilan na 'yong taong minahal ko ay wala naman talagang espesiyal na nararamdaman para sa akin. Namamanhid ang katawan ko at halos tinatamad sa lahat ng bagay. Gayon pa man ay hindi ako naiyak, hindi siya subrang sakit. Siguro dahil una palang talaga ay alam ko na sa sarili ko ang bagay na iyon.

Nagbulagbulagan lang ako at hinayaan ko ang sarili ko na maluko ng harap harapan. Kaya ngayon na malinaw na sa akin lahat ay parang matagal ko ng tanggap. Hindi ko nga pala deserve ang ganong mga tao. Iyon nga lang ay hindi talaga maiwasang malungkot at makaramdam ng bigat sa puso ko.

Kahit papaano ay may pinagsamahan pa rin kami ni Dwayne, naging parte rin siya ng buhay ko, kahit sabihin ko nang pagkukunwari niya lang ang lahat ng iyon, nakaramdam naman ako ng saya at pagmamahal.

Napapabuntong hininga akong nakatitig sa labas ng bintana ng dorm ko. Makulimlim ngayon, maya maya lang ay babagsak na ang ulan.

Napatingin naman ako sa phone ko na nagri-ring. Sinagot ko naman kaagad ang tawag.

“Hello?”

[“Girl, papunta na ako riyan. Sabi ni Daddy riyan na rin ako matutulog at susunduin tayo bukas ng maaga.”] Napatango ako sa sinabi ni Thyra.

“Sige. 'Wag mo nga lang dadamihan ang gamit mo. Baka hindi na tayo magkasiya.” Napatawa naman siya sa kabilang linya. Nakaraan kasi noong sinubukan niyang matulog dito ay halos napuno ang buong kuwarto dahil sa mga gamit niya. Maliit lang ang dorm ko at sapat lang talaga para sa isang tao.

[“Hindi 'yan. Kahit matulog tayong hindi nakahiga ayos lang sa akin 'yon.”] Napatango nalang ako.

Matapos naming makapag usap ay nagsimula ko na ring itabi ang iba kong gamit. Bukas na ang graduation namin. Naibigay ko na rin kay Dwayne ang speech na hinihingi niya. Sa pagkakakilala ko sa kaniya, hindi niya na babasahin iyon at saka niya nalang ito titignan kapag mag i-speech na siya.

Hindi niya pa nga alam na alam ko na ang lahat. Handa na rin naman na akong makipag break sa kaniya bukas na bukas din.

Kailangan ko na kasing umalis kaagad at bumalik kila Lola. Wala dapat akong sasayanging oras. Masiyado rin akong maraming kailangang gawin at hindi ko na maisisingit si Dwayne. Pipiliin ko nalang ang daan na makapagpapabuti sa amin nila Lola.

KINABUKASAN madilim palang ang paligid ay naghahanda na kami ni Thyra. Masiyadong maraming kailangan si Thyra sa mga event kaya kailangan talagang subrang aga naming magising.

Mag-isa at kalahating oras na nga kaming nakaupo at inaayusan. Sa buhok palang ay inaabot na kami ng ilang oras. Nag hire nga siya ng mag-aayos sa amin.

“Thyra.” Tawag ko sa kaniya na hindi siya nililingon.

“Hm?”

“Sigurado ka ba rito?” Tanong ko sa kaniya, feeling ko kasi nasusubrahan na sa palamuti ang mukha ko.

“Aba oo naman. Gusto kong ipamukha sa kaniya kung sino sinayang niya. Dapat girl, ikaw ang stand out sa graduation ceremony. Tipong lahat sa 'yo mapapatingin. Pero dapat 'di mo na pinapansin si Dwayne.” Napangiwi ako saka napatingin sa salamin na nasa harapan ko. White theme ang make up ko ngayon at kahit ang mga palamuti sa buhok ko ay puti rin. Si Thyra lang naman nakaisip nito.

“Bagay mo talaga ang name na Snow. Para kang dyosa ng isang Snow. Tapos ginanon ka lang ng isang 'yon tsk.” Napatawa nalang ako, sa mga nagdaang araw siya talaga ang mas nainis at galit na galit sa aming dalawa.

“Snowdrop flower 'to 'di ba?” Baling niya sa bracelet ko. Tapos na pala siyang ayusan at kaunting paghahanda nalang puwede na kaming pumunta.

“Oo, ito 'yong nag-iisang iniwan daw ng mga magulang ko sa akin.” Napapangiti akong tinignan ito.

“Pero ngayon ko lang nakitang sinuot mo 'yan.” Napatango ako sa kaniya.

“Pinakaiingat ingatan ko 'to. Ngayon ko lang talaga nilabas 'to.”

“Now it makes sense.” Napatingin ako sa kaniya ay tumayo na rin dahil tapos na akong ayusan.

“Make sense?”

“Oo. Riyan galing 'yong name mong Snow Eve. Galing ng parents mo ha, pinag-isipang mabuti ang name mo. It's a small flower means hope and purity. Hindi nga nakapagtataka, sumisimbolo ka ng isang flower.” Napapangiting sabi niya saka napatigil.

“'Yon nga lang nasubrahan ka, dahil kahit inaapi ka na ayos lang sa 'yo. Tara na nga. Baka mahuli pa tayo.”

Inayos nalang namin ang kaunting gamit at umalis na rin kami.

PAGDATING namin sa school ay marami na ring tao na kumukuha ng litrato sa paligid.

Mula sa hindi kalayuan, natanaw ko kaagad si Dwayne na kasama ulit si Louie, sa panahong ito tila wala na silang pakialam. Kumukuha sila ng litrato.

“'Di ba si Snow ang girlfriend ni Dwayne? What's going on, I never heard that they break up.” Rinig kong bulong ng nasa paligid.

“Dwayne isn't the type of person na magkakagusto sa mahirap. I heard may lukuhang naganap.”

Nakaramdam ako ng biglang pagbigat sa dibdib ko. Masakit pala kapag ikaw na mismo ang nakakakita, akala ko handa na akong harapin siya habang kasama si Louie. Napalunok nalang ako at para bang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. So, they all know now.

“Snow.” Nabalik nalang ako sa wisyo nang hawakan ni Thyra ang kamay ko at binigyan ako ng makahulugang tingin. Napabuntong hininga ako at tumango saka ngumiti.

Dumaan kami mismo sa harapan nila Dwayne. Nagkunware nalang akong walang pakialam at deretsong naglakad. Pinanatili ko ang maamong mukha. Wala na akong magagawa kung 'yan ang gusto ni Dwayne. Tama na ang mga nakita ko.

MAKALIPAS ang ilang oras nagsimula na rin ang graduation ceremony. Sa kasalukuyan malapit na ang pagbibigay ng speech ni Dwayne.

Maya maya pa nga ay nagsimula na rin ang pag speech niya. Ni minsan ay hindi niya ako tinapunan ng tingin. Sa kabilang banda lang kung nasaan si Louie. Ako ang gumawa ng speech ngunit parang wala akong maintindihan, blanko ang pandinig ko. Magkakahalo at maingay.

Nakahawak ang mga kamay ni Thyra sa akin. Hindi dapat siya rito nakaupo, pero mas pinili niyang sumuway.

Maya maya pa ay may inilagay si Thyra sa tenga ko at nagsimula itong tumugtog. Bahagya akong napayuko at bumulong at nagpasalamat.

Nakatingin ako sa mga taong naghihiyawan, nagpapalakpakan at siyang pagtayo ni Louie, ang iba'y napapatingin sa akin. Napangiti ako ng natural. Alam ko na kung ano ang nangyayari.

Sa mga taong iyon, kasinungalingan lang pala lahat ng nakita ko. Tanggap ko na, ito na nga 'yong katotohanan.

PAGKATAPOS ng graduation ceremony, inaya ko kaagad si Thyra na umuwi na kami. Subrang bigat pa rin kasi ng nararamdaman ko. Ayaw ko ng makita pa si Dwayne, sapat na ang lahat sa akin.

“Hindi mo ba muna susugurin si Dwayne at sasabihan siya na tapos na kayo?” Tanong ni Thyra sa akin na hindi rin maganda ang ekspresiyon ng mukha. Umiling ako. “Hindi na kailangan, alam niya naman na siguro na tapos na kami.”

“Tsk. Nakakainis talaga ang mga taong 'yan. Kung ako talaga ang nasa kalagayan mo, sasampalin ko talaga siya! Ang kapal ng mukha.”

Habang pauwi kami ay panay pa rin pagreklamo ni Thyra habang paulit ulit siyang napapailing.

“A-Ano bang nangyari?” Tulalang tanong ko. Sa subrang gulo kasi ng nangyari kanina ay halos wala na akong maintindihan. Tila napakabilis ng pangyayari.

Napatigil si Thyra at tumingin sa akin ng may pag-aalala. “Gaya ng sinabi ko nakaraan, pinakilala ni Dwayne na girlfriend niya si Louie. Pero mas mabuti na rin na 'di mo narinig lahat. Kung alam mo lang na gustong gusto kong hilahin ang mga buhok nila hanggang maubos.” Napabuntong hininga ako. Wala nang saysay pa para isipin nga iyon.

SA bahay nila Thyra kami dumeretso dahil may party raw na magaganap. Kami kami lang daw ang magpaparty, wala kaming mga kaklase dahil ayaw ayain ni Thyra. Mga nasa company workers lang ng daddy niya at ibang kakilala.

“So, ano nang balak mo, Snow?” Napatingin ako sa kaniya. Kasalukuyan na kaming nag-aayos ng mga sarili namin dahil magpapahinga na kami. Masiyadong nakakapagod ang buong araw.

“Hahanap na ako ng trabaho ko. Uuwi ako sa amin at tutulong ako sa bukid. Kailangan nila Lola at Lolo ng mag-aalaga sa kanila, masiyado na silang matanda eh.” Napatango siya.

“No. I mean kay Dwayne. May utang siya sa 'yo. I know the thing about that. Malaking bagay na rin 'yon.” Napailing ako. Bukal sa puso ko ang pagbigay kay Dwayne ng pera noong nangailangan siya. Sabihin na nating inutang niya. Pero hindi ako marunong maningil.

“It's okay.” Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Thyra.

“You can't just say okay to anything, Snow. Malapit na tayong magkalayo. Ayaw mo naman sumama sa akin. Please, in the future, don't let them bully you. Wala akong magtatanggol sa 'yo 'no.” Oo nga pala. Ilang days na lang din pala at mag-iibang bansa na sila ng Daddy niya.

“Than force something I couldn't fix? It will be okay, Thyra. Much better to cut them off. And learn for this mistakes. 'Wag kang mag-alala sa akin, I can do it. Focus ka sa career mo.” Napa 'tsk' naman si Thyra at tumango tango nalang.

“Oo na. Parang 'di naman kita kilala. Ha, ang friend ko subrang talino pero sa pag-ibig.” Napatawa naman ako sa binubulong bulong niya.

ILANG araw nga rin ako nag-stay sa bahay nila Thyra. Gusto niya raw kasi na makasama ako hanggang sa umalis sila ng Daddy niya. Bukas na nga rin ang alis nila kaya heto ako at nag-iimpake ng gamit ko at aalis na rin.

Ihahatid na raw nila ako sa probinsiya. Ilang beses nga ako tumanggi pero mapilit silang mag-ama kaya wala na akong nagawa.

Hanggang ngayon nga ay tumatanggi pa rin ako sa kanilang mag-ama dahil dumaan muna kami rito sa mall. Noong una ay mga grocery ang pinamili ngayon naman ay mga damit. Subrang mahal ng mga ito, marami pa naman akong damit sa bahay at baka 'di na magkasiya sa drawer ko. Isa pa ang dami na nang grocery.

“Dad! Hindi 'yan! Snow, couldn't use it to find a work. Ito! Formal.” Pasigaw na bulong ni Thyra sa ama niya.

“No, honey. She can still use this one in the future—”

“Princess dress? Really dad? Ano 'yan ball party? 'Di na kami nag-aaral. Mabuti pa dad, pagpiliin natin si Snow.” Napaatras naman ang mukha ko ng iharap nila sa akin ang mga damit.

Ang hawak ni Thyra ay isa ngang formal attire. Long sleeve polo blazer at tube sando pero may kasamang skirt na fitted. Hindi ako nag-susuot ng ganon dahil subrang ikli. Sa Daddy niya naman ay isang parang isang ball gown. Maiksi ang harapan at mahaba sa likuran, totoo ngang wala akong paggagamitan sa mga ito.

“Ah—” Magsasalita palang sana ako ng barahin na nila ako.

“Alam mo Dad, bagay sa kaniya 'tong dalawa.”

“I agree. Hindi naman puwedeng pagtalunan eh, we can buy both.” Pipigilan ko pa sana sila pero tinalikuran na nila ako at umalis.

Ganiyan sila palagi. Dati ang mommy ni Thyra ang kasa-kasama namin at pareho lang sila ng Daddy niya. Nagpapalitan kasi silang mag-asawa sa ibang bansa kaya ang daddy niya naman ngayon ang nandito sa Pilipinas. Pero ngayon, magkakasama na sila roon sa ibang bansa.

Napapatingin naman ako sa kanilang patuloy pa rin sa pagkuha ng mga damit at hindi na ako tinatanong.

Napapangiti akong nakatingin kay Thyra ngunit may bahid ng lungkot. Matagal ulit bago kami magkita. Sana sa susunod na magkita kami ako naman ang manlilibre sa kaniya.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 11

    SNOW EVE POINT OF VIEW—KINAUMAGAHAN nauna na akong umalis kay Klara at may hinahabol akong tao sa may park para abutan ng kaunting tulong. Nakita ko kasi siya kahapon at hindi ko na nabigyan dahil wala nang natira. Maaga pa naman masiyado hintayin ko nalang siya sa park.“Klara mauna na ako, daanan mo ako sa park ha,” sabi ko sa kaniya pagkalabas niya galing sa banyo at naligo.“Oh? Aga mo ah saan punta mo?” “May dadaanan lang, baka kasi wala na siya roon kapag tinanghalian ako.” Tumango nalang siya sa akin.Nagsimula na akong maglakad palabas ng apartment at tinahak ang daan sa isang park. Dumaan muna ako sa nakabukas na bakery at bumili ng ilang supot na tinapay at tubig. Sayang nga lang at wala akong makitang karenderya na bukas na. Nasa bandang likod pa kasi ang iba na nakabukas pero masiyadong malayo.Pagkarating sa park, hinanap ko kaagad ang taong nakita ko kahapon. Kakalingon ko ay nagtama nanaman ang mata namin ng taong may galit na imahe. Napangiwi ako. Bakit ko ba laging

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 10

    SNOW EVE POINT OF VIEW—PAIKOT ikot ako ngayon habang nasa kama ko at pinipilit kong kunin ang tulog ko. Ilang beses na akong pumuwesto sa magkabilaang side ng kama ko pero hindi talaga ako makatulog. Hanggang ngayon kasi ay sila ang iniisip ko, kung kamusta na kaya si Lolo.Napaupo nalang ako at umupo sa may gilid sa pintuan at binuksan ang cellphone. Wala pa ring tawag si Tita at ala una na ng madaling araw. Napatingin ako kay Klara na mahimbing ang tulog at hindi nagising sa kakagalaw ko, tulog mantika kasi ang isang 'to.Bakit kaya hindi pa rin tumatawag si Tita? Siguro okay na si Lolo? Pero paano kung hindi? Paano kung emergency? “Ha.” Pagbuga ko ng hangin at napailing. Nakaidlip naman yata ako kanina nang isang oras. Hindi na talaga ako makatulog.Napatayo ako at kumuha ng chocolate drink saka pumunta sa kusina para magtimpla. Nagtipa ako sa cellphone ko at sinubukang maghanap ng puwedeng paraan para madagdagan ang pera ko.Maya maya pa napahikab nalang ako at ubos ko na pala

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 9

    SNOW EVE POINT OF VIEW—ILANG LINGGO na ang nakalipas magmula nung araw na 'yon. Kahit papaano nakaka move on na rin ako sa bagay na iyon. Natanggap ko na na may mga ganoong tao. Purket nakakaangat sa buhay ay gano'n na sila. Unti-unti nga rin ay nakikilala ko na itong syudad. Tama nga na sagana at maraming puwedeng trabaho rito, ang dark side lang ay ang ibang tao.Nabanggit nga sa akin ni Klara na hindi naman lahat ng mayayaman dito ay gano'n. May ilan din namang mababait at down to earth lang.Sa ngayon hindi pa ako ulit naaassign sa VIP room. Si Klara na ulit ang nag aassist, minsan nga talaga ay may mga bastos magsalita at parang ituring kang kasambahay hindi bilang server sa isang cafe. Pero minsan ay mababait sila. Bilib nalang talaga ako kay Klara at nakakaya niyang tiisin ang gano'n.Humingi na rin ng pasensiya si Sir Yohan at sinabi sa akin na kasama sa pagtatrabaho iyon. Naiintindihan ko na 'yon at alam ko na ang gagawin ko sa susunod.Pero gaya nila. Tao rin naman ang ka

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 8

    SNOW EVE POINT OF VIEWILANG ARAW na ang nakalipas magmula noong nakapasok ako sa cafe. Sa totoo lang maganda talaga sa lugar na 'to.Nasasanay na rin ang katawan ko sa pagod kahit papaano. Gaya nga ng inaasahan, same schedule kami ni Klara at halos hindi kami mapaghiwalay. Sinabi niya pa ng ana lilipat nalang siya sa apartment ko dahil mas malapit at less hassle na sa pag uwi. Pero ngayon, Martes, wala siya sa counter kasama ko. Kaya magkabilaan din talaga ang ang papunta ko sa counter at kusina.Ganito ang trabaho noon ni Klara noong wala ako, nakaya niya nga noon eh. Kakayanin ko rinAng utos kasi ni Sir Yohan kaninang umaga ay sa taas muna si Klara sa may inventory. At magrereceive ng mga order. Hindi kasi nakapasok ang in charge roon dahil nagkasakit. Kulang na kulang talaga ang trabahador dito.Nabanggit din nga ni Klara na kaya kaunti ang nagtatrabaho kahit madali naman sila mag pasok ng tao ay nakadepende sa school na pinnaggalingan. Sa totoo pala ay marami talagang nag aapply

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 7

    SNOW EVE POINT OF VIEW—ALAS syete na ngayon ng gabi at marami pa rin ang customer. Maganda kasi talaga ang pagkaka puwesto nitong cafe at talagang ang daming dumadaan. May pumasok na rin palang iba kanina na nagtatrabaho rito at hanggang 10 lang sila. Kumapara sa amin ni Klara mas mataas ang sahod namin. Nabawasan na nga rin ang trabaho dahil sa mga dumating. Pero kahit ganon nararamdaman ko pa rin ang pagod ko. Gusto ko nalang mahiga at matulog. Tapos naalala ko hindi pa kami naggabihan.Napangiti nalang ako ng 3 minutes nalang at tapos na ang trabaho namin ni Klara. Halos maiyak nalang ako habang natatawa dahil halos hindi ko na maramdaman nag katawan ko.“Ms. Snow. Mauna ka na magpahinga roon.” Halos manlumo akong tumingin sa manager. Yumuko nalang ako at pumunta sa isang room saka naupo habang nililigpit ang mga gamit ko.“Grabe.” Napapabulong sa hangin kong sabi. Kailangan kong mag take ng gamot ngayon para bukas ay may lakas ako. Mabuti nalang at 10 pa ang pasok.Maya maya n

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 6

    SNOW EVE POINT OF VIEWNAPAHIKAB ako habang papabangon palang sa higaan ko. Pangalawang araw ko palang ito na naghahanap ng trabaho at naglilibot sa city.Kabilang side palang ng city ang medyo nalilibot ko. Dito naman ako sa isang side ngayon.Pagkatayo ko nga ay napangiwi pa ako dahil nagkanda tunog tunog ang buto ko. Medyo masakit ang katawan ko dahil sa mahabang paglalakad pero go lang. Napasilip naman ako sa bintana habang kinukusot ang mata ko, alas sais palang ng umaga at marami agad sasakyan ang pabalik balik. Ang iba naman naglalakad habang naka uniform at ready na pumasok sa trabaho.“Kailan kaya ako.” Mahinang bulong ko sa sarili ko.Wala naman talaga akong balak gumising ng maaga ngayon dahil pagod na pagod ako kahapon. Pero maingay na ang paligid.Masakit man ang katawan ay pinilit kong maligo at ihanda ang sarili ko para maghanap ng trabaho. Excited pa nga akong nagbukas ng inbox ko baka sakaling may nag text na tanggap na ako sa trabaho pero nakapanlulumo lang dahil wa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status