MasukCHAPTER 3
SNOW EVE POINT OF VIEW “WHO is that?” Napatigil ako sa tanong ni Thyra. Hindi natanggal ang tingin ko sa cellphone ko na patuloy pa rin ang pag ring. Napabuntong hininga naman ako at pinatay ang tawag. Ilang beses na rin ang pag ring nito, may mga text message rin na nag pa-pop up pero wala na akong balak basahin pa. “It's Dwayne. He keeps on calling me now.” Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto niyang sabihin. Pero ang hula ko may gusto nanaman siyang ipagawa sa akin tungkol sa kumpanya nila. Ganito siya kakulit kapag may kailangan. Nabulag nga pala ako ng ilang years kaya hindi ko narealize 'yon. “Tsk, ilang days na kasing wala kayong koneksiyon. He should not bothering you anymore. I wonder how thick his face is.” Puno ng pagkairita na sabi ni Thyra. I used to help Dwayne tungkol sa mga paper works sa kumpanya nila. And because of that, his Father is trusting him na makakaya niyang mag handle ng company. But his Father don't know na ako ang gumagawa ng mga 'yon at hindi ang anak niya. And I still get the same treatment. “His father don't like me either. Hindi sinabi sa akin, but I can feel it.” Napatingin si Thyra sa akin ng puno ng pag-aalala. “I wonder why they hate you.” Napangiti ako ng mapakla. It's a lesson to me. I leave what makes me hurt. PAGKARATING sa bahay, sinalubong agad kami ni Lola. Masaya namang nakipag besi si Thyra. Magpapahinga muna sila ng ilang minuto o oras dito at aalis na rin sila. “La, asan po si Lolo?” Mahinang bulong ko ko. “Nasa kuwarto. Ilang araw nang masama ang pakiramdam niya.” Nagulat naman ako ng bahagya. “Ba't hindi niyo sinabi Lola?” Puno ng pag-aalalang tanong ko at pumasok sa kuwarto. Nakahilata nga si Lolo at natutulog. “Alam ko ang ugali mo na magmamadali kang umuwi rito kaya hindi ko na inabala pa. Gusto kong ilaan mo lahat ng oras mo sa selebrasiyon dahil minsan lang naman 'yan. 'Wag ka mag-alala apo, malakas pa naman kumain ang Lolo.” Hindi ko pa rin mapigilang mag-alala. Hinigit naman na ako ni Lola palabas. “Sige na, asikasuhin mo muna ang mga bisita mo at aalis rin sila kaagad. Ako muna ang bahala rito.” Napatango naman ako kay Lola at pinuntahan sila Thyra. Nasa labas sila at pinagmamasdan ang paligid. Hindi rin naman sila nagtagal dito at magpapaalam na si Thyra. Napatawa naman ako dahil sa busangot nitong mukhang nakatingin sa akin. “Aalis na kami, siguro 5 years kami roon. Contact me lang ha? Although late kong masasagot lagi but I'll make sure na makaka respond ako.” Tumango naman ako sa kaniya. “'Wag ka mag-alala, mag focus ka lang sa trabaho mo roon.” “Siya nga pala. 'Wag ka papayag na aapihin ka nalang basta ng mga tao. 'Wag ka masiyadong mabait sis. Kung kaya mong lumaban, go! Lalo pa naman wala ako para ipagtanggol ka.” Tumango nalang ako sa kaniya habang natatawa. “Sige na. Hinihintay ka na ng Daddy mo. Mag-iingat kayo.” Niyakap niya naman muna ako bago siya tuluyang pumasok sa kotse. Kumaway pa siya sa may bintana bago sila umalis. Napabuntong hininga naman ako. Ito ang katutuhanan kaya wala akong magagawa. May kaniya kaniya kaming buhay na kailangang harapin. MAKALIPAS ang ilang araw. Nakapag hanap na rin ako ng panandaliang trabaho. Nakahanap ako ng trabaho sa isang malaking syudad ngunit iniisip ko pa kung pupunta ba ako roon. Kaya naman habang nag dedesisiyon ay nakikiharvest nalang ako ng mga gulay na tanim ng kapitbahay. Okay na rin ito para madagdagan ang pera ko papunta sa syodad kung sakali. Ngayon nga ay inutusan akong ibiyahe sa pwesto sa palengke ang mga pinitas naming gulay. Dadagdagan naman daw ang sahod ko kaya pumayag na ako. Pagkarating ko nga sa palengke ay bumungad kaagad ang kaingayan. Ngunit sa ingay na iyon, hindi nakawala sa pandinig ko ang mga usapan sa paligid. “Teka, hindi ba 'yan ang apo ni Lola Reneles. Balita ko naka graduate na 'yan at Magna cum laude. Nakakapag taka na nagtitinda ng gulay ang binagsak niya.” Bahagyang napataas ang kilay ko at kunwareng hindi narinig. Pinagpatuloy ko naman ang pagsasalin ng mga gulay sa puwesto. “Sinabi ko na nga kasi at walang kuwenta ang pag-aaral sa mamahaling school. Imbis na gumastos ng malaki ay naitulong nalang sana sa pamilya.” “Tsk, nasayang ang pagod kung pagtitinda ng gulay ang bagsak.” Palihim nalang akong napabuntong hininga at umiling iling. Ang alam ko ay walang masama sa pagtitinda ng gulay at pagtatrabaho ng ganito. Kailan pa ibinase ang trabaho sa natapos na pag-aralan. Sa tingin ko ay hindi naman ito masama hanggat walang natatapakang tao. Hindi naman ako nagnanakaw. Ang mga tao ngayon ay basta nalang talaga ang pang huhusga. “Ito na po lahat, wala na po bang gagawin?” Tanong ko kay uncle Fedel. “Wala na iha. Puwede ka na magpahinga siguradong kayo pa ang nagbalot niyan. Sa susunod, kapag kami ang mag haharvest puwedeng ikaw ang magtinda rito.” Napatigil siya saglit sa pagsasalita at tumingin sa paligid. “'Wag mo papansinin sinasabi nila ha. Alam kong may higit ka pang plano. Ganiyan lang talaga sila. Pero sampalin mo nalang ng katutuhanan.” Natawa naman ako kay Uncle Fedel nang may pa aksiyon pa siya habang nagsasalita. “Wala naman po talaga akong balak pansinin sila. Hahayaan ko po sila sa gusto nilang isipin.” Ginulo naman ni uncle Fedel ang buhok ko. “Napakabuti mo talaga iha. Sige na, umuwi ka na para makapag pahinga. Bukas ulit magtrabaho.” Napatango ako sa kaniya at nagpaalam na rin. Isa si Uncle Fedel at ang asawa niya ang malapit sa amin. Hindi sila mahirap lapitan at talagang maaasahan sa lahat. Kaya malaki ang respeto ko sa kanilang pamilya. PAGKALIPAS ng ilang araw nagpatuloy lang ako sa pagtatrabaho. Kahit papaano ay malaki na rin ang naidagdag sa ipon ko. Tungkol kay Dwayne, ilang araw niya na rin akong hindi kino-contact. Siguro ay nagsawa na. Ano pa nga ba ang dapat naming pag-usapan eh harap harapan na akong niluko. Blinock ko na rin ang contacts ko sa kaniya para madagdagan ang peace of mind na hinahangad ko. Pinatawad ko na kaagad siya sa ginawa niyang 'yon pero ayaw ko nang maulit. Tama na ang lahat at handa na akong mag start over. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa mapunong daan papunta sa amin. Hindi na ako nagpapahatid papunta sa bahay dahil may patong sa pamasahe iyon. 25 minutes lang naman ang lalakarin at hindi naman mahirap ang daan. Kagagaling ko nga sa bayan para magpa print ng resume ko at ibang papeles. At dahil nakaluwag luwag ay bumili na rin ako ng uulamin namin ngayong gabi. Dinagdagan ko na rin ang gamot ni Lolo at vitamins ni Lola. Nasa kalagitnaan palang ako ng paglalakad ng makita ko na tumatakbo ang kapitbahay naming si Tita Nala. Napataas naman ang kilay ko. “Saan po ang punta mo Tita?” Napatingin naman siya sa akin ng nag-aalala at hindi alam kung sasabihin ba. Nahhahabol naman siya ng hininga. “A-Ang Lolo mo kasi iha. Bigla nalang hinimatay. Sige na pumunta ka na roon at papunta na ako maghanap ng may sasakyan.” “H-Ho?” Hindi niya na napatapos ang sasabihin at umalis na. Nakaramdam naman ako ng kaba at tumakbo pauwi sa bahay. Halos hindi ko naman na maramdaman ang sarili ko dahil sa walang humpay na pagtakbo. Ayos na ang lagay ni Lolo kahapon. Akala ko naman ay ayos na talaga siya. Pagkarating ko sa bahay ay may mga tao na sinusubukang tumulong. Pinuntahan ko naman kaagad si Lola na umiiyak na. Masiyado na siyang matanda at kailangan kong maging malakas para sa kaniya. “Magiging a-ayos din Lola.” Habol hininga naman akong nag ayos ng mga gamit at itatakbo na si Lolo sa Hospital. MAKALIPAS ang ilang oras na paghihintay sa doctor. Sa wakas ay naaninag namin ang anino niyang palabas sa pintuan. Napatingin pa ako kay Lola sa isang extra room na natutulog. Pinatulog ko na siya at masama sa matanda ang mapuyat. Sana lang ay hindi siya maistress sa nangyari. Napatayo naman kami kaagad kasama ni Tita na siyang kapitbahay namin at sumama. Napahawak ako sa magkabilaan kong palad at may kaba na nararamdaman. “Good evening. Ako po 'yong ER doctor. First po stable na si Lolo Alondro. 'Yong findings po natin sa CT Scan may nakita kaming blood clot sa baga. Sa medical term po, ang tawag dito ay Pulmonary Embolism. That caused him para manghina at nahimatay kanina, kinulang sa oxygen ang katawan.” Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Mabuti at okay na si Lolo. “Okay na siya ngayon, pero delikado pa rin ito, puwede ulit mangyari anytime lalo't hindi maagapan kaagad. Kailangan natin siyang i-admit for at least 5 days. Bibigyan natin ng pampalabnaw ng dugo para matunaw ang bara. Naiintindihan niyo po ba? Pipirma po kayo rito sa admission form. Tapos pag-usapan natin 'yong PhilHealth at billing after,” mahabang sabi ng Doctor. Napapabuntong hininga naman akong napapatango. “Thank you Doc. M-Magkano po ang estimate na magagastos?” Napapakahad labi kong tanong. Napatango tango ang Doctor. “Kung sa public kayo, umaabot sa 80k to 100k. Sa private hospitals ay 250k to 500k.” Halos mawindang naman ako sa sinabi ng Doctor. Ang laki, saan ako kukuha ng ganiyang kalaking pera. Sandali akong natahimik at napabuga ng hangin. “Kung wala na po kayong katanungan aalis na po ako.” Napatango nalang ako sa Doctor at pinanuod ang likuran niya habang paalis. Napakapit ako sa dulo ng damit ko habang iniisip ang laki ng magagastos. “Iha.” Napatingin naman ako kay Tita na nasa tabi ko pa pala, puno ng pag-aalala ang mga mata niya. “T-Tita,” mahinang sabi ko na puno ng panghihina. Ilang oras na ang nakalipas at nakatulala pa rin ako sa labas ng bintana rito sa kuwarto ng hospital, nararamdaman ko ang hangin mula sa labas na dumadampi sa balat ko. Iniisip ko kung saan ko huhugutin ang magagastos na pagpapagamot kay Lolo. “Apo. Matulog ka na, malapit na mag-umaga. Naiintindihan ko na nag-aalala ka sa Lolo mo. Pero saan tayo kukuha ng lakas kung pati ikaw ay magkasakit? Paano na tayo kung pati ikaw ay manghihina?” Napabuntong hininga naman ako. Tama si Lola, pero hindi ko lang talaga maiwasang mag-isip. “Gising na pala kayo.” Lumapit si Lola sa akin saka marahang hinaplos ang buhok ko. “Masiyado na kaming matanda ng Lolo mo, ayaw naming pahirapan ka pa. Kung hindi kaya 'wag mong pipilitin. Masiyadong mahal ang pagpapagamot, gusto namin ng Lolo mo palagi na mabigyan mo rin ang sarili mo.” Napatigil ako at tumitig kay Lola. “Siguradong ganito rin ang sasabihin ng Lolo mo sa 'yo. Napatunayan mo na na minahal mo kami. Gusto naming sarili mo rin, kaya hindi mo na kailangan pang mag desisiyon ng ganiyan kalalim. Ayos lang apo, naiintindihan namin.” Napayuko habang halos maramdaman ko na ang pag init ng magkabilaang mata ko. Tila may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. Nakakainis dahil sa mga panahong ito ay wala man lang akong magawa. Sila Lolo at Lola ang nagsilbing magulang ko. Inaalagaan nila ako, pinaaral, binihisan, pinalaki, hindi nila ako pinahirapan at hindi ko man lang naramdaman na wala akong magulang dahil sa kanila. At ayaw kong may pagsisihan ako sa huli. Kung kaya ko ay gagawin ko. Susubukan ko, kinaya nila na palakihin ako at gusto kong bawian sila. Kung may pagsisisihan man ako sa huli ay iyon ang hindi ko sinubukan. Napahawak ako sa kamay ni Lola na nasa balikat ko at ilang beses napabuntong hininga. Napangiti naman ako at tinignan siya. “Matulog na tayo, La,” sabi ko sa kaniya at inakay siya pabalik sa higaan. “Apo niyo ako, kaya gagawin ko rin kung ano ang ginawa niyo noon.”SNOW EVE POINT OF VIEW—PAIKOT ikot ako ngayon habang nasa kama ko at pinipilit kong kunin ang tulog ko. Ilang beses na akong pumuwesto sa magkabilaang side ng kama ko pero hindi talaga ako makatulog. Hanggang ngayon kasi ay sila ang iniisip ko, kung kamusta na kaya si Lolo.Napaupo nalang ako at umupo sa may gilid sa pintuan at binuksan ang cellphone. Wala pa ring tawag si Tita at ala una na ng madaling araw. Napatingin ako kay Klara na mahimbing ang tulog at hindi nagising sa kakagalaw ko, tulog mantika kasi ang isang 'to.Bakit kaya hindi pa rin tumatawag si Tita? Siguro okay na si Lolo? Pero paano kung hindi? Paano kung emergency? “Ha.” Pagbuga ko ng hangin at napailing. Nakaidlip naman yata ako kanina nang isang oras. Hindi na talaga ako makatulog.Napatayo ako at kumuha ng chocolate drink saka pumunta sa kusina para magtimpla. Nagtipa ako sa cellphone ko at sinubukang maghanap ng puwedeng paraan para madagdagan ang pera ko.Maya maya pa napahikab nalang ako at ubos ko na pala
SNOW EVE POINT OF VIEW—ILANG LINGGO na ang nakalipas magmula nung araw na 'yon. Kahit papaano nakaka move on na rin ako sa bagay na iyon. Natanggap ko na na may mga ganoong tao. Purket nakakaangat sa buhay ay gano'n na sila. Unti-unti nga rin ay nakikilala ko na itong syudad. Tama nga na sagana at maraming puwedeng trabaho rito, ang dark side lang ay ang ibang tao.Nabanggit nga sa akin ni Klara na hindi naman lahat ng mayayaman dito ay gano'n. May ilan din namang mababait at down to earth lang.Sa ngayon hindi pa ako ulit naaassign sa VIP room. Si Klara na ulit ang nag aassist, minsan nga talaga ay may mga bastos magsalita at parang ituring kang kasambahay hindi bilang server sa isang cafe. Pero minsan ay mababait sila. Bilib nalang talaga ako kay Klara at nakakaya niyang tiisin ang gano'n.Humingi na rin ng pasensiya si Sir Yohan at sinabi sa akin na kasama sa pagtatrabaho iyon. Naiintindihan ko na 'yon at alam ko na ang gagawin ko sa susunod.Pero gaya nila. Tao rin naman ang ka
SNOW EVE POINT OF VIEWILANG ARAW na ang nakalipas magmula noong nakapasok ako sa cafe. Sa totoo lang maganda talaga sa lugar na 'to.Nasasanay na rin ang katawan ko sa pagod kahit papaano. Gaya nga ng inaasahan, same schedule kami ni Klara at halos hindi kami mapaghiwalay. Sinabi niya pa ng ana lilipat nalang siya sa apartment ko dahil mas malapit at less hassle na sa pag uwi. Pero ngayon, Martes, wala siya sa counter kasama ko. Kaya magkabilaan din talaga ang ang papunta ko sa counter at kusina.Ganito ang trabaho noon ni Klara noong wala ako, nakaya niya nga noon eh. Kakayanin ko rinAng utos kasi ni Sir Yohan kaninang umaga ay sa taas muna si Klara sa may inventory. At magrereceive ng mga order. Hindi kasi nakapasok ang in charge roon dahil nagkasakit. Kulang na kulang talaga ang trabahador dito.Nabanggit din nga ni Klara na kaya kaunti ang nagtatrabaho kahit madali naman sila mag pasok ng tao ay nakadepende sa school na pinnaggalingan. Sa totoo pala ay marami talagang nag aapply
SNOW EVE POINT OF VIEW—ALAS syete na ngayon ng gabi at marami pa rin ang customer. Maganda kasi talaga ang pagkaka puwesto nitong cafe at talagang ang daming dumadaan. May pumasok na rin palang iba kanina na nagtatrabaho rito at hanggang 10 lang sila. Kumapara sa amin ni Klara mas mataas ang sahod namin. Nabawasan na nga rin ang trabaho dahil sa mga dumating. Pero kahit ganon nararamdaman ko pa rin ang pagod ko. Gusto ko nalang mahiga at matulog. Tapos naalala ko hindi pa kami naggabihan.Napangiti nalang ako ng 3 minutes nalang at tapos na ang trabaho namin ni Klara. Halos maiyak nalang ako habang natatawa dahil halos hindi ko na maramdaman nag katawan ko.“Ms. Snow. Mauna ka na magpahinga roon.” Halos manlumo akong tumingin sa manager. Yumuko nalang ako at pumunta sa isang room saka naupo habang nililigpit ang mga gamit ko.“Grabe.” Napapabulong sa hangin kong sabi. Kailangan kong mag take ng gamot ngayon para bukas ay may lakas ako. Mabuti nalang at 10 pa ang pasok.Maya maya n
SNOW EVE POINT OF VIEWNAPAHIKAB ako habang papabangon palang sa higaan ko. Pangalawang araw ko palang ito na naghahanap ng trabaho at naglilibot sa city.Kabilang side palang ng city ang medyo nalilibot ko. Dito naman ako sa isang side ngayon.Pagkatayo ko nga ay napangiwi pa ako dahil nagkanda tunog tunog ang buto ko. Medyo masakit ang katawan ko dahil sa mahabang paglalakad pero go lang. Napasilip naman ako sa bintana habang kinukusot ang mata ko, alas sais palang ng umaga at marami agad sasakyan ang pabalik balik. Ang iba naman naglalakad habang naka uniform at ready na pumasok sa trabaho.“Kailan kaya ako.” Mahinang bulong ko sa sarili ko.Wala naman talaga akong balak gumising ng maaga ngayon dahil pagod na pagod ako kahapon. Pero maingay na ang paligid.Masakit man ang katawan ay pinilit kong maligo at ihanda ang sarili ko para maghanap ng trabaho. Excited pa nga akong nagbukas ng inbox ko baka sakaling may nag text na tanggap na ako sa trabaho pero nakapanlulumo lang dahil wa
SNOW EVE POINT OF VIEWSA WAKAS, makalipas ang isa pang oras ay nakarating na rin ako. Hawak ang maleta at bag sa magkabilaang kamay, napatingala akong namamangha sa mga nagtataasang building sa paligid. Kahit may kasiliman na ay nakikita ko pa rin ang mga building dahil sa ilaw. 6:40 palang naman ng gabi. Nandito na nga ako, at hindi ko pa naranasang makakita ng mga buildings.Nakatayo lang ako sa kawalan at parang ibong nakawala sa hawla na ngayon lang nakita ang mundo. Napapangiti naman akong nilanghap ang mga usok at Gasolina sa paligid. Ang pinag-kaiba lang talaga ay fresh ang naamoy ko sa probinsiya.“Sh!t.” Bigla akong napasinghap at napaatras nang may mainit na bagay ang tumapon sa balat ko.Napatingin ako sa lalaking mukhang may lahi. Nabangga niya ako habang may hawak na kape kaya naitapon sa akin at sa kamay niya. Kulay gray ang kaniyang buhok at ang tangkad niya. Sa galaw niya palang ay alam mo nang hindi siya simpleng tao. Hindi ko nga lang gaanong maaninag ang mukha dah







