Share

CHAPTER 4

last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-26 06:37:47

SNOW EVE POINT OF VIEW

DALAWANG araw na ang nakakalipas magmula noong naitakbo si Lolo sa Hospital. Hanggang ngayon ay nandito pa rin kami at tumataas na ang bayarin. Nailipat nga si Lolo sa isang hospital na mas malayo at mas malaki kumpara sa nauna. Mas advance daw kasi ang mga gamit dito. Public hospital pa rin nga ito at hindi ko naman na afford kung mag private pa kami.

Baka mas mauna pa akong matigok bago mapagamot si Lolo eh.

Pero ngayon ay nakapagdesisiyon na ako. Pupunta na ako sa isang syudad na marami raw ang mahahanapang trabaho. Malawak at maraming mayayamang tao. Hindi ko pa naranasang pumunta sa ganong lugar na maraming matataas na building.

Sa totoo lang ay natatakot talaga ako dahil first time ko nga. Pero dahil kailangan ko ay kakayanin ko.

“La, akin na 'yang mga basura at itatapon ko sa labas.” Baling ko kay Lola na kasalukuyang kumakain ng mansanas, sinusubuan niya rin si Lolo.

Mabuti na rin nga kahit papaano ay nakakakain na si Lolo. Kailangan ko nalang talaga ng pera sa operation o pagpapagamot.

“Hindi na apo, umuwi ka na at maghanda para umalis. Kami na ang bahala rito.” Napakamot naman ako sa ulo at ako na ang nagkusang kumuha ng mga basura.

“La, maaga pa naman, tsaka para mabawasan ang gagawin mo rito.” Napatawa nalang si Lola at wala nang nagawa.

Lumabas naman ako mula sa kuwarto at saktong pagdating ni Tita. Umuwi siya saglit at sabi niya na kukuha lang siya ng mga gamit niya, sasamahan niya raw kasi si Lola na magbantay kay Lolo. Gusto na rin naming pauwiin si Lola pero ayaw niya dahil wala rin naman daw siyang kasama sa bahay.

“Paalis ka na?”

Umiling ako. “Maya-maya pa po. Itatapon ko lang itong basura. Ah—” Napatigil ako sa pagsasalita at sandaling yumuko sa harap niya.

“Oh? Bakit?”

“Salamat po Tita ha. Bukod sa naabala ko na kayo mapapagastos pa kayo.” Napatawa naman siya at tinapik ang braso ko.

“Wala iyon. Ako ang nag-kusang loob na pumunta rito. Sige na, magmadali ka na at ang alam ko ngayong araw ka na rin babiyahe papunta sa syudad.” Napangiti naman ako at napatango kay Tita saka nagpatuloy ang paglalakad papunta sa labas para itapon ang mga basura.

Hindi namin kaano ano si Tita at kapitbahay lang talaga. Mabuti nalang at nagkaroon kami ng kapitbahay na may busilak na puso. Kapag talaga ako ay nakaangat isa ang pamilya nila sa susuportahan ko. Ewan ko ba at bakit wala akong kilalang kamag-anak ko. Ang sabi nila Lolo at Lola, malayong lugar na sila at hindi ko na sila dapat alamin. Hindi na nakakapag taka dahil wala talaga kaming kaano ano sa lugar namin.

Pagkarating ko sa labas ay binasura ko na rin ang bitbit ko. Babalik pa ako sa loob ay kukunin ang iba kong gamit saka magpapaalam. Paalis na sana ako nang mabangga ko ang map na nakasandal sa pader. Pinulot ko naman ito at binuhat para igilid.

“Girl? Snow? What the hèck?” Bahagya pa akong nagulat at napatingin sa nagsalita. Galing sila sa loob ng hospital. Mga kaklase ko sa college.

“W-Why?” Tanong ko sa mga tingin nilang nanlalagkit at halos husgahan na ang buong pagkatao ko.

“Magna cum laude ka pero Janitress ang bagsak mo? What a shame.” Napapikit naman ako ng ilang beses at napatingin sa hawak ko. Itatabi ko lang naman ang map. Bakit ba napaka mapanghusga ng mga tao.

“Glad hindi ko ginalingan sa pag-aaral lalo kung ganiyan din ang bagsak ko.” Napapairap nilang sabi.

“Nakakadiri, nakakahiya.” Napangiwi naman ako at tinignan sila ng nagtatakang tingin.

“Hindi ko alam na masama pala ang trabahong naglilinis lang? Wala ba kayong proper hygiene at pati ang paglilinis ay pinandidirihan niyo? Bakit niyo mamaliitin ang nagtatrabaho ng patas?” Tila nagulat naman sila sa sinabi ko. Nagtataka sa pagsagot ko. Nasanay kasi sila na ngumingiti lang ako at walang nasasabi, pero hindi ko gusto na inaapi nila ang marangal na trabaho. Masiyado silang mapagmaliit.

Isinandal ko nalang ang map sa isang gilid saka umalis sa harapan nila. Wala na akong time para makipagbangayan pa sa kanila.

Gusto ko na rin makaalis at makapagsimula ng makahanap ng trabaho. Wala akong dapat sayangin na oras.

Pagdating ko sa loob ay kinuha ko na rin kaagad ang mga gamit ko at nagsimula nang magpaalam sa kanila. “Lolo, La, Tita, aalis na po ako. Tita ikaw muna po bahala rito ha, promise po babawi ako sa inyo.” Napatawa si Tita saka marahan akong tinapik.

“'Wag mo nang alalahanin iyon. Sa ngayon isipin mo ang magiging trabaho mo.”

“Lola, 'wag magpupuyat ha. Lo, pagaling po kayo.” Napangiti si Lolo at tumango ng marahan.

“Mag-iingat ka apo.”

Hindi na ako nagtagal sa loob at umalis na ako. 8:00 AM palang naman at may 2 hours ang biyahe papunta sa bahay. Pagkatapos 8 hours ang biyahe papunta sa syodad. May nakita naman na akong apartment sa internet at nacontact ko na rin ang may ari, kaya pagdating ko roon ay hindi ko na poproblemahin ang tutuluyan ko.

Bukas pa sana ako babiyahe pero ayaw ko nang magsayang ng oras.

Pagkalabas ko sa hospital ay dumeretso muna ako sa isang karendirya at bumili ng kakainin ko mamayang tanghali. Dumeretso na rin ako sa isang groserihan at bumili ng kakainin ko pagdating ko sa syodad. Sigurado kasi gagabihin ako ng dating.

Nandito na ako sa waiting shed at naghihintay ng bus para masakyan ng may tumigil na isang pamilyar na kutse sa harapan ko. Napataas naman ang kilay ko.

Kumabog nga ang dibdib ko ng makitang si Dwayne ang nasa loob nito.

“So you are here? Why you are not answering my call?” Napakapit ako sa plastic na hawak ko. Hindi man lang siya nag-abalang bumama at kinausap ako mula sa bintana ng sasakyan niya.

Bakit siya nandito, totoo nga ang sinabi ni Thyra na makapal ang mukha niya.

“Tsk, come over Snow. Don't make me wait.” Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis. Sarkastiko akong napa tingin sa kaniya.

“What do you want for me? Matagal na tayong tapos Dwayne. Don't act like you didn't do anything wrong.” Tila nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya inaakala na sasagutin ko siya. Dati kasi sa tuwing may away kami ay kapag sinundo ako sumusunod nalang ako sa kaniya.

Pero iba na ngayon, wala nang kami at natuto na ako.

Sakto naman ang pagdating ng bus. Hindi na ako tumingin pa sa kaniya at lumakad na papunta sa bus. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

Pagkaupo ko sa loob ay napahawak ako sa dibdib ko saka napabuga ng hangin. Naguguilty tuloy ako na ganon ang pananalita ko sa kaniya. Baka naging masamang tao na ako sa harap nila.

Napailing iling nalang ako at pumikit saka insinandal ang ulo sa upuan. Gusto kong tawagan si Thyra pero siguradong busy 'yon sa kumpanya nila.

NAKAIDLIP ako kakaisip sa pagpapakita sa akin ni Dwayne. Kung bakit ba naman kasi hinanap pa ako ng isang 'yon ano pa ba ang kailangan kong patunayan sa kaniya. Harap harapan na nga akong niluko talagang magpapakita pa siya sa akin.

Napatingin ako sa katabi kong matandang babae at nakaidlip na rin. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan ang oras. Alas onse na pala ng tanghali. Kaya siguro ako nagising dahil nagugutom na ako.

Bahagya ko ngang sinilip ang mukha ko sa bintana ng bus saka lumanghap ng sariwang hangin. Malapit na pala akong bababa.

Maya maya nga ay nakarating na rin ako sa pagbabaan ko. Naisip ko nga na mag tricycle nalang ako papunta roon sa bahay. Nagmamadali kasi ako at kailangan ko pang maabutan ang last trip ng bus.

Pagdating sa bahay, habang kumakain ay nag-iimpake na rin ako. Nakasalansan naman na dati ang iba kong gamit kaya hindi na ganon kahirap ang mag impake. Pagkatapos ng lahat sinigurado ko munang nakuha ko na ang lahat bago umalis.

Isang maleta nga ang dalawa ko, isang back pack ay isa pang bag na binibitbit. Ewan, ba't parang ang dami kong dala.

Pagkarating ko nga sa waiting shed ay muntik pa akong maiwan ng bus. Mabuti nalang at nagmadali na akong magdalakad. Tinext ko na rin nga si Tita na paalis na ako sa probinsiya.

Habang nakasakay nga sa bus. Napapaisip ako kung anong klaseng buhay ang mangyayare sa akin doon.

PASADO alas tres na ng magising ako at papababa na kami. Lilipat na ako sa ibang bus papunta roon sa syudad. Humihikab pa ako habang naglalakad. 4:00 pa naman ang alis at nasa 3:30 palang kaya hindi ko na kailangang magmadali.

Napatingin ako sa paligid. 3 hours pa ang biyahe ko para makarating, pero mula rito marami na ang tao. May iba't ibang lahi nga akong nakikita. Napabuga ako ng hangin. Nandito na nga ako.

Sumakay na nga rin ako sa Bus dahil nangangalay na ang balikat ko sa mga bitbit ko. Nagbukas na rin ako ng biscuit dahil nakaramdam nanaman ako ng gutom.

“A-Ate bili na po kayo.” Napatingin ako sa batang nagbebenta ng mineral water at sweetened peanut. Napatango naman ako at dumukot ng pera sa wallet.

“Pabili ako ng isang tubig at dalawang mani.” Napangiti naman siya saka inabot sa akin. Paburito ko kasi itong sweetened peanut kaya 'di ko na palalampasin.

“Ate, mag-iingat po kayo sa pupuntahan niyo ha. Masaya roon, pero maraming tao ang hindi mo magugustuhan.” Napatingin ako sa kaniya.

Maliit pa ang batang lalaki. May mga tagpi na sa kaniyang damit. Tumango nalang ako sa kaniya at napangiti, saka siya umalis.

Maya-maya pa ay nagsimula nang bumiyahe ang bus. Nagulat naman ako ng lumapit ulit ang batang nagbebenta kanina.

“Puwedeng makiupo ate?” Tumango ako.

“Paubos mo na pala ang benta mo,” sabi ko habang nakaturo sa bitbit niya.

“Opo, may dadaanan nalang akong ale na gustong bilhin ito. Makakabili na rin ako ng bigas namin.” Nawala naman ang ngiti ko at pinagmasdan siyang mabuti.

“Kung gano'n ikaw ang bumubuhay sa pamilya mo?” Napangiti siya at tumango sa akin.

“Kasama ko ang iba ko pang Kapatid magbenta at nasa ibang bus sila. Ang nanay ko kasi ay di na makalakad, ang tatay ko naman ay hindi namin alam kung nasaan.” Nakaramdam ako ng awa at pagkirot sa puso ko.

“Nag-aaral ka ba?” Tanong ko sa kaniya at umiling naman siya, ngunit naroon pa rin ang ngiti niya sa labi.

Kinuha ko naman ang wallet ko at kumuha ng kaunting pera. “Oh ito pandagdag. Mababang halaga lang 'yan. Pero gusto ko ipambili mo 'yan ng gatas o ulam niyo.” Gulat siyang napatingin sa akin. Kinuha ko ang kamay niya at binigay sa kaniya ang pera. “Sige na. Hindi natin alam kung magkikita tayo ulit. Pero pag nakita kita at nakaluwag na ako, tutulungan kita.”

Napatitig siya sa akin at halos maluha naman siya. “S-Salamat ate. Magsisipag pa po ako.” Napatango ako, kahit sa kaunting paraan man lang ay matulungan ko siya. Sayang at hindi siya nag-aaral, pero halatang maganda ang pagpapalaki sa kaniya.

Hindi nga nag-tagal at nagpaalam na rin siya na bababa na siya. Malapit na rin naman daw ang bahay ng taong pagbibigyan niya ng paninda at lalakarin nalang niya ang bahay nila. Matarik pa pala ang lalakarin niya papunta sa bahay nila.

Napahawak naman ako sa dibdib ko at binigyan nanaman ako ng dahilan para lumaban. Pinigdan ako ng motivation para magpatuloy, kinakaya ng batang iyon kahit walang wala sila at hindi nakapag aral. Ako na nakatapos na ay kakayanin ko rin.

Mapapagamot ko rin si Lolo, at susubukan kong hanapin ang batang iyon para mabigyan pa ng tulong.

Napasilip naman ako sa may bintana at dinama ang ihip ng hangin. Isang oras nalang ang biyahe. Dumidilim na rin ang paligid, mabuti nalang at hindi traffic. Marami na akong nakikitang building na sa syodad lang makikita.

Napabuntong hininga nalang ako at sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko.

“Kaunting tiis pa, Lolo.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 12

    SNOW EVE POINT OF VIEW—KINABUKASAN 8:30 ako nagising. May pasok pa ako ngayon. Nanghihina pa nga ang katawan ko pero wala naman akong magagawa.“Woy, Snow.” Tawag sa akin ni Klara kaya napatingin ako sa kaniya.“Bakit?” “Madalas na ang pagkakape mo ah. Akala ko ba hindi ka nagkakape.” Tama nga, pero para hindi ako antukin ay nagkakape na ako. Sa convenience store nga ay nagkakape rin ako dahil halos maidlip talaga ako roon habang nakatayo at naghihintay ng customer.“Inaantok kasi ang katawan ko kailangan ko ng pampagising.” Mag-iisang linggo palang kasi ako na may part time job kaya hindi pa ako nasasanay. Actually, madali lang naman sana ang may dalawang trabaho dahil nakakatulog pa ako ng ilang oras. Pero sa cafe kasi ay mabubogbog talaga ang katawan sa rami ng customer, kaya pagdating sa convenience store ay pagod na pagod ka na at pahinga nalang talaga ang hihilingin mo.“'Wag ka masiyado riyan te. Try mo kaya 'yong kape na healthy sa katawan.” Kinuha niya ang kaniyang cellph

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 11

    SNOW EVE POINT OF VIEW—KINAUMAGAHAN nauna na akong umalis kay Klara at may hinahabol akong tao sa may park para abutan ng kaunting tulong. Nakita ko kasi siya kahapon at hindi ko na nabigyan dahil wala nang natira. Maaga pa naman masiyado hintayin ko nalang siya sa park.“Klara mauna na ako, daanan mo ako sa park ha,” sabi ko sa kaniya pagkalabas niya galing sa banyo at naligo.“Oh? Aga mo ah saan punta mo?” “May dadaanan lang, baka kasi wala na siya roon kapag tinanghalian ako.” Tumango nalang siya sa akin.Nagsimula na akong maglakad palabas ng apartment at tinahak ang daan sa isang park. Dumaan muna ako sa nakabukas na bakery at bumili ng ilang supot na tinapay at tubig. Sayang nga lang at wala akong makitang karenderya na bukas na. Nasa bandang likod pa kasi ang iba na nakabukas pero masiyadong malayo.Pagkarating sa park, hinanap ko kaagad ang taong nakita ko kahapon. Kakalingon ko ay nagtama nanaman ang mata namin ng taong may galit na imahe. Napangiwi ako. Bakit ko ba laging

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 10

    SNOW EVE POINT OF VIEW—PAIKOT ikot ako ngayon habang nasa kama ko at pinipilit kong kunin ang tulog ko. Ilang beses na akong pumuwesto sa magkabilaang side ng kama ko pero hindi talaga ako makatulog. Hanggang ngayon kasi ay sila ang iniisip ko, kung kamusta na kaya si Lolo.Napaupo nalang ako at umupo sa may gilid sa pintuan at binuksan ang cellphone. Wala pa ring tawag si Tita at ala una na ng madaling araw. Napatingin ako kay Klara na mahimbing ang tulog at hindi nagising sa kakagalaw ko, tulog mantika kasi ang isang 'to.Bakit kaya hindi pa rin tumatawag si Tita? Siguro okay na si Lolo? Pero paano kung hindi? Paano kung emergency? “Ha.” Pagbuga ko ng hangin at napailing. Nakaidlip naman yata ako kanina nang isang oras. Hindi na talaga ako makatulog.Napatayo ako at kumuha ng chocolate drink saka pumunta sa kusina para magtimpla. Nagtipa ako sa cellphone ko at sinubukang maghanap ng puwedeng paraan para madagdagan ang pera ko.Maya maya pa napahikab nalang ako at ubos ko na pala

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 9

    SNOW EVE POINT OF VIEW—ILANG LINGGO na ang nakalipas magmula nung araw na 'yon. Kahit papaano nakaka move on na rin ako sa bagay na iyon. Natanggap ko na na may mga ganoong tao. Purket nakakaangat sa buhay ay gano'n na sila. Unti-unti nga rin ay nakikilala ko na itong syudad. Tama nga na sagana at maraming puwedeng trabaho rito, ang dark side lang ay ang ibang tao.Nabanggit nga sa akin ni Klara na hindi naman lahat ng mayayaman dito ay gano'n. May ilan din namang mababait at down to earth lang.Sa ngayon hindi pa ako ulit naaassign sa VIP room. Si Klara na ulit ang nag aassist, minsan nga talaga ay may mga bastos magsalita at parang ituring kang kasambahay hindi bilang server sa isang cafe. Pero minsan ay mababait sila. Bilib nalang talaga ako kay Klara at nakakaya niyang tiisin ang gano'n.Humingi na rin ng pasensiya si Sir Yohan at sinabi sa akin na kasama sa pagtatrabaho iyon. Naiintindihan ko na 'yon at alam ko na ang gagawin ko sa susunod.Pero gaya nila. Tao rin naman ang ka

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 8

    SNOW EVE POINT OF VIEWILANG ARAW na ang nakalipas magmula noong nakapasok ako sa cafe. Sa totoo lang maganda talaga sa lugar na 'to.Nasasanay na rin ang katawan ko sa pagod kahit papaano. Gaya nga ng inaasahan, same schedule kami ni Klara at halos hindi kami mapaghiwalay. Sinabi niya pa ng ana lilipat nalang siya sa apartment ko dahil mas malapit at less hassle na sa pag uwi. Pero ngayon, Martes, wala siya sa counter kasama ko. Kaya magkabilaan din talaga ang ang papunta ko sa counter at kusina.Ganito ang trabaho noon ni Klara noong wala ako, nakaya niya nga noon eh. Kakayanin ko rinAng utos kasi ni Sir Yohan kaninang umaga ay sa taas muna si Klara sa may inventory. At magrereceive ng mga order. Hindi kasi nakapasok ang in charge roon dahil nagkasakit. Kulang na kulang talaga ang trabahador dito.Nabanggit din nga ni Klara na kaya kaunti ang nagtatrabaho kahit madali naman sila mag pasok ng tao ay nakadepende sa school na pinnaggalingan. Sa totoo pala ay marami talagang nag aapply

  • The Unwanted Wife of Mr. Valderrama    CHAPTER 7

    SNOW EVE POINT OF VIEW—ALAS syete na ngayon ng gabi at marami pa rin ang customer. Maganda kasi talaga ang pagkaka puwesto nitong cafe at talagang ang daming dumadaan. May pumasok na rin palang iba kanina na nagtatrabaho rito at hanggang 10 lang sila. Kumapara sa amin ni Klara mas mataas ang sahod namin. Nabawasan na nga rin ang trabaho dahil sa mga dumating. Pero kahit ganon nararamdaman ko pa rin ang pagod ko. Gusto ko nalang mahiga at matulog. Tapos naalala ko hindi pa kami naggabihan.Napangiti nalang ako ng 3 minutes nalang at tapos na ang trabaho namin ni Klara. Halos maiyak nalang ako habang natatawa dahil halos hindi ko na maramdaman nag katawan ko.“Ms. Snow. Mauna ka na magpahinga roon.” Halos manlumo akong tumingin sa manager. Yumuko nalang ako at pumunta sa isang room saka naupo habang nililigpit ang mga gamit ko.“Grabe.” Napapabulong sa hangin kong sabi. Kailangan kong mag take ng gamot ngayon para bukas ay may lakas ako. Mabuti nalang at 10 pa ang pasok.Maya maya n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status