Share

The Unwanted Wife’s Revenge
The Unwanted Wife’s Revenge
Author: Joyanglicious

Chapter 1

Author: Joyanglicious
last update Last Updated: 2025-07-21 15:13:06

“Hay… ang gwapo niya talaga…” bulong ni Tatiana habang nakatingin sa larawang hawak-hawak niya. Hawak niya ang isang photo na kuha sa isang charity ball kung saan kasama ng ama ni Alec ang daddy ni Tatiana. Nasa likuran lang si Tatiana noon, pero kitang-kita sa litrato si Alec—naka-itim na tuxedo, matikas ang tindig, at matalim ang mga matang tila hindi marunong ngumiti sa kahit sino.

Ngunit sa mga mata ni Tatiana, ito ang mukhang pinakamaginoo, pinakamakisig, at pinakakaibig-ibig na lalaki sa mundo.

Napangiti siya habang tinatapik ang pisngi ng larawan gamit ang hintuturo. “Good morning, Alec,” malambing niyang sabi, bago marahang inilapag ang frame sa ibabaw ng kanyang study desk. Walang araw na lumilipas na hindi niya ito binabati, parang ritual na niya iyon mula noong siya’y dose anyos pa lang.

Ngayon, disi-sais na siya, at kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin kumukupas ang damdamin niya para kay Alec Dela Vega—ang panganay na anak ng business partner ng Daddy niya, at ang lalaking naging laman ng lahat ng kanyang pangarap.

“Tatiana! Baba na! May breakfast na!” sigaw ng Mommy niya mula sa kusina.

“Coming po!” sagot niya at agad na inayos ang kama. Lumingon pa siya ulit sa larawan ni Alec bago tuluyang lumabas ng kwarto. “Sana magkausap na tayo soon… kahit isang hi lang,” bulong niya sa sarili, sabay buntong-hininga.

Lumaki si Tatiana Angeles sa isang komportableng buhay. Hindi sobrang yaman, pero sapat para maibigay ng kanyang mga magulang ang lahat ng kailangan niya—magandang edukasyon, kumpletong gamit sa bahay, masasarap na pagkain, at higit sa lahat, pagmamahal.

Nag-iisang anak siya, kaya’t bata pa lang ay binusog na siya sa atensyon at aruga. Ngunit sa kabila ng pagiging only child, hindi siya naging spoiled. Simple siyang dalaga, may mabuting puso, at marunong rumespeto.

Isa sa pinakamalapit sa kanyang puso ay si Arian—ang matalik niyang kaibigan mula pa pagkabata.

“Uy, Tatiana!” bungad ni Arian nang magkita sila sa school gate. “Ang aga mo naman ngayon. ‘Di ba usually late ka?”

“Gusto ko lang makarating ng maaga,” sagot niya sabay ngiti.

“Kasi?” tanong ni Arian na may halong kilig sa tono. “May balita ba akong hindi ko alam?”

“Wala!” mabilis na tanggi ni Tatiana pero hindi niya napigilan ang pagtawa.

“Hmm. Let me guess… nakita mo na naman si Alec sa news kagabi?” pang-aasar ni Arian habang naglalakad sila papasok sa campus.

Tumango si Tatiana, “Business awards. Grabe, Arian, habang nagsasalita siya, para akong nanonood ng movie! Ang galing niya. Tapos ‘yung boses niya… ang lalim… ang sarap pakinggan.”

“Tatiana, idol mo na siya. As in certified number one fan ka,” natatawang tugon ni Arian.

“Hindi lang ako fan. Future wife,” sabay turo ni Tatiana sa dibdib niya. “Mark my words.”

“Good luck, future Mrs. Dela Vega,” biro ni Arian, sabay yakap sa kanya. “Pero seriously, suportado kita kahit hanggang dulo. Alam kong hindi ito basta-bastang crush lang.”

“Hindi talaga,” seryosong sagot ni Tatiana. “Alam kong totoo ‘to, Arian. Hindi ako makakaramdam ng ganito kung hindi siya ‘yung para sa akin.”

Nagsimula ang paghanga ni Tatiana kay Alec noong minsang dumalaw ang pamilya Dela Vega sa bahay nila para sa isang business dinner. Labingdalawang taon pa lang siya noon at si Alec ay nasa kolehiyo na—matangkad, tahimik, at tila hindi siya pinapansin.

Ngunit kahit isang tingin lang ang nakuha niya mula sa binata, tumatak na ito sa puso niya.

Hindi na siya nakalimot. Hindi rin siya tumigil sa pangangarap.

Mula sa simpleng pag-gupit ng litrato ni Alec mula sa newspaper, hanggang sa pagtatago ng mga magazine na may features tungkol sa kanya, ginawa na ni Tatiana ang lahat ng puwedeng gawin ng isang lihim na tagahanga. Ngunit sa puso niya, hindi siya basta fan. May inaasam siyang higit pa.

Sa bawat kwento ni Arian tungkol sa mga kaklase nilang may boyfriend, si Tatiana ay tahimik lang. Hindi siya naiinggit, hindi rin niya nararamdamang kulang ang buhay niya.

“Basta may Alec ako sa puso ko, okay na ako,” lagi niyang sinasabi.

Ang imporatnte lang sa kaniya ngayon ay si Alec. Wala ng iba pa, si Alec lang ang nasa puso niya. Kahit siguro, magkasakit siya, si Alec ang una niyang hahanapin. Ganun niya kagusto si Alec, at wala ng iba pa. Hindi na nagbago ang pananaw niyang iyon para sa binata.

“Pero paano kung may girlfriend na si Alec?” tanong ni Arian minsang nasa cafeteria sila.

“Wala. Wala akong nababalitaan. At kahit meron… baka hindi sila para sa isa’t isa,” sagot ni Tatiana, mahina ang tinig pero buo ang loob.

“Hindi ka ba napapagod? Kasi ako, kung ako ‘yung nasa kalagayan mo, baka sumuko na ako.”

“Hindi, Arian. Kasi hindi ito basta paghanga lang. Parang… alam mo ‘yung pakiramdam na kahit hindi kayo nagkakausap, nararamdaman mong konektado kayo?”

“Hindi,” sagot ni Arian, sabay tawa. “Pero gets ko na para sa’yo, si Alec na talaga.”

Pagkauwi ni Tatiana mula sa eskwela, nadatnan niya ang Daddy niya sa sala, may kausap sa telepono. “Yes, yes. That’s good news. Tell Mr. Dela Vega we’ll be there.”

Napatingin si Tatiana. “Daddy, si Mr. Dela Vega po ba ‘yun?”

Tumango ang ama niya. “May business dinner tayo next week. Pumayag na silang makipagkita ulit. After all these years, finally!”

Kumabog ang dibdib ni Tatiana. “Kasama po ba tayo?”

“Oo naman, family dinner ‘yon. Bakit?”

“Wala po,” sagot niya sabay ngiting hindi mapigilan. Muntik na siyang tumili sa tuwa.

Buong linggo siyang hindi mapakali. Inayos niya ang sarili niya, inayos ang buhok, pumili ng damit na hindi masyadong halata pero eleganteng tingnan. Nirehearse niya rin sa salamin ang mga posibleng sabihin sakaling makaharap si Alec.

“Hi Alec, long time no see…”

“Hi, I’m Tatiana, anak ni Mr. Angeles…”

“Hi, gusto mo ng kape?”

“Tatiana!” sigaw ni Arian habang nasa phone. “Ulit ka nang ulit!”

“Kailangan kong mag-prepare, Arian. First impression lasts!”

“Hala ka, baka ma-stress ka na lang. Chill lang!”

“Hindi puwede. Baka ito na ang simula ng love story namin.”

Dumating ang araw ng hapunan. Suot ni Tatiana ang kulay peach na dress na bagay sa kutis niyang mestiza. Simple ang make-up, at mahaba ang buhok na inayos ng kaniyang ina. Paglabas niya ng kwarto, napatingin ang Daddy niya.

“Wow. You look like a lady now,” sabi nito.

Ngumiti si Tatiana. Pero sa loob-loob niya, iisa lang ang gusto niyang marinig: “You look beautiful,” mula sa mismong labi ni Alec Dela Vega.

Habang nasa sasakyan, hindi niya mapigilan ang kaba. Kinakabahan siya, pero higit sa lahat, umaasa. Umaasa siyang sa wakas, mapapansin na siya ng lalaking minahal niya ng lihim sa mahabang panahon.

At kung papalarin… baka ito na ang simula ng matagal na niyang pinapangarap—ang kwento ng isang pusong buong-buo niyang inalay… kay Alec.

Pagdating nila sa harap ng isang mamahaling Italian restaurant, bumilis ang tibok ng puso ni Tatiana. Mula sa loob ng sasakyan, tanaw na niya ang logo ng paboritong restaurant ng Dela Vega family. Sa bawat hakbang niya papasok, para siyang lumulutang sa hangin.

“Huwag kang kabahan, anak,” bulong ng kaniyang ina habang magkahawak sila ng kamay.

Ngumiti si Tatiana kahit ang palad niya’y malamig.

“Ito na. Makikita ko na siya ulit,” bulong niya sa kaniyang sarili.

Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng receptionist at inihatid sa isang private dining room sa bandang likod. Bukas ang double doors, at sa loob ay naroon na ang pamilya Dela Vega—elegante, tahimik, at tila may sariling mundo.

Pero hindi iyon ang mahalaga.

Dahil nandoon siya.

Si Alec.

Nakatayo ito sa tabi ng ama, nakasuot ng dark navy blue na polo, bukas ang unang butones, at ang mga mata—bagaman abala sa pakikipag-usap—ay agad niyang nakilala.

“Ang tagal kong hinintay ’to.” Muling bulong ni Tatiana sa sarili.

“Ah, Mr. Angeles!” masiglang bati ni Don Ricardo Dela Vega, ama ni Alec. “Welcome, welcome!”

Nagkamayan ang dalawa, at niyakap ni Don Ricardo ang Mommy ni Tatiana bilang pagbati.

“And this must be… Tatiana?” bati ni Don Ricardo, na may ngiting malambing.

Tumango si Tatiana at bahagyang yumuko. “Good evening po, Don Ricardo.”

“Goodness, ang laki mo na pala. You were just a little girl back then!” Tawa ng matanda, sabay lingon sa likod niya. “Alec, come. Say hello.”

At sa isang iglap, humarap si Alec.

Napako ang tingin ni Tatiana sa kanya.

Mas gumuwapo ito. Mas lalong tumalim ang mga mata, mas firm ang panga, at mas naging makapangyarihan ang aura. Pero hindi iyon ang tumagos sa kanya—kundi ang paraan ng pagtingin nito sa kanya, parang nagtataka, parang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.

“Tatiana,” sabi ni Alec, sabay abot ng kamay.

“Hi,” sagot ni Tatiana, pilit na pinapakalma ang sarili. Inabot niya ang kamay ni Alec, at sa pagtama ng kanilang balat, tila may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.

Isang segundo lang iyon. Pero sapat para mapuno ng init ang kanyang pisngi.

Ngumiti si Alec—isang maliit, pormal na ngiti. “Ang laki mo na nga.”

Natawa si Tatiana. “Oo nga po. Matagal-tagal din po kasi simula nung huling beses tayong nagkita.”

“Hmm,” tugon niya, sabay tayo muli. “Please, let’s sit.”

Umupo sila sa mahabang table. Magkakatabi ang mga magulang, habang naupo si Tatiana sa tapat ni Alec. Halos hindi siya makakain. Kahit na three-course meal ang handa, para kay Tatiana, sapat na ang presensya ni Alec para mabusog siya.

“Kumusta ang school mo, hija?” tanong ni Don Ricardo habang nagsasalin ng wine.

“Okay naman po. I’m in senior high na po, ABM strand,” sagot niya.

“ABM? That’s good. Business runs in your blood,” sabi ni Alec.

Natigilan si Tatiana.

“Sinagot niya ako. Si Alec, kinausap ako.” bulong niya sa isipan.

“Ah… yes po,” sagot niya, pilit na hindi pinapakitang nanginginig ang tinig. “Gusto ko pong matutunan ang ginagawa nina Daddy.”

“Magaling ‘yan si Tatiana,” sabat ng Mommy niya. “Very organized at responsable. Marunong ring makisama.”

Tumango si Alec, pero hindi na muling nagsalita. Tahimik itong kumakain, paminsan-minsan lang sumasagot sa usapan ng mga magulang. Pero minsan, nasisilip ni Tatiana ang mga mata nitong parang nakamasid sa kanya.

Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya o totoong may pakialam ito kahit kaunti.

Habang kumakain sila ng dessert, nagtungo si Tatiana sa washroom. Nagpahinga siya saglit sa harap ng salamin. Huminga siya ng malalim.

“Calm down, Tatiana. You’re doing great.”

Paglabas niya sa hallway, nabigla siya nang may tumawag.

“Tatiana.”

Lumingon siya.

Si Alec. Nakalabas din ito ng private room at hawak ang cellphone, pero ngayon ay nakatutok ang mga mata nito sa kanya.

“Po?” tanong niya, hindi inaasahan ang biglaang pag-uusap.

“Kumusta ka naman talaga?” tanong nito. “It’s been years.”

“Okay naman po. I mean—okay lang. Ikaw po?”

Napangiti si Alec ng kaunti. “Busy. Business keeps me in and out of the country. Pero mabuti naman.”

Tumango si Tatiana. May katahimikang bumalot sa pagitan nila, pero hindi nakakailang—parang may sinasabi ang katahimikan na hindi maipaliwanag.

“Hindi ka na ‘yung batang palaging nakasunod sa likod ng Daddy mo,” biro ni Alec.

Namula si Tatiana. “Naalala mo po ‘yun?”

“Of course,” sagot niya, bahagyang natawa. “You always hid behind him. Parang takot na takot ka sa akin.”

“Hindi po takot… nahihiya lang,” mahina niyang tugon.

Napatingin si Alec sa kanya nang mas matagal, mas malalim. “You’ve changed.”

Hindi alam ni Tatiana kung anong ibig sabihin noon. Pero nang tumalikod si Alec para bumalik sa kwarto, iniwan siya nitong may kakaibang pakiramdam—para bang unti-unti nang nabubura ang distansya sa pagitan nilang dalawa.

Pag-uwi nila ng bahay, hindi makatulog si Tatiana. Paulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Alec: “You’ve changed.” Ibig bang sabihin nun, napansin na siya nito?

Binalikan niya ang bawat detalye ng dinner—ang ngiti nito, ang sulyap, ang usapan nila sa hallway. Hindi man ito romantic o malambing, sapat na iyon para maitanim sa kanyang puso ang bagong pag-asa.

“Baka nga hindi na ako invisible…” ani Tatiana.

At sa kaibuturan ng kanyang puso, isang panalangin ang bumalot.

“Panginoon, kung siya talaga ang para sa akin… sana, ito na ang simula,” saad niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 47

    Nagising si Tatiana kinabukasan nang maaga—mas maaga kaysa sa sikat ng araw, mas maaga kaysa sa paggising ng alinman sa mga kasambahay. Tahimik ang buong mansyon, tila ba binibigyan siya ng pagkakataong huminga bago muling pumasok sa mundong hindi na kanya. Tumitig siya sa kisame. Wala nang luha. Wala nang sumbat. Wala nang tanong kung bakit ganito ang nangyari sa kanila ni Alec. Sa halip, may kakaibang kapayapaan sa dibdib niya, kahit pa duguan ang puso. Bumangon siya mula sa kama at umupo sa gilid. Tumingin siya sa paligid ng kwartong minsang naging tahanan ng mga pangarap niya. Ngunit ngayon, kahit gaano ito kaganda, pakiramdam niya’y isa na lang itong kulungan—mamahaling bilangguan na unti-unting sumasakal sa kanyang pagkatao. Kinuha niya ang maleta sa ilalim ng kama. Isa-isang inimpake ang kanyang mga gamit. Hindi na niya dinala ang lahat. Wala nang saysay ang mamahaling bag, ang designer shoes, o ang mga damit na minsang pinili ni Alec para sa kanya. Ang mga isinuot niya sa

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 46

    Tahimik ang mansyon. Tahimik ang buong gabi—pero sa loob ng dibdib ni Tatiana, may sigawan. May unos na pilit niyang nilulunok. Wala siyang ginawa kundi ang maging mabait. Maging maunawain. Maging asawa. Maging kabiyak. Maging sapat. Pero nasusukat pala ang kabaitan. At sa bawat panlalait, sa bawat pananahimik ni Alec, sa bawat pagtawa ni Arian habang nakatayo sa loob ng bahay na minsan niyang pinangarap na maging tahanan, ay parang binibiyak ang puso niya ng paunti-unti. Hindi siya sigaw nang sigaw. Hindi siya yung tipo ng babae na nagwawala kapag nasasaktan. Hindi siya nagbabato ng gamit. Ang tanging armas niya ay ang katahimikang matagal nang hindi pinapansin. Pero ngayong gabi, hindi na niya alam kung saan pa huhugot ng kabaitan. Isang umaga. Maaga siyang nagising, gaya ng dati. Inayos ang sarili, bumaba para mag-almusal, kahit na wala siyang gana. Naabutan niya sa kusina si Arian, nakangiti pa sa mga kasambahay, tila sanay na sanay na sa bahay na parang siya na ang may-ari.

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 45

    Bilog na ang araw nang magising si Tatiana, pero ang mundo niya’y nananatiling kulay abo. Dati, ang mga umagang tulad nito’y puno ng pangarap—ang ngiti ni Alec, ang halik sa noo, ang banayad na yakap bago pumasok sa trabaho. Ngayon, kahit liwanag ng araw ay parang pasakit na rin, dahil pinapaalala nitong gising na siya sa isang bangungot. Tumayo siya sa harap ng salamin. Ang babaeng nakatingin pabalik sa kanya ay hindi na ang dating Tatiana. Wala na ang pagkamangha sa mata niya, wala na ang pagkakabighani sa ideyang siya ang “piling” babae. Ang natira na lang ay isang mapagmatyag na matang nagsimulang makita ang katotohanan—hindi lang si Alec, kundi pati ang sarili niya. Sa baba, naroon na naman si Arian. Naglalakad na parang siya ang may-ari ng bahay. Umakyat ang iritasyon sa dibdib ni Tatiana, pero hindi na ito tulad ng dati. Hindi na ito sakit na humihila pababa sa kanya—ito’y apoy na unti-unti nang tinutunaw ang lahat ng ilusyon. “Good morning, Mrs. Dela Vega,” ani Arian, may m

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 44

    Tahimik ang buong mansyon sa umagang iyon. Nakaharap si Tatiana sa salamin. Ang babaeng nasa harap niya ay may mapupulang mata, tuyong labi, at maputlang kutis. “Hindi ako ang nawala, Alec. Ikaw ang bumitaw.” Bulong niya iyon sa repleksyon, ngunit iyon ang kauna-unahang beses na tinanggap niyang hindi siya ang may pagkukulang. Sa kabila ng lahat ng pagkukubli, ng lahat ng pagpikit sa katotohanan, sa kabila ng pagkapit sa mga pangakong unti-unting napunta sa kasinungalingan—siya pa rin ang iniwan, niloko, at binalewala. Lumabas siya ng kwarto na tila may panibagong lakas. Tahimik lang ang mga kasambahay, pero ramdam nila ang pagbabago sa kilos ni Tatiana. Hindi na siya ang mahinhin at palaging nakatungo. Ngayon, nakatingin siya ng diretso, at may bigat ang bawat yapak. Nasa sala si Alec, hawak ang baso ng kape habang abalang nagbabasa ng dokumento. Hindi siya lumingon kahit pumasok si Tatiana sa silid. Pero si Tatiana, hindi nag-atubili. Tumayo siya sa harap nito. “Gusto

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 43

    Umaga na naman, at tahimik ang paligid. Ramdam na ang mga sinag ng araw na pilit pumapasok sa makakapal na kurtina ng silid nila Alec at Tatiana, ngunit sa kabila ng liwanag, nananatiling madilim ang pakiramdam ni Tatiana. Nakahiga siya sa kama, mag-isa na naman. Wala si Alec. Wala rin ang init ng katawan nitong dati’y nagbibigay sa kanya ng kahit kaunting seguridad. Ang unan sa tabi niya ay malamig. Tulad ng trato nito sa kanya. Gusto niyang bumangon, pero mabigat ang katawan niya. Parang may bakal na nakakabit sa bawat bahagi ng laman. Nanginginig ang kamay niya habang dahan-dahang ipinatong sa tiyan ang palad, saka ipinikit ang mga mata. “Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa ito makakaya…” Ngunit ilang saglit pa’y bumangon din siya. Nagsuot siya ng robe at lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon. Wala si Alec. Wala ring kahit sinong kasambahay sa paligid. Tila lahat ay nagbigay-daan sa katahimikan—o sa pagkasira. Dumiretso siya sa kusina. Kumuha ng isang tasa ng

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 42

    Tahimik ang buong mansyon, para bang natutulog din ito sa bigat ng mga lihim na hindi na kayang itago. Sa gitna ng katahimikan, naroon si Tatiana—nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko, at nakapikit ang mga mata na tila pinipilit pigilan ang isa na namang luha. Ilang araw na ang lumipas mula ng gabing iyon. Ilang umaga na ang dumaan na hindi niya katabi si Alec. Hindi dahil wala ito sa bahay, kundi dahil siya na mismo ang humiling ng distansya. Pero kahit gano’n, kahit nasa kabilang kwarto lang ito, ang sakit ay parang suntok sa dibdib sa bawat hakbang ni Alec sa hallway, sa bawat pagbukas ng pinto, sa bawat ‘di sinasadyang pagkakabangga ng kanilang mga mata. Naroon pa rin si Arian, minsan ay tila gustong lumapit, pero natatakot. Maingat ang kilos nito, laging may ngiti kapag nakaharap si Tatiana, pero alam niyang pareho lang silang nanghuhula sa galaw ng isa’t isa. Wala na ang dating natural na samahan. Nag-iba na ang lahat. “I trusted you both,” bulong ni Tatiana sa sarili, habang pi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status