Share

Chapter 2

Author: Joyanglicious
last update Last Updated: 2025-07-21 15:27:28

Mabilis na lumipas ang mga buwan. Sa bawat araw na dumadaan, lalong tumitibay ang damdamin ni Tatiana para kay Alec Dela Vega.

Matapos ang hapunang iyon, hindi na sila muling nagkita. Ngunit sapat na ang gabing iyon para magkaroon siya ng panibagong sigla. Isang sulyap. Isang pagngiti. Isang simpleng “You’ve changed”—at para kay Tatiana, iyon ay sapat nang patunay na may kaunting puwang siya sa alaala ng binata.

Ngunit habang lumalalim ang kanyang nararamdaman, mas dumarami ring hadlang—at mas lumilinaw kung gaano kahirap makalapit sa isang lalaking sinasamba ng napakarami.

“Uy, Tati!” tawag ni Arian habang hawak-hawak ang phone. “Trending na naman si Alec. May bagong business collab daw with international partners.”

Tumabi si Tatiana sa kanya, tahimik na tiningnan ang litrato ni Alec sa screen. Suot nito ang isang dark grey suit, nakatayo sa podium na para bang siya ang hari ng mundo. May confidence, may tapang, at may gilas. Halos hindi siya kapani-paniwala.

“Alam mo, parang hindi na siya tao minsan,” bulong ni Arian. “Para siyang… galing sa ibang mundo.”

Ngumiti si Tatiana. “Para sa akin, tao pa rin siya. Tao na may puso. At alam kong marunong siyang magmahal.”

“Paanong mo naman nasabi?”

“Hindi ko alam… Pero nararamdaman ko. Hindi ko lang siya iniidolo. Parang may koneksyon kami na hindi ko maipaliwanag.”

Napailing si Arian, pero ngumiti rin. “Tatiana, kung iba ‘yan, baka sinabihan ko na ng ‘delulu ka, girl’. Pero ikaw? Grabe ka magmahal. Kaya hindi ko kayang hindi maniwala sa’yo.”

Napangiti si Tatiana, tinanggap ang yakap ng kaibigan.

Tuwing gabi, tahimik niyang binubuksan ang kahon ng kanyang alaala—doon sa drawer ng study table, kung saan nakatago ang mga clippings, mga lumang litrato, at mga notes tungkol kay Alec. Isang secret world kung saan siya lang ang nakakaalam.

Sa mga mata ng iba, maaaring ito’y sobrang pagka-fan o kabaliwan. Pero para kay Tatiana, ito ang katotohanan ng kanyang puso.

Hindi siya nagpapantasya. Hindi niya inaasahang lalapit si Alec bukas, yayakapin siya, at aamin ng damdamin. Alam niyang malayo sila—sa edad, sa estado, sa mundo. Ngunit kahit pa ganoon, naniniwala siya: may puwang siya sa puso ng lalaking iyon. Kahit kaunti.

“Tatiana, napapansin ko lately parang… laging kay Alec lang umiikot mundo mo,” seryosong sabi ni Arian habang naglalakad sila sa hallway.

“Matagal na naman, ‘di ba?” sagot ni Tatiana.

“Oo. Pero… what if hindi ka talaga mapansin? What if may mahal na siyang iba?”

Sandaling tumahimik si Tatiana.

“Arian,” mahina niyang tugon. “Kung mahal na niya ang iba, masasaktan ako. Oo. Pero hindi ako magsisisi. Kasi totoo ‘yung naramdaman ko. Hindi siya pagmamahal na may hinihintay na kapalit. Mahal ko lang siya. At kung masaya siya sa iba, tatanggapin ko.”

Napahinto si Arian. “Grabe ka talaga. Sa totoo lang, ikaw na siguro ang may pinakamalinis na pagmamahal na nakita ko.”

Ngumiti si Tatiana. “Kasi alam kong hindi siya basta lalaki lang. Si Alec… siya ‘yung taong kahit sandali lang akong tumabi sa kanya, buo na ang araw ko.”

Isang araw, pag-uwi ni Tatiana galing school, nadatnan niya ang Daddy niya sa veranda, kausap sa telepono.

“Yes. That’s good. Sure, the team will be ready. Thanks, Ricardo,” sagot nito bago ibinaba ang tawag.

“Daddy, may okasyon po ba?” tanong ni Tatiana habang inaabot ang baso ng juice.

“Hmm, may paparating na charity event. Business and social mix. At guess what?”

“Ano po?” Tanong ni Tatiana sa kaniyang ama.

“Naimbitahan tayong pamilya. Kasama daw dapat ang anak kong si Tatiana,” nakangiting sabi ni Daddy.

Nanlaki ang mata ni Tatiana. “Po? Bakit po ako?”

“Si Don Ricardo mismo ang nagsabi. Kasama raw dapat ang ‘dalaga mong anak na napakaganda’.” saad pa ng ama ni Tatiana sa kaniya.

Halos malaglag ang baso ni Tatiana dahil sa kaniyang narinig mula sa kaniyang ama. Puwede bang si Alec ang nagsabi non kay Don Ricardo?

“Oo na. Pupunta ako!” mabilis niyang sagot.

“Formal event ito, ha. Prepare mo na ‘yung best dress mo.”

Tatlong araw ang lumipas, gabi ng event.

Nakaharap si Tatiana sa salamin, suot ang isang royal blue gown na may simpleng gupit ngunit bumagay sa katawan niya. Mahaba ang buhok na naka-half up, may natural waves, at kaunting shimmer sa mata’t labi.

“Hindi ako dapat kabahan,” bulong niya. “Just be yourself.”

Ngunit habang papalapit sila sa venue, para siyang naiipit sa pagitan ng excitement at nerbyos.

“Makikita ko na naman siya. Magsalubong kaya muli ang mga mata namin?” Bulong ni Tatiana sa kaniyang isipan.

Pagpasok sa grand ballroom, agad na napuno ang mata ni Tatiana ng mga chandelier, violins sa background, at mga taong nakasuot ng best formal attire. Doon, sa bandang gitna ng hall, nakita niya agad si Alec.

Nakatayo ito, kausap ang ilang bisita. Eleganteng-elegante sa suot na three-piece black suit. Matangkad, matikas, at tila hindi kayang lapitan ng kahit sino.

Ngunit sa gitna ng usapan, bigla itong lumingon—direkta sa kanya.

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

Parang huminto ang mundo ni Tatiana. Tila bang kahit daan-daang tao ang nandoon, tanging sila lang ang naroroon. Walang salita, walang kilos—tanging tinginan lamang.

At sa isang iglap, ngumiti si Alec. Kaunti lang. Bahagya. Ngunit sapat para makapagpasabog ng damdamin.

“Tatiana,” sabi ng Daddy niya. “Halika, i-introduce kita sa kanila.”

Nilapitan nila ang grupo ni Don Ricardo. At gaya ng dati, nandoon si Alec.

“Good evening po,” magalang na bati ni Tatiana.

“Ah, Tatiana,” sabi ni Don Ricardo. “Alec, would you mind staying with her while we catch up?”

Nagulat si Tatiana sa narinig.

“Sure,” sagot ni Alec. “Hi again, Tatiana.”

“Hi po,” mahina niyang tugon.

“Hindi mo na kailangang mag-po sa akin. Hindi naman ako matanda,” biro ni Alec, bahagyang nakangiti.

Napatawa si Tatiana. “Sige… Alec.”

Tumingin ito sa kanya, mas matagal ngayon.

“You look… different tonight.”

Different? “In a good way po—I mean, in a good way, Alec?”

Ngumiti ito. “Yes. Very.”

At muli, natahimik ang paligid para kay Tatiana. Sapagkat sa gabing ito, sa harap ng napakaraming tao, alam niyang hindi siya invisible.

Alam niyang kahit marami ang humahanga kay Alec, sa gabing ito—ang mga mata nito ay para lang sa kanya.

Habang nag-uusap sina Don Ricardo at Daddy ni Tatiana, naiwan silang dalawa sa gilid ng ballroom—si Tatiana at si Alec. Sa kabila ng maraming tao, para kay Tatiana, tila silang dalawa lang ang naroon.

Hindi siya makapaniwala. Hindi sa panaginip, kundi sa totoong buhay, nakatayo siya ngayon sa tabi ng lalaking matagal na niyang iniibig. Hindi na siya basta tagahanga sa gilid ng mundo ni Alec; ngayong gabi, nasa tabi na siya nito.

May mga musikerong nagsimulang tumugtog ng isang mabagal at klasikong waltz. Isa-isang lumapit sa dance floor ang mga bisita—mag-asawa, magkasintahan, mga kilalang personalidad.

“Do you dance?” tanong ni Alec, putol sa kanyang pag-iisip.

Napatingin si Tatiana sa kanya. “A-ah… konti lang,” nahihiya niyang sagot.

“Would you like to try?” sabay abot ng kamay ng binata. Maaliwalas ang tingin nito, walang pilit, walang yabang. Walang tensyon. Tanging imbitasyon lang—isang tanong na kay hirap tanggihan.

Dahan-dahang inabot ni Tatiana ang kamay ni Alec. At sa haplos ng palad nito, muling bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Tahimik silang naglakad papunta sa gitna ng dance floor. Hindi niya alintana kung may nakakakita. Hindi niya rin alintana kung may bumubulong o napapatingin. Ang mahalaga, hawak ni Alec ang kanyang kamay. Ang mahalaga, ngayon, sa sayaw na ito—sa gabing ito—may puwang siya sa mundo ng lalaking mahal niya.

Inilagay ni Alec ang isang kamay sa kanyang bewang, at marahan siyang inalalayan. Parang hindi totoo. Parang panaginip.

“I’ll lead,” mahinang sabi nito.

Tumango si Tatiana. “Okay…”

Umiikot sila sa saliw ng musika. Hindi man siya sanay, sinundan niya ang hakbang ng binata. Marahan. Maingat. Sapat na hindi siya mapahiya.

Tahimik silang sumayaw. Wala ni isang salita sa simula. Ngunit para kay Tatiana, ang katahimikan ay sagrado. Kasi sa katahimikang iyon, naroon ang tibok ng puso niya. Naroon ang bawat buntong-hininga niya na puno ng damdaming kay tagal niyang kinimkim.

Napatingin si Alec sa kanya.

“Comfortable ka ba?” tanong nito, halos pabulong.

“Opo—ah, oo,” sagot niya, hindi mapigilan ang ngiti.

“Good. You’re doing fine,” sabi ni Alec, at sa unang pagkakataon, napansin niyang ngumiti ito—hindi pormal, hindi tipid, kundi totoo.

Napakapit siya ng kaunti sa balikat nito.

“Panginoon, salamat. Kahit isang sayaw lang, sapat na.” bulong ni Tatiana.

Ngunit hindi rin niya mapigilan ang kaba sa dibdib. Ano kaya ang iniisip ni Alec ngayon?

“Tatiana,” muli nitong tawag.

“Hmm?” ani Tatiana sa binatang nasa harapan.

“You’re very different from what I remember,” seryoso nitong sabi.

Napakagat-labi siya. “Different, in a good way?”

Tumango si Alec. “In a very good way.”

Muntik na siyang maiyak sa sinabi nito. Pero pinigilan niya. Hindi puwedeng masira ang sandaling ito ng emosyon. Kailangang maalala niya ito ng buo, ng malinaw, ng masaya.

Pagkatapos ng sayaw, dahan-dahan silang huminto. Nagpalakpakan ang mga tao. Ngunit hindi iyon ang mahalaga. Para kay Tatiana, ang mahalaga—hawak pa rin ni Alec ang kanyang kamay. At kahit isang segundo lang, bago nito binitawan ang kanyang palad, tumitig ito sa kanya.

“Thank you for the dance,” sabi nito.

“Thank you, Alec,” mahinang tugon ni Tatiana, pilit pinipigilan ang kilig.

Pagbalik nila sa mesa, abala pa rin sa kuwentuhan ang mga magulang nila. Walang nakapansin, o kung meron man, walang nagsalita. Pero para kay Tatiana, kahit wala siyang kwento na maibabahagi, ang puso niya ang magsisilbing talaan ng bawat segundo.

Sa gabing iyon, hindi siya ang dalagang simpleng nakatingin mula sa malayo.

Siya si Tatiana.

At kahit sandali lang—siya ang babaeng nasa mata ni Alec Dela Vega.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 47

    Nagising si Tatiana kinabukasan nang maaga—mas maaga kaysa sa sikat ng araw, mas maaga kaysa sa paggising ng alinman sa mga kasambahay. Tahimik ang buong mansyon, tila ba binibigyan siya ng pagkakataong huminga bago muling pumasok sa mundong hindi na kanya. Tumitig siya sa kisame. Wala nang luha. Wala nang sumbat. Wala nang tanong kung bakit ganito ang nangyari sa kanila ni Alec. Sa halip, may kakaibang kapayapaan sa dibdib niya, kahit pa duguan ang puso. Bumangon siya mula sa kama at umupo sa gilid. Tumingin siya sa paligid ng kwartong minsang naging tahanan ng mga pangarap niya. Ngunit ngayon, kahit gaano ito kaganda, pakiramdam niya’y isa na lang itong kulungan—mamahaling bilangguan na unti-unting sumasakal sa kanyang pagkatao. Kinuha niya ang maleta sa ilalim ng kama. Isa-isang inimpake ang kanyang mga gamit. Hindi na niya dinala ang lahat. Wala nang saysay ang mamahaling bag, ang designer shoes, o ang mga damit na minsang pinili ni Alec para sa kanya. Ang mga isinuot niya sa

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 46

    Tahimik ang mansyon. Tahimik ang buong gabi—pero sa loob ng dibdib ni Tatiana, may sigawan. May unos na pilit niyang nilulunok. Wala siyang ginawa kundi ang maging mabait. Maging maunawain. Maging asawa. Maging kabiyak. Maging sapat. Pero nasusukat pala ang kabaitan. At sa bawat panlalait, sa bawat pananahimik ni Alec, sa bawat pagtawa ni Arian habang nakatayo sa loob ng bahay na minsan niyang pinangarap na maging tahanan, ay parang binibiyak ang puso niya ng paunti-unti. Hindi siya sigaw nang sigaw. Hindi siya yung tipo ng babae na nagwawala kapag nasasaktan. Hindi siya nagbabato ng gamit. Ang tanging armas niya ay ang katahimikang matagal nang hindi pinapansin. Pero ngayong gabi, hindi na niya alam kung saan pa huhugot ng kabaitan. Isang umaga. Maaga siyang nagising, gaya ng dati. Inayos ang sarili, bumaba para mag-almusal, kahit na wala siyang gana. Naabutan niya sa kusina si Arian, nakangiti pa sa mga kasambahay, tila sanay na sanay na sa bahay na parang siya na ang may-ari.

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 45

    Bilog na ang araw nang magising si Tatiana, pero ang mundo niya’y nananatiling kulay abo. Dati, ang mga umagang tulad nito’y puno ng pangarap—ang ngiti ni Alec, ang halik sa noo, ang banayad na yakap bago pumasok sa trabaho. Ngayon, kahit liwanag ng araw ay parang pasakit na rin, dahil pinapaalala nitong gising na siya sa isang bangungot. Tumayo siya sa harap ng salamin. Ang babaeng nakatingin pabalik sa kanya ay hindi na ang dating Tatiana. Wala na ang pagkamangha sa mata niya, wala na ang pagkakabighani sa ideyang siya ang “piling” babae. Ang natira na lang ay isang mapagmatyag na matang nagsimulang makita ang katotohanan—hindi lang si Alec, kundi pati ang sarili niya. Sa baba, naroon na naman si Arian. Naglalakad na parang siya ang may-ari ng bahay. Umakyat ang iritasyon sa dibdib ni Tatiana, pero hindi na ito tulad ng dati. Hindi na ito sakit na humihila pababa sa kanya—ito’y apoy na unti-unti nang tinutunaw ang lahat ng ilusyon. “Good morning, Mrs. Dela Vega,” ani Arian, may m

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 44

    Tahimik ang buong mansyon sa umagang iyon. Nakaharap si Tatiana sa salamin. Ang babaeng nasa harap niya ay may mapupulang mata, tuyong labi, at maputlang kutis. “Hindi ako ang nawala, Alec. Ikaw ang bumitaw.” Bulong niya iyon sa repleksyon, ngunit iyon ang kauna-unahang beses na tinanggap niyang hindi siya ang may pagkukulang. Sa kabila ng lahat ng pagkukubli, ng lahat ng pagpikit sa katotohanan, sa kabila ng pagkapit sa mga pangakong unti-unting napunta sa kasinungalingan—siya pa rin ang iniwan, niloko, at binalewala. Lumabas siya ng kwarto na tila may panibagong lakas. Tahimik lang ang mga kasambahay, pero ramdam nila ang pagbabago sa kilos ni Tatiana. Hindi na siya ang mahinhin at palaging nakatungo. Ngayon, nakatingin siya ng diretso, at may bigat ang bawat yapak. Nasa sala si Alec, hawak ang baso ng kape habang abalang nagbabasa ng dokumento. Hindi siya lumingon kahit pumasok si Tatiana sa silid. Pero si Tatiana, hindi nag-atubili. Tumayo siya sa harap nito. “Gusto

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 43

    Umaga na naman, at tahimik ang paligid. Ramdam na ang mga sinag ng araw na pilit pumapasok sa makakapal na kurtina ng silid nila Alec at Tatiana, ngunit sa kabila ng liwanag, nananatiling madilim ang pakiramdam ni Tatiana. Nakahiga siya sa kama, mag-isa na naman. Wala si Alec. Wala rin ang init ng katawan nitong dati’y nagbibigay sa kanya ng kahit kaunting seguridad. Ang unan sa tabi niya ay malamig. Tulad ng trato nito sa kanya. Gusto niyang bumangon, pero mabigat ang katawan niya. Parang may bakal na nakakabit sa bawat bahagi ng laman. Nanginginig ang kamay niya habang dahan-dahang ipinatong sa tiyan ang palad, saka ipinikit ang mga mata. “Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa ito makakaya…” Ngunit ilang saglit pa’y bumangon din siya. Nagsuot siya ng robe at lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon. Wala si Alec. Wala ring kahit sinong kasambahay sa paligid. Tila lahat ay nagbigay-daan sa katahimikan—o sa pagkasira. Dumiretso siya sa kusina. Kumuha ng isang tasa ng

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 42

    Tahimik ang buong mansyon, para bang natutulog din ito sa bigat ng mga lihim na hindi na kayang itago. Sa gitna ng katahimikan, naroon si Tatiana—nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko, at nakapikit ang mga mata na tila pinipilit pigilan ang isa na namang luha. Ilang araw na ang lumipas mula ng gabing iyon. Ilang umaga na ang dumaan na hindi niya katabi si Alec. Hindi dahil wala ito sa bahay, kundi dahil siya na mismo ang humiling ng distansya. Pero kahit gano’n, kahit nasa kabilang kwarto lang ito, ang sakit ay parang suntok sa dibdib sa bawat hakbang ni Alec sa hallway, sa bawat pagbukas ng pinto, sa bawat ‘di sinasadyang pagkakabangga ng kanilang mga mata. Naroon pa rin si Arian, minsan ay tila gustong lumapit, pero natatakot. Maingat ang kilos nito, laging may ngiti kapag nakaharap si Tatiana, pero alam niyang pareho lang silang nanghuhula sa galaw ng isa’t isa. Wala na ang dating natural na samahan. Nag-iba na ang lahat. “I trusted you both,” bulong ni Tatiana sa sarili, habang pi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status