Share

Chapter 44

Author: Joyanglicious
last update Last Updated: 2025-08-29 11:35:56

Tahimik ang buong mansyon sa umagang iyon.

Nakaharap si Tatiana sa salamin. Ang babaeng nasa harap niya ay may mapupulang mata, tuyong labi, at maputlang kutis.

“Hindi ako ang nawala, Alec. Ikaw ang bumitaw.”

Bulong niya iyon sa repleksyon, ngunit iyon ang kauna-unahang beses na tinanggap niyang hindi siya ang may pagkukulang. Sa kabila ng lahat ng pagkukubli, ng lahat ng pagpikit sa katotohanan, sa kabila ng pagkapit sa mga pangakong unti-unting napunta sa kasinungalingan—siya pa rin ang iniwan, niloko, at binalewala.

Lumabas siya ng kwarto na tila may panibagong lakas. Tahimik lang ang mga kasambahay, pero ramdam nila ang pagbabago sa kilos ni Tatiana. Hindi na siya ang mahinhin at palaging nakatungo. Ngayon, nakatingin siya ng diretso, at may bigat ang bawat yapak.

Nasa sala si Alec, hawak ang baso ng kape habang abalang nagbabasa ng dokumento. Hindi siya lumingon kahit pumasok si Tatiana sa silid.

Pero si Tatiana, hindi nag-atubili. Tumayo siya sa harap nito.

“Gusto
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 47

    Nagising si Tatiana kinabukasan nang maaga—mas maaga kaysa sa sikat ng araw, mas maaga kaysa sa paggising ng alinman sa mga kasambahay. Tahimik ang buong mansyon, tila ba binibigyan siya ng pagkakataong huminga bago muling pumasok sa mundong hindi na kanya. Tumitig siya sa kisame. Wala nang luha. Wala nang sumbat. Wala nang tanong kung bakit ganito ang nangyari sa kanila ni Alec. Sa halip, may kakaibang kapayapaan sa dibdib niya, kahit pa duguan ang puso. Bumangon siya mula sa kama at umupo sa gilid. Tumingin siya sa paligid ng kwartong minsang naging tahanan ng mga pangarap niya. Ngunit ngayon, kahit gaano ito kaganda, pakiramdam niya’y isa na lang itong kulungan—mamahaling bilangguan na unti-unting sumasakal sa kanyang pagkatao. Kinuha niya ang maleta sa ilalim ng kama. Isa-isang inimpake ang kanyang mga gamit. Hindi na niya dinala ang lahat. Wala nang saysay ang mamahaling bag, ang designer shoes, o ang mga damit na minsang pinili ni Alec para sa kanya. Ang mga isinuot niya sa

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 46

    Tahimik ang mansyon. Tahimik ang buong gabi—pero sa loob ng dibdib ni Tatiana, may sigawan. May unos na pilit niyang nilulunok. Wala siyang ginawa kundi ang maging mabait. Maging maunawain. Maging asawa. Maging kabiyak. Maging sapat. Pero nasusukat pala ang kabaitan. At sa bawat panlalait, sa bawat pananahimik ni Alec, sa bawat pagtawa ni Arian habang nakatayo sa loob ng bahay na minsan niyang pinangarap na maging tahanan, ay parang binibiyak ang puso niya ng paunti-unti. Hindi siya sigaw nang sigaw. Hindi siya yung tipo ng babae na nagwawala kapag nasasaktan. Hindi siya nagbabato ng gamit. Ang tanging armas niya ay ang katahimikang matagal nang hindi pinapansin. Pero ngayong gabi, hindi na niya alam kung saan pa huhugot ng kabaitan. Isang umaga. Maaga siyang nagising, gaya ng dati. Inayos ang sarili, bumaba para mag-almusal, kahit na wala siyang gana. Naabutan niya sa kusina si Arian, nakangiti pa sa mga kasambahay, tila sanay na sanay na sa bahay na parang siya na ang may-ari.

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 45

    Bilog na ang araw nang magising si Tatiana, pero ang mundo niya’y nananatiling kulay abo. Dati, ang mga umagang tulad nito’y puno ng pangarap—ang ngiti ni Alec, ang halik sa noo, ang banayad na yakap bago pumasok sa trabaho. Ngayon, kahit liwanag ng araw ay parang pasakit na rin, dahil pinapaalala nitong gising na siya sa isang bangungot. Tumayo siya sa harap ng salamin. Ang babaeng nakatingin pabalik sa kanya ay hindi na ang dating Tatiana. Wala na ang pagkamangha sa mata niya, wala na ang pagkakabighani sa ideyang siya ang “piling” babae. Ang natira na lang ay isang mapagmatyag na matang nagsimulang makita ang katotohanan—hindi lang si Alec, kundi pati ang sarili niya. Sa baba, naroon na naman si Arian. Naglalakad na parang siya ang may-ari ng bahay. Umakyat ang iritasyon sa dibdib ni Tatiana, pero hindi na ito tulad ng dati. Hindi na ito sakit na humihila pababa sa kanya—ito’y apoy na unti-unti nang tinutunaw ang lahat ng ilusyon. “Good morning, Mrs. Dela Vega,” ani Arian, may m

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 44

    Tahimik ang buong mansyon sa umagang iyon. Nakaharap si Tatiana sa salamin. Ang babaeng nasa harap niya ay may mapupulang mata, tuyong labi, at maputlang kutis. “Hindi ako ang nawala, Alec. Ikaw ang bumitaw.” Bulong niya iyon sa repleksyon, ngunit iyon ang kauna-unahang beses na tinanggap niyang hindi siya ang may pagkukulang. Sa kabila ng lahat ng pagkukubli, ng lahat ng pagpikit sa katotohanan, sa kabila ng pagkapit sa mga pangakong unti-unting napunta sa kasinungalingan—siya pa rin ang iniwan, niloko, at binalewala. Lumabas siya ng kwarto na tila may panibagong lakas. Tahimik lang ang mga kasambahay, pero ramdam nila ang pagbabago sa kilos ni Tatiana. Hindi na siya ang mahinhin at palaging nakatungo. Ngayon, nakatingin siya ng diretso, at may bigat ang bawat yapak. Nasa sala si Alec, hawak ang baso ng kape habang abalang nagbabasa ng dokumento. Hindi siya lumingon kahit pumasok si Tatiana sa silid. Pero si Tatiana, hindi nag-atubili. Tumayo siya sa harap nito. “Gusto

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 43

    Umaga na naman, at tahimik ang paligid. Ramdam na ang mga sinag ng araw na pilit pumapasok sa makakapal na kurtina ng silid nila Alec at Tatiana, ngunit sa kabila ng liwanag, nananatiling madilim ang pakiramdam ni Tatiana. Nakahiga siya sa kama, mag-isa na naman. Wala si Alec. Wala rin ang init ng katawan nitong dati’y nagbibigay sa kanya ng kahit kaunting seguridad. Ang unan sa tabi niya ay malamig. Tulad ng trato nito sa kanya. Gusto niyang bumangon, pero mabigat ang katawan niya. Parang may bakal na nakakabit sa bawat bahagi ng laman. Nanginginig ang kamay niya habang dahan-dahang ipinatong sa tiyan ang palad, saka ipinikit ang mga mata. “Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa ito makakaya…” Ngunit ilang saglit pa’y bumangon din siya. Nagsuot siya ng robe at lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon. Wala si Alec. Wala ring kahit sinong kasambahay sa paligid. Tila lahat ay nagbigay-daan sa katahimikan—o sa pagkasira. Dumiretso siya sa kusina. Kumuha ng isang tasa ng

  • The Unwanted Wife’s Revenge    Chapter 42

    Tahimik ang buong mansyon, para bang natutulog din ito sa bigat ng mga lihim na hindi na kayang itago. Sa gitna ng katahimikan, naroon si Tatiana—nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko, at nakapikit ang mga mata na tila pinipilit pigilan ang isa na namang luha. Ilang araw na ang lumipas mula ng gabing iyon. Ilang umaga na ang dumaan na hindi niya katabi si Alec. Hindi dahil wala ito sa bahay, kundi dahil siya na mismo ang humiling ng distansya. Pero kahit gano’n, kahit nasa kabilang kwarto lang ito, ang sakit ay parang suntok sa dibdib sa bawat hakbang ni Alec sa hallway, sa bawat pagbukas ng pinto, sa bawat ‘di sinasadyang pagkakabangga ng kanilang mga mata. Naroon pa rin si Arian, minsan ay tila gustong lumapit, pero natatakot. Maingat ang kilos nito, laging may ngiti kapag nakaharap si Tatiana, pero alam niyang pareho lang silang nanghuhula sa galaw ng isa’t isa. Wala na ang dating natural na samahan. Nag-iba na ang lahat. “I trusted you both,” bulong ni Tatiana sa sarili, habang pi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status