ANASTACIA
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon na alam kong nagsisimula na ang lahat.
Hindi ko naman gustong mawala ang bata sa ‘king tiyan, pero sana dumating siya sa tamang panahon.
Hindi ako mapakali na hindi ko mismo matutulungan si King, mas mahirap pa sa pakiramdam na hindi man lang ako makalaban sa panahon kung saan mas preparado ako.
Wala rin akong makuhang impormasyon kaagad.
Pakiramdam ko naririnig ko ang mga nagkakadikit na mga espada, mga pagsabog, maging mga sigaw, isang bagay na mahirap alisin kung may digmaan. Nagiging masyadong aktibo ang aking mga imahinasyon.
Hindi rin ako makatulong sa laboratoryo, parang naghihina talaga ‘ko kahit kaunting lakad lamang. Hingal na hingal ako na tila kakapusin ng paghinga kahit pumunta lang ako sa C.R. Hindi naman daw ako nakakahawa kaya narito si Kat-Kat para tulungan ako dahil bibo naman siyang bata at maaasahan. Siya ang umaaalay sa ‘kin, bilang kapa
Paglipas nang isang linggo, kahit paano kinakaya na ni Anastacia na maglakad. Mabilis lang siyang mapagod. Pero makakapunta na siya sa Zone 66. Sumakay sila sa bangka patungo sa kabilang isla, doon sila naghintay ng barkong daraan sa Zone 66. Kasama niya si Marlion at Delta na sumundo sa kanila. Maging si Dok Matias ay kasama nila dahil mayroon na ‘tong nakikitang paraan para alisin ang bomba sa loob ng katawan ng tatlo—pero hindi pa sigurado kung talagang magiging epektibo ‘yon. Pinasama niya na ‘to dahil malaking bagay sa kanya na makita nito ang laboratoryo at pasilidad sa Zone 66.“Magpahinga ka muna sa silid, susunduin na lamang kita kapag malapit ng bumaba,” sabi ni Delta sa ‘kin.Tumango naman si Anastacia. Napapagod din naman talaga kasi siya kaagad. Nag-aalala rin siya kay King nang sobra, kailangan niyang mabalitaan ang lahat-lahat ng mga nangyari.Nahiga siya at nagpahinga. Sa Zone 66 mas matitingnan ang kalag
“ILabas ninyo ako rito!” sigaw ni King. Nakahawak siya sa anti-vampire na bakal at kahit kinukuryente siya no’n nang kinukuryente ay wala siyang pakialam. Kahit gaano karaming hagupit ang danasin niya araw-araw hindi siya titigil pagpupumiglas hangga’t kaya niyang magsalita.Lahat ng nasa loob ng silid ay pumipigil sa kanyang gumamit ng mahika—parang ang kakayahan niya ngayon ay pang tao na lamang. Dahil ‘yon sa sealing magic ng silid.Nakita ni King ang nakangising heneral ng kanyang ama.“Pareho natin siyang ‘di napakinabangan, hindi ba?” Nakangisi sa kanya si Vince. Mula sa eskperimento naging mas malakas ‘to at ngayon ay isa na sa masigasig na tagasilbi ng kanyang ama.“Huwag kang mag-alala, hahanapin ko siya, aangkinin at bubuo kami ng pamilya,” anito.“Tigilan mo si Anastacia!” Ngayong bumalik ang alaala niya galit na galit siya tuwing babanggiti
“Aaaaah!” Dumanak ang dugo ni King nang saksakin ng isang guard ang kanyang braso.Hinang-hina na siya sa paulit-ulit na pananakit na ginagawa sa kanya para pasukuin. Ngayon ay mas lumalala na ‘yon at mukhang wala nang plano ang kanyang ama na patagalin pa kahit pa halos ikamatay niya na ‘yon.“Bakit hindi ka pa sumuko nang ‘di ka na nahihirapan?” tanong nang malaking guwardiyang sumaksak sa kanya. Nakatayo ‘to sa kanyang harapan habang nakasandal siya sa pader at hawak ang duguang braso. Masama ang tingin niya rito pero alam niyang sa kalagayan niya ngayon, kahit isang bote ng blood wine hindi mapapawi ang kanyang uhaw sa dugo.Nang iwanan siya nito ang huli nitong sinabi ay, “Tatatakan ka na bukas, ihanda mo na ang katawan mo. Pero kung gusto mong sumunod na sa Master, magsabi ka lang. Huwag mo nang hayaang matatakan ka pa nang tatak ng isang alipin.”Anong pakialam niya ro’n?Wala
usapan at hindi lamang gawa-gawa niya. Hindi naman kalaban ang tingin ng mga Royal Blood sa lugar na ‘yon si Neo o ang Zone 66.Sa mismong kastilyo na rin sila nagtagpo, mas safe raw ‘yon lalo at buntis si Anastacia. Napansin na nga rin niya ang pag-umbok at pagtigas ng kanyang tiyan. Tama nga, mabilis ang pagdadalang-tao nilang mga tao kapag bampira.Nasa silid si Anastacia, naghihintay nang pagtawag. Ang huling natanggap niyang liham ay pupunta ang mag-asawa sa kanya at pasakay na ang mga ito. Limang oras na rin ang lumipas. Hindi alam ni Anastacia kung ilang oras bago makarating ang mga ‘to kaya humanda na lamang siya para kung sakaling tawagin siya’y tatayo na lamang siya.Pitong oras higit nang makarinig siya ng pagtawag sa kanya. Isa ‘yong babaeng servant.“Binibini, dumating na ang bisita mo. Hinihintay ka nila sa pribadong kuwartong laan para sa inyo.”Nangiti si Anastacia. “Maraming salamat,&
Nakahinga na si Anastacia nang makahiga siya sa kama. Mahaba ang naging pag-uusap nila. Hindi rin akalain ni Anastacia na matatapos sila, parang walang katapusan ang naging tanong ng mga ito.Nahawakan niya ang kanyang tiyan, nararamdaman niyang mayroon na ‘yong malilit na paggalaw. Naninibago siya dahil bukod sa hindi pa naman siya nagiging isang ina, alam niyang masyadong mabilis ang pag-develop ng bata sa kanyang tiyan hindi katulad ng mga batang purong tao.Pero dahil mabilis ang pag-develop nito mas nararamdaman niya ang kaseryosohan ng kalagayan at ng koneksiyon rito. Palagi niya rin ‘tong kinakantahan at kinakausap ayon sa matandang servant na nakausap ko noong nakaraan dito ay maganda ‘yon para sa bata sa ‘king sinapupunan.“Baby, kay daddy natin hihingin ang pangalan mo. Kapit ka lang diyan, poprotektahan kita,” sabi ni Anastacia na tila naririnig siya ng anak. “Hindi man ako makalaban, iyong makap
Nang makarating sa isla ang barko ay kapansin-pansin ang dami nang taong dumumog. Zone 66 ang barkong ‘yon at walang ‘di makapagsasabi na hindi ‘yon tunay. Maraming nag-umpukang mga tao, maraming nagtatakbuhan makarating lamang sa barkong narinig nila ang ingay ng makina. May takot, nangangamba at hindi makapaniwala. Salo-salo ang kanilang nararamdaman. Maraming Knights ang bumaba kaya gumilid sa magkabila ang mga tao. Humarang ang mga Knights sa mga ito, indikasyong may daraan na isang Royal.Sampung minuto rin bago bumaba si Anastacia kaya nabigla ang mga naroon. Pakiramdam nila totoong-totoo na ang mga sinabi nito. Mas tumindi ang paniniwala nila rito. Sumunod dito ang isang lalaking may putting buhok, magandang asul na mga mata at suot ang kasuotan ng isang emperador. Tila ‘to isang anghel na bumababa at lahat ay napokus dito. Noon pa man, sinasabing ang hitsura ng Emperador ay mala-anghel dahil galing nga naman ‘to sa pagiging anghel, pero k
Malakas ang hangin sa lugar kung saan bumaba si Anastacia at ang Emperador. Sila lang dalawa ang nagpatuloy dahil hindi naman kailangan talaga ng Emperador ng tulong nino man.“Narito siya ngayon, isang linggo pa siya rito dahil taon-taon niya ‘tong ginagawa para sa namatay niyang nobyo,” sabi ni Neo.“Nakaistorbo ba ‘ko?”Nangiti lamang si Neo. “Nagpadala na si Margareth nang liham sa kanya at kanina lang sumagot siyang maghihintay siya ngayong araw kaya dumiretso na tayo rito.”“Kung hindi ko lang sobrang kailangan maglalakad na ‘ko pabalik sa barko,” sabi ni Anastacia.“Huwag kang mag-alala, mabait si Sulli at magkakasundo kayo. Halos hindi naman naiiba ang ugali ninyo,” sabi ng Emperador.Tila lumakad sila sa kabukiran bago sila umakyat sa burol na mayroong mga hagdanan. Malakas ang simoy ng hangin, payapa, at masasabi ni Anastacia na gusto
Nang magising si Anastacia ay nasa barko na siya.“Gising ka na,” ani Sulli na nagbuburda at nakaupo malapit sa bintana.Inikot ni Anastacia ang paningin.Nalulungkot na kaagad siya hindi pa man ‘to nagsasalita.Hinayaan niya lang ang mga luha niyang maglandas.“May bata pala sa sinapupunan mo, hindi ka puwedeng magpabaya sa ‘yong sarili,” ani Sulli.Nakagat ni Anastacia ang ibabang labi niya.Nakuyom niya ang kanyang mga kamao.“Kung ipipilit mong lumaban ay masasaktan ka lamang at ang bata, hindi ka puwede sa battle field—““Pero hindi ako puwedeng tumunganga palagi, kailangan ko siyang iligtas, malala na ang kalagayan niya,” mariing sabi ni Anastacia. Walang tigil ang kanyang mga luha sa pagbagsak.Huminga nang malalim si Sulli.“Gagawa ng paraan si Neo. Pero nasa iyo ‘yan kung magagawa mong lumaban kasama ang iyong anak. Maaar