Hapunan.
“Sino bang unang mag-aasawa, mauna ka na kaya, Grim!” sabi ni Dark sa kapatid.
Naroon silang magkakapatid sa balkonahe, naghihintay nang oras kung kailan darating ang ama at ang bisita nila.
Sumandal si King sa railing at nagsindi ng sigarilyo.
“Kumusta na pala ‘yong hinahanap mong Anastacia?” baling ni Grim kay King.
Nagkibit-balikat si King. “Baka halusinasyon lang ‘yon sa dami nang gamot na sinasaksak sa ‘kin.”
Nagkatinginan iyong tatlo at lumapit pa kay King pagkatapos.
“Dapat ipahinto mo na ‘yon, baka masira lang ang ulo mo dahil sa mga gamot,” mahinang suhestiyon ni Dark.
“Oo nga, mabuti at hindi na masyadong matapang ang gamot na ibinibigay nila sa ‘tin. Ewan ko bakit dito kay King, parang hindi nababawasan,” ani Stefan.
“Pinag-uusapan pa ninyo ‘yan, alam ninyong kaunting marinig ni ama sa &
Kung saan-saan kami nagsusuot-suot ni Arisa, kailangan naming makahanap nang gumagawa ng sandata. Nagtatanong-tanong na rin kami at madalas ang itinuturo nila ay ang mga panday raw dito sa bahaging ‘to malapit sa isang circus, pero sarado pa sila sa mga oras na ‘to. Pero iyong mga kubol na malapit naman dito ang pakay namin dahil sa mga manggagawa ng sandata.“Sa tingin mo ba ay epektibong Vampire weapon ang makukuha natin?” tanong ni Arisa.“Puwede naman nating ipagawang Vampire Weapon ang makukuha nating sandata. Pinakamahalaga iyong magkaroon lang tayo nang matibay na sandata. Marami na rin nagsasabi sa ‘tin na dito tayo makakakapagpagawa ng magandang kalidad ng sandata dahil talagang mga blacksmith na sinauna ang mga paraan nang paggawa rito.”Pumasok na kami sa isang kubol.“Magandang hapon,” bati ko sa loob.Isang malaking lalaki ‘yon na putok na putok ang katawan at mukhang talagang
“Ano sa palagay ninyo, maayos ba ang sandata?” tanong ni Ajax sa dalawang babae.“Excited na ‘kong makita ang finish product!” Natutuwang sabi ni Arisa.“Tamang-tama ang napili mo para sa ‘yo, hindi ka mahihirapan makipaglaban dahil sakto lamang sa bigat ng iyong pangangatawan. Iyon naman ang pinakamahalaga, iyong magamit mo ang sandata mo kesa maging isang display lamang,” sabi ni Ajax kay Arisa.Nangiti naman si Arisa sa naging papuri nito.“Ikaw naman, medyo malakas ang gusto mong sandata. Pero sa tingin ko ay hindi mo naman ito pipiliin kung alam mong hindi mo kakayanin, hindi ba? Mag-ingat ka lang dahil ito ay double bladed sword, ang ganito ay nakasusugat sa kalaban at maging sa mismong humahawak.”Nauunawaan naman ni Anastacia ‘yon, gusto talaga niya nang makapangyarihang sandata na hindi basta-basta mapuputol sa laban.“Mabuti pa ay magkape muna tay
Hindi alam ni King kung bakit nagagalit siya, pakiramdam niya napagtaksilan siya, samantalang maging siya rin naman ay nakikipagtalik kung kani-kanino. Parang hindi niya matanggap na may ibang lalaking humawak kay Anastacia.“Wala namang problema, hindi mo kailangan magpaliwanag,” sabi ni King.Nagsalin siya ng bloodwine at ininom ‘yon.Nalungkot naman nang husto si Anastacia. Sa totoo lang ay nakokonsensiya rin naman siya para kay Vince. Pero hindi niya talaga kayang isawalang-bahala si King, ito pa rin talaga ang buhay para sa kanya.“Magpahinga ka na, hindi mo kailangan mangamba. Bukas nang umaga ay aalis na rin kami,” sabi ni King.“Young Master—”Tumayo si King kaya tumayo rin si Anastacia para sundan siya.“Young Master.” Pinigilan ni Anastacia ang braso ni King.Lumingon naman sa kanya si King nang nakakunot ang noo. “May problema pa ba tayo?”
“Nasaan na kayo? Magpakita na kayo dahil nagugutom na kami!” Boses ng isa sa dalawang lalaking bampira.“Maghiwalay na lang tayo, marami na ‘kong dugo baka mas mapahamak ka pa,” bulong ko kay Arisa.“Para naman kaya kitang iwanan,” sabi ni Arisa.“Aaaah!” Nagulat silang dalawa nang may palakol na humati sa bahagi ng tinataguan nilang puno.“Anastacia!” Malakas na tawag ni Arisa dahil nagkahiwalay sila dahil do’n.“Huwag mo ‘kong intindihin!” sigaw ni Anastacia.Mabilis ang takbo ng isang lalaki at nag-tig-isa ang mga ito.Masakit ang balakang ni Anastacia pero dahil na rin sa tindi nang takot pa rin niyang mamatay ay nagawa niyang makakilos.Inilabas niya ang kanyang sandata at nakipagsanggaan sa malaking bampira ng sandata. Magilas kumilos ang kalaban kaya halos muntik-muntikan na si Anastacia na mahampas ng sandata ni
“Anong problema? Bakit parang hindi kayo masaya sa hapunan?” tanong ni Don Felipe sa mga anak-anakan.Unang nag-angat ng tingin si King.“Ama, hindi naman, marami lang kaming ginawa at kasama na roon ang pagsasaya,” nakangiting sabi ni King.Tumawa naman nang malakas ang matandang Don.“Ano-ano bang pinagkakaabalahan ninyo? Maaari pa naman kayo magpakasaya. Marami namang misyon na kakayanin na nang mga alipin natin,” tukoy nito sa mga bampirang nasa ilalim nang pag-eeksperimento nito.“Ama, mukhang marami na ang nagagawa mong batalyon ng alipin,” tila excited na sabi ni Dark.Nangiti lalo ang ama. “Oo, marami na, at napakarami nang successful ngayon kaya sobra ang saya ko. Huwag kayong mag-alala, bawat isa sa inyo ay magkakaroon nang maraming aliping susundin kayo sa lahat. Sa ngayon, kinakailangan ko pa lamang na paramihin sila pero pasasaan pa at darami rin naman sila. Ang
“Anne?” untag ni Vince kay Anastacia.Gabi na no’n kaya sila lamang ang nasa pinakatuktok nang balkonahe. Oras na rin kasi ng pagpapahinga.“Vince, may sasabihin ako sa ‘yong mahalaga.” Kumakabog ang dibdib ni Anastacia. Hindi niya gustong saktan ‘to pero wala naman siyang magagawa, hindi na niya puwede pang patagalin pa ang lahat.Napapansin ni Vince ang hitsura ni Anastacia, hindi man niya gustong isipin, pero mukhang makikipaghiwalay ito sa kanya.Si Anastacia ang kauna-unahang gusto niyang makita sa pagbalik niya. Pero mukhang sa pagbabalik niya, hindi magandang balita naman ang ibibigay nito sa kanya. Pero kailangan niyang maging handa. Hindi niya naman gustong pabigatin pa ang nararamdaman nito.“Alam mo kung ano ang dahilan ko bakit ginusto kong maging isang Vampire Hunter,” pasimula nito.“Alam ko, dahil ‘yon sa lalaking mahal mo na pinatay ng mga bampira rin,” s
Biglang bumuhos ang ulan habang naglalaban ang lahat.Nagiging mas mahirap makipaglaban dahil mabibilis ang kalaban.Nagsisimula ring tumunog ang mga emergency, ibig sabihin lamang ay nakapasok na ang mga kalaban.“Anastacia!”Lumingon si Anastacia sa boses ni King.Saan ‘yon nanggaling?“Aaah!” Napaiwas siya sa palakol na muntikan nang tumama sa kanya.May bumuhat na sa kanya at dinala siya sa malayo. Mabilis at halos walang makita si Anastacia bago niya naramdaman ang pagbaba sa kanya sa madilim na bahagi ng kagubatan.Malakas pa rin ang ulan. Hindi niya maaninag kung sino ‘yon maliban sa pula nitong mga mata.Pero nang hawakan niya ‘to ay nakilala niya kaagad.“Ikaw ba ‘to, Young Master?” tanong niya.“Maayos ka lang ba?” Hinawakan nito ang kanyang mukha.Kahit paano nagsisimula nang makakita ang mg
Nang magising ako ay maliwanag na kaagad sa buong bahay.Bumaba ako at naabutan ko si Marina na nagliligpit na ng hapagkainan.“Pasensiya na, hindi ko sinasadyang makatulog nang matagal.”“Hindi na muna kita ginising dahil mukhang pagod ka. Ihahanda ko na ang almusal mo.”“Huwag na, ako na lamang ang kikilos, nakakahiya naman.”Nangiti si Marina. “Wala ‘yon, sanay naman na ‘ko sa gawaing bahay.”“Kahit na, hindi naman ako magiging bisita rito, halos dito ako tityra nang matagal-tagal.”Nangiti si Marina.“Umalis na si King nang maaga, sabi niya’y dadalaw na lamang siya kung may libreng oras.”Nangiti ako dahil napag-usapan naman namin ‘yon kagabi.Naghain pa rin si Marina at ako na lamang ang nagtimpla ng kape ko.“Nasaan si Dylan?” tanong ko nang makaupo kami.“Nasa labas n