Malamig ang hangin na dumadampi sa mga balat ko. Hindi ko minumulat ang mga mata ko dahil sa takot sa nakaambang mangyari sakin.
Pero lumipas na ang ilang sandali ay wala pa rin akong sakit na nararamdaman. Namanhid na ba ako?
Pinakiramdaman ko pa lalo ang sarili ko habang nananatiling nakapikit ang mga mata ko ngunit wala talaga akong maramdaman bukod sa para akong nakalutang sa hangin. Am I already dead?
"You're safe now. You can open your eyes."
Halos magkasabay na nagreact ang mata at puso ko ng marinig iyon. As my eyes snapped open, I was greeted by a pair of hypnotizing bluish gray eyes. Lalong nagwala ang puso ko at nahigit ang hininga ko.
I was dumbfounded by the beauty of the man right in front of me. Para akong nakakita ng american actor sa itsura niya. From his tousled brown hair, down to his thick brows, prominent nose and pinkish lips where my eyes lingered the most.
A grin emerges from his thin lips that knocks me off of my daydreaming. Halos literal na batukan ko ang sarili ko nang marealize ko ang kung ano-anong pumasok sa isip ko. I suddenly forgot what is happening. Nakalimutan kong kakatakas ko nga lang pala kay kamatayan. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa kahihiyan. Baka kasi kung ano ang isipin niya. Pakiramdam ko ay ang tagal kong nakatitig sa kanya.
Sa pagbaling ko ng tingin ay doon ko lang napansin na buhat-buhat pala ako ng lalaking ito. Parang pakiramdam ko ay lalong nag-init ang pisngi ko. Kung paano nangyaring buhat niya ako ngayon at kung paano niya ako nakuha sa sasakyan kahit naka seatbelt pa ako ay hindi ko malaman.
Nang igala ko naman ang tingin ay halos lumuwa ang mata ko sa lula nang makitang nakatayo siya sa sanga ng isang malaking puno na nakatirik sa pinakagilid ng bangin kung saan tanaw ang luray-luray kong sasakyan na salit-salitang hinahampas ng alon. I clung to his neck on impulse. I felt nauseated. Takot kasi ako sa heights.
He stiffened at my sudden behavior. Mukhang nagulat siya sa kinilos ko. But then he holds me tighter as though he sensed my fear.
Biglang kong naalala si Lenora at bumalik ang pag-aalala sa dibdib ko. Dali-daling akong lumingon sa lalake.
"Si Lenora!" bulalas ko. " Kailangan ni Lenora ng tulong."
"Lenora's fine. Damien and Mathilde were already there," kalmado niyang sagot.
Bahagya akong nakalma pero matindi pa rin ang kagustuhan kong makita si Lenora. Gusto kong malaman kung okay lang ba siya o kung nasaktan ba siya. Kasalanan ko pa rin kung bakit siya nakipaglaban ng mag-isa.
"I must bring you home."
Agad akong kinabahan. Oo at pamilyar siya sakin pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. "Teka! Sino ka ba? San mo ko dadalhin? Ibaba mo nga ako!"
Ngumisi ito na parang may nakakatawa akong sinabi. "Really? You want me to put you down?"
Nanlaki ang mata ko ng maalala ang sitwasyon namin. Napahigpit ang kapit ko sa balikat niya sa takot na baka totohanin nga niya ang sinabi. Doon ko narinig ang mahina niyang pagtawa.
"I'm Alaric Yvann Cayman. Second son of Cassius Cayman," pakilala niya habang titig na titig sa mga mata ko. Dahilan para lalong kumabog ang dibdib ko. Siya iyong lalaking nakatayo noon sa may hagdan noong dumating ako sa manor. Kung ganon, siya rin ang lalaking nagligtas sa akin ng maka-ilang beses.
Isa-isa kong naalala ang mga panahong iniligtas niya ako. Pero ang mas tumatak sa isip ko ay ang mga mata niya. Those piercing grey eyes of his.
"Can I bring you home now?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa realidad.
Bumalik sa isip ko ang dahilan kung bakit kami nasa sitwasyong ganito. "No! I want to see Lenora." Pilit ko. "Kahit sandali lang please."
He stared at me for a moment, na ikinailang ko. Matagal na akong gandang-ganda sa mga matang iyon tapos ay tititigan niya ako? Nunkang di ako mailang.
Wala naman siyang sinabi at hindi na rin ako nakapagsalita ng sa isang iglap ay bigla kaming humalo sa hangin. Hindi ko napaghandaan ang ginawa niya kaya agad akong sinamaan ng katawan at bumaliktad ang sikmura.
Bago pa man din ako masuka ay nakarating na kami sa lugar kung saan nakipaglaban si Lenora ng mag-isa. Kung saan ko siya nagawang iwanan. I felt a sudden guilt lalo na ng matanawan ko siyang sugatan at kinakalinga nila Damien at Mathilde.
Dali-dali akong nagpababa kay Alaric na sinunod naman agad ng huli. Nagtatakbo agad ako kay Lenora ng tuluyan niya akong maibaba.
Bago pa man din ako makalapit ay pinigilan na ako ni Damien. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang mga sugat na natamo ni Lenora. Parang kumirot ang dibdib ko. Kasalanan ko iyon. Kung di ko sana siya iniwan. O kung hindi nalang sana ako sumama hindi mangyayari ito sa kanya.
"Le-lenora.."
"It's not your fault," malumanay na sabi ni Mathilde na sa isang iglap ay nasa tabi ko na. "She did that to save you."
"Pero-"
Umiling si Mathilde. "In Lenora's state now, I must ask you to leave. Hindi makakabuti kung mag-i-stay ka dito lalo na at sugatan sya. She might harm you once she smelled your blood."
Can she hurt me even though she saved me?
Hindi ko maalis ang tingin ko kay Lenora habang sinasabi iyon ni Mathilde. Hawak ito ni Damien sa magkabilang braso habang inaalalayan sa pagkakaupo. Halos panawan na ito ng ulirat. Puno rin ng galos ang mga braso at ang mala-anghel na mukha nito. Sa magkabilang balikat naman ay umaagos ang dugo. Nanlumo ako. Parang may mga kamay na pumipiga sa dibdib ko. Hindi ako makahinga ng ayos, hindi dahil sa pagkakita sa mga dugo, kundi dahil sa sinapit ni Lenora ng dahil sa akin. Nangilid ang luha ko. Ayoko ng may nasasaktan ng dahil sa akin pero eto ang nangyari. Why do they have to sacrifice their lives for me?
Maya-maya pa ay nagkamalay si Lenora. Bigla nitong inangat ang ulo at lumingon sa akin. Nahindik ako at wala sa loob na napaatras nang tumingin ng diretso sa akin ang pulang-pula niyang mga mata. Walang kakurap-kurap na umalpas siya mula sa pagkakahawak ni Damien at mabilis na sumugod sa akin. Tila siya isang asong kalye na matagal na pinagkaitan ng pagkain at ng makakita ay nagkukumahog na makuha.
Sa sobrang bilis ay hindi ko agad nakita ang paglapit nito sa akin. Hindi na ako nakagalaw na tila ba natulos na ako sa kinatatayuan ko. Halos gahibla na lang ang layo niya sa akin ng iumang niya ang kamay para saktan ako. Wala akong magawa kundi tignan na lang kung paanong ang taong sinubukan akong iligtas kanina ay magagawa ako ngayong saktan ng basta-basta na lang.
Nanlaki ang mga mata ko nang sa isang kisap-mata ay lumipad si Lenora palayo sa akin. Agad naman itong nakabawi at nakatayo ngunit bago pa man ito muling makasugod ay agad na sumulpot si Damien sa likod nito at hinawakan. Pilit namang nagpupumiglas si Lenora.
Humarang naman sa harap ko si Alaric na siyang nagtaboy kay Lenora kanina. Sumunod naman si Mathilde kapagdaka.
"You must take her to the manor immediately," ani Mathilde kay Alaric.
Hindi na ako nakaimik nang bigla nalang akong tangayin kasama ni Alaric. Kalong niya ako habang pareho kaming humalo sa hangin.
Napakabilis ng pagtakbo niya na animo ay hindi na dumidikit sa lupa ang mga paa. Ang bawat dampi ng hangin ay tila mga lubid na humahagupit sa balat ko. Ngunit di ko na rin halos maramdaman dahil sa dinaranas ko ngayong motion sickness. Blur na rin ang tingin ko sa paligid kaya't ipinikit ko nalang ang mata ko.
Sa pagpikit ko ng mata ay ang pulahang mga mata ni Lenora ang unang bumungad sa akin. Nagngangalit sa pagkapula ang mga iyon. Halos hindi ko makita roon ang masayang babaeng kasama ko lang kanina. Nang sasaktan na niya ako ay agad akong napadilat.
Noon ko namalayan na nakarating na kami sa kwarto ko, sa bahay ng mga Cayman. Nakahinga ako ng maluwag ng mailingap ang mata sa pamilyar na lugar. Dahan-dahan akong ibinaba ni Alaric. Madilim na sa loob ng kwarto ko kaya't nasisiguro kong ganoon din sa labas.
Wala sa loob na nayakap ko ang sarili ko nang bumalik sa alaala ko si Lenora at ang mga nangyari kanina. This is the reality I can't no longer escape.
"Normal sa isang bampira na maging agresibo pagkatapos ng isang matinding labanan lalo na at sugatan ito," ani Alaric na nanatiling nasa likuran ko. Marahil ay hinihintay niya kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga nangyari.
Hindi ako umimik. Sa halip ay naupo ako sa gilid ng kama. Siya naman ay nakatayo malapit sa bukas na bintana ng terrace. Siguradong doon kami dumaan. Hinihipan ng malumanay na hangin ang kurtina niyon habang nasisinagan ng buwan.
"Ang mga bampira na yon, anong gusto nila sa akin? Bakit nila ako hinahabol?" naguguluhang tanong ko. Kailangan kong malaman kung anong kailangan nila. Bago ako sumuong sa mundong ito, kailangan kong malaman ang mga pasikot-sikot nito.
Napatingin ako sa kanya ng wala akong nakuhang sagot. Nadatnan ko ang matiim niyang titig sa akin na buong tapang kong sinalubong. Kung kanina ay malakas ang kalabog ng dibdib ko sa mga tingin niya, ngayon ay di ko na iyon maramdaman.
"Tell me everything I need to know about vampires."
Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t
Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald
*Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay
*Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi
Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs
*Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun
*Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala
Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso