Share

PRIORITY

It's been two days since I arrived at the Cayman's manor. At magsimula ng pumasok ako dito sa kwarto ko ay never pa kong lumabas. I don't feel like walking around knowing that every person in this house were all bloodsuckers. 

Well, okay pa naman ako sa lumipas na 48 hours. Wala pa namang nabawas sa katawan ko lalo na sa dugo ko. Dinadalan nila ako ng pagkain ng mga maids nila pero pinapaiwan ko lang iyon sa pinto saka ko kukunin. So far, di pa naman nila ako inaabala sa pananahimik ko dito. Pero minsan nagugulat nalang ako dahil sa pagkatok bigla kundi si Mathilde, ay si Lenora.

And speaking of maids, well, they absolutely have maids. Of their kind. Hindi sila kakaunti. Marami sila. Noong una ay nagugulat pa ako pero ngayon nabawasan na. This is not an ordinary world that I thought. It's much different. Way different. Ang akala kong safe place ngayon ay wala na. Ang pinaka-pinagtataka ko sa lahat ay kung bakit nanatili pa rin dito si papa. Inspite of having those vampires along with him, he still choose to serve them. Bakit? Anong meron sa mga Cayman? Alam kaya to ni mama? Pero imposibleng hindi niya alam. Papa's been here for almost half of his life. Bago pa man kami ipinanganak ni Kirius ay dito na siya naninilbihan. Pero bakit hindi sinabi sakin ni mama? Or maybe nililihim niya sakin. I better see her. I need to talk to her. I just can't trust these people. I need to go home. I need to know and besides, I miss them too. 

Pero paano? May vampires na nakaabang sa labas ng manor. Sigurado ako dun. Meron din paniguradong nagbabantay sakin kahit di ko sila nakikita. Although I can't see them, I can feel their presence. I should quiet down my plan, or they might hear my thoughts.

I was in the midst of planning when someone knocked on the door. Nagulantang ako. 

"Yueno, it's Lenora."

Kilala ko naman ang boses nya kahit di nya sabihin pero mas pinili kong hindi sumagot. 

"You've been there since you came here. I thought you might be bored so-- you wanna go shopping?"

Halata ang pag-aalangan sa boses niya. Marahil tinatantya pa niya kung ano ang maaaring reaksyon at sagot ko. Maybe it's the right time to execute my plan. Narinig ko pa syang bumuntong hininga bago nagsalita.

"You know, I won't bite." Pangungumbinsi pa nya.

Maybe I should give it a try. 

Wala pang isang minuto ay binuksan ko agad ang pinto. Bahala na kung ano ang magiging resulta. Bakas ang pagkabigla sa mala-anghel na mukha ni Lenora ng makita ako. Kung sana anghel na nga lang siya. Ngumiti agad siya sakin ng makabawi. I wonder kung bat siya nagulat. Di ba niya narinig ang footstep ko? Or yung thoughts ko? Or maybe hindi lahat sa kanila ay nakakabasa ng isip.

"You're coming, right?" pagkokompirma nya. I smiled. She can't.

"Sana. Siguro kailangan ko lang din ng fresh air."

"Good to know. No need to worry, the parents aren't here. They're on a business trip. My siblings were all in their offices too. And I swear, I don't bite," she exclaimed.

Tumango ako. "Okay. Ikaw lang naiwan?"

"Yep. Pero ibinilin ka nila saken. I'm already bored na kasi and naisip ko na baka naiinip ka na kaya inaya kita."

Nagsimula na siyang lumakad kaya agad kong hinablot ang shoulder bag ko sa may vanity table saka dali-daling sumunod sa kanya. Habang palabas ng bahay ay pinanatili ko ang pagiging alerto. I shouldn't let my guards down in this sort of place. Nagtaka ako nang wala akong ibang taong nakita sa paligid kundi kami. Pero hindi ko na binanggit pa kay Lenora.

"Hindi kaba pinagbawalan na ilabas ako? You know-"

"Of course not, di ka naman prisoner dito. Does that manor look like a prison to you?" she giggled. "Yueno, we will not harm you. There's nothing to worry here, but there." Tinuro niya ang labas ng gate. Napalingon ako doon. Does she mean it's more dangerous outside? Sumunod nalang ako nang dire-direcho syang maglakad papunta sa garahe. 

Kinabahan ako nang maisip ko sila mama. I really need to go home and tell her about this. Or maybe she knows about this.

Sumunod agad ako kay Lenora. Halos mapanganga ako ng matanawan ang kotseng gagamitin namin. Nandoon at prenteng nakapark sa open space garage nila ang isang naghuhumiyaw na lamborghini sports car. 

"Beautiful, right?" she asked proudly.

I can't help but scoff at her. "That's an understatement."

"Do you know about cars?" 

"A little. Kirius loves cars," sabi ko sabay kibit balikat.

Looking at it makes me wonder how wealthy can this family be. Napailing ako. The perks of being one of the wealthiest family. I can't imagine kung ano pa ba ang kaya nilang bilhin.

Ngumiti si Lenora saka naghanap ng susi sa bulsa. Nakamasid lang ako sa kanya habang unti-unting nangungunot ang perpekto niyang noo. Kailangan ba talaga na mukha silang mga perpekto? Sumagi sa isip ko isa-isa ang bawat miyembro ng pamilya nila. But then my thoughts come down to one person in particular. My heart even respond immediately just by thinking of him. Anong meron sa kanya? Bakit ako nagkakaganito? There is a part of me that is eager to know him.

"I think, I forgot the keys inside. I'll just go get it," aniya na nagpabalik sa akin sa huwisyo. Tumango lang ako saka siya tumalikod. Bago pa man makaalis ay nilingon pa niya ako. " You're not planning to escape, aren't you?"

I was taken aback pero hindi ako nagpahalata. Umiling lang ako sa kanya at mukhang nakampante naman sya sa sagot ko kaya sa isang iglap ay bigla na siyang nawala. That's my que. Lumingap lingap ako kung may bantay pero wala akong nakita. Agad akong umikot sa driver seat at naghagilap ng maaaring pambasag sa salamin nito. Dinampot ko ang di kalakihan na batong nakita ko sa di kalayuan. 

Akmang ipupukpok ko na ang bato ng tamaan ako ng panghihinayang. Mamahalin pa naman ang kotse. Ayoko sana tong gawin pero kailangan kong makaalis dito. I mentally shook my head. I shouldn't be sidetracked. I need to go home and warn mom and Kirius.

I'm sorry.

"You're not gonna break my window just like that."

Nagulat ako at nabitawan ang bato. Hindi ko namalayan ang biglang pagsulpot ni Lenora sa likuran ko. Napaharap ako sa kanya at napaatras. She doesn't look mad though. She just stood there looking like a mannequin while her face is devoid of any reaction. Umiling siya na parang nadidisappoint saka dinampot ang batong nabitawan ko at inilapit saken. Lalo akong napaatras sa ginawa niya. Reflexes. She can't blame me knowing her kind.

"Alam mo, hindi rin makakatulong ang pagtakas mo kaya wag mo ng ituloy. Lalo ka lang mapapahamak. And this stone, will not take you anywhere", sabi nya sabay tapon sa di kalayuan. Sinundan ko ng tingin ang bato kahit di ko naman makita. Being a vampire herself, you wouldn't want to know where that stone gone. 

Umikot sya sa drivers seat saka sumakay. Naiwan akong nakatayo at nakatingin lang sa ginagawa nya. Maya maya ay bumaba ang salamin ng bintana nya saka dumungaw doon. 

"Don't just stand there. Hop in."

Nagdadalawang isip naman ako kung sasama pa ba ako o hindi. But I need to see mom and Kir. Maybe I can persuade her to visit them.

Bumuntong hininga siya. "Alam kong wala kang tiwala, Yue, pero sana bigyan mo naman kami ng chance."

Maybe she's right. Sabagay, kung masama sila dapat pinagpyestahan na nila ko nung pagkapasok ko palang sa bahay nila. Dapat pinasok na nila ako sa kwarto, pero wala silang ginawang masama. Or wala pa?

Haist... Bahala na nga!

Umikot ako sa shotgun seat at sumakay. Of all the Cayman's, Lenora deserves to have the benefit of the doubt. I guess.

Ngumiti ulit siya sakin pagkasakay ko. "Thank you."

Sinuklian ko ang ngiti nya. Agad din naman niyang pinaandar ang sasakyan. 

Kung kanina ay halos mapanganga ako sa klase ng kotse na to, mas lalo akong humanga sa interior nito. Every details were exquisite and extravagant. It's navigation screams of high quality technology you can't easily afford. I've never imagine riding a car like this in my entire life. Kung makikita lang ito ni Kirius siguradong maiingit yun saken.

Walang umiimik samen habang papalabas ang kotse sa bakuran ng palasyo. Yes, i prefer calling it castle. Para kasing hindi tugma na mansyon lang iyon. Masyado siyang malaki at magara para sa mansyon lang. Nang makalagpas ang kotse sa gate ay nakaramdam ako ng kakaibang kilabot na hindi ko maipaliwanag. I felt danger all of a sudden. Pasimple kong nilingon si Lenora para alamin kung nararamdaman din ba niya ang nararamdaman ko at hindi nga ako nagkamali. Her face were still blank but her movements reveals everything. She seemed restless but remains silent.

Sinawalang bahala ko nalamang iyon pero habang lumalayo kami sa bahay ay lalong tumitindi ang kabog ng dibdib ko. Noon ako wala sa loob na napalingon sa labas. Di kalayuan ay may nakita akong mabilis na paggalaw mula sa likuran ng mga punong dinaanan namin. Naging pamilyar sakin ang mga kilos na tila humahalo sa hangin. Nanlaki ang mga mata ko sa realisasyon. Ganitong ganito rin ang nangyari sa amin, ilang araw na ang nakakaraan mula ng dumating ako dito. Hinahabol din nila kami. Pero ngayon, di nalang mangilan, marami na sila. Mukhang nagtawag na ng kakampi ang mga nakaengkwentro namin.

Naaalarmang lumingon ako sa katabi ko. Pero di ko na kailangang sabihin sa kanya dahil siguradong alam na nya base sa ekspresyon ng mukha nya. Ang kalmadong mukha kanina ngayon ay kababakasan na ng pagaalala.

"Mukhang nagkamali yata tayo ng araw ng paglabas."

Is she trying to defuse the tension?

"Put your seatbelt on", she said in an authoritative voice.

Agad ko namang sinuot ang seatbelt ko saka napahawak sa upuan at sa gilid ko. Nagmistulang mga anino nalang ang mga punong nadadaanan namin sa bilis ng pagpapatakbo nya. Well, no wonder dahil pang race naman talaga ang kotseng ito. I felt that adrenaline rush quickly seeped throughout my body. Pakiramdam ko para akong nasa rides. I already feels like vomiting. 

"Shit! Ang dami nila. Why show up all of a sudden?"

"Anong gagawin natin?" I managed to ask her while I was already fighting over panic and motion sickness, myself.

"I'll try to stop them while you drive away from here."

"What? It's too dangerous."

Ngumisi pa sya saken na parang nakakaloko ang sinabi ko. "I'm a vampire, Yueno. Have you forgotten?"

"Kahit na. Paano kung mapatay ka nila? Sabi mo nga, its too dangerous. Bakit ka lalaban mag-isa?"

Nakatingin lang sya sa harap na tila walang narinig. She looks determined. 

Napatili ako ng biglang may kumalabog na kung ano sa bubong ng kotse. Lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko ng may kumalabog na naman na parang gusto nitong butasin ang bubong.

"Lenora-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng makita ko ang unti-unting pagpula ng berde niyang mata. Napailing ako. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama kay Lenora. I never wanted anyone to sacrifice themselves for me. 

"No. You don't have to do that."

"I have to, Yue. You are the most important here. We can never let anyone from your family die again. That will cause chaos."

"What? Why?" naguluhan man ako pero kailangan kong magfocus sa pagpigil sa kanya. Umiling ako. "It's suicidal, Lenora. I can never let anyone sacrifice their life for me."

"Yueno, listen to me-"

"No! You listen to me."

"Yue-"

"No-"

"You fucking listen to me, Yueno," she bellowed back at me that shuts me up. Eyes redder than I can imagine.

"They're all after your blood. If you die, then that's the end of everything we've been protecting for centuries. So listen to me-" umiiling ako habang dirediretcho syang nagsasalita. "You'll drive this car and  ask for help. My siblings were all in their office."

"I can't leav-"

"Shut the hell up and follow me." aniya at hinawakan ang magkabilang balikat ko."Whatever happens, never turn back, okay?"

As i look at her, i saw determination in her eyes. Napatango nalang ako. Ayoko man ay wala na akong nagawa ng kusang kumilos ang kamay ko pahawak sa manibela. Lenora's doing. Maybe her gift. 

Unti unti akong napalipat sa driver seat habang siya ay nakalambitin sa nakabukas na pinto noon. Inalalayan niya ako hanggang sa makalipat ako. Nang makasiguro ay kasing bilis ng kidlat nyang sinara ang pinto at tila humalo sa hangin. Nakita ko pa sa side view mirror ang paghablot niya sa kung anong nasa bubong ng kotse saka nagpagulong gulong sa kalsada. Nahigit ko ang hininga ko.

"Lenora!"

Mabilis naman itong tumayo. Nilingon pa ako bago hinarap ang mga humahabol samen. 

Pinagmamasdan ko sa side view mirror ang pakikipaglaban nya habang nagpo-focus din sa pagdadrive. Napakabilis nyang gumalaw na parang hindi na sya babae kung makipaglaban at bihasang bihasa siya sa larangan na iyon. 

Abala ako sa pagtingin kay Lenora nang biglang may lalaking tumalon sa hood ng kotse. Napatili ako dahilan para makuha ang atensyon ni Lenora na naging dahilan kaya siya nagawang matadyakan sa tiyan ng isang kalaban niya. Nataranta ako at hindi malaman ang gagawin ng suntukin ng lalaki ang windshield sa harap ko. Inikot ko ang manibela pakaliwa't kanan, nagbabaka-sakaling mailaglag ang lalaki pero walang nangyari. Parang lang ito sumasayaw sa ginagawa ko. Unti unti na ring nababasag ang salamin kaya lalo akong nataranta. Nang lingunin ko si Lenora ay nakita kong pinagtutulungan na siya ng mga kalaban habang hawak ng mga ito ang magkabilang braso niya. 

"No..." 

Akmang paiikutin ko pabalik ang manibela ng hindi ko maisunod ang mga kamay ko. Gift na naman marahil ito ni Lenora. Hindi pwedeng pabayaan ko siya. Pinilit kong igalaw ang kamay ko pero patuloy pa rin ito sa pagdadrive ng diretcho. I was starting to feel hopeless and I hate the feeling. I just can't left her behind but she wants me too. Huminga ako ng malalim saka diretchong tumingin sa halimaw na pilit paring binabasag ang windshield ko. I have to call for help immediately. 

Tinapakan ko ang gas at nagdrive ng matulin. Hindi pa ako nakakalayo ng may sumulpot pang isa sa tabi nung halimaw sa harap ko kaya hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Naramdaman ko din ang pagkalug ng kotse dahilan  na may isa na naman tumalon sa bubong. Walang humpay ang kabog sa dibdib ko dahil sa takot at galit sa mga halimaw na iyon pero pinanatili kong mag-focus sa pagdadrive. 

Nakakita ako ng pag-asa ng matanawan ko ang bangin kung saan sinasabing nahulog ang sasakyan ni papa. Agad akong nakaisip ng ideya at nagdrive ng matulin diretcho don pero bago ko pa man din maisagawa ang plano ko, ay nabasag na ng halimaw ang windshield at tuluyang naipasok ang kamay sa loob. Malakas ang naging puwersa noon kaya nag-tilansikan sakin lahat ng bubog. Nabitawan ko ang manibela at tinakpan ang sarili pero huli na para habulin pa iyon dahil nagdirediretcho na ang kotse sa bangin. Buong pwersa kong tinapakan ang brakes pero wala rin iyong nagawa nang salubungin na ng bumper nito ang railings. Napasigaw nalang ako habang nakatingin sa mga batuhang nagaabang saken sa ibaba na ngayon ay malinaw ko ng nakikita dahil kasing bilis ng hangin na nawala ang mga halimaw sa harapan ko. Naisip ko si papa. This is exactly the way he died, isn't it? And I'll suffer the same tragedy too.

Hopeless, I closed my eyes and waited til it turned me to ashes. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status