Maaga akong nagising ng sumunod na araw. Sinadya ko iyon dahil ngayon araw ay kakausapin ko ang pamilya. Gusto kong malaman kung bakit ako nandito. Gusto kong masagot na ang mga katanungan ko at lalong gusto ko ng matapos ang lahat ng ito at bumalik na sa normal. Sa tahimik kong buhay na kahit trabaho bahay at walang jowa ay masaya pa rin ako. Oo at may nakikilala akong mga nag-gugwapuhang mga lalaki pero hindi ko ipagpapalit ang tahimik kong buhay para lang sa kanila lalo na ang kaligtasan ng pamilya ko. Kailangan kong malaman ang kung anong nagkokonekta sa akin, ng pamilya ko, sa mundong ito. I need to be armed before I charge in the battle.
Nakaupo lang ako sa gilid ng kama nang may maramdaman akong kaluskos. Tumatalas na rin yata ang mga senses ko. Well, sino ba naman hindi tatalas ang senses kung ilang beses ng nakaligtas sa kamatayan. I became aware of everything after those multiple incidents. Kaya hindi na ako nagulat ng biglang may kumatok sa pinto.
"Yue," boses iyon ni Alaric. "They're waiting for you."
Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Heto na ang pinakahihintay ko. Nabungaran ko roon ang gwapong mukha ni Alaric. I still can't believe the fact that he was the man who always saved me. The man I've been looking for all this time was just here all along. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sya napapasalamatan.
"You ready?" tanong niya habang nakatitig sa akin ang maganda niyang mga mata. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Isang tango na lang ang isinagot ko dahil baka mautal pa ako.
"Let's go."
Nagpatiuna na siyang maglakad at sumunod naman ako. Hindi niya ginamit ang bilis nya. Marahil ay gusto nya akong sabayan.
Nasa likuran lang ako ni Alaric habang naglalakad kami papunta sa study room ng palasyo. Well, hindi ko din naman kasi alam ang pasikot-sikot dito kaya kailangan talagang siya ang mauna. Walking behind him gave me the access to check up on his sexy back. Hindi ko naman siya pinagnanasaan. Hinahangaan lang.
Hindi ko rin kasi maiwasang titigan ang likuran nya. He had a well built body anyway. Humuhulma sa suot nitong long sleeve polo ang bawat muscles sa likod nito. No wonder why all the girls were drooling over him. Good looking, wealthy, mysterious. He was the epitome of the man every girl dreams of. But to my advantage, I was the one he saved. Medyo kinilig ako sa ganoong isipin.
Huminto siya sa isang mahogany na pinto at saka binuksan iyon. Unang tumambad sa akin ang relax na ambiance ng lugar. Malawak ang kwarto na napapalibutan ng mataas na shelves ng hindi mabilang na libro. Sa gitna ng kisame ay may nakabiting chandelier na nakukulayan ng ginto at pilak. Tanaw na tanaw naman ang madilim na kalangitan sa wall size na bintana ng kwarto. Humahampas roon ang mga patak ng ulan na kanina pa walang patid na bumubuhos.
Prente namang nakaupo ang mga babaeng miyembro ng pamilya sa sofa sa gitna ng silid. Si Damien ay nakatayo malapit sa ama habang nakatingin sa bintana at ang puno ng pamilya ay nakaupo sa likod ng study table nito. Mukhang may pinag-uusapan ang dalawa. Natigil lamang iyon ng marinig ang pagsara ni Alaric ng pinto. Mukhang kulang sila ng isa. Wala si Lenora.
"Yueno," tawag-pansin ng matandang Cayman. Tumayo ito sa kinauupuan at minuestra ang sofa. Humarap naman sa amin si Damien.
Alaric gestured to me to take a seat. Sumunod naman ako. This is it. This is my chance to find a way to get loose to their hold.
Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakamasid sa akin habang palapit ako sa kanila. Hindi ko inaasahang nandito silang lahat.
Wala sa loob na napatingin ako kay Mathilde. Muntik ko ng maalala na nakakabasa nga pala siya ng isip. Hope it's not too late to shut all of the plans I build in my mind. Naupo ako sa single seater na sofa. Ayokong lumapit sa kanila ng husto knowing that they're still vampires. Si Alaric naman ay tumayo sa gilid ko. He seemed like he was guarding me. Medyo kinilig naman ako at bahagyang nakalimot sa tensyon.
"Nasaan si Lenora?" I started off.
"Nagpapagaling," si Lucinda ang sumagot sa akin. Tumango lang ako.
Kinutuban ako ng hindi maganda sa gawi ng pagtingin ni Damien sa akin ng malingunan ko ito. Si Cassius naman ay lumakad papunta sa katapat kong upuan. Nakamasid lamang ako sa bawat galaw nila.
"Alaric said that you want to talk to us?" panimula ni Cassius. His green eyes pierce through me makes me feel a bit intimidated.
Tumango ako. "I won't beat around the bush. Gusto kong malaman kung bakit kailangan naming magsilbi sa inyong mga Cayman? Bakit kailangang kami?"
Ilang sandali pa akong tinitigan ni Cassius bago sumagot.
"Hindi kayo ang magsisilbi sa mga Cayman, Yueno. Kayo ang pagsisilbihan ng mga Cayman," diretchahang sagot ni Cassius.
Bigla akong naguluhan. "Bakit? Bakit hindi na lang iba? Ano ang koneksyon namin sa inyo o sa mga bampira?"
"Your bloodline serves as a truce between the three worlds. Kayo ang tagapamagitan ng magkakaibang lahi upang mapanatili ang kapayapaan."
"You mean to say, peacemaker?" Natigagal ako. In the midst of a grueling battle of powerful creatures, kami pa talaga ang peacemaker?
"Not really," walang kaabog-abog na sagot nito. "More likely to be... the offering. You are the Dovana, Yueno. And the Alteste chose us to protect you."
"Alay? Dovana?" Napapailing ako habang naguguluhan. Bigla ang pag dagsa ng emosyong hindi ko maipaliwanag kung galit ba? O inis? Gulat?
"Ilang siglo na ang lumipas ng magsimula ang gulo sa pagitan ng mga bampira at ng ibang nilalang. Walang katapusang patayan ang naganap sa pagitan ng mabuti at masama. Dahil sa tila walang katapusang gulo, naiipit ang lahi ng mga walang labang mortal. Doon nagsimula humingi ng panandaliang kapayapaan ang mga ninuno nyo. Nakipagpulong sila sa Alteste at pinuno ng ibang nilalang. Dahil dehado sa labanang naganap ang lahi ng tao, nagawa nilang ialay ang inyong lahi upang hindi na galawin o maidamay pa ang mga mortal sa labanang iyon."
I was speechless at the moment. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o iisipin ko. Is this the reality? O nananaginip lang ako? Ako? Ang alay?
"Ang Alteste ang siyang pinakamataas na samahan ng mga elders. They are the rules and regulations here. Sila ang nag-talaga sa amin upang pangalagaan ang Dovana. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi nyo nakakasama ang papa nyo. Kailangan siyang mag-stay dito para sa kaligtasan niya pati na rin kayo. Iyon ang rason kung bakit naiwan si Lenora dito para bantayan ka. But she chose to violate the rules."
Nagpanting ang tenga ko pagkabanggit nya kay Lenora. "D'you mean kasalanan ang pagmamagandang loob ni Lenora na ipasyal ako?"
"What I was trying to say is that she puts your life in danger. Yueno, we can't risk your life. We didn't know what's waiting for you. You must know that those rogues were after the Dovana. To kill you. Gusto ka nilang patayin para muling magkagulo ang mundo. Once the Dovana was killed, a war will surely emerge. That way they can endlessly devour humans," dire-diretchong paliwanag nito.
So we are bound to live with the Caymans. No. I won't let that happen.
Ibig sabihin din nito ay kaya ako inililigtas ni Alaric dahil sa ako ang Dovana. Nanlumo ako sa realisasyon. I felt disappointed. I was saved not because he wants to but because he has to. Biglang naglaho lahat ng kilig ko. Kung ano-ano na kase ang nabuo sa isip ko tungkol sa pagliligtas sa akin ni Alaric.
Bigla kong naalala ang dahilan ng pagkamatay ni papa. "These rogues, are they the ones who killed my father?"
"Yes."
"So I was right. Hindi nga namatay si Papa sa car accident. He was killed. Pero bakit hindi nyo siya iniligtas? I thought you will protect the Dovana, my father is the Dovana that time,right? Why didn't you protect him?" Sumuba ang galit na matagal ko ng kinikimkim sa mga Cayman kaya’t hindi ko napigilang tumaas ang boses ko.
“We are very sorry. It’s our loss too,” malungkot na sagot ni Cassius. “The Alteste entrusted us to protect you but we continued to fail them.”
“Reckless!” sigaw ko. Gusto kong ibunton sa kanila ang galit ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Humugot ako ng malalim na hininga at nagbakasakaling mapakalma ang sarili.
Wala naman ni isa sa kanila ang umimik. Marahil ay gusto nilang iparating ang kanilang pagsisisi. Pero magsisi man sila ay huli na. Hindi na nila maibabalik ang buhay ng papa ko. Namuo ang luha sa aking mga mata pero pinigilan ko iyong makawala. Hindi pa ako tapos. May kailangan pa akong malaman.
"Paano namatay ang Papa ko?"
Tinignan nya akong muli sa mata. Ramdam ko din ang mariing tingin sa akin ni Mathilde. Kinukutuban ako sa kilos niya pero hindi ako nagpahalata at sinubukang blangkuhin ang isip.
"He escaped and got caught by rogues on the way to your house."
Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa mga sinabi ni Cassius. Ngayong nalaman ko na ang dahilan ng pagkamatay ni Papa, bakit hindi pa rin ako kombinsido. Bakit parang may mali? He escaped that easily? May hindi sila sinasabi. Kulang pa ang nalalaman ko. I need to dig deeper. Harder. But first, I need to think. I have to get out of here. This is suffocating.
Kaagad akong tumayo kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Bagay na hindi ko na inintindi at nagdiretcho na sa pinto.
"Thank you for the information, Mr. Cayman," ani ko saka lumabas na sa kwartong iyon.
I felt the urge to take some fresh air kaya dumiretcho ako sa labas. Umaasang kahit papaano ay mapapagaan ng magandang tanawin sa labas ang loob ko. Masyado akong na-overwhelm ng mga impormasyong nalaman ko. Hindi matanggap ng utak ko na isa kaming alay sa mga masasamang nilalang na iyon. This is not what I expected.
Tumila na ang ulan sa labas at bahagya ng sumisilip ang araw. Wala sa loob na nilibot ko ang hardin doon. I need to breathe. That information was too much to handle. I'm not prepared. Parang gusto kong maiyak sa realisasyong kailangan naming isakripisyo ang buhay naman para sa ikatatahimik ng lahat. Well, yes, that was quite heroism. Pero paano naman kami? Paani ako? Gusto ko ding mabuhay ng malaya?
Namalayan ko nalang na basang-basa na pala ang pisngi ko ng hindi maampat na luha. Hindi ko na napigilan.
Nasa ganoon akong sitwasyon ng may nakita akong maid na lumabas galing sa backdoor. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko halos ang likod-bahay. Malayo na rin pala ang nilakad ko mula sa hardin.
Napakunot-noo ako ng mabalik ang tingin ko sa maid na naglalakad palayo sa bahay. Sa lalo kong pagtataka ay may dala-dala itong tray ng mga pagkain. Sino ang dadalhna nito?
Agad akong nagpahid ng luha at sinundan ang maid. Curiosity surely kills the cat. Malaki ang distansyang inilagay ko sa pagitan namin ng maid. Precautions. Hindi ko pa rin nakakalimutan ng mga bampira rin sila.
Maya-maya pa ay pumasok ito sa isang pinto na kaagapay pa rin ng manor. Although, it seems to be detached from the main house. Nang mawala sa paningin ko ang babae ay lumapit agad ako sa pintong pinasukan niya. Nang silipin ko ang loob ay laking gulat ko ng makita ang isang makitid at medyo may kadiliman na hallway. Kakaunti lamang ang ilaw doon kaya't hindi gaanong nasisinagan ng liwanag ang buong lugar.
Nag-aalangan pa akong pumasok noong una pero dala ng matinding kuryosidad ay pumasok na rin ako. This place surely looks creepy. Habang binabaybay ang daan ay hindi ko maiwasang maisip kung ano ang nasa dulo nito. Naalala ko tuloy ang napanood kong movie, halos katulad nito iyon. Passageway leading to the house dungeon. Nanlaki ang mga mata ko. May dungeon sa manor?
Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng kalansing ng mga susi. Siguradong malapit na ako sa dulo.
Agad kong natanawan ang katulong na sinusundan ko kaya nagtago ako sa malaking haligi malapit dito. Di hamak na mas madilim sa kinalulugaran nito kung kaya hindi ko gaanong maaninaw ang ginagawa nito. Tila may kinakalikot itong kung ano sa harap nito. Doon ko napansin na kulungan ang nasa harapan ng katulong at unti-unting ipinapasok ang dalang pagkain sa loob. Sino ang nasa loob?
Namataan ko ang paggalaw ng kung sino man sa loob ng kulungan. Maya-maya pa ay lumapit ito para kunin ang pagkaing dala ng katulong. Doon ko unti-unting naaninag kung sino ang nasa loob noon.
Nahigit ko ang hininga ng makitang ang nakakulong doon ay walang iba kundi si Lenora.
Agad akong tumakbo palapit sa kulungan."Lenora!"Gulat itong napatingin sa akin pati ang katulong sa tabi ko. Halata sa mukha nila na hindi nila ako inaasahan sa lugar na ito."Yue-""What are you doing here, Yueno?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses na nanggaling sa likuran ko. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagulat at napaharap doon. Natagpuan ko roon ang nakahalukipkip na si Damien na direktang nakatingin sa akin.Hindi naman ako nagpatinag kahit nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko."Bakit nakakulong dito si Lenora?" sigaw ko. Kumulo ang dugo ko sa isiping, kaya nakakulong dito si Lenora ay dahil sa akin."This is her punishment," walang buhay na sagot ni Damien sa akin. Nakaka-sense ako ng disgusto sa kanya. Malakas ang kutob kong ayaw nya sakin. Maya-maya ay naglakad ito palapit sa kinalulugaran namin. Yumu
Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa mga mata kong kakalahati pa lang ang nakabukas. Umaga na pala. Pakiramdam ko kasi ay parang napahaba ang naging tulog ko. Pinakamahaba na kung kumpara nitong nakakaraang araw. Awtomatikong inabot ng kamay ko ang alarm clock sa may bedside table kahit hindi iyon tumutunog. Wala lang. Gusto ko lang tignan ang oras. Hindi na rin kasi ako nagseset ng alarm dahil hindi na ako pumapasok sa trabaho. Masarap sana na hindi ko na kailangang magtrabaho yun nga lang, laging nasa panganib ang buhay ko.Hindi na ako nagtaka ng makitang mag-aalas dose na ng tanghali. Tanaw kasi ang tirik na tirik na sikat ng araw mula sa nakabukas na pintuan ng terrace. Nakalimutan ko pala iyong isara kagabi. Pero sa pagkakatanda ko ay isinara ko iyon kagabi dahil nagbukas ako ng aircon. Mabuti na lamang at walang nagtangkang pumasok.
Napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto ng sumunod na araw. Hindi dahil sa palagay na ako kundi nais kong subukan ang sinabi ng lalaki kagabi. I-background check ko daw ang mga Cayman. Bakit kaya? May nagawa ba silang hindi maganda dati? Para tuloy nagatungan ang pagdududa ko sa kanila.Katulad kahapon ay tahimik pa rin sa buong kabahayan. Malamang sa nagsipasok pa rin sa kanya-kanyang trabaho ang iba. Dahil na rin sa wala akong mahagilap na tao ay nagdiretcho na ako sa study room ng palasyo. Ang problema nga lang ay hindi ko alam kung saang lupalop iyon. Hindi ko na kasi matandaan kung aling pinto iyon dito dahil pare-pareho ang kulay at itsura. Mukhang sinadya iyon para lituhin ang kung sino mang hindi taga roon.Marahil kung nandito si Alaric ay siguradong nandoon na ako ngayon. Yun nga lang ay wala siya dito. Hindi ko malaman kung nasaan siya ngayon. Maging kaninang umaga kasi ay hindi ko pa siya nakikita. Baka may emergency sa t
"What made you think that I'll help you?" anito habang mataman akong tinitignan.Muling kumabog ang dibdib ko sa gawi ng pagtitig nito sa akin. Parang inaarok niya ang kaibuturan ng kaluluwa ka. Dahilan para mahigit ko ang hininga at mapatitig na lamang din sa mapupulang mga matang iyon. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na mahagilap ang takot sa kalooban ko na sa tuwina ay lagi kong nararamdaman sa tuwing makakakita ako ng pulang mata. Tila kasi panatag ang kalooban ko sa kanya.Nakapagtatakang kahapon ko pa lamang siya nakilala ngunit nakuha na niya ang loob ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Mas nagtiwala pa ako sa isang estranghero. Nakakatawa. Wala akong tiwala sa mga Cayman, pero dito sa mukhang assassin na ito na malamang na patayin ako ano mang oras ay nagtiwala ako. Kung sabagay, kung talaga ng
Humahangos akong napabalikwas ng bangon. Bangungot na naman. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Madilim pa at bukod tanging ang liwanag lamang ng buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Tila ako naligo sa pawis ng mapagbalingan ko ang sarili. Ang pisngi naman ay basang-basa sa luha na agad ko ring pinunasan. Noon ko lang din napansin na wala na ang misteryosong lalaki na iyon. Nakatulog akong bigla. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog ngunit ang tangi ko lang naaalala ay noong kalong ako ng lalaking iyon sa mga bisig niya ng aksidentend mawalan ako ng balanse mula sa pagkagulat sa kanya.Nasapo ko ang ulo at ibinalik sa bangungot ang isip. Ang buong akala ko ay hindi na ako muling bibisitahin pa ng mga bangungot ngunit nagkamali ako. Pero kakaiba ang mga pangyayari ngayon. Nandoon na ang papa ko. Muling umahon ang pangungulila sa kalooban ko. Oh how
Malayo na kami ay tanaw pa rin ang tuktok ng mansyon ng mga Cayman. Nagbubunyi ngayon ang kalolooban ko dahil lulan kami ngayon ng rolls royce ni Alaric pauwi sa bahay namin. Ilang beses ko pa siyang sinabihan na huwag ito ang gamiting kotse pero wala ring nangyari. Kaninang pagkagising ko pa rin kasi kinukulit si Alaric kung pwede niya akong ihatid sa bahay namin. Mukha namang nakuha ang lalaking ito sa pagmamakaawa ko kaya heto kami at nagbibiyahe. Iyon nga lang ay mananatili rin siya sa bahay bilang kapalit ng pagpayag niya. Gusto ko pa sanang umalma ngunit isinantabi ko nalamang iyon dahil nasasabik na rin akong makauwi. Hindi ko na ipinaalam sa bahay na uuwi ako dahil gusto kong surpresahin si mama at Kirius. Halos isang buwan pa lamang mula ng manirahan ako sa poder ng mga Cayman ngunit pakiramdam ko ay kay tagal na
Nanatiling nakatitig sa akin si Kieran. Ako naman ay nakatunghay rin sa kanya habang naghihintay sa maaari niyang sabihin."You finally figured that out," kaswal na sagot nito na tila matagal na iyong alam. "Hindi ikaw ang nag-iisang Dovana, Yue. Nandyan din si Kirius. Nakalimutan mo na ba na noong panahong kailangan mong sumama sa mga Cayman at hindi ka pumayag ay si Kirius ang gusto nilang isama?""Paano mo nalaman yon?" gulat kong tanong dito. Hindi pa kami magkakilala noon ni Kieran pero paano niya nalaman ang usapang iyon kung wala siya doon. Bigla akong nahiwagaan sa lalaking nasa harap ko. Kung alam niya ang mga bagay na iyon ibig sabihin ay marami siyang alam tungkol sa akin."I know everything," anito saka ako binitawan.
Hindi ako magkamayaw kung paano ko pagpapakalma ng puso ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya siya lumapit ngunit iba pala ang plano nitong gawin. Walang sabi-sabi niya akong binuhat saka mabilis na tumalon. Agad kong ipinikit ang mga mata saka agad na nangunyapit sa leeg nito.Nang maramdaman ko ang tila pag-ugoy namin ay agad kong iminulat ang mga mata. Doon ko nakita ang dahilan ng marahan naming pag-ugoy. Narito kami sa bangkang nakadaong sa may bantilan na hindi kalayuan sa parang. Mahahalata naman sa bangka na hindi ito masyadong gamit dahil makinis pa ang pintura nito. Nakukulayan iyon ng brown maski ang sagwang naroon ay ganoon din ang kulay. Malinis din iyon at may kalaparan. Hindi katulad ng ibang mga bangka na ginagamit pangingisda, na makitid ang mahaba. Ito ay malapad at may kaliitan. Wala ring makikita doong mga kagamitan sa