Share

ON GUARD

Nagulat ako ng biglang nawala sa paningin ko si Alaric ngunit ang mas ikinagulat ko ay nang yakapin nya ako ng mahigpit. Hindi ko kasi inaasahang ganito nya ako sasalubungin. Mukhang na-miss ako ng tagapagbantay ko. Hindi rin naman nagtagal at ginantihan ko rin ang yakap nya. Kung sabagay ay siya rin kasi ang lagi kong kasama noon kaya marahil ay nakasanayan na rin niya.

"I missed you," bulong pa nito. Muntik pa akong kilabutan dahil halos idikit na nito ang bibig sa tainga ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang kaya't dahan-dahan ko rin siyang itinulak para gumawa ng distansya sa pagitan namin.

Ewan ko ba kung bakit bigla nalang akong nailang kay Alaric. Iba kasi ang pakiramdam ko sa kinilos nya. Parang magkakaiba. Bahagyang ipinilig ko ang ulo at hinamig ang sarili bago siya harapin. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status