Share

TWO-FACED

Mabigat ang pakiramdam ko habang nakatingin ako sa magarang mansyon na iyon sa hindi kalayuan. Heto na ang magiging umpisa ng misyon ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Kinukutuban na naman ako ng hindi maganda. Naramdaman ko ang paggagap sa kamay ko kaya't napalingon ako dito. Natagpuan ko ang mga mata ni Kieran na nakatitig sa akin. Bigla tuloy nagwala ang puso ko kasabay ng panlalambot ng tuhod ko. Punong-puno ng emosyon ang mga mata nya na animo ay may gustong sabihin ngunit tila may kung anong pumipigil rito. 

"Mag-iingat ka," mahinang turan niya saka ako dinampian ng magaang halik sa ulo. 

Napatango nalang ako bilang sagot. Para kasing naumid ang dila ko at kay bigat ng pakiramdam ko na para bang may kakaiba sa gawi ng pagsasalita niya. Parang bigla akong natakot. Gumapang ang kaba sa dibdib

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status