Share

NOSTALGIA

Hindi ko sukat akalain na mangyayari pa ang bagay na ito pagkatapos ng lahat ng sakit at pighating pinagdaanan ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin patid sa pagkalabog ang puso ko. Para akong nananaginip. Parang bang napakahirap paniwalaan pero heto kami ngayon. Magkasabi. Magkatabi. Magkayakap.

Ramdam ko ang maya't mayang paghagod ng malakas na pintig ng puso ko sa bawat paghalik ni Kieran sa ulo ko. Nakasandal siya sa isang puno roon habang ako naman ay nasa pagitang ng mga braso niya't nakasandal sa matipuno niyang dibdib. 

Pilitin ko mang itanggi pero ramdam ko pa rin ang galak sa puso ko nang muli kong maramdaman ang init ng yakap niya. Pakiramdam ko ay muling nabuhay ang damdaming inakala kong patay na. 

Ayoko pang maniwala sana sa kaniya. Pero sa kung anong dahilan ay hindi ko mapigilang maniwala sa kanya. Kahit hindi ako sigurado na nagsasabi siya ng totoo ay heto pa rin ang puso ko at naniwala agad sa kaniya. Hindi man lang siya pinagdudahan kahit na saglit lang at muli na namang nagpa-alipin sa mga bisig nito.

Kung tutuusin naman kasi ay may punto naman talaga ang sinasabi niya. Sa pagnanais kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko at sa sobrang sakit na makita siyang duguan at walang buhay ay mabilis akong nagdesisyon at sinisi agad siya. Marahil ay siya ang bukod tanging naroon kung kaya't naibunton ko sa kaniya ang galit ko sa mga rogue. Naghanap agad ako ng mapapagbuntunan ng sisi pero sa totoo lang ay may kasalanan din ako sa nangyari. Nang sabihin iyon ni Kieran kanina ay hindi maiwasang mainis sa sarili ko. Alam ko sa sarili kong may pagkakamali ako pero mas pinili kong hindi tanggapin iyon at ibinaling ko sa kaniya lahat. Sa takot kong masisi ay hinayaan kong sa kanya iyon mapunta. 

Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng mga mata ko. Panandalian lamang iyon nahinto pero heto na naman at nagbabanta sa pag-agos. Hindi na yata ako naubusan ng luha. 

Mula pa kanina ng hinayaan kong yakapin niya ako ay hindi na siya bumitaw sa akin. Maging ng mapagdesisyunan niyang maupo dito ay agad nalang niya akong binuhat papunta rito at hindi na ako hinayaang makalayo sa kanya. Kung sabagay ay ayoko ring lumayo muna sa kaniya. Gusto ko munang mapaloob sa mga bisig niya at maramdaman muli ang init noon. Matagal ko ring hindi pinangulilaan iyon. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit agad akong naniwala sa kanya.

"Sorry," anas ko sa mahinang tinig.

Muli niya akong hinalikan sa tuktok. "How many times do I have to tell you to stop apologizing about what happened?"

"Hindi ko mapigilan. Sa tuwing naaalala ko kung ano ang nangyari--"

"Shhh!" anito saka bahagyang bumangon. 

Umiling ako. "I'm sorry. Sa galit ko sa mga rogue, ikaw ang sinisi ko. Sa takot kong mapunta sa akin ang bintang sayo ko ibinunton ang lahat. I'm sorry, Kieran. Nabulag ako ng galit at takot. Hindi ko man lang naisip kung anong mararamdaman mo. I'm so selfish." Tuluyan ng umagos ang luha ko. "Pero sa kabila ng lahat ng ginawa ko nandito ka pa rin. Nananatili sa tabi ko."

"Yue-"

"I don't deserve it, Kieran," humihikbi kong pagpapatuloy. Tama. Hindi ako nararapat para sa kanya. Masyado akong makasarili samantalang siya ay ako pa rin ang inaalala. 

"Stop it, Yue. Hindi ko na nagugustuhan ang patutunguhan ng usapang ito."

Umiling ako ulit. "Tama naman ako. Hi-hindi ko deserve ito, Kieran--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng ilapat niya ang daliri niya sa bibig ko at tinitigan ako ng mariin. Kumabog ng matindi ang dibdib ko dahil napakalapit na ng mukha niya sa akin. 

"I didn't exert too much effort crossing the line and search for you in Magji just to hear you breaking up with me," mariing sabi nito.

Napatigil ako sa pag-iyak at napatitig na rin sa kanya. "B-breaking up with you?"

 "You seemed to have forgotten it," mischief evident in his eyes. "Do you want me to remind you, My lady?"

Mabilis na namula ang pisngi ko ng mapagtanto ko kung ano ang nais niyang sabihin. Agad akong tumayo saka lumayo sa kanya nang maisip na baka halikan na naman niya ako. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko habang tumatakbo sa isip ko kung paano niya ako ilang beses na hinalikan noon. 

"Scared, My lady?" anitong tumayo na rin. Sumeryoso rin ang mga mata nitong matamang nakatingin sa akin. "Have you forgotten how I marked you as mine?"

He looked predatorial as he started taking steps towards me. Hindi ko malaman kung natatakot ba ako o natutuwa. Hindi rin ako makaimik.

"As I watched over you recently, I've noticed how you behave mischievously behind my back, My lady. Should I punish you for that?"

Napakunot ang noo ko. "Binabantayan mo ako?"

"Yes. I've been keeping an eye on you since the day I came to Magji. And how lucky of me to catch a naughty miss interacting with some yellow-headed guy."

Napanganga nalang ako nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Si Oswald ba ang tinutukoy niya? Bigla kong naalala ang unang pagkikita namin ni Oswald at nang kargahin ako nito noong napilayan ako.

Kung ganoon ay totoo pala ang kutob kong may mga matang tila nakamasid sa akin ng mga panahong iyon. Nang masdan ko ang mga mata nito ay bigla akong nakaramdam ng kilig. Malinaw kasing nakaguhit ang pagseselos sa mga mata nito. Kaya kahit na anong galit niya ay hindi ko mapigilang mapangiti.

"And why are you smiling?" may bahid ng pagkainis sa tono nito. "Are you thinking of that guy?"

Lalo yatang lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. Para tuloy akong naaakit na panindigan ang sinabi niya para lalo pa itong pagselosin. 

"Ano bang pinagsasabi mo?" kaila ko. "Si Oswald ba ang tinutukoy mo?"

"Don't you dare speak of that man's name in front of my face, lady, if you want him to remain breathing," banta pa nito.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Bigla akong nag-alala para kay Oswald. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung itutuloy ko ba ang panggagatong ko sa selos niya o huwag nalang. Mukhang nakakatakot itong magselos.

"Walang ginagawang masama si Oswald, Kieran. Bakit ba galit na galit ka?"

Tumawa pa ito ng pagak. "At ngayon ay ipinagtatanggol mo pa ang lalaking iyon. Bakit? Mahal mo na ba siya? Nagawa ka ba niyang pasayahin noong mga panahon na nalulungkot ka? Noong mga panahong wala ako sa tabi mo."

Agad akong nakaramdam ng guilt sa sinabi niya. Saglit pa akong natahimik dahil doon. "Totoong naging masaya ako kay Oswald noong mga panahong wala ka," mahina kong sagot. "Pero hindi ko kailanman naramdaman sa kaniya ang mga naramdaman ko para sayo," pagtatapat ko. Wala na rin naman kailangan pang itago. 

Mataman pa rin itong nakatitig sa akin at mas pinaliit pa ang distansya sa pagitan namin. Gumapang ang kilabot sa katawan ko ng hawakan niya ang baba ko saka ipinaharap sa kanya. "Good. Cause from now on, I won't let anything come between us."

Nahigit ko ang hininga ng maramdaman ko ang malamig at malambot niyang labi sa labi ko. Kusang pumikit ang mga mata ko at napakapit sa dibdib niya. Pakiramdam ko ay nagbubunyi ang puso ko sa ginawa niya. 

Agad na lumalim ang halik na iyon at marahang gumalaw ang mga labi niya. Oh, how I miss his lips. Ngayon ay aaminin ko ng sobrang nasabik ako sa kanya. Sa araw-araw nalang na ginawa ng Diyos ay hindi ko maialis sa isip at puso ko ang maliit na parte hinahanap-hanap siya. Ang init ng yakap niya. Ang malambot niyang mga labi na tila ba nakaka-adik kapag hinalikan ka. Aaminin ko nang kahit gaano katindi ang galit na nararamdaman ko ay mas nangingibabaw roon ang damdamin ko para kay Kieran. 

Naramdaman ko ang pagpalibot ng mga braso niya sa bewang ko at mas hinapit palapit sa kanya. Mas lalo rin niyang pinalalim ang halik at nagsimula na ring gumalaw ang mga labi niya na mas lalong nagpabaliw sa akin. Buong kasabikan ko iyong tinugon na nagsanhi ng mahina niyang pag-ungol. Nararamdaman ko rin ang kasabikan niyang ipinaparating sa pamamagitan ng halik. Bawat hagod, pagsipsip at marahang pagkagat ay sadyang nakakapagpawala ng lahat ng inhibisyon sa katawan. Nakakawala sa katinuan. Nakakakapos ng hininga. 

Sa tuwing gagawa ako ng maliit na distansya para sumagap ng hangin ay agad niyang hinahabol ang labi ko at susubasubin ng halik. Para siyang bata na takam na takam sa chocolate na kapag inilayo mo ay agad na hahabulin. 

Ilang sandali pa ay dahan-dahan na siyang huminto at naglagay ng maliit na distansya sa pagitan namin. Habol ko ang hininga ng tuluyang maghiwalay ang labi namin. Isinandig pa niya ang noo sa noo ko at ang mga mata ay nanatili sa mga labi ko. 

"I've been longing to kiss you again just like that," namamaos na bulong nito.

Nananatiling nasa bewang ko ang mga braso at mahigpit na nakayakap sa akin. Tila yata naumid ang dila ko sa mga sinabi niya. Kung ganoon ay hindi lang pala ako ang nakakamiss sa kanya, maging siya ay ganoon din. Kung hindi lang sana naging malupit ang tadhana ay baka masaya pa rin kami ngayon at walang sakit na pinagdaanan. 

"Kung alam mo lang kung gaano kita namiss. Kung gaano ko kagustong puntahan ka, lapitan ka noong mga panahong iyon."

Parang gustong pumalakpak ng tainga ko sa mga naririnig ko sa kaniya. Kung alam lang din sana niya kung gaano ko rin ginustong makita siya kasabay ng pilit na pagkitil sa damdaming iyon. 

Gusto ko sanang tignan siya sa mata ngunit may kung ano sa mga labi niya na hindi ko maalisan ng tingin. Para kasing naaakit akong haplusin iyon ng daliri. Nagtaka ako ng may sumungaw na ngisi doon. 

"Eyes up, lady," pilyo nitong sabi. "I'm already tempted to ravish you again."

Pati yata tainga ko ay namula. Imbis na matakot ay lumamang ang pagkasabik sa sinabi nito. Mukha yatang tuluyan na akong naadik sa mga labi niya. 

Hindi pa man din ako nakakahuma sa sinabi niya ay mabilis na naman niya akong sinubasob ng halik. Ngunit sa pagkakataong ito ay naging mabilis lamang iyon. Sa sobrang bilis ay parang gusto ko pang umungot ng isa dahil hindi ko naramdaman.

"Can't help it," anito saka ako muling niyakap ng mahigpit. 

"Paano mo nalamang nasa Magji ako," pag-iiba ko ng subject. Masyado na kasi akong na-o-overwhelm ng mga bagay-bagay na halos hindi ko na mapaniwalaan na totoong nangyayari. 

"I followed your scent. And I also heard the Cayman's talk about it."

"Paano kang nakarating doon?" usisa ko pa ng maalala kung paano kami nakarating ni Mama noon doon.

"Vampires have ways to get to Magji whenever they want to. But that was restricted. We are prohibited to cross the line. But guess, kapag gusto mo talagang puntahan ang isang tao, kahit ano ay gagawin mo para lang mapuntahan siya."

I was speechless at his remarks. I've never expected him to be like this. To be someone who will do everything to get the person he wants. Nakaramdaman na naman ako ng init na tila bumalot sa puso ko. Ngunit agad na bumangon ang pag-aalala doon.

"Kung ipinagbabawal iyon, anong mangyayari sa mga mahuhuling lumabag?"

Sandali niya pa akong tinitigan bago nagsalit. "They were sentenced to death."

Nahigit ko ang hininga. Muling nabuhay ang takot ko, ngunit hindi na para sa sarili kung para kay Kieran. Paani kung mahuli ito? Papatayin nila si Kieran dahil sa paglabag na iyon. 

"Bakit mo ginawa iyon?" hindi ko napigilang pagalitan siya. "Paano kung nahuli ka? Paano kung patayin ka nila?"

Hinaplos niya ang pisngi ko. "You don't have to worry. Buhay pa ako, Yue."

Nag-init ang ulo ko sa isinagot niya kaya't mabilis na pinalis ang kamay niya. "Hindi mo man lang ba naisip na papatayin ka nga nila kapag nahuli ka? Wala ka bang pakialam kahit patayin ka nila?"

"Wala akong pakialam kahit na ilang beses nila akong patayin. Ang mahalaga lang sa akin ay ang makita ka at mapatunayan sa iyo na wala akong kasalanan sa pagkamatay ng kapatid mo. Isa pa ay nasasabik na akong makita ka. Mayakap. Mahalikan."

"Kieran-"

"I love you, Yueno."

Saglit pa akong napatanga at hinintay na rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Nang unti-unti iyong maproseso ay hindi na ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang paligid at wala akong ibang narinig ng mga oras na iyon kundi ang sinabi lang niya. Parang biglang huminto ang oras at lahat ng bagay ay naglaho na. At ang tanging natira lamang doon ay si Kieran at ako. 

Nag-init bigla ang mga mata ko at mistulang may mga kabayong naghabulan sa dibdib ko. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin ay ito ang pinakahihintay kong marinig mula sa kanya. 

Sa sobrang tuwa ay ginawa ko ang pinaka-unang bagay na pumasok sa isip ko. Agad ko siyang nilundag ng yakap saka sinubasob ng halik. Hindi pa niya iyon inaasahan noong una ngunit mabilis din itong nakahuma at ginantihan din ako ng halik.

Saglit lamang iyon ngunit sapat na iyon para iparamdam ko sa kanya ang nararamdaman ko. At bago pa man siya magsalita ay agad ko nang sinabi ang matagal ko ng kinikimkim sa dibdib na mukhang hindi rin niya inaasahang marinig.

"I love you too, Kieran."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status