Share

VERACITY

Parang gusto kong matawa sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Nakatulala lang kasi siya sa akin. Ganoon din ba ang reaksyon ko kanina?

Ilang sandali pa ay nagsimula ng sumungaw ang ngisi sa mga labi nito saka ako hinapit papalapit sa kanya. 

"What did you just say?" anito na may ngiti ng tagumpay sa labi. Animo ay para siyang nanalo ng malaking papremyo sa gawi ng pagngiti niya. 

Bigla ko tuloy siyang naisipang asarin. Bahagya ko pa siyang itinulak para makagawa ng maliit na distansya. "Sinabi ko na. Wala na akong balak ulitin pa." Sinabayan ko pa iyon ng halukipkip at bahagya pang paglayo sa kanya.

Sa pagkabigla ko ay bigla nalang niya akong hinapit muli palapit sa kanya at sa pagkakataong ito ay maski hangin ay hindi na rin makadaan sa pagitan namin. Nang mabaling sa mga mata nito ang tingin ko ay purong kaligayahan na may bahid ng kapilyuhan ang naroroon. Sinong mag-aakala na ang mga pulang matang iyon ay makikitaan ko ng kaligayahan. O baka naman nakikita ko nalang din doon ang repleksyon ng sa akin.

"Say it again," pangungulit nito. 

"Ayoko," pagmamatigas ko dito. 

"Hahalikan kita kapag hindi mo inulit."

Panibagong kabog na naman iyon para puso kong walang pagod. Gustuhin ko man ay itatanggi ko pa rin dahil baka akalain niyang gusto ko siyang laging halikan. Na totoo naman. 

Tinitigan ko siya sa mata saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Malamig man iyon ay wala akong pakialam. "I love you, Kieran."

Kitang-kita ko kung paano kumislap ang kasiyahan sa mga mata niya. At kung paano siyang tumitig sa akin na puno ng lambing. Mabilis ako nitong sinunggaban ng isang mabilisang halik sa labi, sa ilong, sa noo, sa pisngi. Napahagikgik naman ako sa ginawa nito. 

Sobrang saya ko. Sa sobrang sayang nararamdaman ko parang natatakot na akong matapos pa ito. Natatakot na ako sa maaaring maging kapalit ng kasiyahang ito. Parang gusto ko na lang talagang pahintuin ang oras at manatili nalang sa piling niya. Kung maaari nga lang.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang walang sabi-sabi niya akong buhatin saka siya mabilis na kumilos. Hindi ko naman na nakita kung ano ang sunod niyang ginawa dahil ipinikit ko nalang ang mga mata at mahigpit na nangunyapit sa balikat nito. 

Saglit lamang iyon. Huminto na rin siya sa paggalaw ngunit nanatili akong nakapikit. Pakiramdam ko kasi ay nasa mataas kaming lugar at kahit nakapikit ako ay ramdam ko ang pagkalula. Maging ang malakas na hangin ay tila nagsasabing nasa ganoon nga kaming sitwasyon.

"Open your eyes, tesoro," malambing na sabi nito.

Ano daw? Toro? Mukha ba akong toro? Napadilat ako at napatingin dito. Nasalubong ko ang seryoso niyang tingin sa akin. Nagtaka naman akong bigla dahil wala akong makitang kalokohan doon. Magkagayon man ay hindi ko napigilang taasan ito ng kilay. Para yatang pinagloloko ako nito.

"Anong toro?" angil ko dito. 

Napatanga nalang ako ng bigla itong tumawa. Lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko. Tumigil lang ito nang mapansin akong nakatingin sa lang kanya. Ngunit hindi rin niya sinagot ang tanong ko sa halip ay naupo habang kalong ako nito sa bisig niya.

Wala naman talaga akong balak ilingap ang tingin sa paligid ngunit hindi ko na iyon naiwasan. Napahigpit ang kapit ko kay Kieran ng agad na makaramdam ng lula. Hindi nga ako nagkamali ng maramdamang nasa mataas kaming lugar dahil heto kami sa sanga ng pinakamalaking at pinakamataas na punong mayabong na nakatayo malapit sa parang. Nakaupo siya sa isang malaking sanga na halos nasa tuktok na ng puno. Nahihilo man sa pagkalula ay hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng papalubog na araw. Kulay kahel iyon na animo ay parang apoy na naglalagablab sa langit. Napakaganda nitong tignan. Ngayon ko lang na-realize na napakarami palang magaganda sa mundong ito na  naghihintay lang matuklasan. 

"D'you like it?" bulong nito.

Napatango lang naman ako habang nakatingin pa rin sa araw. Maya-maya pa biglang tumayo si Kieran at saka umayos ng pwesto. Muntik pa akong mapasigaw ng ibinaba niya akong bigla. Sa sobrang takot na mahulog ay hindi ako bumibitaw sa kanya. Tatawa-tawa lang naman siya habang umaayos ng upo sa tabi ko. Nang makapwesto ay agad din akong hinapit at isinandal sa kanya. Nakaharap na ako ngayon sa papalubog na araw. Bigla naman akong may naalala.

"Hindi ba kayo nalulusaw sa sikat ng araw?" takang tanong ko saka tumingala sa kanya. Sa tinagal-tagal kong kasama ang mga bampira ay ngayon ko lang talaga naisipang itanong ang bagay na iyon.

Ngumiti ito sa akin saka hinalikan ako sa noo. "No. That was only in books nowadays, tesoro," anito habang hinahagod ang buhok ko. Ayun na naman yung toro. "It was centuries ago, when there was still peace between different creatures, Mages decided to create an unbreakable spell that will protect vampires from the rays of the sun."

Napaangat ang ulo ko sa pagkakasandal sa kanya. "Kung ganoon ay dati ng magkakasundo ang iba't ibang nilalang? Bakit nagkaroon ng gulo? Anong nangyari?"

"Long story," anito habang mataman pa rin akong tinitignan. "But to make the story short, a pack of blood traitors caused harm on both sides. Creating chaos that leads to a bloody war."

"Sino ang mga blood traitors?"

"Nobody knows. The Älteste have been searching all over the world for centuries but no traces of them. But there's one thing I know off." Bigla akong kinabahan ng tila ba naging madilim ang anyo niya. “Cayman’s were all behind this.”

"Paano mo nasabi?” takang tanong ko. Naalala ko nang hingin ko ang tulong ng mga Cayman para hanapin si Kieran, buhay man o patay. Agad akong nakaramdam ng guilt habang nakatingin sa mga mata nito. Kailangan kong sabihin iyon sa kaniya. 

“Noong gabi bago ako maikulong ay nakita ko si Cassius sa palasyo. Hindi ko nakita kung sino ang kausap niya dahil nakatago iyon pero naririnig ko ang pinag-uusapan nila. At tungkol iyon sa Dovana, Yue. Nabanggit din nila ang tungkol sa Papa mo. “

Tama nga ang hinala ko noong una palang. Hindi ako nagkamali ng kutob. “A-anong nalaman mo?”

“Ipinasunog ni Cassius ang katawan ng papa mo kaya hindi na iyon na-recover pa. Pati ang gamit na dala-dala nito noong panahong tatakas ang papa mo. Marahil ay nalaman nito ang plano nila sa mga Dovana kung kaya’t napagdesisyunan nilang iligpit ang papa mo. Sila ang may gustong magpapatay sa mga Dovana, Yue.”

Pakiramdam ko ay biglang nagsikip ang dibdib ko sa mga impormasyong sinabi ni Kieran. Tanggap ko na ang pagkamatay ng Papa pero ang kaalamang ipinasunog siya ay parang gusto kong magwala. Gusto ko silang sugurin. At sunugin. Iparamdam sa kanila ang sakit na naramdaman ni Papa. At kung hindi ako nagkakamali ay baka ininom pa nila ang dugo niya. Nagpuyos lalo ang kalooban ko sa naisip at naikuyom ang kamao. 

“Ngayon ay ako naman ang isusunod nila.”

“I’ll never let that happen,” anito saka ako ipinaharap sa kanya. “Whatever happens Yue, I will never let you die. Never, tesoro.” Hinalikan akong muli nito sa ulo saka niyakap.. 

Bahagyang napanatag ang loob ko sa mga halik at yakap ni Kieran. Kung sabagay ay sa kanya nalamang ako nakakaramdam ng kaligtasan. Na walang makakapanakit sa akin hangga’t naririto siya. 

Muli kong inangat ang ulo ng maalala ko ang mga tulong na hiningi ko sa mga Cayman. Kahit nagdadalawang-isip ay ipinagtapat ko pa rin. Karapatan niya iyong malaman. “Kieran, I'm sorry,” hingi ko ng tawad. Nagawa kong magbawi ng tingin dito dahil hindi ko makayanang sabihin iyon ng direkta sa kaniya. “Ka-kahit na nagdududa ako noon sa mga Cayman ay nagawa kong humingi ng tulong sa kanila dahil sa sobrang galit ko. I’m so sorry. Hindi ko sinasadya.”

“What did you do?” takang tanong nito.

“I a-ask them to catch you, dead or alive,” saad ko na parang hindi ko na maituloy. Nangilid ang mga luha ko. Gusto kong maiyak sa sobrang guilt na nararamdaman ko ngayon at sa lungkot na nakikita ko sa mga mata ngayon ni Kieran. “I’m so sorry. Hindi ko sinasadya. Masyado akong nabulagan ng galit ko. I’m sorry. I’m so sorry.”

Ilang sandali itong hindi umimik na lalong nagpakaba sa akin. Natatakot man sa kung anong sasabihin niya ay wala akong magagawa kung tuluyan na siyang magagalit sa akin. Kung mas pipiliin na niyang lumayo sa akin ngayon. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko sa isipin magkakalayo kaming muli pero kasalanan ko naman iyon. Basta-basta na lang akong gumawa ng desisiyon na hindi man lang iniisip kung tama ba iyon o hindi. 

Napayuko ako. Hindi ko na naman mapigilang bumagsak ang mga luhang walang patid na umaagos sa pisngi ko at siyang bumabasa sa damit ko. 

“Ku-kung nagagalit ka man at gu-gugustuhin mo ng lumayo sa akin, tatanggapin ko,” humihikbing sabi ko nang hindi lumilingon sa kanya.

Nagulat ako ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko kaya mabilis akong napalingon dito. Lalo akong napaiyak ng makitang hindi galit ang nasa mga mata niya kundi pag-unawa. Nang marahil ay hindi siya makuntento ay kinabig niya na ako palapit sa kaniya. Patuloy pa rin niyang hinihimas ang buhok ko na tila pinapakalma ako noon sa pag-iyak. 

“I understand, tesoro,” bulong nito. “I know how much you love your brother and I can’t blame you for that. Gusto kong malaman mong nasaktan ako sa ginawa mo pero hindi ako lalayo. Ayoko ng lumayo sayo, Yue.”

Hindi na ako nakapagsalita. He loved me so much to understand and forgive me even if I wanted him dead by then. Parang mas lalo kong gustong maiyak. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na yumakap sa kanya. Mas mahigpit kaysa kanina. Mas mahigpit kaysa sa mga yakap na ibinigay ko sa kanya dati. I want to convey my love for him through this hug. I know I don’t deserve this love but I will always be thankful to God for giving me Kieran. I’ve been through pain and despair but He still blessed me. 

“I don’t deserve this love,” anas ko. 

“Heto na naman ba tayo sa usapang iyan?” may paninita sa boses ni Kieran ngunit hindi ko naman inintindi. 

“You deserve everything, My lady,” malambing na sabi nito. 

Ilang sandali pa ay tumahan na rin ako. Madilim na sa paligid pero nanatili pa rin kami sa tuktok ng puno. Kitang-kita ko tuloy ang bilog na buwan sa maaliwalas na kalangitan. Wala namang tigil si Kieran sa paghimas ng buhok ko. Mukhang nakakagawian na rin niya iyon. Tahimik lang din siya at hindi nagsasalita kaya’t nanahimik nalang din ako habang ang isip ko ay kung saan-saan na nakakarating. Pinagmumunihan ang mga bagay-bagay. Ngayon ko lang napag-isip-isip na may maganda rin palang naidulot sa akin ang pagiging Dovana. At iyon ay nang makilala ko si Kieran. Things may have gotten worse but him beside me, things became bearable.

Habang inaalala ko ang mga nangyari ay naalala ko ang nangyaring gulo sa mansyon ng mga Cayman. Nagbangon ako mula sa pagkakasandal at tumingin sa kaniya.

“I lost my necklace,” saad ko sa kanya.

Sa pagtataka ko ay mukha naman siyang hindi nagulat. “I know,” sagot nito at bahagyang tumindig ng upo. 

Naguluhan naman ako.”Why'd you always know everything about me?” kuryosong tanong ko.

Tumitig pa ito ng matiim bago ako sagutin. “Because I’ve been with you ever since.”

“What?” naguguluhan pa ring tanong ko. 

“I’ve been watching you since you were little, tesoro. I am an assassin and I was ordered to kill the Dovana’s offspring.” Nahigit ko ang hininga at hindi mapigilang kung ano-ano ang isipin pero gusto ko pa rin siyang pakinggan. Ilang sandali pa bago siya magsalitang muli. “Binantayan kita mula pagkabata, Yue, hanggang sa magsimula kang mag-aral. Nandoon ako sa may eskwelahan, sa labas, sa bahay niyo. Napakarami kong pagkakataon noon na patayin ka pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit. I even got a hold on your brother back then when he fell from a tree trying to save a bird from falling off its nest. Hahayaan ko nalang sana siyang mahulog noon, but the look on your face back then makes me do something that’s not supposed to happen. If you could only see your face back then,” tatawa-tawa pa ito habang tila inaalala ang mga nangyari. Naglaho naman na lahat ng agam-agam ko at napalitan agad iyon ng pagkapahiya.

“Pero bakit hindi ko matandaang ikaw ang nagligtas sa kaniya?” takang tanong ko kahit na medyo naiinis. 

“Because I erased your memories.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status