Share

RECONCILE

"Sa nakikita ko sa mga mata, Yueno, may palagay akong may alam ka sa mga iyon. Don't stick your nose too much, Yue. Baka hindi mo alam ang pinapasok mo," may himig ng pagbababala sa tinig nito.

"Too late, tiya. I already did."

"Huwag mo nang ituloy, Yue. Malaking pader ang babanggain mo," matigas na saas niya.

Natahimik ako. Iyon din ang sinabi sa akin ni Kieran. "Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo tiya."

Bigla itong tumayo kaya't naalarma agad ako. Nasa mukha niya ang pagtutol. "Hindi. Mukhang nagkamali ako ng sabihin ko sa iyo ang tungkol sa mga Cayman. Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata mo, Yue. At iyang determinasyon mong iyan ang papatay sa iyo," anito saka umiling. "Hindi ko hahayaang magdusa na naman ang kapatid ko sa pagkamatay ng isa pang anak."

Iyon lamang at dire-diretcho na itong lumabas ng pinto. Sa muli ay naiwan akong mag-isa. 

Determinado? Oo. Determinado ako. Dahil gusto kong lagyan na ng tuldok ang paghihirap ko at ng mama ko. Ayoko ng manatili sa magulong mundo na ito. Gusto ko ng bumalik sa tahimik kong buhay. Na kahit trabaho-bahay lamang ako ay masaya na. Na kahit pamilya ko lamang ang nagpapahalaga sa akin ay masaya na ako. Ayokong habang-buhay na matali sa pagiging isang Dovana. Ayoko.

Ilang araw na ang lumipas mula ng huling pag-uusap namin ni tiya. At mula rin ng araw na iyon ay iniiwasan na niya ako. Hindi na rin niya ako kinakausap. Sa tuwing susubukan ko ay lagi nalang siyang gumagawa ng dahilan para makaiwas. Isang beses pa kaming magkakasalubong ay bigla nalang siyang nawalang parang bula. Nagtataka na rin tuloy si mama. Palagi niyang tinatanong kung may problema daw ba kami ni tiya. Hindi ko naman masabi sa kanya ang totoo. Ewan ko kung bakit. Marahil ay gusto ko munang kimkimin ang lahat. At ayaw ko na siyang idamay pa sa gulo. 

Kung hindi naman ako nagkakamali ay ayaw din ipaalam ni tiya ang bagay na iyon kay mama. Hindi pa tuluyang nakakabalik ang kakayanan ni mama na gumawa na mahika kaya't hindi pa niya kakayanin kung sakali mang mapagdesisyunan niyang gumanti sa mga Cayman. Na hindi malayong mangyari.

Si Oswald naman, kahit na hindi ko hinaharap, ay lagi pa ring nagpupunta dito. Mula ng araw ding nagtapat siya ay walang na ring palya ang pagpunta niya dito. Sa tuwina naman ay si Mama lang ang humaharap sa kanya dahil mabilis akong nagkukulong sa kwarto sa tuwing nandyan siya. Hindi ko kasi alam kung paano ko pakikiharapan si Oswald. Para kasing hindi na ako kumportable na nandyan siya. Hindi na tulad ng dati. Nagbago na lahat simula ng magtapat siya. 

Alam kong nasasaktan siya sa tuwing gumagawa ako ng dahilan para hindi siya makita pero hindi ko kasi mapilit ang sarili kong harapin siya. Hindi ko malaman kung paanong pakikitungo ang gagawin ko kapag nakito ko ang mga mata niyang punong-puno ng pagtangi. Maisip ko pa lamang iyon ay nagi-guilty na ako.

Ilang araw na rin akong mabaliw-baliw kakaisip kung kamusta na si Kieran. Kung magaling na kaya ang sugat niya. Kung galit ba siya sa akin. Nami-miss ko na rin siya. Isang beses lang kami nabigyan ng pagkakataong magkasama muli pagkatapos ay pinagkaitan na ulit. Kung hindi pa niya ako sinundan dito at ginustong linisin ang pangalan ay hindi pa siguro kami magkikita. Mabuti nalang at mahal din ako ni Kieran. 

Nag-init bigla ang mukha ko nang maisip ay naging pagtatapat ni Kieran. Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa tuwing naiisip ko iyon. Ngunit pagkatapos noon ay malulungkot naman ako dahil sa hindi ko pa siya nakikita. Napapabuntong-hininga nalang ako kapag naiisip ko iyon. 

"Baka mamatay na iyang halaman kakalanghap ng hininga mo," masungit na turan ni Ada. 

Kanina ko pa kasi ako nakayukyok ay pinaglalaruan ang dahon ng munting halaman sa harapan ko. Nagsimula ko na naman kasing buntutan si Ada kaya heto at nagsusungit na naman siya na animo ay matandang dalaga. 

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. "Hindi naman mabaho ang hininga ko," maktol ko.

"Bakit kasi hindi mo pa harapin si Os nang hindi ka buntot ng buntot sa akin?" maya-maya ay saad niya.

Hindi naman ako naka-imik agad. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ni Ada ang naging pagtatapat ni Oswald. At alam din niya ang dahilan kung bakit ko ito iniiwasan. Kung sabagay, mukha naman walang bagay na hindi alam si Ada.

"Mas mainam na sabihin mo na kay Os na hindi mo kailanman masusuklian ang pagmamahal niya kaysa naman ganyang iwas ka ng iwas sa kanya." 

Minsan talaga ay may pagkataklesa din itong si Ada. Dire-diretcho ang bibig. Pero kung tutuusin ay tama nga naman siya. Iyon nga lang ay wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa kaniya.

"Hindi ko pa kasi siya kayang pakiharapan," pagdadahilan ko nalang.

"Ganoon ba?"

Nanigas ako sa kinauupuan nang marinig ko ang boses ni Oswald. Bigla ay nataranta ako at hindi ko malaman ang gagawin. Kung kakaripas ba ako ng takbo o magdadahilan para makaalis. O kaya naman ay mas mainam nalang yata ang magpapakain nalang sa lupa. 

Tumayo ako kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nang lingunin ko naman si Ada ay hindi ko na ito makita. Talagang iniwanan ako ng babae na iyon sa lalaking ito.

"Umalis na si Ada, kung si Ada ang hinahanap mo," may lungkot sa tinig na turan nito.

Napahugot ako ng malalim na hininga at hinamig ang sarili. Siguro nga ay mas maganda nang hindi ko na ito patagalin. Tutal ay balak ko na rin namang bumalik sa mansyon ng mga Cayman sa susunod na araw. Kaya hinarap ko na siya ngunit parang gusto ko ng pagsisihan agad iyon.

"Os-"

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" putol niya sa sasabihin ko.

Hindi ko alam kung sinadya nya iyon o nagkataon lang. Ngunit parang sinadya niya iyon dahil kitang-kita ko ang sakit na nakatabing sa malalamlam niyang mga mata. Wala na doon ang masasayang kislap at napalitan na ng lungkot. Naikuyom ko ang kamao. Kasalanan ko ito.

"Sorry, Oswald," ani ko at napayuko. Hindi ko matagalang tumingin sa mga mata niya. Nag-init ang mga mata ko. "Sorry kung nasaktan kita."

"Yue-"

"Ayokong makita kang nasasaktan, Os. Pero kailangan ko itong gawin para makausad ka." Hindi ko na napigilang maluha dahil na rin sa guilt at sa lungkot na nakita ko sa mga mata niya. Hindi ito ang Oswald na nakilala ko. "Alam kong hindi magiging madali ang kalimutan ako pero mas mainam na iyon para saglit lamang ang maging sakit."

Nang hindi ito umimik ay nagpatuloy ako. Alam kong masasaktan siya pero minsan ay kailangan mong masaktan para matuto. At para itigil na ang mga bagay na nakakasakit sa iyo. "Mahal na mahal ko si Kieran, Os. Kaya hindi ko na kaya pang suklian ang nararamdaman mo. Kaya pakiusap lang, itigil mo na ang nararamdaman mo."

Napakatanga ko. Talagang sinabi ko na itigil na niya ang nararamdaman niya gayong hindi naman pwedeng pigilan ang puso sa nararamdaman nito. Para tuloy gusto ko iuntog na naman ang sarili ko sa pader. 

Ilang sandali pa ang lumipas bago ito nagsalita. "Alam mo bang napakabilis ng pagkabog ng puso ko noong una kitang nakita, Yue?"

Heto na naman siya sa mga kwento niya? Ayoko na iyong marinig pa. 

"Os--"

"Isang beses palang kitang nakita ay alam ko ng ikaw ang Dovana. I can sense it in your aura. Kaya ng kumabog ang puso ko noon, sinabi ko na agad sa sarili ko na hindi pwede iyon. I won't stand a chance. But it's too late. I was already smitten by your charm, Yue."

Nalulungkot ako. Parang kinakain ako ng lungkot. Ng guilt. Na para bang ako ang nasasaktan para sa kanya. 

"Day after day mas tumitindi ang nararamdaman ko para sa iyo. Pero kahit kailan ay hindi ko binalak na ipagtapat ang nararamdaman ko. Sapat na sa akin na nakikita kang masaya at napapatawa ka. Alam kong palagay na ang loob mo sa akin. Pero ni sa hinagap ay hindi ko inisip na magkakaroon ka rin ng pagtingin sa akin. Ramdam ko na may iba kang minamahal, Yue."

Napatingin ako sa kanya at nasalubong ko ang mga mata niyang puno ng emosyon. Lumakad siya palapit sa akin pero hindi ako umatras. Nagulat man ako nang abutin niya ang pisngi ko ay hindi ko naman ipinahalata. Pinahid niya ang luhang umagos sa pisngi ko.

He stared at me tenderly. Marahil kung hindi ko lang sana nakilala si Kieran ay baka si Oswald na ang minahal ko. Pero hindi ko deserve si Oswald. At mas lalong hindi rin niya deserve ang sakit. Hindi ako nagkamali ng tingin kay Oswald noong una ko itong makita. Masyadong mabait si Oswald na kaya ayoko siyang saktan.

"Pero tulad nga ng sinabi ko. Natakot ako ng makita kang kasama ang bampira na iyon. Natakot ako baka kung ano ang gawin noon sa iyo at sa bandang huli ay saktan ka lang. Kaya sa unang pagkakataon ay naisip ko nang araw na iyon na magtapat sa iyo. Nagbabaka sakaling mabago ko pa ang nararamdaman mo."

Ngumiti pa siya ng mapait bago muling nagpatuloy. "Pero mukhang huli na ako. Hindi ko na mababawi ang puso mo sa lalaking iyon."

Hindi ako makaimik. Bumuntong-hininga siya habang nanatili pa rin sa akin ang tingin. "Don't cry for me, Yue. This is painful but- you're worth it."

"Sorry," ang bukod tanging salita na nakaya kong bigkasin. I'm overwhelmed. Oswald surely deserves someone that is truly worthy of him. And it's not me.

Ngumiti siyang muli sa akin at sa pagkakataong ito ay nakitaan ko na iyon ng kislap. "Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa iyo, Yue, lalo na kung nakikita kong masaya ka sa kanya. At hindi ko rin ititigil ang nararamdaman kong ito para sa iyo. Mananatili lang ito dito. At mananatili lang ako sa tabi mo kahit bilang kaibigan lang. Masakit pero mas masakit na wala ako sa tabi mo." Tumayo pa ito ng tuwid saka namulsa. "Kaya siguraduhin lang ng lalaking iyon na hindi ka niya sasaktan. Dahil hindi ako magdadalawang isip na kunin ka sa kaniya."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status