Share

CAYMANS

Matatanaw ang malapalasyong bahay ng mga Cayman, di kalayuan pagpasok sa napakalaking gate ng mga ito. I've never imagine them to lived in a palace-like-house. Near the gate is a park like garden with a small fountain in the midst. Ang ilang mga halaman ay hitik sa iba't ibang uri ng mga bulaklak at ang iba ay napapalibutan ng bermuda grass. Nakapagitna iyon sa napakalaking driveway papunta sa mismong bahay. Sa gawing gilid naman ay ang garahe para sa di mabilang na sasakyan. Along the driveway in front of the house stands another fountain. A huge and stunning one.

"We're here," excited na sabi ni Lenora saka dali-daling bumaba nang maihinto ang sasakyan sa harap ng main door.

Bumaba din ako agad pagkatanggal ko ng seatbelt. This is it. There's no turning back now. 

Inilibot ko ang tingin sa paligid bago hinarap si Lenora. She was there standing at the main door, waiting for me. Tiningnan ko ang kabuuan ng bahay. Everything screams wealth and luxury. Well, they're not billionaires for nothing. Di ko mapigilang mapabuntong hininga. Kailangan ko ng tanggapin sa sarili ko na dito na ko titira mula ngayon. I could feel nothing but the warmth of my father. The living memories of papa. I hope you're still alive papa. I'm coming for you.

Kinurap kurap ko ang mga mata ng maramdamang namamasa na iyon. Mabilis akong umakyat at lumapit kay Lenora. Sinalubong naman nya ako ng ngiti. From the first moment that we met, she was always like this towards me. It makes me want to succumb myself in the warmth of her presence. It calms the storm in me. Huminga muna ako ng malalim habang binubuksan niya ang pinto. Unang nakaagaw sa akin ng pansin ang grand staircase. Literal akong napanganga. It was like those staircases on the movies where princes and princesses lived. I even started imagining Cinderella running down, chased by her prince charming. The walls were painted in white and gold making it looks even more elegant. It was decorated with paintings of different shapes and sizes. Kung titignan ay wala namang kakaiba sa bahay. Hindi naman kasi ako ngayon lang nakakita ng magarbong bahay, yun nga lang ay mas bongga ang bahay na ito.

As I look around the house, I felt four pairs of glimmering eyes focused on me. Naiilang na hinanap ko ang mga matang iyon na natagpuan ko din sa mismong sala nila. There standing in their full glory.

The Cayman's.

"Come!" untag ni Lenora saken.

Lumapit naman kami sa pamilya nya. I still can't help but to stare at their staircase. But before we passed I saw a man standing at the foot of the stairs looking straight to my eyes.

Sino yon? Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pero hindi sa takot, kundi dahil sa kaba at excitement. I felt longing deep within me. Parang kilala ko siya. Matagal na.

"Meet the family, Yue." Lenora announced that caught my attention.

Ngumiti ako ng matipid at pasimpleng nilibot ang paningin sa kanila. They're all looking at me like I was some kind of food. Or maybe I was exaggerating things. Well, after being chased by bloodsuckers, sino ba naman ang hindi mapapraning. 

Nailang ako though they all looked like gods and goddesses. Walang itulak kabigin. Napakaganda ng lahi nila na parang kumikinang sila. Feeling ko tuloy, nagmukha akong maid sa harap ng mga ito. Napakakikinis ng kutis, tatangos ng ilong. Parang gusto kong salatin yung ilong ko kung ganun din ba katangos. Medyo nahiya tuloy akong humarap sa kanila. 

"Welcome, Yueno Matisse." the father greeted me. 

"It's good to finally have you here. I'm Mrs. Cayman, but Lucinda will be nice," sabi ng maybahay ni Mr. Cayman saka lumapit sakin at inabot ang kamay ko. She look like a queen. Finesse and sophisticated. She was all smiles at me. Nakakailang ang gawi ng tingin sa akin ng brown niyang mga mata. Parang hinahalukay ang kaloob-looban ko.

I averted my gaze and look at our hands instead. Makinis ang balat niya kumpara sa balat kong halata ang hirap ng pinagdaanan sa buhay. Nakakahiya tuloy tanggapin.

"T-thank you." Di ko napigilang magstammer.

Di ko naman napansin ang paglapit ng isang babae, na tingin ko ay ang bunsong anak ng mga ito. Nagulat ako ng bigla akong yakapin nito at amuyin. Kinilabutan ako sa ginawa niya. Bakit mo aamoyin yung taong niyakap mo? Agad din naman siyang humiwalay.

"It's nice to finally meet you," ngiting ngiti nyang bati saken. 

Why does she look familiar? Napakunot noo ako. Pero hindi ko matandaan kung saan. Kasing taas ko lang sya at kulay burgundy ang hanggang bewang niyang buhok. May bahagyang kulot iyon sa dulo na bagay na bagay sa kanya. Nakukulayan naman ng maputlang asul ang napakaganda niyang mata. Kahit babae ako ay hindi ko mapigilang mabighani sa ganda nya.

"Oh, I can see admiration in your eyes, it's flattering," she giggled. Napakurap kurap ako. Hindi ko napansin na kanina pa pala ko nakatitig sa kanya. 

"Nagkita na ba tayo dati?" 

Biglang naging misteryoso ang aura nya saka ngumisi ng nakakaloko. "Maybe," sabi nya sabay talikod.

Naguluhan ako sa gesture at sinabi nya. Pero hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko na sya. Kailangan kong alalahanin kung saan ko sya nakita.

"Maybe you're tired, Matilde, please accompany her to her room. Lenora, we'll talk," may awtoridad ngunit malumanay na utos ni Mr. Cayman. 

"Let's go," excited akong hinila ni Matilde paakyat sa hagdan. 

Matilde pala pangalan ng bunso nila. Sumagi sa isip ko ang lalake sa may hagdan kanina. Sya marahil ang pangalawang anak ng mga Cayman. 

Those piercing grey eyes. What a mysterious man. Hindi man lang sya bumaba para igreet ako katulad ng pamilya nya. Not that I care but out of politeness. Maybe he doesn't me here. 

Umakyat kami sa engrandeng hagdan ng mga ito. Di ko maiwasang pasadahin ang daliri sa kulay ginto nitong railings. Napakasopistikado ng lugar. Kahit saan ka tumingin ay naghuhumiyaw ang karangyaan. Nakakailang gumalaw.

Sumagi sa isip ko ang nangyari kanina habang nasa byahe kami. Napatingin ako kay Matilde. Alam kaya nya ang tungkol sa mga humahabol sa amin kanina?

"Matilde, right?" tawag ko sa kanya. Ayokong maging feeling close but I have to try. Lumingon naman sya agad saken na seryoso ang mukha. Wala na ang kaninang friendly na aura niya. 

"You wanna know why they're following you?"

Napanganga ako. How'd--

"I can basically read your mind and you sure have a lot of things going in your head," walang kagatol gatol na sabi nya. "Now, you're wondering why I can read your mind."

Bumuntong hininga siya. Napatulala ako sa mga sinasabi nya habang lalong nagagatungan ang tanong sa utak ko.

"Cassius should be the one to tell you this. But I guess, I shall tell you now. We were vampires, Yueno."

Nahigit ko ang hininga ko kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. I just run away from bloodsuckers and now ended up here. Standing in front of me is the same kind to those who attacked me months ago. Di kaya sila ang talagang pumatay kay papa? Pero bakit? Masyadong loyal ang papa ko sa kanila para gawan nila ng masama. Napailing ako saka napaatras.

"Oh no! Hey, hey, hey! You stop right there! It's not what you think." Akmang lalapit sya saken ng umatras ako.

That's when I remember her. She's the one who killed those vampires at the cliff. Sya yung babaeng kasama nung nagligtas saken. Ibig sabihin, nandito rin sa bahay na to ang lalaking yon. Kung ganun, hindi kaya sya yung lalaking nakatayo kanina sa hagdan. Nilingon ko ang dinaanan namin. Little did I know, I was just one step away from him.

"There's no turning back, Yueno." Nilingon ko sya saka tinignan sa mata. Her eyes isn't red kaya marahil ay napapanatag pa ko. Or maybe the other way around. She was calming me. Maybe it's one of her ways to calm my senses.

Her face mirrored amazement. "Damn! You're brilliant." Huminga sya ng malalim. "Take a rest. We'll talk about this later." 

Tinuro niya ang isa sa mga magkakamukhang pinto roon. Hindi ko napansin kung gaano kalayo ang narating namin dahil sa lawak ng lugar. "Your luggage were already in there so there's nothing to worry about."

Pagkasabi noon ay saka niya ako nilagpasan. Para akong napapasong agad na napaiwas ng matapat siya sakin dahil na rin siguro sa takot na baka bigla nalang niya akong dambahin. Pero hindi pa man din siya nakakalayo ay tinawag na niya akong muli. Nilingon ko naman sya agad.

"Don't think of running away. Though I can hear your thoughts, it is much safer here than the outside. And you know that, Yueno."

Hindi ko alam kung naglakad ba siya o tumakbo dahil bigla nalang siyang nawala pagkasabi non. Napalinga ako sa paligid. It was deserted. Nahaplos ko ang mga braso ko dahil sa lamig ng hanging hindi ko alam kung saan nanggaling. Kinilabutan ako kaya dali dali akong pumasok sa kwartong itinuro ni Matilde. 

Binuksan ko agad ang ilaw duon. Hindi na dapat ako magulat sa laki noon pero hindi ko pa rin mapigilan. Doble ang laki nito sa dati kong kwarto pero imbes na matuwa ako ay nabalot ako ng lungkot. Nilock ko ang pinto saka ko nilibot ang lugar. Pinagbubuksan ko ang mga pinto roon. Ang isa ay napakalaking banyo at ang isa ay walk in closet. Nang makasigurong walang secret passage ay saka ako naupo sa kama. Naroon nga ang dalawang maleta ko sa may pinto ng closet tulad ng sinabi ni Matilde. 

With all of these extravagance I know I should be happy, pero hindi. I can't be happy with what's going on in my life. I miss my family. I miss papa. Nanubig ang mga mata ko pero pinigilan ko iyon sa pagtulo. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at isa-isang inisip ang mga nangyari sa buhay ko. Unti-unti na ring namigat ang mata ko. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, napakaswerte ko naman na siguro kung bakit hanggang ngayon buhay pa rin ako. At sa sitwasyon ko ngayon, mukhang kakailanganin ko ng maraming lakas para makatagal sa mga Cayman at sa mundong nag-aabang sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status