Halos dala-dalawang hagdan na ang hinahakbangan ko mapadali lang sa pag-akyat hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko. May kakaiba talaga sa araw na ‘to. Pagkagising ko pa lang kanina, ang bigat na talaga ng pakiramdam ko tapos nangyari pa ‘to kay Rue at pati si Axle sa hindi ko malamang dahilan bakit s’ya nandito.
Pagkarating ko sa mismong tapat ng pinto ng rooftop hindi na ako nagdalawang isip na buksan at bumungad nga sa akin si Fei. Lumakad pa ako ng kaunti para makita ang kabuuan ng rooftop at doon ko napagtantong hindi lang si Fei ang nandito.
Hindi nila napansin ang presenya ko pero agad akong napakunot noo sa presensya ng kasama ni Fei.
“Fei?” naguguluhang tawag ko. Dahil sa pagtawag ko ay nakuha ko ang atensyon nilang dalawa. Nakatayo sila samantalang ang isa ay nakaupo lang sa sofa nakatalikod sa direksyon ko.
“Angelic…” aniya.
“Bakit nandito si Rue?” agad kong tanong tapos naglakad na ako ng tuluyan palapit sa kanila. Si Rue ang na
I regain my awareness but I still feel the pain. It was terrible. I couldn’t move. Even opening my eyes and mouth to ask for help I could not do it because my whole body felt like cement. Nang magawa kong maidilat ang aking mga mata, agad kong nilibot ang paningin ko sa paligid. Madilim. Tahimik. At nanlalamig ang pakiramdam ko. My tears started to fell dahil mag-isa lang ako sa madilim na kwartong ‘to. Bigla ko naalala ang ginawa sa akin kanina ni Fei. She did inject me with some drugs that makes me paralyzed right now katulad ng ginawa nila kay Rue. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Why did she do that? I felt betrayed. I was definitely mad ngunit halu-halong emosyon na ngayon ang nararamdaman ko. Hanggang sa lumipas ang mga minuto at unit-unti na ring nawawala ang sakit na nararamdaman ko. Nagawa ko nang maigalaw ang aking mga daliri, kasunod ay ang aking mga braso, binti hanggang sa maging normal na ang pakiramdam ng buo kong ka
Umiling si Ruther at bakas sa mukha ang lungkot. Ngayon ko lang nakita ang gano’ng klaseng emosyon sa kan’ya. Tila apektado s’ya sa nangyari sa pinsan n’ya. “Tara na, ilalabas na kita. Hindi ka ligtas dito sa ospital, Angelic.” Nagtaka naman ako na napansin niya. “Ibig kong sabihin, dahil si Rue ang pinupuntirya ng mga nakapasok sa ospital malaki ang posibilidad na madamay ka dahil malapit ka sa pinsan ko.” Nakuha ko naman ang ibig n’yang sabihin kaya napatango-tango ako. May punto s’ya at kung delikado ako delikado rin ang kapatid ko. Saan ba s’ya dinala? Inilibot ko ang aking paningin ngunit naputol ‘yon nang magsalita si Ruther. “Let’s go,” aniya at naramdaman ko na lang ang mainit n’yang palad sa palapulsuhan ko. Habang hila-hila n’ya ako hindi ko maiwasang mapatitig sa kamay n’yang nakabalot sa palapulsuhan ko. Hindi ko alam kong anong nakita sa akin ni Ruther at nandito s’ya ngayon para iligtas ako. I’m just a simple Psyc
It was Fei. She also injected Carreon. Tulala lang s’yang nakatitig sa nakahigang katawan ni Carreon sa malamig na sahig. Tila naiiyak s’ya at hindi makapaniwala sa nagawa. “A-ako na ang b-bahala sa kan’ya, umalis na k-kayo,”’ nanginginig na sabi ni Fei na tulala pa rin kay Carreon. Hindi na ako nagdalawang-isp at agad dinaluhan si Ruther upang tulungan sa pagbangon. “Saan nakuha ni Carreon ang kutsilyong hawak n’ya?” nakangiwing tanong ni Ruther dahil sa sakit. Dahan-dahan ko s’yang tinulungan tumayo hanggang sa makatayo na ‘sya. “Sa mga tatanga-tangang mandurukot kanina, nahulog nila kaya kami nakatakas.” Walang emosyong sagot ni Fei at dahan-dahan na ring isinabit ang braso ni Carreon sa balikat n’ya. Bago pa man lumakad palayo si Fei ay kaagad akong nagsalita. “Nakikiusap ako, Fei, ayusin natin ‘to.” Bahagya lang s’yang lumingon patagilid at lumakad na ulit. Nang makalayo na si Fei ay binalingan ko na si Rut
Dere-deretso lang ako sa paglalakad ni hindi ko na magawang lumilingon pa sa kung sino man ang nasa paligid ko na kanina pa bumubuka ang mga bibig at sinusundan lang ako ng tingin. Para akong nabibingi sa mga tawag nila o sadyang iniignora na lang sila ng tenga at utak ko? Wala akong maramdaman tila manhid na ang buong katawan ko maging ang pag-iisip ko. Para akong dahon na hinahangin lang at nagpapatianod na lang sa kung saan man ako dalhin ng dalawang paa ko. Hindi ko na alam kung ano ang ire-react sa mga pangyayari dahil hindi ko inaasahang mangyayari ‘to sa akin. Patuloy lang ako sa paglalakad, tingin ko nga ay nagmumukha na akong baliw sa paningin ng mga nakakakita sa akin dahil kahit anong tawag nila sa akin hindi ako tumintingin at para akong wala sa sarili. Takbo-lakad ang ginawa ko hanggang sa huminto ng kusa ang paa ko sa tapat ng isang kwarto. Napatitig lang ako sa doorknob ng pinto at iniisip kung bubuksan ko ba o hindi. Sa paglipas ng min
Nagulat ang lahat sa loob at nagkaroon ng kaunting ingay at diskusyon. Napansin naman ‘yon ng Judge kaya agad n’yang pinatahimik ang lahat. “Order in the court!” wika ng Judge matapos pukpukin ng dalawang beses ang gavel. Nang wala ng kahit anong ingay bumaling na s’ya sa dalawang lalaking kakabalik lang kani-kanina. “Ano ulit ang nangyari sa akusado?” muling tanong ng Judge na naninigurado. Parang kahit ako nabingi, sana mali lang ako nang pagkakarinig. Lumakad ang dalawang lalaki palapit sa Judge na pinayagan naman. Magkakatapat na silang tatlo at hindi na rinig ang pinag-uusapan nila. Matapos ang mahigit tatlong minuto, naglakad na ang dalawang lalaki palabas ng korte. Nagkaroon ng katahimikan sa loob at halos lahat ng tao ay nag-aantay sa muling pagsasalita ng Judge. Kitang-kita ang hinga nito ng malalim at pagbuga ng hangin. Makalipas ang ilang segundo nagsalita na s’ya. “May nangyari sa isa pang akusado kaya hindi na natin mariri
Mas nilakasan ko pa ang pagsigaw ko. Nanginginig ang buong katawan ko maging ang kamay ko habang dinudukot ang cellphone ko sa bulsa na ayaw pa lumabas. “Ange, bakit? Ano ‘yan?” sigaw ni Tita Iselle habang papunta sa kung nasaan kami ni mama. “Si mama…” Umiiyak kong sambit habang tinitipa na ang 911 na numero. Tinapik-tapik ko muli ang pisngi ni mama ngunit hindi talaga s’ya gumalaw kaya sinubukan ko namang yugyugin ang kan’yang balikat sa pagbabakasakaling magising s’ya. “Ma, please! Wake up!” Tuloy-tuloy na sa pagbagsak ang luha ko sa aking mga mata. Nanginginig ako sa pagkakahawak sa aking cellphone. Sinubukan ko ulit yugyugin si mama dahil no’ng chineck ko ang pulso n’ya meron pa kaya nagbabakasakali ako ngayon. “Angelic! Anong nangyayari?” sigaw ulit ni Titan ang makapasok na s’ya sa kwarto. “Tita! Help! Tita, si Mama! Tita!” tila nakalimutan kong bumuo ng mga salita kaya tanging mga ‘yan na lang ang nabanggit ko.
Naalimpungatan ko naman s’yang tinanong, “Po?” “Tinaas mo pa ang kamay mo sa ere na parang may kinuha ka tapos nagulat ka pa.” Bigla namang nag-flashback sa utak ko kung ano ang napanginipan ko. Bwiset! Akala ko totoo wiw! Nakahinga naman ako ng maluwag. May kasabihan kasi na kung sino ang makakasalo ng bulaklak s’ya na ang sunod na ikakasal. Paano ako ikakasal e wala naman akong boyfriend? Bigla namang bumalik sa ala-ala ko ‘yong mukha ni Tita nang makita akong naglalakad sa gitna, bakit kaya gano’n na lang ang reaksyon n’ya? Nagulat ba s’ya sa clip na suot ko? Speaking of clip, hindi ko na maalala ang mukha no’ng lalaking ka-partner ko na s’ya ring nagbigay sa akin no’ng clip na ‘yon. Sino kaya ‘yon eh sa panaginip ko namumukhaan ko rin s’ya pero hindi ko lang alam kung saan ko s’ya nakita. “Mukhang malalim ang iniisip mo, Nak? Matulog ka na ulit alas dos pa lang ng madaling araw.” Wika ni Tita habang nakatingin sa akin. Tumango lang ako at
“Ano ka ba kung saan-saan ka pumupunta, maiiwan na tayo,” saway n’ya sa akin ng makalapit na ako sa kan’ya. Lumakad naman na kami pabalik ng simbahan. Unti na lang ang tao mukhang nauna na sa reception haha! “Nagugutom na ako,” wika na naman ni Tita. Natawa naman ako. Malapit lang ang reception at pagkarating namin ay nakahanda na ang lahat. Event place s’ya at hindi lang basta-bastang kainan. Sabagay ano bang ie-expect ko sa pamilya ni Stella? Mayaman sila kaya bawat birthday n’ya rin dati ay engrande talaga ang selebrasyon. Ilang minute lang ang inantay naming at nag-serve na ng pagkain ang mga waiter. “Wow, mas masarap to kaysa sa pagkain sa hotel,” “Tita,” mahina kong saway kay Tita dahil nakakahiya sa mga kasama naming sa lamesa baka marinig s’ya. Tita is really vocal. Kung anong gusto n’yang sabihin sasabihin niya talaga at walang makakapigil sa kan’ya. Sinamaan lang ako ng tingin ni Tita at muli nang kumain.