Axle, sabi ko bilisan mo naman ang pagmamaneho." Kanina pa ako naiirita dahil sa napakakupad ng kapatid ko mag-drive. Late na nga ako tapos gan'yan pa s'ya.
"Anong magagawa ko eh traffic, sana bulldozer na lang binili mo."
Sa kabila ng pagtataas ko ng boses sa kan’ya ay s'ya namang hinahon pa din at may pagbibiro pang boses n'ya. That's the other thing I loved about him, kahit ga'no na kagulo sa bahay s'ya, nananatili pa ring kalmado. Pero sa sitwasyon kasi ngayon iba, late na ako at kapag lumampas pa ng sampung minuto ang pagkaka-late ko, mapapagalitan na ako ni Mrs.Romana. Si Fei na lang ang tanging nakikita kong pag-asa kaya nawa'y ilusot n'ya ako kapag nagtanong si Chief kung nasa’n ako.
Sabagay, bakit ko ba kasi sinisisi kay Axle ang pagkaka-late ko eh, kasalanan ko naman talaga. Ay mali, kasalanan ‘yon ng folder na ibinigay sa akin ni Mrs.Romana. Hindi ko s'ya natapos basahin dahil inabot na ako ng alas tres knowing na gigising ako ng five AM para sa seven AM kong duty sa ospital. Para kasing novel ‘yong folder na ibinigay sa akin ni Chief nakaka-excite basahin dahil lahat talaga ng katanungan ko unti-unting nasasagot sa bawat paglipat ko ng pahina.
Naramdaman ko ang paparating kong hikab kaya hinayaan ko ang sarili nang bigla na lang ‘yong maputol sa kadahilanang nagulat ako sa lakas ng busina ng kotseng nasa likuran namin.
"What the?!" iritado kong sigaw. Hindi lang naman s'ya ang nababadtrip sa traffic kaya wag s’yang bumusina sa amin na akala n'ya wala ring kotse sa tapat.
"Kalma ate, itulog mo na lang muna ‘yan. Gigisingin na lang kita kapag nasa ospital na tayo.”
"Talagang gigisingin mo ako dahil kapag hindi, malilintikan ka sa ’kin,” may pagbabanta kong wika bago tuluyang pumikit. Hindi naman nagtagal ay tinangay na rin ako ng antok kaya nakatulog na ako.
Tulala akong nakaupo habang tinititigan ang medical chart ng pasyenteng pupuntahan ko ngayon. Wala ako sa sarili, mali ata ang desisyon kong matulog kanina, sana pala ay nagdala na lang ako ng almusal at sa kotse na lang ‘yon kinain. Ito tuloy ako ngayon walang energy dahil walang almusal.
7:05 AM na at nagsisimula na dapat akong mag-round pero ayaw talaga ng katawan ko.
"Ano kayang pinagpuyatan ni Angelic kagabi, napapaisip ako." Pagpaparinig ni Fei na kakapasok lang ulit sa office namin. Base sa tono ng pagkakasabi n'ya, nang-aasar s'ya.
"Kasalanan ni Axle, kupad kasi." Paninisi ko kahit ‘di naman talaga s'ya ang may dahilan. Ayoko lang talagang sabihin kay Fei ang tungkol sa folder dahil ‘yon ang bilin ni Mrs.Romana. Pero, sa totoo lang naguguilty ako kasi para akong naglilihim kay Fei kaso wala naman akong magagawa dahil ‘yon ang sabi ni Chief.
"Sana lumipad ka,” natatawa n’yang tugon bago ilapag sa lamesa n'ya ang medical chart din na dala n'ya kanina pagpasok.
"Hinanap ba ako ni Mrs.Romana?” ‘Yan talaga ang kanina pa bumabagabag sa akin kahit hindi naman ako sampung minutong huli sa duty ko.
Nanatili lang ang tingin ko kay Fei na naghihintay sa sagot n'ya. Sandali naman n'yang sinarado ang medical chart na binabasa bago ako lingunin.
"Hindi, pero may babaeng pumasok dito kanina at nagtanong,"
"Babaeng nagtanong?” kunot-noo kong tanong.
"Oo nga babae, bingi ka ba?" Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil sa sarkastiko at mapang-asar n'yang tinig. "Sabi n'ya nasaan daw ang Psychologist ni Rue Fabias, hindi ko naman kilala ‘yon kaya tinuro ko na lang s'ya sa nursing station para ‘don magtanong.”
Mas lalong nangunot ang noo ko. "Bakit n'ya naman ako hinahanap?"
Biglang rumehistro ang pagkagulat sa mukha ni Fei pero nawala rin naman kaagad ‘yon. Nagkibit balikat na lang s'ya dahil hindi n'ya rin alam kung bakit ako hinahanap no’ng babaeng kinukwento n'ya. "Ikaw pala hinahanap n'ya, hindi ko rin sigurado baka siguro may sasabihin sayo tungkol sa pasyente mo? gano'n naman palagi pero bakit kaya ikaw agad ang hinanap n'ya imbis na si Mrs.Romana since s'ya naman ang Chief n'yo?"
Wala na, parehas na kaming naguguluhan sa nangyayari pero tingin ko ay tama naman si Fei baka nga may sasabihin lang sa ’kin tungkol kay Rue. Kaano-ano kaya s'ya ni Rue?
"Pero alam mo nagtataka ako, Fei,” saad ko.
"Saan?" Baling n'ya sa akin.
"Alam natin na hindi dapat basta-basta nag a-assign ng isang health allied sa isang pasyente hangga't ‘di pa nito buong alam ang sakit ng hahawakan n'ya ‘di ba?” Napatango-tango naman si Fei na tila sumasang-ayon sa sinabi ko.
"Oo lalo na sa kaso mo na bago ka pa lang dito tapos ‘yong sa 13th floor na kaagad ang in-assign sayo. Pero malamang ay sinusubukan ka lang talaga ni Mrs.Romana kung kaya mong i-handle ‘yong patient at sa tingin ko tama naman s’ya ng pinili, ‘yon nga lang sa ngayon okay pa ‘yan pero dati ‘yong mga naunang nag-handle d'yan na Nurse at Psychologist, lahat umaayaw."
"Ha? umaayaw bakit?" litong-lito kong tanong.
"Hindi nakatatagal sa ugali ng pasyente.” Tumigil s'ya at saka ako tiningnan ngunit tila napansin n'ya sa itsura ko na kulang pa ang sinabi n'ya kaya ngumiti lang s'ya at muling nagdugtong ng mga salita. "Iyong iba napapagod at ‘yong iba ay nagre-resign talaga dahil natatakot na daw sila.”
Tuluyan nang naghalo ang pagkalito at pagkagulo ng isipan ko dahil sa sinabi ni Fei, pero isa lang ang malinaw sa akin...bumalik na naman ang pagkirot ng puso ko dahil gano'n pala ang tingin at naranasan sa kan'ya ng mga Nurse at Psychologist na humawak sa kan’ya dati. Napapaisip ako kung hanggang kailan lang ang itinagal nila dati kay Rue?
Sa ikli pa lang ng panahon na na-handle ko si Rue, isang beses n'ya pa lang ako napagbuhatan ng kamay at tiyak akong ‘yon ang dahilan ng iba kung bakit sila nag-resign. Ngunit kung tutuusin ang mga gano'ng bagay katulad na lang ng pabago-bagong mood ng pasyente, pagkamainitin ng ulo, at pagkabayolente ay normal lang sa kanila dahil may problema sila sa isip, kaya hindi ko lubos maintindihan na bakit hindi nakatagal ang ibang humawak sa kan'ya. Bilang allied health professional, kami dapat ang unang nakaiintindi sa kanila.
"Sa dami ng mas matagal na sa ‘king Psychologist dito, bakit ako?”
Muli na namang nagkibit balikat si Fei.
"Gusto na ata nila ako paalisin dito," pabiro kong sabi na ikinasama ng tingin ni Fei sa ’kin.
"Umayos ka nga, kilala ko ang ospital na 'to hindi nila basta-basta bibitawan ang mga katulad natin dahil may nakikita silang potensyal sa ’tin. May isa pa pala akong nakalimutan banggitin sayo,”
Umakyat na naman ang lebel ng kyuryusidad ko dahil sa sinabi n’ya, alam naman namin na bawal pag-usapan ang mga pasyente pero minsan hindi talaga mapipigilan.
Nakuha n'ya ang buong atensyon ko kaya ngayon ay nakatutok lang ako sa kan’ya habang hinihintay ang pagsasalita n'ya.
"Hindi ko alam kung dapat ko ba ‘tong sabihin sayo pero, take this as my advice na lang. May isa ng Nurse ang muntik nang mamatay dahil sa pasyente sa 13th floor isang taon pa lang ang nakalilipas at maliwanag na sa ‘kin na si Rue ang pasyente n’ya no’n.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Fei. Tila namanhid ang buong katawan ko dahil do'n. I can't composed a single word, I was flabbergasted. I kept my gaze on Fei because my mind still couldn't absorb what she just said.
Nang makabalik ako sa ulirat ay nilubok ng kaba at takot ang buong pagkatao ko nang maalala ang nangyari nang minsan n'ya akong tusukin gamit ang tinidor na hawak-hawak n'ya. Hindi malabong sa gano'n din lang nag-umpisa ang naranasan ng ibang Nurses at Psychologists sa kan'ya.
Ngunit kahit ganoonpaman, hindi sumagi sa isip ko ang mag-resign at takbuhan ang trabaho o kamuhian s'ya dahil may kung ano sa puso ko na sumisigaw na gusto ko s'yang alagaan dahil alam ko na kaya lang n'ya nagagawa ang gano'ng bagay ay dahil lamang sa sakit n'ya.
I can't explain but even I have fear in my heart I am still ready to help and take care of him without hesitation. Because I can't just watch him eaten away by his own disorder. Even he closes his eyes, I can still saw the pain and sadness drawn in his face. I promised to myseld that someday that loneliness will come to an end.
Hindi man ako ang Naglalang para sa isang pitik ko lang mapapagaling ko na s'ya at maibabalik ko na sa normal ulit ang buhay n'ya pero gusto kong tumulong kahit sa sarili ko lang na pamamaraan. I want to be on his side whenever he needs someone to talk to and someone who can stay with him in his battle.
Lahat ng tao may hangganan pero hangga't kaya ko, nasa tabi n'ya lang ako. Alam kong mapapagod ako pero hindi pa ngayon, hindi muna.
"Pero alam mo, Angelic, kaya nga tayo nasa propesyong ‘to ‘di ba? to help and understand them. Oo, minsan mahirap sila intindihin pero kahit hindi nila hingiin ‘yon alam nating 'yon ang kailangan nila. May mga bagay lang talaga lalo na sayo at sa mga nagdaang Nurses at Psychologist sa kan’ya na mahirap maintindihan dahil sabi nila kakaiba ang kaso n’ya.”
Paulit-ulit na um-echo sa loob ng tainga ko ang tawa, iyak at sigaw ng iba't ibang pasyenteng nadadaanan ko sa bawat k'warto. Hindi naman na bago sa akin ‘yon dahil sa isang buwan kong pamamalagi dito ay medyo nakasasanayan ko na rin 'yon. Mas nakabibingi na nga sa akin ang katahimikan kaysa dito sa hallway.
Kasama ang medical chart n'ya ay pumasok na ako sa elevator para umakyat sa k'warto n'ya. Sa tingin ko ay gising na s'ya sa mga oras na 'to dahil 7:48 AM na. Napaisip tuloy ako kung may Nurse na ba’ng tumulong sa kan'ya para kumain.
Binaybay ng elevator ang sampung palapag at tumigil lang ‘to nang makarating na sa 13th floor. Gaya ng mga nakaraang araw tuwing pupunta ako dito ay tahimik pa din malayong-malayo sa ingay na mayro'n sa ibaba. Hindi na ako nagtagal pa at dumiretso na ako kung nasa'n ang k'warto n'ya
Pagpasok ko ay kaagad ko s'yang hinanap pero hindi s'ya nahagip ng mata ko. Dederetso na lang sana ako sa k'warto n'ya nang mapansin ko ang mga pagkain sa kan'yang lamesa. So, may dumating na ngang Nurse o Aide kaso bakit walang bawas ang mga pagkain at mukha na rin ‘tong malamig dahil wala ng usok na nanggagaling mula do'n.
Napagdesisyunan kong tingnan s'ya sa k'warto n'ya kaya lumapit na ako do'n at pinihit na ang busol nang bigla na lang din may humila no’n sa kabilang banda dahilan para mahila ako no'n.
HER POV"When I met him, to be honest nawe-weirduhan ako sa kaniya. He's kinda funny pero 'yong mga jokes niya walang sense hahaha! He likes to ask so many question to the point na parang imbestigador na siya like what's my favorite color, number, music, movies it's like an autograph book na sinasagutan natin noong mga bata pa tayo, ganun siya. And akala ko childish siya dahil sa pagiging ganun niya akala ko late nagdevelop yung utak niya but when I got to know him more deeply, my first impression was untrue. He is really a matured man. He has a lot of words of wisdom. Matututo ka sa kaniya, kung ano 'yong paniniwala niya sobrang hypnotic ng mga sinasabi niya kaya minsan talo eh whenever we had a fight or argument haha! Siguro nga ginayuma niya ako gamit yung mga salita niya kaya kami na ngayon haha!"Nagtawanan ang mga tao, nilingon ko naman siya at ang sama na ng tingin niya sa akin hahaha! ang ganda ganda ng mga sinabi niya tungk
HIS POV"When I met her, that was the moment I told to myself "I already found my better half" while looking at her from afar. She just simply brushing her hair using her fingers and I just couldn't help myself from staring at her for a minute or two. That moment I want to approach her and say "Hey beautiful girl, can I get in into your world?" I don't care if I became weird or corny here but that's just how I met her. She got all of my attention without even trying or giving an effort. And from that moment until here today, I've never seen nothing like her. "Narinig ko ang hiyawan ng mga tao matapos kong magkwento.Napatingin ako sa babaeng pinakamamahal ko at nakangiti lang siyang pinagmamasdan ang mga tao na natutuwa sa kwento ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatitig sa kaniya. Kulang na kulang pa ang mata ko para lang ma-capture lahat ng kagandahan niya.Never kong hinilin
Kabanata 62 "Sino o may gusto ka bang maging kamukha?" Kalmadong tanong sa akin ni Doc. Umiling iling naman ako at bahagyang ngumiti. "Ikaw na ang bahala, basta ang gusto ko lang ay hindi na ako makikilala nina Rue. Gusto ko na maging malaya," tugon ko na ikinatango tango naman ni Kiyoshi. Iniharap niya sa akin ang computer screen kung saan nandoon ang mukha ko at mga adjustment na gagawin niya. He explained it very well, even the procedures. Tumango ako matapos niyang nagpaliwanag. Napangiti ako sa kaniya dahil hindi ko alam na ito pala ang propesyon niya. I judge him easily dahil akala ko madaldal lang talaga siya na tao. Bigla kong
"Ako."Kitang kita ko sa mata ni Pierre ang pagkagulat. Hindi kaagad siya nakapagsalita matapos kong sabihin na ako ang magpaparetoke.Oo ako. Ito na lang ang nakikita kong paraan para matapos na ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na ako ang masisisi sa krimeng sila naman talaga ang gumawa. Oo mayaman sila kaya kayang kaya nilang takpan lahat ng bahong pwedeng lumabas tungkol sakanila pero paano naman akong mahirap lang?Hindi ko kayang pagbayaran ang krimeng hindi ko ginawa. Alam kong kahit anong tago ang gawin ko hindi ako makakawala sa kanila kaya ito na lang ang tangi kong naiisip. At oo aware rin ako na mahal ang magparetoke pero ako na ang bahalang makipag usap. Im not going to use my Profession to manipulate, hypnotize o ano makikipag usap ako bilang pasyente."B-bakit mo naman naisipang magparetoke?" Nagugulahang tanong ni Pierre."May natanggap akong text
“Oo dahil pakiramdam ko may utang na loob ako sayo.”Sakto namang red light kaya nakahinto lahat ng sasakyan. Napatingin siya sa akin.“Utang na loob? Dahil ako yung humabol sa lalaki?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. Nakita kong nawala ang ngiti niya sa labi na kanina pa naguhit doon.“Alam mo habang tumatanda ako natutunan kong h’wag humingi ng kapalit sa mga bagay na binigay ko o ginawa ko kasi ginawa ko ‘yon ng bukal sa loob at walang hinihintay na kapalit. Hindi ko sinasabing wag kang tumanaw ng utang na loob pero lagi mo rin iisipin na hindi lahat ng tao humihingi ng kapalit. Hindi masamang suklian ang kabutihang ginawa nila sayo pero para bayaran sila eh gagawa ka rin ng mabuti sa kanila pero labag naman sa loob, edi sana hindi mo na lang ginawa. Where’s the sincerity there?”Nagulat ako dahil bigla siyang sumeryoso. Prankster ba ‘tong lalaki na ‘to? Joker? O baka may mul
Kahit mainit nag abang na lang ako ng dadaang taxi baka meron naman, sadyang hindi ko lang natyempuhan na may mga pasahero ring nag aabang.Inabot na ako ng limang minuto sa pag-aantay hanggang sa may humintong puting kotse sa tapat ko. Kulay taxi naman sana siya pero malinis ang kotse at walang kung anong sulat. Private car yata ito.Nag-abang ako sa pagbaba niya ng bintana.Again, nagulat na naman ako sa kung sino ang sakay ng kotseng nasa harapan ko.Napapikit pikit ako dahil baka kamukha lang pero parang siya talaga. Pinagmasdan ko ang loob ng kotse at mukhang ito nga ang nasakyan ko kanina.Hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng kotse at pinagbuksan na ako ng pinto. Napatingin ako sa kaniya.“Hindi magandang nabibilad, lalo na ang babaeng katulad mo.” Nanatili lang ang titig ko sa kaniya hanggang sa ngumiti siya na parang close na close kami.Bakit siya nandito? Hindi ba siya umalis nung binababa niya ako sa ta