Share

Ghosting

*Alana*

"Sige lang, sumubo ka lang. Hindi ka naman tataba kung makakaubos ka ng sampung gallon ng ice cream. Actually, inihanda ko talaga lahat ng 'to noong nararamdaman kong nagloloko na sa'kin 'yong ex boyfriend ko. Kaya lang sa sobrang sakit na naramdaman ko kahit ice cream 'di ko kayang lunukin." Pabirong sabi ni Molly.

Nakakailang baso na ako ng ice cream.

Sabi nila kapag malungkot dapat kumain ng mga sweets para hindi maging bitter. Tangna magkakadiabetes na ako bakit ang sakit pa rin ng nararamdaman ko.

"Bakit ba kasi nagpaghost ka rin?" Panenermon ni Molly.

Muli na naman niyang sinalinan ng ice cream 'yong baso ko. Mas maigi na 'to. Kung magpapakalunod naman kasi ako sa alak sasakit lang 'yong ulo ko kinabukasan. Hindi ako puwedeng umabsent. Ayaw kong sayangin 'yong binigay na second chance sa'kin ni Mr. Marquez.

"Hindi ko naman kontrolado ang lahat, Molly. Katulad mo 'di ba ilang beses ka na ring na-ghost?" Tiningnan ko pa siya saka muling sumubo ng ice cream.

Inirapan niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status